Nauna na kaming umuwi ni Max pagkatapos ng eksenang iyon ni Timothy sa rooftop. Kinausap nila ako na makikipag-inuman na muna kay Ryu. Pagdating sa condo ni Ryu ay naligo na muna ako. Ayokong tumabi sa aking mga anak na hindi presko ang katawan. Naalala ko na bukas pala ay dapat nakaready na ang lahat sa resto dahil sa nalalapit na grand opening ng hotel. Hindi ko maiwasang isipin ang ginawa kanina ni Timothy. Ganoon na ba talaga ito kadesperado upang tumalon sa gusaling iyon? Nababaliw na yata ang lalaking 'yon. Sinuklay ko ang aking buhok sa harap ng salamin. Ang dali' kong nauto ni Timothy. Sigaw ko sa aking isip. Ngunit sa kabilang banda ay napapangiti ako. Malayo ito sa dating mapanakit na Timothy noong una pa lamang kaming magsama. Bibigyan ko na nga ba ito ng chance na magk