Mabilis akong nakarecover dahil sa triplets na nagsilbing inspirasyon ko sa buhay.Pagkalipas ng tatlong buwan ay kinumbinse ako nina Ryu at Issa na magtraining sa baking and culinary school. Tatlong buwan lang naman iyon at matagumpay akong nakakuha ng certificates at iyon ang naging sideline ko. Maraming mga Pilipino doon na umoorder sa akin ng mga cookies, cakes at mga Pinoy foods na rin. Dahil doon ay nakakapag-ipon ako ng pera sa Triplets at para makapagdala rin ako ng kaunti sa mga magulang ko na nasa Pilipinas. Bukod kasi sa bayad ng mga inoorder nila ay may tip pa silang ibinibigay sa akin.Sa tulong na rin ni Ryu ay nakapagmaneho na ako ng kotse at naging pamilyar na rin ako sa lugar dahil minsan ay ako ang nag-dedeliver kasama ang triplets. Wala akong masabi sa ugali nina Ryu at a