" Someones's really jealous Loise," bulong sa akin ni Ryu nang marinig ang malakas na pagbalibag ni Timothy sa pinto. " Ang lalaking 'yon magseselos sa akin? Eh, hindi na nga mabilang sa daliri ang babae n'on!" " Mmmm hanggang kailan mo siya titiisin Loise? Hindi mo na ba siya mahal? " " Ryu, ako ba talaga ang kakampi mo? Alam mo naman kung ano ang ginawa sa akin noon ng Timothy na 'yon!" " I'm just sayin' Loise. Nararamdaman ko naman na mahal mo pa rin siya, kilala kita.Sometimes, forgiveness will set you free . Malay mo kapag napatawad mo siya eh magiging malaya ka na at mas magiging masaya ! Baka totoo nga na nagsisi na siya, "seryosong saad nito sa akin. Kinuha ko ang isang baso na may laman na tubig at ininom ito. " Not now!" sagot ko. " Well mabuti pa, mag-unwind tayo mamaya.