Paglabas ni Amaya ng silid, nakita niya ang kanyang Ninong Amir na nakaupo sa sofa ng kanilang sala habang nakabukas ang tv at tila may pinapanood itong movie. Nahihiya siyang magsalita kaya nanatili muna siya na nakatayo sa may likuran, hindi pa rin siya nito napapansin. Mula sa kanyang kinatatayuan pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang Ninong Amir, kahit na sa likurang bahagi lamang nito nahahalata na magandang lalaki talaga ito. Simula sa balikat nitong malapad, sa mga muscle nito sa braso na tila mga pandesal. Kapag hinahawakan niya dati ay tuwang-tuwa siya minsan nga sinusuntok-suntok pa niya iyon pero pinapatigas lamang ng kanyang Ninong tapos nagba-bounce lang ang kamao niya doon kapag tumatama. Kung hindi siya nagkakamali 37 years old na ang kanyang Ninong katulad ng kanyang