"Aba ay pare sobra naman yata iyon bakit naman bigla kang makikipag-break? Baka naman maayos pa natin kapag pinagharap natin itong dalawa. Ang alam ko matagal na rin yata kayong dalawa kaya hindi dapat gano'n. Pagsabihan mo na lang siya pare, two weeks lang naman ako mawawala. Pagdating ko doon na lang manatili sa bahay si Amaya lalo na at nag-usap kami ng kapatid ko na mag oonline selling na lang muna kami para hindi na parating lumalabas ng bahay." wika ng kanyang Mommy dito. Siya naman ay tahimik lamang. Hindi na talaga niya maintindihan ang kanyang Ninong. Kung hindi siya nagkakamali mahigit isang taon na rin na kasintahan nito si Faye, tapos bigla-bigla makikipagbreak ito. Talagang gagawin nito ang lahat para mapapayag siya sa nais nito. Sabagay binanggit na rin ito sa kanya kanina