CHAPTER ONE

2147 Words
"Ate, nandiyan na ang sundo mo. Hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong ni Adel habang nasa harapan ng pintuan ng kuwarto ni Antonette. "Pakisabing baba na ako. Ikaw talaga oo, kailangan mo pa ang sumigaw. Hindi naman ako bingi," sagot ni Antonette sa kapatid. "Paano ba naman eh ang kupad-kupad mo riyan eh. Sunod ka na sa baba at ako ay gagawa pa ng assignment ko." Pumanaog na ito hagdan nilang gawa sa kahoy. Hindi na rin sumagot si Antonette bagkus ay muli niyang pinasadahan ang sarili sa salamin. "Okay na ito. Dinner naman ang pupuntahan namin kaya okay na itong suot ko," bulong ng dalaga. Isa siyang ordinaryong mamamayan, isang registered nurse na naninilbihan sa pampublikong pagamutan sa siyudad ng Manila. Bilang isang nurse, nakasanayan na niya ang simpleng ayos. Kung hindi man siya naka-uniform ay naka-slacks na puti o itim o peach color. Kagaya ng suot niya ng gabing iyon, simpleng black slacks at puting blouse na may desenyo sa magkabilang bahagi. Na ang buhok ay nakalugay pero may hair pin din na kabilaan. Ika nga nila, simplicity is the best and besides the beauty is in the eye of the beholder. "Nasaan ang Ate mo, anak? Aba'y hindi mo pa hinintay?" tanong ni Aling Edad sa bunsong anak. "Susunod na raw, Inay." Humarap siya sa nobyo ng kapatid na naghihintay. "Paki-hintay na lang, Kuya. Hindi ko na siya nahintay na lalabas ng kuwarto niya. May assignment kasi ako para bukas kaya nagmadali akong bumaba," aniya. "Go ahead, Adel. Noo problem," tugon ng binata. Hindi na rin hinintay ni Adel na makababa pa ang kapatid. Makapaghihintay naman ang assignment niya pero ayaw niyang makita ng matagal ang kasintahan ng Ate Antonette niya. Hindi naman sa nilalahat niya pero mabigat ang dugo niya dito. Isa itong anak mayaman na nangyaring naging pasyente daw ng kapatid niya sa pagamutan na nagkagusto dito. "Sana nga lang nagkakamali lang ang pakiramdam ko dahil iba talaga ang nagpaparamdam sa akin kaysa ang ipinapakita mo sa amin," bulong niya. Bahagya niyang sinulyapan ang kinaroroonan ng kapatid at kasintahan nito bago siya tuluyang pumasok sa kuwarto niya. Hindi naman sila mayaman pero masipag ang mga magulang nila kaya't naigapang nila ang kanilang ikinabubuhay. Nakapagtapos ang ate Antonette niya sa kutsong Nursing at kasalukuyang nagtatrabaho sa pampublikong pagamutan. At ito ay dahil sa pagsasaka ng mga magulang at kung papalarin naman ay siya din sa susunod na pasukan dahil graduating na siya sa sekondarya. "Huwag masyadong magpagabi mga anak alam n'yo naman ang mga kaganapan sa labas kaya mag-ingat kayo." Bilin ni Aling Edad sa magkasintahang Antonette at Darwin Ortega. "Ihahatid ko po siya Nana, bago maghating-gabi. Mauna na po kami," ani naman ng huli. "Alis na po kami, Inay." Binalingan ng dalaga ang ina. Sa pag-alis ng dalawa ay siya namang pagdating ng haligi ng tahanan na si mang Francis. "Oh, saan ka ba galing at ginabi ka yata?" Salubong ng Ginang sa asawa. "Diyan sa kabilang barangay asawa ko. May handaan pala sa bahay ng mga Ortega baka doon pupunta ang dalawa?" sagot nito. "Iyan ang hindi natin alam, Francis. Sabi naman kasi ni Darwin ay mamasyal lang sila saka kakain sa labas. Kaya hindi ko alam kung doon sa kanila ang tungo nila," sagot ng Ginang. Kagaya ng nakasanayan, isinabit ni Mang Francis ang sumbrero sa likuran ng pintuan saka muling hinarap ang asawa. "Si bunso? Nasaan siya?" tanong nito. "Nasa kuwarto niya siguro. Sabi niya kanina ay may takdang-aralin daw siya na gagawin kaya mauna ka na sa kusina at tatawagin ko muna siya ng sabay-sabay na tayong maghahapunan." Tinalikuran ng Ginang ang asawa upang tawagin ang anak. Nauna na nga si Mang Francis sa kusina nila. "Adel, Adel, bumaba ka na riyan. Nandito na ang Tatay mo. Bilisan mo upang sabay-sabay na tayong maghahapunan. Mamaya mo na ipagpatuloy ginagawa mo," sabi ni Aling Edad sa bunsong anak. "Nandiyan na po, Inay." Isinuot ang tsinelas saka tinungo ang pintuan kung saan naroon ang kaniyang ina. Kung ang pamilya Dela Peña ay masayang naghapunan ay kabaliktaran naman sa tahanan ng mga Ortega. "Nasaan na naman ang panganay mong anak, Paula? Lagi na lang siyang nawawala ah!" may bahid ng inis na sa tanong ni Don Joaqin o ang ama ni Darwin. "Iyan ang hindi ko alam dahil hindi ko pa siya nakikita simula kanina. May party pa naman tapos siya lang ang nawawala," inis na ring sagot ng Ginang. "Huwag n'yo ng hanapin ang paborito n'yong anak dahil nasa piling siya ng nobya niya. Natural nawawala siya dahil magkasama silang dalawa," ismid namang sagot ng pangalawa nilang anak. "Ikaw Analyn, umayos ka riyan. Huwag na namang kung ano-ano ang pinagsasabi mo tungkol sa Kuya mo." Sawata ng Ginang dito. "Tsk! Tsk! Bakit, Mama? Totoo namang paborito n'yong anak si Kuya Darwin ah. Pero sige bawiin ko ang sinabi kong paborito n'yo siya pero ang tungkol sa magkasama sila ng nobya niya naku. Mama, hinding-hindi ko iyan babawiin dahil iyan ang totoo. Kahit itanong mo pa kay bunso." Kibit-balikat ng dalaga. Kaya naman hindi na ito pinatulan ng Ginang. Alam naman nila ang tungkol sa relasyon ng panganay na anak sa isang ordinaryong nurse sa kanilang bayan. Pero ang problema nila ngayon ay ang kung paano nila sasabihin sa kumpare nila na wala ang kanilang anak na siyang sadya ng mga ito kasama ang balik-bayang anak na dalaga. Ibubuka pa lamang niya ang labi para magsalita pero naunahan na siya ng asawa. "Anong gagawin natin ngayon, Paula? Tawagan mo ang magaling mong anak at pauwiin! Hindi maaring maantala ang pagkikita nila ni Lovely!" malakas na sigaw ng Don na siya namang pagbaba ng bunso nilang anak na si Jomar. "Ano na namang away iyan, Mama, Papa? Kung kailan magkakaroon kayo ng party dito sa bahay saka naman kayo nag-aaway-away. Hindi ba maaring ipagpaliban n'yo iyan?" tanong ng binata. "Paano bunso, nawawala na naman ang magaling at paborito nilang anak," segunda pa ni Analyn. "Shut up! Analyn! Kung wala kang masabing maayos ay maaring umakyat kana para magbihis dahil anumang oras mula ngayon ay darating na ang mga bisita natin!" muli ay sigaw ni Don Joaqin sa nag-iisang anak na babae. Wala naman siyang kinililingan sa mga anak, nagkataon lamang na ang panganay nilang mag-aasawa ang kailangan nila sa oras na iyon. Kaso naiinis siya dahil nawawala na naman ito. Dumagdag pa ang anak dalaga dahil mas pinusok nito ang kalooban niya. "Relax Papa, hindi ako kaaway. Nagsasabi lang ako ng totoo kaya kalma lang at ako'y papanhik na para makabihis." Nakataas pa ang mga palad nito na para bang inaaresto. Hindi na nila ito pinatulan kaya't ang bunso naman ang binalingan. "Huwag mong sabihin na pati ikaw ay aalis din, Jomar?" tanong ng Ginang. Pero ngumiti lang ito bago nagwika. "May lakad ako pero isinantabi ko na para hindi na naman kayo magalit. Bukas ko na lang itutuloy iyon, huwag n'yo ng asahan pa si Kuya sa ngayon dahil nakita namin siya kanina ni Ate. Nagtungo sa bahay nila Antonette. Siguradong magkasama ang mga iyon pero ang hindi ko alam ay kung saan sila nagtungo," sagot nito. "Tawagan mo ang Kuya mo, Jomar. Sabihin mong ako ang nag-utos sa iyo upang tawagan siya. Kung kinakailangang black mail mo siya para uuwi na ngayon din gawin mo." Utos naman ng padre de-pamilya. Pero kagaya ng nauna'y ngumiti lang ito. "Gagawin ko iyan ng walang pag-aalinlangan, Papa. Pero kung ako sa iyo mas mabuting ikaw ang tatawag sa kanya dahil kung ako ang gagawa niyan hindi iyan sasagutin ni Kuya. Sigurado ako sa bagay na iyan," muli ay sagot ni Jomar. Kaya naman wala ng nagawa ang Don kundi ang sundin ang suhestiyon ng bunsong anak. Siya na ang tumawag sa panganay na anak. Halos kauupo pa lang ng magkasintahang Antonette at Darwin sa restaurant kung saan dinala ng huli ang nobya ng tumunog ito. Nang nakita ang caller ay agad ding ibinalik sa bulsa. "Hon, naman bakit ayaw mong sagutin ang tawag?" takang tanong ng dalaga. Hindi naman lingid sa kaniya kung sino ang tumatawag kaya't hindi siya nakatiis na sabihan ito. "Huwag mo na lang pansinin, Honey. Nandito tayo para mapag-isa. To be far from the crowd. Alam mo namang once a week lang tayo nakakalabas ng ganito." Kibit-balikat ng binata. "Sabagay tama ka, Honey. Pero baka naman importanteng tawag iyan kaya walang problema kung sagutin mo." Sang-ayun ni Antonette sa kaniyang nobyo. Pero para kay Darwin ay may problema. Dahil ang caller niya ay walang iba kundi ang kaniyang ama. Kaya naman ayaw niyang sagutin dahil oras na ginawa niya iyon ay mawawalan na siya ng oras sa kaniyang kasintahan at iyon ang pinaka-ayaw niyang mangyari. Matagal nang tumututol ang mga magulang niya sa relasyon nilang dalawa pero hindi siya nakinig. Ang pagtawag nito ay alam niyang isa na naman sa paraan nito upang pigilan siya. "No, Hon. It's okey. I just want to be with you alam mo namang ikaw lang ang kaligayahan ko. Order ka na, Honey. Alam mo naman ang paborito ko," aniya na lamang. "As you wish, Honey," tugon ni Antonette saka tinawag ang waiter at hiningi ang menu book. Sinamantala naman ng binata ang pagkakataong iyon upang palihim na patayin ang tunog nang tunog niyang cellphone. "Pasensiyahan na lang tayo, Papa. Dahil ayaw kong pakialaman ninyo ang relasyon namin ni Antonette," pipi niyang sambit saka ibinalik sa bulsa ang naka-shut down na tawagan. After sometimes, masaya na silang nagkukuwentuhan habang kumakain. Gano'n naman silang dalawa! Simple lang ang kaligayahan! Ang magkasama sila, ang makapag-usap, kakain ng paborito nilang pagkain! Naglalambingan na parang nagliligawan! In other word, they are contented on their relationship. Abot hanggang langit naman ang galit ng Don ng pati ang tawag niya'y hindi pinansin ng anak. "Makikita mo ang hinahanap mong lalaki ka! Pati ako'y kinakalaban mo na rin." Ngitngit na napakuyom ang kamao nito. Kulang na lamang ay itapon ang hawak na cellphone. "Anong sabi ni---" Tangkang tanong ng Ginang pero agad ding pinutol ng Don. "Ayaw sumagot ng gago mong anak! Kaya't ihanda mo na ang rason mo sa mga bisita natin sakaling hanapin man nila ang taong!" mariin at pabulong nitong sagot lalo at nagsisimula nang magsidatingan ang mga bisita nila. Dahil dito'y hindi nakatiis ang kanina pa nakamasid sa kanila na si Jomar. "Simple lang naman ang problema ninyo, Mama, Papa. Sabihin ninyo sa mga bisita na may unexpectedly siyang lakad o 'di naman kaya'y ipagtapat n'yo sa mga magulang ni Lovely, ang tungkol sa relasyon mayroon si Kuya," wika nito na naging dahilan upang muling bumalasik ang mukha ng Don. "Kung ayaw mong pati ikaw ay pagalitan ko manahimik ka na lang kaysa padagdag ka sa problema ko, Jomar. Alam mo bang nakakahiya kapag susundin ko ang nais mo? Kadarating lang ni Lovely galing America. At dito sila sa atin magbabakasyon kaya hindi maaring maudlot ang pagkakataong ito o ang pagkikita nilang dalawa." Binalingan ng Don ang bunsong anak. Ngunit hindi maipaliwanag ang mukha. Marahil kung sa ibang anak ay galit na si Jomar pero hindi. Inunawa pa rin niya ang ama. May dahilan din naman ito para magalit. Ganoon din ang Kuya niya. Nauunawaan niya ang magkabilang panig. "Then tell them the first reason, Papa. Gano'n lang kasimple iyon. Tell them that he'll be coming tomorrow. Tuloy po ang party kahit wala si Kuya. Mas maganda nga iyong bukas ang pagkikita nila para hindi alam ni Kuya. Iyon bang wala siyang kaalam-alam na may bisita siya upang hindi na naman makaalis." Nakangiting sugestiyon ni Jomar sa ama. Kaya naman lumipas ang ilang sandali na hindi nakaimik ang mag-asawang Paula at Joaquin. Pinag-isipang mabuti ang suhestiyon ng bunsong anak. "Smile na po, Mama, Papa. Tara na rin sa garden dahil may mga parating ng bisita," muli ay wika ni Jomar dahil hindi nakaligtas sa paningin niya ang reaksyun ng mga magulang sa suhestiyon niya. Para namang natauhan ang mag-asawa sa tinuran ng bunsong anak. Kinalma ang sarili saka huminga ng malalim at sa wakas ay nagtungo sila sa main gate upang salubungin ang mga bisita nila. Kagaya nang ipinangako, bago maghatinggabi ay ihinatid na ni Darwin ang kasintahan. "Salamat, Honey. Mag-ingat ka sa pagmamaneho mo pauwi," wika ni Antonette ng nasa tapat na sila ng kanilang bahay. "Yes I will, Honey. Mahal na mahal kita." Niyakap niya ng mahigpit ang nobya. "Mahal na mahal din kita, Darwin honey ko. At masaya na ako ang mahal mo. Sige na Honey, late na masyado. May trabaho ka pa bukas." Tiningala niya ito saka kusang hinagkan sa labi. After she kissed him ay tuluyan na siyang pumasok sa kanilang tahanan. Hindi na siya lumingon dahil alam niyang hindi ito umaalis hanggat hindi siya nakakapasok sa loob ng kanilang bahay. Samantalang hinintay muna ng binata na nawala sa paningin niya ang kanyang nobya bago muling binuhay ang makina ng sasakyan niya saka tinahak ang daan pauwi din sa kanilang tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD