"Maybe you don't know me but I know you, Miss Dela Peña. Stay away with my fiancee." Halos hindi pa siya nakaupo sa loob ng magarang sasakyan ang dalaga ay ang mga katagang 'yon ang isinalubong ng nais makipag-usap sa kanya.
"Ha? Talagang hindi kita kilala dahil ngayon lang kita nakita. Baka naman maaring ipaliwanag mo ang sinasabi mo, Miss?" seryoso niyang tanong.
"Yes of course I will. But it's not needed to introduce myself to you. Let me repeat of what I said earlier, Miss Dela Peña. Stay away from my fiancee or else you will regret what I will do." Nakataas ang kilay ng babaing walang iba kundi si Lovely Fernandez.
"Wait, Miss. Sinabi ko namang wala akong nauunawaan sa mga pinagsasabi mo dahil wala naman akong karelasyong iba bukod sa boyfriend ko---"
"Exactly! Iwasan mo ang boyfriend mo kuno dahil siya lang naman ang fiancee ko! Binabalaan kita Miss Dela Peña, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko oras na hindi ka lalayo kay Darwin. Darwin Ortega, is my fiancee so if I were you stay away from him!" Pamumutol ni Lovely sa pagpapaliwanag ng babaing karibal sa lalaking mapapangasawa.
Para namang sinabugan ng granada ang dalaga dahil sa narinig. Paano nangyaring may fiancee ang kasintahan niya samantalang siya ang girlfriend nito?
"Sorry, Miss. Pero ako ang kasintahan ni Darwin kaya wala kang karapatang pagbawalan at palayuhin ako sa kanya. Mawalang-galang na Miss pero mauna na ako sa iyo." Inis man ang dalaga dahil sa pinagsasabi ng estranghera sa kaniya ay nagawa pa rin niyang maging mahinahon.
"Go ahead, Miss Dela Peña. Subalit huwag kang magpakasisigurado dahil hindi kita niloloko. Huwag ka nang magtaka kung sa mga susunod na araw ay hindi mo na makikita ang fiancee ko." Ismid ng babaing hindi nakikila ni Antonette.
Hindi na ito pinatulan ng dalaga bagkus ay ipinagpatuloy niya ang pag-uwi pero hindi pa pala doon nagtatapos ang kamalasan niya ng araw na iyon dahil halos hindi pa siya nakababa sa sinakyang tricycle ay dumating naman ang magarang sasakyan.
"Magandang hapon po, Ma'am Paula, Sir Joaquin." Magalang niyang pagbati sa mga ito.
"Walang maganda sa hapon ko kung ikaw ang nakikita ko. Magkano ba nag kailangan mo para iwasan ang anak namin?" taas-noong sagot at tanong ng huli.
Eksakto namang paglabas ni Adel upang alamin sana kung sino-sino ang mga bisita nila kaya't dinig na dinig niya ang tinuran ng Ginoo.
"Kung gano'n SIR! Anong ginagawa ninyo rito sa bakuran namin? Kung ayaw ninyong makita ang mga pulubing kagaya namin? Maari na kayong umalis bago ko kayo tuluyang bastusin!" galit niyang wika.
"Oh, hindi pa ba kabastusan sa pag-aakala mo ang binitawan mong salita? Saka matatawag bang bakuran ito? Para namang mas nararapat na tawaging basurahan kaysa bakuran ah," mapang-insultong wika ng Ginang.
"Really? Oh, baka nakalimutan ninyong nasa teritoryo ko ang mga MAYAMANG tulad ninyo wala sa palasyo niny---"
"Tama na Adel hayaan mo na sila." Pananawata ni Antonette sa kapatid pero hindi ito nakinig.
"Bakit, Ate? Natatakot ka? Wala silang katapatang insultuhin ka, tayo! Dahil pare-parehas lang naman tayong nilalang dito sa balat ng lupa. Pera lang naman nag pagkakaiba natin sa kanila," namumula sa galit na wika ni Adel.
Ang tagpo ring iyon ang nadatnan ng mag-asawang Edad at Francis na galing sa bukid patunay lamang ang mga dala-dala nila.
Kaya naman agad lumapit ang mag-asawa sa mga ito.
"Anong kaguluhan ito, Adel? Antonette?" tanong ng padre de pamilya.
"Well, well, ikaw pala ang Tatay ng walang-galang na batang iyan, Francis? Hindi na iyan nakapagtataka na ambisyusa ang anak mo para pangarapin ang anak ko na magiging asawa. Magkano ba ang kailangan ninyo upang tigilan ang anak ko? Mga hampas-lupa nga kayong lahat! Ambisyusa!" Panglalait ni Don Joaquin bago muling bumaling sa kasintahan ng panganay na anak.
"Here take this check worth of one million, kaysa naman na siguro iyan para lubayan mo ang anak ko and besides you will never deserves him." Tiningnan pa nito ang dalaga mula ulo hanggang paa bago ipinahawak ang pirmadong cheque na may halagang isang milyong peso.
Kaya naman hindi na nakapagpigil ang dalaga na harap-harapang iniinsulto ng mag-asawang Ortega.
"Pinalaki ako ng mga magulang ko na may takot sa Diyos. May paggalang sa kapwa lalo na sa matatanda. Wala man kaming yamang materyal kagaya ninyo pero may dignidad kami ng pamilya ko. Ang kaligayahang tunay ay hindi nabibili ng kahit anong yaman sa mundo. Sa ginawa n'yong ito ay bigla ninyong pinababa ang pagtingin ko sa inyo.
This cheque?(sabay taas sa hawak na cheque) kailanman ay hindi mababayaran at matutumbasan ang kaligayahan ko, namin ng anak ninyo! Pero ang hiwalayan ba siya ang nais n'yo? Sige pagbibigyan ko kayo pero hindi n'yo rin ako masisisi kung pupunitin ko ng pira-piraso itong cheque ninyo!"
Pinunit-punit ng dalaga ang cheque na ipinahawak ng Don sa kanya. Ang mahinahon niyang boses ay naging malakas dahil na rin sa galit na lumulukob sa kanya.
Hindi naman nakaimik ang mga nakapaligid sa mga ito. Kahit ang mga magulang nito ay wala ring nasabi dahil sa unang pagkakataon ay nagalit ang dalaga.
"Layas! Lumayas kayo sa harapan ko! Mga adelantadong tao! Mga edukada't edukado pa naman kayong naturingan pero kung gaano kayo kayaman ay gano'n din kayo kawalang respeto sa kapwa ninyo! Sayang kayo ang taas pa naman ng pagtingin ko sa inyo! Layas!"
Itinulak na niya ang mag-asawa palayo sa kinaroroonan nila. Wala siyang pakialam kung madapa ang mga ito basta galit siya.
Dito natauhan ang mga magulang nito kaya't nilapitan nila ito.
"Tama na anak, hayaan mo na sila." Awat ni Mang Francis.
"Talagang aalis kami babaing mukhang pera at hintayin ninyong ipakulong ko kayong lahat dahil sa ginawa ninyong ito!" sigaw rin ng Don.
Pero...
Biglang sumulpot at sumabad ang taong dahilan ng kaguluhang iyon.
Si Darwin.
"Tama na! Tama na! Hindi pa ba kayo nasiyahan sa pananakot ninyo sa akin? Hindi pa ba sapat ang sabihin ninyong itatakwil ninyo ako kapag ipagpapatuloy ko ang pakikipagkita sa nobya ko? Sige mamili kayo, Mama! Papa! Ang ipakulong ang pamilya Dela Peña pero sa kanila ang panig ko at ipagpatuloy ang pakikipagrelasyun sa taong dinuduro-duro ninyo o manahimik na kayo't umuwi na sa bahay at huwag na silang pakialaman upang mapakasalan ko ang taong kayo ang nagmamahal hindi ako! Mamili kayo ngayon din!" Ihinarang ang sarili sa pamilya Dela Peña.
Lihim namang napangiti ang mag-asawang Paula at Joaquin. Wala naman silang balak tutuhanin ang ipakulong ang mga ito pero umaayon sa kanila ang pagkakataon.
"Okay! Let's go home, Darwin. Never attempt to be with them again!" Angil ng Ginang pero sa kaloob-looban ay nagbubunyi dahil epektebo ang strateheya nila.
Hindi na nila hinintay ang sagot ng binata. Nauna na silang tumalikod at tinungo ang sasakyan nila saka pinaharuthot palayo sa tahanan ng mga Dela Peña.
Pagka-alis ng mag-asawang Paula at Joaquin ay hinarap ni Darwin ang mag-anak pero bago pa ito nakapagsalita ay inunahan na ng padre de-pamilya.
"Edad asawa ko, Adel anak, halina kayo sa loob hayaan muna natin silang mag-usap," anito.
Halatang mabigat ang kalooban. Saksi sila sa pagmamahalan ng dalawa pero wala na rin silang magagawa kung ang magulang ng binata ang nakialam. Maaring talagang hindi puweding pagparesen ang pinggang babasagin at platong gawa sa coconut. Langit at lupa naman talaga ang dalawa kaya't hinayaan nilang makapag-usap ang mga ito.
Pagkaalis ng tatlo ay agad namang niyakap ni Darwin ang kasintahan while saying how sorry he is for what his parents does to them.
"Mahal na mahal kita, Antonette. At sana mapatawad mo ako pagdating ng panahon dahil wala na akong magagawa kundi ang sundin ang kagustuhan nila. Ayaw ko ring ang pamilya mo ang balikan nila kagaya nang nasabi ni Papa. Ipapakulong niya kayong lahat kahit wala kayong kasalanan bagay na ayaw na ayaw kong mangyari. Hindi na baleng ako ang magdusa huwag lang kayo, Honey. Handa akong magsakripisyo para sa iyo at ang pamilya mo. I'm so sorry." Umiiyak na si Darwin habang nakayakap sa kasintahan.
"Ibig sabihin Hon...talagang maghihiwalay...akala ko ba handa kang..." hindi magkandatutong wika ng dalaga na hindi napigilan ang sarili na magpumiglas.
Kaya naman bumitaw sa pagkayakap sa nobya si Darwin at hinawakan ito sa magkabilang pisngi saka idinikit ang noo sa noo nito.
"I'm so sorry, Honey. You deserve to be with someone who will love you more than I do. Please forgive me, Honey. I'm hoping that someday you will be able to find someone who will love you 'till eternity. I do love you, Honey. But I need to say goodbye for the sake of everyone specially to you and your family. I'm sorry." Walang hanggang paghingi ng paumanhin ang laman ng labi nito.
Kasabay ng pagbuhos ng kanilang luha, bumuhos din ang malakas na ulan na para bang nakikipagdalamhati sa kanilang nararamdaman.
"Sumilong na kayo riyan! Magkakasakit kayong pareho kapag hindi kayo sisilong!" sigaw ni Aling Edad pero hindi na ito pinansin ng magkasintahan na anumang oras ay magkakahiwalay na ng landas.
Para sa mga taong pasan ang mundo ay hindi alintana ang pasakit dulot ang biglang pagbuhos ng ulan. Dahil mas masakit para sa kanila ang napipintong paghihiwalay.
"Go inside, Honey. Dahil mas gusto kong makita ka sa huling pagkakataon bago ako matali sa taong kailan man ay hindi ko kayang mahalin. Pero kailangan ko itong gawin para sa ating lahat. Kalagayan ninyo ang nakasalalay dito. Hindi na bale kung ako lang sana. I love you, Honey." Pagtataboy ng binata sa kasintahan.
"Pero---" Angal pa ng dalaga na sumabay ang luha sa pagbuhos ng ulan.
Hindi na hinayaan ni Darwin na matapos ng nobya ang sinasabi dahil pinutol na niya sa pamamagitan ng nakakapugtong hininga na halik.
"Please, Honey. Go, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo dahil ayaw kong magkasakit ka. You deserve to be happy, Honey. Kaya sundin mo na lang ako. Pumasok ka na dahil pagpasok mo ay aalis na rin ako at hindi n'yo na ako muling makikita kaya't pasok ka na sa loob," muli ay wika ni Darwin.
Ayaw man sana ng dalaga dahil sila namang dalawa ang nagmamahalan pero wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod. Pero hindi pa siya nakalayo ay muli siyang tumakbo pabalik sa binata saka muling yumakap ng mahigpit dito. Para bang ayaw ng bitawan. In other words, they're hugging each other in the middle of the rain!
Then...
Kusang inabot ni Antonette ang labi ng kasintahan at siya mismo ang humalik dito na buong puso naman nitong tinugon. But, again they need to be parted!
After she kissed him torridly, she heavily tracked her way to get inside of their house. Hindi na siya lumingon dahil ramdam at sigurado siyang hindi niya kayang mawalay pa dito kapag lilingon pa siya.
"I do really love you, Honey. But I need to say goodbye now for the sake of your safety. You will always be my Honey and no one can replace you in my heart," bulong naman ng binata saka nagsimulang lumakad palayo sa tahanan ng mga taong nagbigay ng tamang kahulugan ng pamilya.
As he entered his car, he let his emotion out. Hinayaan niyang sumabay sa pagbuhos ng ulan ang kanyang luha. Kung ilang minuto siyang humahagulhol sa harap ng manebela niya'y hindi na niya alam, at mas hindi niya alam kung paano siya nakauwi dahil ang mundo'y nakikidalamhati sa kanya.
Dalawang taong nagmamahalan pero kailangang maghiwalay para sa kapakanan nilang lahat! Ang pag-ibig na ipinagkait sa kanila na kung kailan maghihilom ang sugat na dulot ng pag-ibig ay hindi nila alam.
Sa kabilang banda, naging matiwasay ang biyahe ng magpinsang Khalid Mohammad at Reynold Wayne sa King Khalid International Airport sa Saudi Arabia.
"Cous, iba pala talaga kapag mismong mata na ang nakakakita sa kanila," bulong ng huli kay Khalid.
"Tado mata mo baka matusok!" Pabiro namang angil ni Khalid dito.
Kahit hindi man nito sabihin ay alam na niya ang tinutukoy dahil sa uri pa lang ng paningin nito'y mga taong nakasuot ng abaya na mata lang ang nakikita, mga lalaking arabo na daig pa ang mga pari na may suot na mahabang damit na puti(disdasya sa Arabic) at may nakalagay pa sa ulo(kutra sa arabic).
"Panira ka talaga ng moment, Abubakar. Pasalamat ka't nandito tayo sa teritoryo mo." Paismid ni RW pero ang mga mata'y gumagala.
"Ang sabihin mo naghahanap ka ng magiging babae mo riyan. Pero inuunahan na kita, Abrasado. Hoy, nasa Arab Country ka baka naman kaligayahan na hanap mo'y tuluyang mawala dahil maputulan ka pa ng junior diyan." Pang-aasar pa ni Khalid Mohammad sa pinsan.
Kaya naman ang seryosong nagmamasid sa paligid ay agad napatingin sa pinsan! Sino ba naman nag may gustong maputulan ng junior? As in wala!
Pero ang luko-luko ay pinagtatawanan lamang siya saka patakbo siyang iniwan. Only to found out na ang tiyuhin niya o ang asawa ng Mama Eula Gwendolyn niya'y nasa harapan na nila. Kaya naman imbes na bumawi siya ng pang-aasar dito'y nauna na siyang nakipagbeso-beso dito.
"Welcome to Saudi, anak. I never expected na gusto mo ring sumama dito. Thank you, anak," bakas sa boses at mukha nito ang kaligayahan.
"Ay, opo naman, Papa. Maraming salamat dahil marunong ka ng magtagalog para hindi na ako mahirapang hahagilap ng English," magalang na sagot ni RW pero ang diyahe niyang pinsan ay muling nang-asar.
"Ang sabihin mo may pinagtataguan ka sa Pilipinas kaya't sumama ka dito sa Saudi." Nakangisi nitong baling sa kaniya saka bahagyang nagtago sa likuran ng ama.
"Tsk! Tsk! Huwag mo ngang ibaling sa akin. Papa, iyang pinsan ko mag-aasawa na raw kaya nagyaya na sasama ako rito para daw may kasama siyang magsasabi sa inyo nila Mama at Fatima," bawi naman niya, although alam naman nilang nagbibiruan lang sila.
Kaya naman hindi na napigilan ng kanina pa nakatago sa kumpulan ng ibang Saudis na si Eula Gwendolyn ang lumapit sa kanila at napahalakhak.
"Mommy!"
"Mama!"
Tuloy ay sabayang wika ng dalawang binata saka nag-unahang yumakap dito pero dahil mas malapit si RW ay nauna itong nakayakap sa kapatid ng ama. Pero bago pa sila magharutang muli ay mas pinili na ni Mohammad ang pumagitna.
"Sa bahay n'yo na ipagpatuloy iyan mga anak. Baka akalain pa nilang kung ano na nangyayari sa atin dito." Nakailing nitong baling sa dalawa. Although nakikita namang masaya ito sa pagdating ng panganay na anak at kasama pa nito ang pamangkin ng asawa.
Hindi na sila nagsayang ng oras, kasabay ng paghila nilang magpinsan sa kani-kanilang maleta ay sinabayan ring nila nang paglabas sa paliparan saka nagtungo sa sasakyan ng mga magulang ni Khalid na sumundo sa kanila.