"Siya nga pala Amaya two weeks ako mawawala kasama ko ang tita Gemma mo at magtutungo kami sa Siargao dahil mamimili kami ng panibagong mga orders na souvenir items namin ng aming mga suki. At siyempre kasama na ang lakwatsa doon kaya mga 2weeks siguro kami mawawala nagpaalam na rin ako sa daddy mo at pumayag siya kaya ikaw wag ka na muna mag stay sa bahay. Dito ka nalang muna kay Ninong mo kaya nga ako nagpunta dito para ipaalam ko kay Pareng Amir dahil hindi naman pwedeng mag isa ka lamang sa bahay. Si Manang Meling naman alam mo naman na may mga maliliit pa iyong apo kaya hindi pwedeng sa bahay matulog kasama mo," mahabang pahayag nito sa kanya na ikinagulat naman niya. "Po?! Mommy Hindi pwede doon na lang po ako mag i-stay sa bahay. Pauwi na nga po sana ako ngayon eh, dumating lang