Naging masaya ang sandaling iyon sa kanila hanggang sa inabot na sila ng hapunan ay hindi pa rin nagbago ang mood nila. Nagpasya na itong magluto ng hapunan kahit busog na busog pa sila, ang katuwiran nito mabuti na iyong nakaluto na kesa kapag ginutom ulit saka lang magluluto. Alam na alam talaga nito ang mga gusto niyang ulam, sinigang na baboy sa gabi naman ang lulutuin nito. "Ninong ako na po ang maghihiwa ng sibuyas at iba pang mga sangkap," volunteer niya dito. Ayaw kasi nito na nangingialam siya sa pagluluto. Ayon kapag nagmi-meryenda at nagpo-foodtrip sila pwede siyang tumulong. Pero pagdating sa pagluluto ng ulam hindi siya nito pinapayagan. Pero ang totoo, gusto na sana niyang matutong magluto para naman siya na ang magluluto para sa kanila. "Naku 'wag na, ako nalang diyan. M