CHAPTER TWO

2170 Words
"You're not going anywhere, Darwin! Stay at home may bisita tayo!" Mariing pigil ni Don Joaquin sa pababa ng hagdan na si Darwin. "Bakit, Papa? Mas mahalaga ba ang bisita na iyan kaysa ang kumpanya? Kung inaakala mong mamamasyal ako'y nagkakamali ka, Papa. Dahil sa opisina ang tungo ko." Nagpatuloy ang binata sa naudlot na pagbaba. Pero hindi pa siya tuluyang nakababa sa huling baitang ng hagdan ay muling nagwika ang ama. "I don't care kung saan ka man pupunta, Darwin! If I said you're not going anywhere, just do it! Ipinahiya mo na kami ng Mama mo kagabi kaya't sa ayaw at sa gusto mo'y hindi ka aalis!" galit na sigaw ng Ginoo dahilan upang lumabas sa kuwarto ang bunso nilang anak. "Ano na namang kaguluhan iyan, Papa? Kuya? Hindi na ba kayo nagsasawa sa sigawan ninyo kahit umagang-umaga pa?" inis nitong tanong. Halatang nabulabog sa sigaw ng kanilang ama. "Ang Kuya mo ang kausapin mo, Jomar! Dahil siya lang naman ang dahilan ng pag-init ng ulo ko," malakas pa ring sigaw ng Ginoo. Kaya naman ang bunso ng mga Ortega ay hinarap ang Kuya pero bago man ito nakapagsalitang muli ay naunahan na ito ng kaisa-isang kapatid na babae. "Hay naku bunso huwag ka ng magsayang ng panahon diyan kay Kuya. Kahit ano pa ang sabihin mo kung ayaw niyang makinig ay mapapagod ka lang. Kung ako sa'yo ay umakyat ka na lang muli sa kuwarto mo at magmuni-muni kung ano naman ang nararapat mong gawin," anito. "Manahimik ka, Analyn! Kung wala ka rin lang namang maitutulong sa amin ay manahimik ka lang diyan!" sigaw dito ng ama. "As you say so, My dear father. Ako ang lalabas dahil may trabaho ako." Nakangisi itong humakbang palabas ng bahay. "Kuya, huwag ka sanang magalit sa amin pero sana naman isipin mo rin na nakakahiya sa mga bisita kagabi na wala ka dito samantalang alam ng lahat na buo ang pamilya natin sa tuwing may okasyon. Hindi mo rin naman siguro masisi si Papa kung nagagalit siya dahil ang pamilya Fernandez ang panauhing pandangal natin kahapon pero nasaan ka? Wala ka hindi ba, Kuya? Kaya naman kahit ngayon lang pagbigyan mo si Papa, kami, pagbigyan mo sana upang mapawi ang pagkapahiya namin kagabi. Ikaw ang bukambibig ng mga bisita, keyso daw nasaan ka, bakit daw wala ka, at marami pang iba. Matitiis mo bang pinag-uusapan ng mga tao ang ating ama? No, I'm wrong. Not only our father dahil buong pamilya Ortega ang nakakasalalay dito. Kaya naman Kuya ako na ang nakikiusap sa iyo na huwag ka munang aalis ngayon dahil parating na ang pamilya Fernandez mula sa kanilang tinuluyang hotel." Mahaba-habang pahayag ni Jomar. "Bunso---" "Huwag mo na kaming isipin, anak. Total mas mahalaga naman ang babaing iyon kaysa sa aming pamilya mo. Sige lang tumuloy ka na sa kung saan mo gustong magpunta. Wala ka namang pakialam kung mapahiya man kami o hindi dahil sa kagagawan mo," pangungunsensiya pa ng kanilang ina na galing sa pag-eehersisyo sa garden. Para sa isang taong tulad ni Darwin, kahit pa sabihing sa opisina siya pupunta pero dahil hinarangan na siya ng mga salita' y hindi na niya itinuloy ang paglabas. Ayaw niyang pahabain pa ng mga ito ang usapan kaya mas minabuting tumalikod na at bumalik sa sariling kuwarto na walang binitawang kahit anong salita. Nang nawala na ito sa paningin ng mag-asawa at ang bunso ay sumilay ang ngiti sa labi ng padre de pamilya. "Very well, Jomar anak. Go ahead and prepare yourself kung saan ang lakad mo ngayon. Thank you, iho for helping me." Nakangiting bumaling ang Don sa bunsong anak. Kay lapad ng ngiting nakapaskil sa labi. In Jomar's mind, wala siyang balak makialam sa relasyon ng Kuya niya at ang nobya nito pero ang kahihiyan ng kanilang pamilya ay siyang nakakasalalay. Kaya't kahit wala sa isipan niya ang makialam ay ginawa pa rin niya. "Ginawa ko lang ang tama, Papa. Sige na po at kakain lang ako ng almusal bago ako maligo dahil gagayak na rin." Tumalikod na rin siya upang muling bumalik sa silid. Hinintay rin ng mag-asawa na mawala ito sa paningin nila bago sila nagpatuloy. Iisa lang din naman ang nasa isipan nila. Malaki ang pag-asa nilang maipit ang panganay na anak dahil kahit sinusuway nito minsan ang kanilang utos pero kung tungkol sa pampamilya ang saklaw madali lang itong mapasunod. Sa tahanan ng mag-asawang Princess Quennie at Wayne kung saan nakatira ang binatang si Khalid Mohammad. "Oh, apo ko wala ka bang pasok ngayon?" takang tanong ng huli ng makita ito na parang wala sa sarili. "Hindi po ako papasok 'Lo," sagot nito na halatang hindi mapakali. "Ha? Bakit, apo? May problema ka ba? Alam ko naman how you love your job. May hindi ba kayo pagkakainawaan ng pinsan mo?" muli ay tanong matanda na tinutukoy ang buddy-buddy niya na pinsan din niya na si Reynold Wayne. Anak ng tiyuhin niyang si Pierce. "Si Lolo naman po. Anong kinalaman ni insan dito?Hindi nga kami nag-aaway ng taong iyon ang hindi pagkakaunawaan pa kaya?" Nakatawang sansala ng binata sa abuelo. "Eh iyon naman pala eh. Anong problema mo apo at bakit nandito ka pa sa ganitong oras? Hindi pa naman tayo namumulubi para ipagtabuyan kitang magtrabaho pero nakakapagtaka lang na nandito ka pa eh working hours na," hindi pa rin kumbinsado na sabi ng matanda. Ibubuka pa lamang ng binata ang bibig upang ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok sa trabaho pero inunahan siya ng pinsang pinag-uusapan na kung saan galing ay hindi niya alam. "Alam ko kung ano ang problema niya 'Lo pero bago ko sasabihin sa iyo ay let me hug and kisses you muna." Nakangiti itong lumapit sa kinaroroonan nila saka nagbigay-galang sa kanilang abuelo. Ganoon naman silang magpipinsan malambing sa mga ninuno lalo na kung ang great grandparents nila sa kanilang ina ang kasama nila. Silang dalawa lang kasi ang nasa iisang trabaho kaya't sila ang madalas magkasama o mas tamang sabihin na kasa-kasama ng mga ninuno nila. "Ikaw Reynold Wayne, huwag ako ang pinagloloko mo kahit nasa tamang edad na kayo ni Khalid ay hindi ko kayo patatawarin kung nagkasala kayo. Papauwin ko kayong dalawa sa mga magulang ninyo kung pinagloloko n'yo ako." Pinaglipat-lipat pa ng matanda ang paningin sa kanilang dalawa. Pero talagang nasa lahi na nila ang pagiging sutil, dahil imbes na matakot sa abuelo'y iba pa rin ang isinagot. "Mag-aasawa na daw si Khalid Mohammad, Lolo. Kaya hindi na siya pumasok dahil nais na niya kayong kausapin ni Lola---" Pero hindi na nito natapos ang kalokohan dahil binato ito ni Khalid ng unan. Dahilan upang naghabulan silang dalawa sa mismong harapan ng kanilang abuelo. "Hep! Hep! Magsitigil kayo! Aba'y hindi na kayo bata." Sita tuloy sa kanila ng abuela nilang bigla ring sumulpot. Kaya naman para silang bata na nasukol sa kababalaghan. Umayos silang dalawa sa pagkatayo bago hinarap ang abuela. Kaso nagpatuloy sa harutan. "Ikaw naman kasi seryoso ang usapan namin ni Lolo tapos bigla ka na lamang sumasabad. Saka saan mo nakuha ang tsismis na iyan? Tado parang may ibinigay ka namang babae na aasawahin ko eh!" Singhal pa ni Khalid sa pinsan. "Kaya nga tsismis insan dahil diyan ko lang sa tabi-tabi nalaman---" "Quiet! Ako ang magtatanong sa inyong dalawa. Kailangang sagutin n'yo ako ng husto. Huwag n'yo akong pinagloloko." Nakataas ang palad na paninita ni Grandma Queenie. Para bang anumang oras ay ipapalo nito palad. "Ano iyon 'La?" naka-puppy eyes pa na tanong ni Reynold Wayne. "Tsk! Hindi bagay insan kaya umayos ka riyan," ayun at nagsimula na namang nagharutan. "Magkatrabaho kayong dalawa pero anong ginagawa ninyo dito sa bahay sa ganitong oras? Kung tinatamad na kayong pumasok magsiuwi na kayo sa mga magulang ninyo baka kami pa ng Lolo ninyo ang magkasala kung bakit hindi kayo pumapasok," may pinagmanahan ang machine gun! "Oh, hindi kayo makasagot mga apo? Sigurado akong may kababalaghan kayong nagawa kaya nandito kayo sa oras ng trabaho." Sang-ayun pa ng abuelo nila. Nagkatinginan naman ang magpinsan. Hindi naman sila nagagalit sa mga ito dahil totoo namang nakapagtataka kung bakit hindi sila pumasok. But at the end nagawa nilang sumeryoso. "Ikaw na insan total ikaw ang may sala este ikaw ang may dahilan." Baling ni RW kay Khalid. "We are waiting kaya't bilisan ninyo ang pagsagot," Ayun! Nainip na ang abuela nila. He, Khalid Mohammad had a deep sigh as he started to say a word. "Huwag na po kayong magalit sa amin ni Reynold Wayne, dahil nag-file po kami ng leave. Iyan po ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon samantalang gaya ng sabi ninyo'y oras ng trabaho. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit kami naka-leave pero uuwi po ako ng Saudi dahil hinahanap daw ako ni jeddah(lolo in Arabic). Lagi daw niya akong tinatawag sabi ni Mommy kahapon ng nag-long distance sila ni Daddy. Pero itong kuwago ninyong apo...hey why...maaring manahimik ka muna!" Singhal nito sa pinsan dahil sa kurot nito saka itinuloy ang sinasabi. "Gusto daw niyang sumama sa Saudi upang maghanap ng mamanuganging ninyo kaya ng napag-alaman niyang on leave ako'y nag-file na rin siya leave." Pagkukuwento ni Khalid. Agad na pumagitna sa mga ninuno dahil naka-amba ang kamao ng pinsan. Bawi-bawi lang daw! "Kung kanina n'yo pa sana iyan sinabi eh 'di walang mahabang seremonyas. Hala ayusin ninyo ang mga papeles ninyo lalo na ikaw, Khalid. Baka hahaba pa ang buhay ng Jeddah mo kapag makita ka na niya." Nakailing na baling ni Lola Langgam sa mga apo. "Ikaw naman, Reynold Wayne, nagpaalam ka ba sa mga magulang mo? Aba'y mamaya niyan sa amin ka hanapin ng Mommy mo. Dibale sana kung alam niya, mamaya niyan ang Daddy mo ang awayin niya." Inaaway daw kasi ni attorney De Luna ( Nathalie Janelle) ang asawa kapag hindi umuuwi ang mga anak nila. "See? Hindi ka nagpaalam ano? By your reaction apo wala pang kaalam-alam ang mga magulang mo." Pumumuna naman ni Wayne dito dahil napakamot ito sa ulo. "Ngayon ko pa sana sasabihin sa kanila, Lolo, Lola total ngayon naman ang simula ng leave namin ni insan," nakangiwing nitong sagot. "Oh gano'n naman pala eh. Hala umuwi ka na upang magpaalam sa mga magulang mo. Mind you, Reynold Wayne De Luna Abrasado, huwag na huwag mong babalaking hindi ipaalam sa mga magulang mo ang pag-alis mo kung ayaw mong ma-grounded sa kanila. Hala tumayo ka na riyan ng makauwi ka na." Binanggit pa talaga ang buong pangalan ng binata. "Kailan ba ang plano ninyong pag-alis?" tanong niya kay Khalid. "Mamayang gabi po, Lola. Madaling araw ang nakuha naming ticket," tugon nito. Kaya naman muling bumalik ang linya sa noo ng Ginang pero bago pa ito muling nagsalita ay inunahan na ito ni RW. "Aalis na po ako Lola kong pinakamaganda sa balat ng lupa. Pero babalik ako mamayang gabi para sa flight namin ni pinsan. I love you, Lola." Mabilis nitong hinagkan ang mga ninuno sa pisngi bago kumaripas ng takbo palabas ng bahay saka pinaharuthot ang sasakyan pauwi sa tahanan ng mga magulang. Pagkaalis nito. "Regards mo kami sa mga magulang at ninuno mo roon apo," sabi ni Langgam na agad sinundan ng abuelo. "Mag-ingat kayo roon ng pinsan mo, apo. Tandaan ninyo na Saudi iyon hindi Pilipinas na kahit mga pasaway kayo'y walang problema. May pera ba kayo ng pinsan mo?" tanong nito. Okay na sana eh! Idinagdag pa ang pera! Kaya naman napangiti ang binata. "Sahod nga namin ni insan ay hindi namin nagagalaw dahil kayo pa rin ang sumasagot sa pang-araw-araw namin plus wheels kaya huwag mo ng isipin iyun 'Lo dahil kaya pa naman namin. Gaya ng lagi mong sinasabi magsabi lang kami sa inyo ni Lola kapag out of budget kami. Pero salamat pa rin po," tugon ng binata. Totoo naman kasi! Kung paano ito in-spoiled ng great grandpa Oliver Jr Antimano ang abuelo nilang super bait ay ganoon din ito sa kanilang magpipinsan. "Kung ganoon umakyat ka na rin diyan apo nang maihanda mo na ang gamit mo. Nag-eemote lang ang Lolo ninyo kaya ganyan makapagsalita." Panunulak naman ni Langgam sa apo. Hindi na sumagot ang binata, gaya ng pinsan niya'y hinagkan muna niya ang mga ito sa pisngi at noo bago iniwan. Kinahapunan, pauwi na si Antonette ng may humarang sa kanyang mamahaling wheels. "Hi, Miss Dela Peña, maari ka ba naming maimbitahan? Gusto ka daw makausap ng Boss namin," ani ng isang lalaki. "Po?" natatakot man pero hindi ipinahalata ng dalaga, pero transparent na yata siya masyado dahil muling nagwika ang lalaki. "Kung natatakot ka, Miss Dela Peña, maari bang pumasok ka na lang dito sa loob ng sasakyan upang diyan na lang kayo mag-usap ni Boss. Importante raw kasi ang sasabihin kaya ka namin inabangan dito sa trabaho mo," anito. Kaya naman kahit may pag-aalinlangan ang dalaga ay sumunod pa rin siya sa lalaki. Pumasok siya sa loob ng magarang sasakyan, pero parang nais niyang pagsisisihan ang pagsunod dito. Gustuhin man niyang lalabas pero hindi na niya nagawa lalo na ng nagsimulang nagsalia ang Boss na sinasabi ng lalaking hindi nakikilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD