Chapter 2- May iba ka na pala

1404 Words
" Anak, kailangan pala natin pumunta mamayang gabi sa Mansion nina Donya Matilda." saad ni Nanay sa akin. Araw ng sabado at kasalukuyan akong naglilinis ng kusina. "Si Donya Matilda po Nay? Ang mama ni K-kuya Timothy?" tanong ko kay Nanay. Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin ay nandito rin si Tiimothy? Naalala ko tuloy ang pangako nito. Tatlong buwan mula ngayon ay ika-labinwalong kaarawan ko na. "Kaarawan ni Donya Matilda. Nangangailangan raw ng extrang tao para tumulong manilbihan mamaya. Nandiyan rin daw si Senyorito Timothy.." Biglang lumakas ang t***k ng aking puso nang marinig ang pangalan ni Timothy. Bakit pangalan pa lamang niya ay parang nanginginig at kinakabahan na'ko? Ano na kaya ang itsura nito? Parang gusto ko na lamang hilahin ang oras upang makita at makausap ang lalaking naging inspirasyon ko upang magpursige sa pag-aaral. Alas cinco ng hapon ay nagbiyahe na kaming dalawa ni nanay patungo sa mansyon nina Donya Matilda. Nang dumating kami ay kasalukuyang hinahanda na ang pagdadausaan ng kaarawan ng Ginang. Namangha ako sa ganda ng lugar na pagdadausan ng selebrasyon. 60 anyos na pala ngayon ang ginang kaya naman pala napaka-enggrande ng selebrasyon. Sumunod ako kay nanay sa loob ng kitchen ng mansion. Tumulong kami sa paghahanda ng mga gagamitin mamaya. "Maligayang kaarawan Donya Matilda!" narinig kong bati ni Nanay at ng iba pang mga kasamhan namin. "Maligayang kaarawan po Donya Matilda!" sunod kong bati. "Maraming Salamat.Naku Maricel.. Ito na ba ang panganay mo? Eloisa, ikaw si Eloisa hindi ba? Naku ang gandang bata. Maricel ang ganda ng anak mo!" mahinahong sambit ng Donya. Sa boses pa lamang niya ay batid kong napakabait ng Donya. Hindi ito mata-pobre at parang normal lang rito ang maki-usap sa kagaya naming mahihirap. Hindi pala lahat ng mga Donya ay masama ang ugali kagaya sa mga palabas sa telebisyon. Nang matapos na naming ayusin ang mga gamit ay lumabas na muna ako sa mansion. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Nasaan na kaya siya? Hinahanap niya rin ba ako? Upang makapagpahinga ng sandali ay umupo na muna ako sa may duyan sa baba ng isang malaking puno ng acacia. Inayos ko ang aking puting bestida na palagi kong suot kapag may mga handaan akong pinupuntahan. Habang dahan-dahan na dumuduyan ay biglang bumigat ang talukap ng aking mga mata. Ang dampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking pisngi ay wari'y hinihila ako na matulog kaya naman inayos ko ang aking bestida at humiga ako sa duyan. Kailangan kong umidlip kahit saglit man lamang para mamaya. Medyo madilim na ang paligid nang magising ako. Hinawakan ko ang isang maong na Jacket na tinatakpan ang aking mga hita. Inilibot ko ang tingin sa paligid, wala naman ibang tao sa likod ng mansion. Tumayo ako at pinuntahan ulit si Nanay sa kusina. Kinuha ko ang aking bag at sinuklay ang aking mahabang buhok. Itinali ko ito at naglagay ng kaunting pulbos sa aking mukha. Inilagay ko ang maong na jacket sa tabi ng aking bag atsaka tumayo na ulit dahil hindi magtatagal ay magsisimula ang selebrasyon. Maraming mga bisita na nabibilang sa alta-sociedad ang dumating. Bakas sa mukha ng Ginang ang kasiyahan sa araw ng kanyang kaarawan. Luminga ako sa paligid ngunit wala ang taong kanina ko pa hinahanap. Ang taong matagal na panahon ko nang gustong makita. "Miss, wine please..." dinig kong sad ng boses ng lalaki sa likuran ko. Tumango ako at kumuha ng tray na may wine at lumapit sa grupo ng kalalakihan. Apat na lalake sila na puro berde ang mga mata kagaya ng kay Timothy. Napakagwapong mga nilalang ang aking nakikita ngayon. Umalis ako pagkatapos kong ilaoag ang wine sa mesa nila. "Ladies and gentlemen, Let's welcome the only son of Donya Matilda. Mister Timothy Geller at ang kanyang fiancee soon to be Mrs. Geller... Miss Melissa Uytengco." Sabay ng pag-akyat ng dalawang magkapareha sa taas ng entablado ay ang palakpakan ng mga tao. Nakangiting mukha ni Timothy ang aking nakita habang nakahawak ito sa bewang ng isang maganda, sexy at sopistikadang babae. Mas pumuti si Timothy at mas lumapad ang katawan ni Timothy. Mula sa malayo ay naaninag ko pa rin ang kagwapuhan nito. Ang makapal at itim nitong kilay at ang mapupulang labi at ang ilong na matangos na bumagay sa aura ng mukha nito. Hindi ko napansin na nabitawan ko na pala ang tray na aking dala-dala. " Eloisa, okay ka lang? " tanong sa akin ni Ghay. Ang aking kasama na anak rin ng isang tagasilbi sa mansion. T-tumango ako. "O-oo Ghay nadulas lang. Pwedeng gumamit ng comfort room saglit?" "Oo naman Eloisa. Ako na muna ang bahala rito." sambit nito sa akin. Inilock ko ang pinto ng CR at doon ako umiyak. Pinakiramdam ko ang aking sarili. Napakalamig ng buong katawan ko. Ba't ang sakit? Hinawakan ko ang hugis pusong pendant ng kwintas na suot-suot ko pa rin hanggang ngayon. " Nasaan na ang pangako mo Timothy? Ba't ang dali-dali lamang sa'yo na kalimutan ako? Ba't ka pa nagpangako kung hindi mo lang rin kayang tuparin! Ang daya mo Timothy Geller. Pinaasa mo lamang pala ako!" Hinugasan ko ang aking mukha at inayos muli ang aking sarili. Gagawa ako ng paraan upang makausap siyang muli. Hindi ako papayag na hindi niya masasagot ang lahat ng katanungan ko sa aking isip. Nagtiwala ako sa kanya. Pumunta ako sa likod ng mansion at umupo sa duyan na tinulugan ko kanina. Tumingin ako sa kawalan. Bata pa ang puso ko pero nagmahal ako ng totoo. Naghintay dahil alam kong babalik siya. "It's too cold out here Eloise..." tumigil ang ikot ng aking mundo nang marinig ko ang baritonong boses sa aking likuran. " Timothy?Bumalik ka... Akala ko nakalimutan mo na ako. Akala ko hindi mo na tutuparin ang pangako mo sa akin noon.. " tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at tumingin ng diretso sa aking mga mata. " Loise, you we're too young that time to believe in fairytales. I promised you way back then for you to be inspired. Gusto kong mag-aral ka ng mabuti kaya sinabi ko iyon eventhough I don't mean it." Parang isang libong kutsilyo ang isinasaksak sa aking dibdib nang marinig ang sinabi ni Timothy. " Listen, Loise you are all grown up now. You look more beautiful and so much like a lady by now. Alam kong makakahanap ka ng lalakeng kaedad mo. C'mon kalimutan mo na 'yung dati.' Yung noon dahil hindi na maibabalik 'yun. Listen, malapit na' kong ikasal." Niyakap ko ulit siya nang mahigpit. " Timothy... Simula noon ikaw lang ang minahal ko. Nag-aaral ako hindi lamang para sa pamilya ko kundi dahil na rin sa'yo dahil alam kong babalikan mo'ko. Naging matatag ako nang dahil sa'yo kasi ikaw lamang ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin na ituloy ko ang pangarap ko. " " Honey... " isang boses babae ang aking narinig. Tinanggal ni Timothy ang aking mga braso na nakayakap sa kanya. " Hon, Come here!" Tinawagan ito ni Timothy at mas sumakit ang aking dibdib nang hinalikan nito ang babae sa harapan ko." Si Eloisa, ang kababata ko rito noon kapag nagbabakasyon kami rito ni Mom." Ngumiti lamang ang babae sa akin ngunit alam kong nagselos ito sa nadatnan. "Excuse us Eloise. See you around!" tanging sambit ni Timothy at iginiya na ang babaeng kasama pabalik sa selebrasyon. "Saan ka ba galing girl? Kanina pa kita hinihintay!" sambit sa akin Ghay. Ngumiti na lamang ako sa kanya at tinulungan siyang magligpit ng mga gamit. May mga waiter naman ang naroon pero sa dami ng tao ay kulang ang mga ito kaya may mga tagasilbi ring inilagay si Donya Matilda. Alas onse ng gabi nang matapos ang party. Sa isang malaking kwarto kaming lahat matutulog dahil gabi na. Bukas ng umaga kami uuwi ni nanay. Naligo at nagpalit na muna ako ng damit bago ako humiga sa higaan sa tabi ni Nanay. Nang makaramdam ako ng uhaw ay pumunta ako sa kitchen upang uminom ng tubig. " Please bring me wine on my room! As soon as possible please. " boses ni Timothy ang aking narinig nang lumingon ako ay wala na ito. Tiningnan ko ang aking sarili. Maiksing cotton shorts at sleeveless na puti lamang ang aking suot. Binalewala ko na lamang ang itsura ko. Kinuha ko ang bote ng wine at isang glass wine at umakyat na sa kwarto ni Timothy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD