"Ano pang hinihintay mo? Sabi ko mag search ka diyan kung saan ang pinakamalapit na flower shop! Bilis!" eritableng wika ng ninong Amir ni Amaya. Hindi niya maintindihan kung matatawa o maiinis sa inaasal nito dahil para itong bata na tila nagseselos ito na wala naman dapat pagselosan. Kalalabas lang naman talaga nila na ng school kasi may activity pa sila. Nagkataon naman na kasabay niya si Ryan ang isa sa mga classmate niya na dati nang nanliligaw sa kanya. Syempre habang naglalakad sila sa may pathway nagkwentuhan sila tapos naupo na rin kasi masarap naman talaga kakwentuhan si Ryan at mabait din ito. Kaya nakalimutan din talaga niya nai-text agad ang kanyang Ninong na naka-out na siya. Natuwa siya nang bigyan siya nito na isang white roses na isang piraso dahil sa totoo lang, iyon