Nightmare and a Shameless Bird

2433 Words
001 PABALIKWAS na napabangon sa kinahihigaan si Zira. Mababakas sa kanyang mukha na naalimpungatan siya dahil sa isang masamang panaginip. Pawisan ang kanyang makinis at maputing mukha, sabog-sabog ang mahahaba at itim na itim niyang mga buhok. At bahagya pang nakabukas ang maliit at mapupula niyang labi, nakatingin at nakatulala sa dingding ang namumula at namamasa niyang maiitim na mga mata na halatang papaluha na dahil sa pagkinang ng mga ito. “Ha . . . Ha. That again . . .” Humihingal at mahinang usal ng dalaga habang unti-unting kumuyom ang kanyang mga kamay. Mga ilang minuto rin muna ang lumipas bago tuluyang kumalma ang pakiramdam ni Zira. Isang malalim na buntong-hininga ang muling napakawalan ni Zira habang muling napatulala na naman sa kawalan. “That same dream again. Magsimula talaga ng araw na iyon ay palagi ko nang napapanaginipan ang bangungot na iyon,” Zira muttered to herself. For the third time in this early morning, Zira once again sighed as she looked at the time. Matapos niyon ay balewalang inihilamos nito ang mga kamay sa mukha bago iyon pinadulas papunta sa buhok, combing her hair with her fingers, trying to straightened her bird nest hair. While doing so, Zira crawled away from her comfortable bed. Nakadadalawang hakbang pa lang siya papalayo sa kanyang kama ay bigla na lang sumulpot ang isang itim na uwak sa ere na ipinagaspas pa ang nangingintab sa itim na pakpak bago tuluyang pumatong sa balikat ni Zira. Nang makahanap ng maayos na puwesto ay mahina itong umuwak. At parang natural na lang ang pangyayaring iyon kay Zira, without looking so fazed because of the magical appearance of the Raven in her small condo. Instead, Zira naturally welcomed the bird in her shoulders as she watched amusedly as the bird tried to find a better position above her shoulder. “Yes, yes, Little Raven. Good morning to you too,” nakangiting bati pa ni Zira sa ibon. Para namang nakaiintinding itinango ng ibon ang ulo nito at parang naglalambing na idinikit pa nito ang ulo sa ulo ni Zira, at parang asong naglalambing na ikiniskis ng ibon ang sariling ulo sa gilid ng ulo ni Zira. With that bit of action, Zira let out a chuckle as she playfully pats the head of the Raven. “Well, I am hungry too, Little Raven. But let me wash my face first, okay?” sagot ni Zira na mukhang hinihingi pa ang permiso sa ibon. Fortunately, the bird didn’t protest as Zira, with the bird, still in her shoulder walked towards her bathroom. At gaya ng sinabi niya sa ibon ay nagsimula na siyang maghilamos. Hindi rin naman nagtagal ang ibon sa balikat niya dahil matapos lang nang ilang wisik ng tubig sa mukha niya ay muling naglaho na parang bula ang ibon sa balikat ni Zira. And Zira ignored that, as she continue her morning routine. While doing her daily morning routine, kahit papaano ay busy naman ang utak ni Zira sa pag-iisip. She was still thinking about her dream—her daily nightmare. At kahit na araw-araw siyang magigising dahil sa panaginip na iyon ay nakasanayan pa rin ni Zira ang pag-iisip tungkol doon kahit pa nga paulit-ulit at sa iisang conclusion lang ang kinababagsakan niya. Mula yata nang magkamalay siya tungkol sa mga panaginip ay kasama na niyang lumaki ang panaginip na iyon. As far as she can remember, nagsimula niyang mapansin ang tungkol sa pananaginip niya roon noong mag-walong taong gulang siya. Magsimula noon ay hindi lilipas ang gabi nang hindi niya napapanaginipan ang tungkol doon. Noong una, maiksi lang ang laman ng kanyang panaginip, na para bang pinagpaparte-parte ang bawat scene sa loob ng panaginip at kanya-kanyang singit sila ng pasok sa panaginip ni Zira. Maliban sa hindi niya maintindihan ang mga iyon ay wala rin siyang mas’yadong maalala tungkol doon pagkagising niya. Naaalala lang niya kapag mananaginip na ulit siya tungkol doon. Pero magmula noong mag-labindalawang taong gulang siya ay nagsimula na niyang maalala ang mga napanaginipan pagkagising niya. At ang banda kung saan karga-karga siya ng isang hindi niya mamukhaang lalaki, dahil parang sinadyang i-blur ang bandang mukha niyon. At bago man siya magising ay maririnig niya ang napakalalim, ngunit may lambing na boses ng isang lalaki habang tinatawag ang pangalan niya. Ang tanging mamumukhaan niya lang sa lalaking iyon ay ang masuyong ngiti na nakapaskil sa mukha nito, bago siya tuluyang magigising. Noong una ay hanggang ganoon lang lagi ang laman ng kanyang panaginip kaya naman binabalewala niya lang ang mga iyon. Pero habang tumatagal ay pahaba nang pahaba ang napapanaginipan niya. Parami rin nang parami ang mga tao sa panaginip niya, na lahat naman ay malalabo ang parteng mukha. Alam niya ring nagsasalita ang mga iyon dahil may mga naririnig siyang boses pero hindi niya malaman kung bakit hindi niya iyon maintindihan. Ang tanging boses lang na naiintindihan niya ay ang boses ng lalaking may karga-karga sa kanya. Dahil doon ay laging napatatanong si Zira kung sino ang lalaking iyon, ano ang koneksyon niya sa lalaki, at ano ang ibig sabihin ng panaginip niya? Gustuhin man niyang itanong iyon sa mga magulang pero alam niyang maging sila ay walang alam tungkol doon. Nang mag-edad bente siya ay napansin niyang unti-unting lumilinaw ang mga mukha ng ilang taong napapanaginipan niya. Naiintindihan na rin niya ang ilan sa mga sinasabi ng mga ito, pero hindi pa rin iyon sapat para maintindihan niya ang lahat. Ipinagtataka niya rin na malinaw na ang mga mukha nang halos lahat ng tao sa panaginip niya maliban lang sa lalaking may karga sa kanya. At kahit pa unti-unti na siyang nagkakaroon ng ilang hinala tungkol sa panaginip niya, ay hindi niya pa rin mamukhaan ang lalaki na lalong nagpapagulo sa kanya. Kaya naman habang tumatagal, para kay Zira, isang masamang panaginip ang lahat. Dahil hindi naman gaanong maraming arte sa katawan si Zira ay natapos din siya sa ginagawang paglilinis ng mukha. Marahan niyang muling hinilamusan ang mukha para maalis ang natitirang sabon, at saka iniangat ang mukha para sana abutin ang maliit na tuwalya sa gilid nang mahagip ng kanyang mata ang repleksyon sa salamin. It was her face, of course. It was her small but lovely face. A black, long, and straight, shiny hair. Those black misty orbs, small and pointed nose, flawless white skin, and cheeks can quickly turn pink with just a simple pinch. Added that small pinkish lips that seem like it was always wiped with sweet strawberries. Technically, a face to die for men and an enviable dream face for all the girls. But seeing this beautiful face, Zira couldn’t feel any smugness or happiness as she knew, deep inside, this impeccable beauty wouldn’t last. “What a beauty. If this is just wasn’t my own face, maybe I would feel enchanted too, but what a waste, for this was only a beauty in daylight but a hilarious monster when midnight comes. Sounds like a freaking fairytale. Kailangan ko na bang maghanap ng aking prince charming?” Zira sarcastically remarked about herself. With that bitter and sarcastic remark, Zira only smiled into her reflection in the mirror, before finally getting the dry and clean face towel to dry her face. Habang ginagawa niya iyon ay naglalakad naman siya palabas ng bathroom niya diretso sa isang clothing rack kung saan isang maluwag na green na t-shirt ang nakasampay at ang naka-hanger na puting tuwalya. Pagkakuha sa maluwag na t-shirt ay siya namang tapon niya ng hawak na maliit na tuwalya sa katabing labahan. Doon nagsimula ulit siyang maglakad pabalik sa kamang hinigaan habang isinusuot ang maluwag na t-shirt. Nang tuluyang magkaroon ng saplot ay sinimulan na niyang ligpitin ang ginamit na kumot at inayos ang kama saglit bago nakuntento at naglakad papalabas ng kuwarto. Because she’s only living alone in her small condo, walang kiber na matulog si Zira na tanging panty-short lang, o kaya nama’y boxer, minsan pa nga’y panty lang ang tanging saplot. Not even a sports bra to cover her breast. Talagang hubad siya kung matulog na animo’y isa siyang lalaki. Nakasanayan na kasi niya ang ganoong gawain kapag natutulog. Lalo na sa tuwing mainit ang panahon o talagang summer, suwertehan na lang na magsuot siya ng boxer. Lalo naman kapag malamig ang panahon, o iyong panahon ng tag-ulan. Doon kahit papaano’y presentable ang suot niya pantulog. A pair of boxer short and a big t-shirt. Her reason is that, it was refreshing and really convenient. Dagdag pa, na bawas sa labada kahit pa nga hindi naman siya ang naglalaba ng mga damit kung ‘di ang laundry shop sa tabi ng condo. At dahil doon, nakasanayan na rin tuloy ni Zira na patungan na lang nang malalaki at maluwag na t-shirt ang sarili sa tuwing nasa bahay siya at mag-isa. Tanging ang dalawang pares na iyan lang ang saplot ni Zira sa katawan kapag mag-isa sa condo at walang pasok sa trabaho. This made her suddenly had a hobby of collecting large and loose t-shirts. All the types, brand, and color that she would like, she had it in her small closet. Of course, hindi naman siya magiging ganoon ka-carefree kung alam niyang hindi safe at secured and condong tinitirahan. Just because of this secret hobby, she bought this condo of hers, which was small yet cost her some thousand. “Now, what would you like to eat, Little Raven?” tanong ni Zira sa alagang ibon na agad dumapo pabalik sa balikat niya nang makalabas siya ng kuwarto. She’s currently walking towards her small kitchen as it was time for her breakfast. At mukhang iyon din ang balak ng uwak nang dumapo ito sa balikat ni Zira. “Well, I’m kinda craving for pancakes right now. So sorry, Little Raven, I can’t give you your favorite oatmeal.” Isang tawa ang pinakawalan ni Zira nang marinig niya ang pag-uwak ng kaibigang ibon na para bang iniismiran siya nito. Binuksan na lang niya ang isang cabinet at kumuha ng isang box ng pancake pack. Nagsimula na siyang magluto at dahil mukhang kulang pa rin para sa kanya ang nalutong pancakes ay nagluto na rin siya ng ilang hotdogs at scrambled eggs with tomatoes, kung saan ipapalaman niya sa toasted slice bread. It was finished after more than thirty minutes of cooking and preparation. Nang matapos ay nakangiti niyang inihanda iyon sa maliit na mesa sa kanyang dining table sa loob din mismo ng kanyang kusina. Tanging ang bar counter lang ang nagsisilbing hati sa lugar. “And this, this is what you call a light breakfast. Pero s’yempre, mabubusog ka pa rin. Good food for a foodie like me who still needed to maintain my body, yum!” Zira happily exclaimed, looking at the foods on the table with contentment. Bigla namang umuwak nang malakas ang alagang ibon ni Zira na ngayon nga ay nakatayo na sa ibabaw ng lamesa habang nakatingin ang mga mapupula nitong mga mata kay Zira. It was supposed to be creepy but Zira could care less as she could read something from that stare. “What? Sinasabihan mo na ako ngayong patay-gutom, dahil lang sa hindi kita hinandaan ng paborito mong oat meal?” Zira exasperatedly said to the Raven, with her hurt look. Hindi naman sumagot ang uwak at ikinurap lang sa kanya ang pulang mga mata. Naiiling na itinulak na lang ni Zira ang isang plato na may pancake papalapit sa ibon. “Come on, Little Raven. Hindi pa ako sumasahod para ibili ka ng paborito mong oat meal na hindi ko alam kung paano mo naubos agad. And look! Hindi rin naman masama ang kumain paminsan-minsan ng ibang putahe, ano!” nakangusong pangaral ni Zira sa ibon. At bilang sagot naman nito sa sinabing iyon ni Zira ay ibinaba lang nito ang ulo sa harap ng platong may pancake. Tinitigan nito ang pancake na parang sinusuri iyon dahil sa pagkurap-kurap ng mapupulang mata. Matapos noon ay nag-angat ito ng tingin kay Zira at walang kakurap-kurap siyang tinignan. And Zira couldn’t help the twitching of her mouth and eyebrows with how she understand the look of his Raven. Para bang tingin nito sa kanya ay sinasabi ng ibon na, ‘Seryoso ka, ito na ‘yon? Pagkain na ‘to para sa ‘yo?’ And with that thought, Zira felt incredulous as she felt being belittle by the bird. With that, Zira lifted her hand and pointed it in the direction of the cabinet. With a clang, the cabinet door opened, and with another lift of the same finger, a bottle of chocolate syrup that Zira used on her pancakes floated in the air. It floated steadily in the air until it reached the waiting hand of Zira, who immediately grasped the bottle. Zira pulled the Raven’s plate towards her with a blank look and then put some syrup on it before pushing it back to the Raven. Zira oversaw the Raven’s reaction, and she almost cursed loudly when she heard a satisfied, groggy chirp from the Raven. At halos maihampas naman ni Zira sa inis ang bote ng chocolate syrup sa ibon nang magsimula itong tumuka sa pancake na nasa harapan niya. “Wow,” Zira dumbfoundedly exclaim, staring at the bird with a look asking like, ‘Seriously?’ Napairap na lang sa ere si Zira at nagsimulang pumulot ng isang sariling gawang sandwich. “What a shameless bird,” Zira managed to mumble in between her teeth. Sighing, Zira also started eating her share. And with that, the silence envelop the whole dining as a bird and a young lady silently eat their fill. Well, hindi naman iyon tuluyang tumahimik dahil maliban sa tunog nang pagtuka ng ibon sa pancake na tumatagos sa babasaging plato, at sa paminsan-minsang pagkalansing ng tinidor at plato sa tuwing kakain si Zira ng pancake. Umaalingawngaw rin sa buong kusina at sa buong condo ang malamyos na konsyerto ng isang sikat na piano artist. Hindi man halata sa mukha ng dalaga ay mahilig din siya sa mga contemporary music, lalo na ang mga likhang musika gamit ang piano. Hindi man siya marunong gumamit ng piano pero may alam naman siya pagdating sa intrumento. At maliban sa pangongolekta ng mga maluluwag na t-shirt ay isa na rin sa secret hobby ni Zira ang mangolekta ng mga tape ng contemporary music. Listening to this every morning, while doing all her daily routine before going to work, is also part of her daily morning routine. And with this serene and silent room make her morning completed before starting her busy work. to be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD