Eloisa
"Kuya Timothy... hihintayin ko ang pagbabalik mo pangako." kumikislap ang aking mga mata habang nakatingin sa magagandang mata ni Kuya Timothy.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa tuktok ng burol na paborito naming tambayan. Uuwi na kasi si Timothy sa Britain dahil tapos na naman ang bakasyon nila sa Pilipinas. Kasama nito ang Mama nitong si Senyora Matilda isang Pilipina na nagka-anak sa isang mayamang briton, ang ama ni Kuya Timothy Geller.
Pinisil niya ang aking baba at ngumiti." Yeah Loise.. Pangako ko rin sa'yo na babalikan kita. Just give me six years baby.. Babalikan kita kapag nasa tamang edad ka na. I will make you my girlfriend at ikaw lamang ang papakasalan ko!"
"Salamat.. K-kuya Timothy... Pangako, mag-aaral akong mabuti para sa'yo!"
Sa batang puso ko ay alam kong espesyal si Timothy Geller sa akin. Dahil sa kanya ay determinado akong mag-aral ng mabuti. Sampung taon ang tanda niya sa akin. Dose ako at beinte dos na siya. Simula palang noong nagkakilala kami ay alam kong crush ko na siya.
"Y-yeah ipangako mo na hindi ka muna magkaka-boyfriend ha? Mag-aaral ka ng mabuti Eloisa!" seryosong saad nito sa akin habang pinipisil ang aking kaliwang palad.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Ang mga magulang ko ay care taker ng mansion nina Timothy. Lima kaming magkakapatid. Ako ang panganay at ang bunso kong kapatid ay puro babae rin na edad walo, lima, apat at tatlong taon. Mahirap ang buhay namin lalo pa't parehong hindi nakapag-aral ang aming mga magulang. Hindi rin prioridad ng aking mga magulang ang pag-aaral. Mabuti na lamang at inutusan sila nina Senyora Matilda na pag-aralin ako. Kaya naman, swerte ko dahil first year high school na ako ngayon sa malapit na pampublikong paaralan.
Naramdaman kong hinawakan ni Timothy ang aking baba at dinampian ako ng halik sa labi. Napakabilis na halik lamang iyon ngunit ramdam ko ang kanyang malambot na labi sa aking mga labi.
Napapikit ako. Unang halik ko 'yun.
"Hey!" tawag nito sa akin. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay nakatayo na ito at iniaabot ang isang palad sa akin.
Namula ako sa hiya ngunit inabot ko ang kanyang kamay at tumayo na rin. Ang tangkad ni Timothy. At sobrang gwapo niya. Hindi ako makakapaniwala na ganito ang magiging boyfriend ko kapag disiotso na ako.
"Napakabata mo pa talaga Eloisa." sambit niya sa akin.
Magkahawak kamay kaming naglalakad pabalik sa mansyon. Sa hindi kalayuan ng mansion ay naroon ang kubo namin.
" Kuya... Alam mo ba na first kiss ko 'yon? Hindi ba' ko mabubuntis?Natatakot ako.." seryoso kong saad.
Mahina itong tumawa dahil sa sinabi ko.
"Isip bata ka talaga Loise... Napakainosente mo pa talaga. It was just a kiss. A goodbye kiss!"
Tumigil kami sa paglalakad nang malapit na kami sa aming bahay. Walang tao sa bahay dahil sina nanay at tatay ay nasa mansion pa pati na rin ang aking mga kapatid.
Niyakap ko si Kuya Timothy.
" Mamimiss kita. Mag-iingat ka ha? Ang pangako mo sa akin hindi ko 'yon makakalimutan. Gagawin kitang inspirasyon Kuya."
"Pangako' yun Loise baby... Magtiwala ka sa akin." Marihin din niya akong niyakap. Ngayon pa lamang ay nalulungkot na ako dahil sa pag-alis niya. Kung puwede nga lang hilahin ang calendario ay gagawin ko.Pero kagaya ng sabi ni Kuya Timothy ay pag-aaral muna ang aatupagin ko.
" Turn around! " utos nito sa akin.
Nang tumalikod ako ay isinuot niya sa akin ang isang kwintas na may hugis puso na pendant.
Humarap ako ulit sa kanya nang maramdaman kong tapos na niyang isuot sa akin ang kwintas.
" Kapag naiisip mo'ko hawakan mo lang ang puso ng kwintas na 'yan Eloisa. That' s my heart, I will leave it to you. Promise me to take care of it."
Tumango ako at hindi maiwasang tumulo ang mga luha ko.
"S-salamat... Makakaasa ka!" tanging sambit ko. Ayaw ko nang magsalita pa baka lalo lamang akong maiiyak.
"Paalam na baka hinahanap na'ko ni Mommy!" sambit nito at naglakad na rin patungo sa Mansion.
Hinawakan ko ang heart pendant na bigay niya. Napangiti ako. Kakaibang saya ang hatid sa akin ni Timothy. Ipapangako ko na tutuparin ko ang pangakong binitawan ko at isasaisip at isasapuso ko rin ang sinabi niyang gagawin niya akong official na girlfriend niya.
-----
Lumipas ang mga taon ay pag-aaral lamang ang aking prioridad. Kaya lang ay may mga taon rin na humihinto ako sa pag-aaral lalo pa't kulang ang pera namin dahil nag-aaral na rin ang aking mga kapatid.
Ang sabi pa nina nanay at tatay ay unahin na muna namin ang pagkain. Dahil hindi naman raw kami mamamatay kapag hindi kami makakapag-aral. Mamamatay raw kami sa gutom kapag wala na kaming makakain at puro pag-aaral ang pinagkakagastusan.
Kinse anyos ako nang pumasok ako ulit sa second year high school.
Kailangan ko pa kasing mag-ipon para sa pag-aaral kaya isang taon talaga akong humihinto. Nagtatrabaho ako sa Carenderia ng aking Tiyahin. Pinapasweldo niya ako at ang swelso ko ay iniipon ko para sa pag-aaral naming magkakapatid.
Ang mansion ng mga Geller naman ay may bago nang care taker kaya napilitan sina nanay at tatay na bumalik sa pagsasaka. Anim na buwan bago kami magkapera mula sa pag-aani ng mga palay kaya mas naging mahirap ang buhay namin. Kahit nga dumating ang panahon ng pag-ani ay kulang pa sa pambayad utang ang lahat ng kinita nila sa pagsasaka.
Pumapasok ako sa paaralan na isa lamang ang aking uniforme. Kupas na sapatos na iniingatan kong hindi mabubutas o masisisra at ang baon ko ay kanin lamang na binalot sa dahon ng saging. Ganito kami kahirap.Pero mas importante ang makatipid.
Tuwing gabi ay palagi akong nagdadasal na sana ay makakaraos rin kami at gabayan lagi ako ng maykapal.
"Kumusta ka na kaya Tim? Iniisip ko pa rin ang pangako mo at ang pangako ko sa'yo! " Tanong ko sa aking sarili habang nakaupo ako sa isang kiosk ng aming paaralan. Kalalabas lamang namin mula sa huling subject sa umagang iyon. Sa ilalim ng malaking punong mangga ako kumakain ng tanghalian. Nakakahiya namang sumabay sa aking mga kaklase na may mga ulam at magaganda ang suot.Karamihan sa kanila ay may mga cellphone na touch screen. Iilan na lamang na katulad kong mahirap ang wala.
Binuksan ko ang dahon ng saging na may lamang kanin. As usual, toyo ang ulam ko. Ang ulam naming itlog ng manok na alaga namin ay inilagay ko sa baon ng mga kapatid ko na pawang nasa elementarya pa lamang.
"Hello... Pwedeng sumabay?" tinig ng lalake ang aking narinig.
Nang tiningnan ako kung sino ay si Ryu Brylle Lee. Ang isa sa maykaya at matalino kong kaklase.
Nakangiti ito sa akin at kitang kita ko ang mapuputing ngipin nito at dimple sa kanang pisngi. Crush ng Campus si Ryu.
Tinakpan ko ulit ang aking baon dahil nahihiya ako sa kanya.
"Ba't mo binalot ulit? Loise share tayo sa ulam ko. Hindi ko ito mauubos." sambit ni Ryu.
Umiling ako. "Ryu... Huwag na.. Sa'yo yan."
"Eloisa naman. Masama ang tumanggi sa grasya. Isa pa, gusto ko lang namang makipagkaibigan sa'yo. Lagi ka kasing nag-iisa."
"Ha? Ba't mo alam?"
Umupo ito sa aking tabi at binuksan ang baon nito. Inilagay nito ang dalawang pirasong fried chicken sa aking baon na siya mismo ang bumukas.
" Mmmm Ah eh.. Dumadaan kasi ako lagi rito tuwing lunch time para pumunta sa canteen. Parang ang sarap kumain rito sa ilalim ng puno eh kaya naisipan kong magdala ng baon para makasama ka rito."
Nag-init ang aking magkabilang pisngi.
Naiilang ako kay Ryu. Iba ang itsura ng pananamit niya kumpara sa akin.Halata sa itsura niya ang antas ng kanyang pamumuhay. Ngunit habang nag-uusap kami ay nabatid kong mabait si Ryu. Katulad ni Kuya Timothy ay marami rin itong kwento. Hindi rin ito nakakaboring kasama.
Simula noon ay naging kaibigan ko si Ryu. At kahit hanggang fourth year high school na kami ay naging malapit kami sa isa't isa. Dumadalaw rin siya sa bahay namin at naging malapit na rin siya sa aking magulang at mga kapatid. Minsan ay tinutukso kami ng mga kaklase namin dahil close kami sa isa't isa ngunit hindi ko sila pinapansin dahil parang kapatid lamang ang turing ko kay Ryu. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon dahil nga lagi akong tumitigil sa pag-aaral pero noong naging magkaibigan kami ay tinulungan ako ng mga magulang niya. Kaya malaki na rin ang pasasalamat ko dahil naging magkaibigan kaming dalawa.
Seventeen ako nang makapagtapos ng highschool. Si Ryu ay Kinse. Ang tingin ko sa kanya ay aking nakababatang kapatid na rin.Pero nalungkot ako noong sinabi niya sa akin na aalis sila at sa US na siya mag-aaral ng kolehiyo pero masaya pa rin ako para sa kaibigan ko dahil isa rin ako sa gustong marating niya ang pangarap niya na maging isang Doktor. Hiwalay kasi ang mama at papa niya.Ang Papa ni Ryu ay doktor sa US at doon na muna siya titira hanggang sa makapagtapos na siya.
Habang bakasyon pa ay namasukan ako bilang katulong sa bahay ng teacher ko noong fourth year high school ako. Nagbabakasali na makakatipid ako at makakapag-aral na rin sa darating na pasukan sa kolehiyo.
Limang taon na ang lumipas at isang taon na lang ay babalik na si Timothy.
Naaalala pa ba niya ako?
Naaalala pa ba niya ang kanyang pangako sa akin?
Tinupad ko ang aking pangako sa kanya na mag-aaral ng mabuti.
Tinupad ko ang aking pangako na hindi magpapaligaw sa iba.
Si Timothy ba ay ganoon rin sa akin?
Hinawakan ko ang pendant na hugis puso at ipinikit ko ang aking mga mata.
Kahit ilang taon na ang lumipas ay si Timothy pa rin ang laman ng puso ko at wala nang iba pang makakahigit pa sa kanya.