BLURB

206 Words
Paano ba ang lumimot sa kabiguan ng buhay? Sa ating buhay ay dumarating ang panahon ng tag-ulan. Sa tuwing dumarating ang panahong iyan ay lagi nating naaalala ang nakaraan na parang kailan lang nangyari. Antonette Dela Peña, isang simpleng mamamayang Filipino. Lahat na yata ng kabiguan at kamalasan sa buhay ay nangyari sa tag-ulan. Sa pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa, ano ang buhay ang naghihintay sa kaniya? "Hoy! Babaeng may balak magpakamatay! Huwag kang paharang-harang sa dinaraanan ko dahil ayaw kong ako ang makasagasa sa iyo!" mainit ang ulo na sigaw ni Khalid Mohammad. Khalid Mohammad Abubakar, half Arab, half Filipino. Pero mas nanaig ang dugong Pilipino kaya mas piniling nanirahan sa piling ng mga ninuno sa bansang Pilipinas. Bukod sa pangalang nakakabit dito ay wala ng palatandaang isa itong arabo. Paano kung sa paglipas ng panahon ay muling magbabalik sa buhay ni Antonette ang taong sumugat sa kaniyang puso? Si Darwin Ortega na handang gawin ang lahat upang mabawi ang nararapat na para sa kaniya. Handang maging kriminal o handa siyang pumatay para malinisan ang daan niya patungo sa taong pinakamamahal. Bilang Antonette, hanggang kailan mo kayang panindigan ang katatagan mo kung sa tuwing sumasapit ang tag-ulan ay may nawawala at nangyayari sa buhay mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD