Eloisa POV Dumating ang araw ng food audition namin sa TGH ito ang hotel na katabi lamang ng aming condo. Tatlong main dishes at tatlong desserts ang ipinahanda sa amin .Maaga akong nagising at katulong ko sai Max sa pagluluto.Mabuti na lamang at si Max ay nag-aral rin ng culinary arts kaya hindi na ako masyadong nahihirapan. Dalwang desserts ang ginawa ko at ang isang ulam para sa main dish na specialty ko.Si Max naman ang nagluto ng dalawang ulam para sa main dish at isang desert.Alas dies ng umaga ay nagset-up na kami sa convention hall ng hotel.Ginalingan ko rin ang table presentation na natutunan ko sa states dahil ,yung mga kalaban namin ay pawang mga magagaling rin. Nasa siyam o sampu ang kalaban namin at ang screening o judging ay malapit na raw mag-umpisa at hinihintay na lamang