Hindi maiwasan ni Amaya na hindi mapangiti habang hinahalo ang kanyang niluluto. Nalalanghap kasi niya ang mabangong hininga ng kanyang Ninong. Nakayakap ito sa kanyang likuran at nakapatong naman ang baba sa kanyang balikat. Ramdam na ramdam din niya ang panaka-nakang paghalik nito sa kanyang leeg, nadadala siya pero pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili dahil gusto niyang ma-perfect ang kanyang first sinigang. Kinikilig din siya dahil parang feeling niya ay mag-asawa silang dalawa, isinantabi na muna niya ang kahit na anong isipin. Para ma-enjoy lang nila. Nagsimula kanina ng nilinisan nito ang kanyang sugat, naging maayos na ang kanilang samahan tila nawala na rin ang kanyang pagkailang dito at sa mga simpleng ginagawa nito ay kinikilig siya. Parang bumalik lang sila sa dati