"M-Mommy!" "M-Mare!" Sabay pa nilang wika ang kanyang Ninong. Mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap dito. At agad na lumapit sa kanyang ina, na tila nang-uusig ang tingin sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at nag-bless dito tsaka humalik sa pisngi. "Pare, mukhang tutong na iyang nakasalang mo. Patayin mo na muna ang apoy baka hindi mo na mapakinabangan pa yan," nakangiting wika nito sa kanyang Ninong. Nakahinga tuloy siya ng maluwag akala niya ay kung ano ang iniisip nito sa kanila. "Ah! Sh*t! Oo nga pala, iyong arozz caldo ko!" wala sa loob na bulalas ng kanyang Ninong saka tinakbo nito ang kalan pinatay ang apoy at binuksan ang takip napaso pa nga ito dahil tila yata nawala sa isipan na mainit ang takip na iyon. "At bakit umiiyak na naman yata ang dalaga ko ha? Mukhang nag