"Tang*na! May sugat ka sa mukha!" hindi napigilang mapamura si Amir ng makita ang sugat sa pisngi ni Amaya. Agad niyang binuhat si Amaya at akmang dadalhin na sa kanyang kotse pero agad itong nagpumiglas. Balak niyang dalhin ito sa ospital dahil nasugatan ang maganda at makinis nitong mukha. "Ninong ibaba mo nga ako!" tila naiinis na wika ni Amaya pero hindi niya ito sinunod binuhat pa rin niya ito patungo sa kotse. Wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanila basta ang naiisip niya ay ang kalagayan ni Amaya. Ayaw niya manlang itong madapuan ng lamok tapos susugatan lamang ng kung sino. Parang papel lamang ito na binuhat niya at kahit nagpupumiglas ay wala itong nagawa. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang kotse at ipinasok ito doon matapos niyang papasukin ang kanyang ina