IKA-WALONG KABANATA

2583 Words
Days later... "Sigurado ka ba, Inay? Okay lang sa inyo ni Itay na pupunta tayo sa tahanan ng mga Ortega? Alam ko po na lamay ang pupuntahan natin subalit hindi pa rin mawala sa akin ang mangamba," hindi kumbinsadong tanong ni Adel sa ina. "Oo naman, anak. Kahit ganoon ang ginawa nila sa atin dati ay hindi tayo dapat magtanim ng sakit ng loob lalo at sumakabilang buhay na sila," tugon ni Aling Edad. "Tama ang Nanay mo, anak. Patay na sila kaya't kalimutan na natin ang nangyari. At isa pa bukod doon ay wala naman na silang ginawang masama sa atin. Mga kababayan natin sila kaya dapat ipakita din natin ang ating pakikiramay sa kanila." Sang-ayon pa ni Mang Francis sa asawa. "Sige po, Inay, Itay. Subalit si Ate ang hindi ko sigurado kung sasama siya o hindi," sagot na lamang ng labing-anim na si Adel. At eksakto namang pagdating o pagtigil ng sasakyan ng magpinsan na naghatid sa dalagang si Antonette. "See you tomorrow, 'Nette," ani RW. "Salamat, Wayne, Khalid," tugon naman ng dalaga. Tango at ngiti na lamang din ang sagot ni KM. Hindi na sila pumayag na bumaba pa. Ang dahilan nila ay sa ibang araw na lamang para makatagal sila sa pakipagkuwentuhan sa buong pamilya. Pagkapasok ng dalaga ay umalis na rin ang magpinsan pero parang dumaan si kabunegro na walang brief dahil sa namayaning katahimikan. Samantala, napukaw ang agam-agam ng pamilya Dela Peña na baka hindi sasama si Antonette sa pagpunta sa tahanan ng mga Ortega upang makiramay dahil ito mismo ang nagsabing dapat din silang magtungo roon dahil wala naman silang ibang pakay kundi ang makipagdalamhati sa pamilyang iniwan ng mag-asawa o ang yumaong dahilan nang pagpunta nila roon. "Hi, po sa inyong lahat, maraming salamat sa pagparito n'yo. Pasok po kayo." Salubong ng magkapatid na Analyn at Jomar sa pamilya Dela Peña. Kaya naman ay pumasok din ang apat. Ngunit hindi pa sila nakailang hakbang ay may poncio pilato namang humablot kay Antonette. Hindi lamang iyon, lumapagapak pa ang palad nito sa pisngi ng dalaga bago ito muling lumayo sa kinaroroonan nila. Ngunit bago iyon ay nag-iwan pa ito ng nakakainsultong salita. Dahil sa bilis ng pangyayari ay walang nakahuma sa kanilang lahat. "Ang kakapal naman ng pagmumukha ninyong mag-anak para magpakita pa rito! How dare you! How dare you! Get lost! Go away! Ang mga pulubing tulad ninyo ay hindi nababagay dito!" sigaw ng pangahas na humablot at nanampal kay Antonette saka naglakad palayo sa kanila. Until... Napagdesisyunan ng pamilya Dela Peña na huwag nang tumuloy sa papasok. Dahil ayaw din nila ang makaeskandalo sa burol ng mag-asawang Paula at Joaquin. But in their mind, pinagsisisihan nila ang pagpunta pa nila sa tahanan ng mga Ortega dahil kahihiyan lang ang kanilang napala. "Sabi ko na nga ba eh! Dapat hindi na tayo nagtungo roon. Aba'y sila na nga ang dinamayan sila pa ang may ganang mambastos!" Umuusok ang ilong sa galit na si Adel habang nasa daan sila pauwi. "Anak, tinanggap tayo ng maayos ng magkapatid huwag mo naman silang idamay dahil kay Lovely. Saka hayaan mo na anak ang mahalaga ay naipakita nating wala tayong ibang intensiyon doon kundi ang damayan sila." Gano'n pa man ang nangyari ay sinalungat pa rin ni Aling Edad ang bunsong anak na agad ding sinegundahan ng asawa. "Tama naman ang Nanay mo anak, ang kawalang respeto ni Lovely sa mga panauhin ng mga in-laws niya ay hindi kasalanan ng magkakapatid. Nakita mo naman kung paano tayo pinapasok nina Jomar at Analyn. Kaya kalimutan mo na iyon Adel anak," anito. Hindi man sumagot si Adel pero hindi ibig sabihing sumang-ayon na siya sa sinabi ng mga magulang. Halata rin naman sa expression ng mukha niyang mainit pa rin ang dugo sa pamilya ng dating kasintahan ng kapatid. "Adel, Sis, alam ko ang iniisip mo at salamat sa pagmamalasakit mo para sa akin. Pero tama sina Inay at Itay, pumanaw na ang mag-asawa. Pinatuloy naman tayo ng maayos nila Jomar at Analyn ibig sabihin noon kasabay ng panahon ang pagbabago nila. Kung ang ginawa ni Lovely ang iniisip mo hayaan mo na siya dahil wala na akong pakialam sa kanila nagtungo lang naman tayo roon upang makiramay sana pero dahil kay Lovely kaya tayo umuwi agad. Kalimutan mo na iyon Adel kunting bagay lang iyon. Smile na Sis para laging maganda." Pang-aalo naman ni Antonette sa kapatid. Kinapa niya ang kaniyang sarili kung may pagmamahal siya sa taong dating sumugat sa puso niya pero wala siyang ibang makapa kundi ang awa para sa dalawang halatang bagong dating na sila Darwin at Lovely. This time sigurado na siyang naka-move on na siya sa nakaraan. "Sige po, kalimutan na natin na naging bahagi sila ng buhay mo Ate. Pero kung may gagawin pa silang labag sa kalooban ko ay ngayon pa lang ipinapauna ko ng hindi ko sila papalampasin kapag nagkataon," tugon ng dalagita bago tuluyang pumasok sa kanilang bahay. Nagkatinginan na lamang ang tatlo dahil gano'n nga ang sahot ni Adel pero halata namang mabigat sa kalooban. Samantala sa tahanan ng mga Ortega, hindi na napigilan ni Jomar ang kapatid. Nang nakasigurado itong wala na sa paligid ang mga Dela Peña ay agad na hinablot ang hipag kagaya ng ginawa sa mga kakaalis na bisita o ang mag-anak. "Dahan-dahan, Iha. Baka mapaano ang Ate Lovely mo lalo at buntis siya." Agad na awat ng ama Ginoo o ang ama ni Lovely. "Talagang mapapaanak siyang wala sa oras kung hindi siya umayos. Hindi porket asawa siya ni Kuya ay may karapatan na siyang mambastos sa mga makikiramay," inis na ring sagot ni Analyn sa biyanan ng kapatid. Wala na siyang pakialam kung may masabi sila sa kaniya. Nakakairita ang gagang ambisyosang palaka. "Ano bang problema mo, Analyn? Don't tell me na kinakampihan mo ang mga pulubing iyon? Ako ang hipag mo kaya't nasa akin dapat ang simpatya mo," mataray pang sabi ni Lovely na mas ikinainit ng ulo ng dalaga. "Then? Ano naman kung hipag kita, aber? I don't care kung hipag kita dahil mali ka! Nauunawaan mo ba? Maling-mali ka sa ginawa mong pambabastos sa pamilya Dela Peña! Tama siya nga ang dating kasintahan ni kuya pero ito ang itatak mo sa utak mo Lovely ikaw ang asawa ni Kuya at hindi na magbabago iyan! At kung may kaunting hiya ka pang natitira sa katawan mo, just shut up your good damn mouth and sit besides your husband to comfort him for our loose. Pero kung hindi mo kayang gawin iyan, ako na ang nagsasabing maluwag ang pintuan at maari kang makakaalis anytime you want dahil hindi kailangan sa lamay na ito ang mambastos sa mga nakikiramay!" Malakas na sigaw ni Analyn sa mismong mukha ng hipag na hindi alintana kung nasa harapan din nila ang ama nito. Sa lakas ng boses nito ay hindi na rin napigilan ni Darwin ang iwanan pansamantala ang kabaong ng mga magulang. Hinarap niya ang asawa at kapatid kaso bago pa man ito makapagbitiw ng salita ay inunahan ito ni Analyn. "Alam ko ang sasabihin mo, Kuya, pero inuunahan na kita. Kahit kapatid kita kung bastos ang asawa mo ay nandito pa kami ni Jomar at maari kayong lalabas ng pamamahay natin kung hindi kayo marunong makisama. Pagsabihan mo ang asawa mo na magtino kung ayaw niyang kakaladkarin ko siya palabas ng bahay kahit pa buntis siya." Hindi man kagaya ng dati kalakas ang boses ng dalaga ay nandoon pa rin ang diin. Akala nila ay tapos na ito ngunit nagkakamali sila dahil bumaling pa ito sa Ginoo saka muling nagwika. "Hindi ako hihingi ng paumanhin sa iyo, Mr Fernandez. Dahil tama naman lahat ang binitawan kong salita sa anak mo. Subalit ito ang tandaan ninyong mag-ama, kahit hindi ako laging nakatingin sa inyo ay alam ko ang nangyayari. Kaya't pagsabihan mo ang babaeng iyan dahil baka hindi lang iyan ang aabutin ninyong mag-ama sa akin kapag maulit pa ang pambabastos niya lalo sa lamay ng mga magulang namin," sabi nito sa ama ng hipag saka binalingan ang bunsong kapatid. "Halika na, Jomar, tayo na lang ang mag-aasikaso sa mga bisita. Dahil baka makakita na naman ng ibang mas maganda pa sa naunang bisita eh baka hindi lang hablot at sampal ang magagawa niya." Pasaring pa nito saka hinila palayo sa tatlo. Hindi naman agad nakapagsalita si Darwin, bukod sa naghihinagpis ang puso niya sa pagkawala ng mga magulang ay nagulat din siya sa ginawa ng asawa. Ngunit mas hindi siya makapaniwala na nagawang sinupalpal ng kapatid niya ang asawa sa mismong harapan ng biyanan. Ganoon pa man ay muli siyang nagsalita. "Ito lang mag masasabi ko sa iyo, Lovely. Kahit ngayon lang dahil sa lamay ng mga magulang ko, please ilugar mo ang pagseselos mo. Dahil ayaw kong maulit muli ang nangyari sa pagitan ninyo ni Analyn," ani Darwin na para bang wala sa sarili. Pero para sa taong hindi marunong magpakumbaba, hindi marunong tumanggap ng kababaang isip at pagkatalo ay balewala lang din lahat ang paliwanag nila. Dahil imbes na manahimik at humingi ng paumanhin ay hindi. Dahil nagawa pa nitong pagdabugan ang asawa at walang paalam na umalis na kinaroroonan ng ama at asawa. "Hayaan mo na muna, Papa. Wala naman siyang ibang pupuntahan kundi sa kuwarto naming mag-asawa." Pigil ni Darwin sa biyanan ng akmang susundan nito ang asawa lalo at kitang-kita naman nila na pumasok ito sa loob ng kabahayan. Hindi na rin ipinilit ni Mr Fernandez ang pagsunod sa anak. Dahil tama naman manugang at kapatid nito. Subalit anak pa rin niya ang sangkot kaya't hindi na lang siya umimik. Sa kabilang banda, hindi nakatiis ang mag-asawang Princess at Wayne. Kinausap nila sina Khalid Mohammad at Reynold Wayne. "Hep! Hep! Walang lalabas, maupo muna kayong magpinsan." Harang ng una ng namataan na paalis na naman ang mga ito na parang hindi nakikita ang isat-isa. "Bakit po, Lola?" sabay na sagot at tanong ng dalawa. Pero hindi ang Ginang ang sumagot dahil sinalo ito ng asawa. "Magtapat nga kayong dalawa, nag-away ba kayo?" deretsahang tanong ni Lolo Wayne. Kaya naman ang papaalis na magpinsan ay tuluyan ng tumigil at hinarap ang mga ninuno. "Lolo, Lola, ano ba ang pumasok sa isipan ninyo at naisip n'yo ang bagay na iyan? Naku kailanman ay hindi kami nag-aaway ni Reynold Wayne. Bakit n'yo po naitanong iyan?" patanong na pahayag ni Khalid Mohammad na agad sinegundahan din ni RW. "Anong mayroon at para kayong namaligno este nanghula, Lola, Lolo? Aba'h naman, kung nag-away man kami ni insan matagal na sana. Subalit kailanman ay hindi n'yo man kami narinig nagkasagutan, o 'di naman kaya ay nagbugbugan. Ano po ang mayroon?" tanong din nito. Pero para sa mga eksperto sa mga bagay-bagay, mga taong may edad na at mahirap ng iliko sa mga problema. "Don't go anywhere you two. Come here and we will talk about what's the matter with you. Kung kami ng Lolo ninyo ay wala kaming problema pero kayong dalawa alam naming mayroon kahit iliko pa ninyo ang usapan. Hala maupo kayong dalawa diyan at huwag na huwag n'yo kaming pinagloloko." Nakapamaywang na itinuro ni Lola Queennie ang mahabang sofa. Kaya naman kahit nagtataka ang magpinsan kung ano ang pinaglalaban este ang nais tukuyin ng mga ninuno nila ay sumunod pa rin sila. "Ngayon ay magsalita kayo isa-isa. Mauna ka, Khalid. Ano ang problema ninyong magpinsan at para kayong estranghero sa isa't-isa ni Reynold Wayne? Same to you, Reynold Wayne, what's the matter with you both?" Pagpapatuloy ng kanilang abuelo sa interogasyon. Nagkatinginan tuloy ang magpinsan dahil dito sa tinuran ng abuelo. They're totally shocked on what their grandparents is saying. Pero para kay Khalid sa pagkakabanggit ng abuelo na para silang estranghero sa isat-isa ng pinsan niya ay nagkaroon siya ng idea sa wakas. Marahil ay napansin nila ang bihira na nilang bonding ng pinsan niya. Hindi man siya galit dito pero simula ng nalamang ang tinulungan nilang babae na nagpapagulo sa isipan niya ang pinagkakaabalahan nito ay dumistansiya na siya dahil ayaw niyang magkasamaan silang magpinsan dahil sa iisang babae. Alam niya at sigurado siya na may puwang ito sa puso niya ganoon din ang pinsan niya kaso mas nananaig sa kanya ang pagiging magkadugo nilang dalawa. Sa isipan niya ay marami pa ang darating sa buhay niya. "Hey, Khalid Mohammad Abubakar, I'm talking with you. Are you our of your mind?" tinig ng abuela nila na nakapamaywang sa mismong harapan ng binata. Kaya naman naputol ang naglalakbay ng diwa ni Khalid. Tumingin siya sa pinsan niya pero kagaya lang din niyang nakakibit-balikat. "Oh, ano iyan magpasahan pa kayo nang magsasalita? Magsiuwian kayo sa mga magulamg ninyo kung hindi kayo magtitino." Ayon at mukhang pinapalayas na sila ng kanilang abuelo. "Ah Lolo, Lola, pasensiya na kayo pero clueless po talaga ako kung ano ang ibig n'yong tukuyin. Kahit ipagtulakan pa n'yo pa ako palabas ng pamamahay ninyo este natin pala hindi ako aalis dahil nandito kayo. Total kayo naman po ang nagsimula eh baka naman maaring malaman kung ano ang nais ninyong sabihin?" sa wakas ay nasabi ni KM na agad sinundan ng pinsan. "Hmmm, baka naman ang ibig ninyong sabihin, Lolo, Lola, eh ang hindi namin paglalabas ng madalas ni insan? Aba naman po baka gusto ninyong maging lagalag kami parehas? Ooops not what you think, Lola beautiful. Si insan naman po kasi ang nagsabing paano ako magkaka-love life kung kapit-tuko kami sa isat-isa?" Ayon at mukhang nagkakunektado din ang isipan nilang dalawa dahil iniisip pa lang ni KM pero nasabi na ni RW. Ang buong akala ng magpinsan ay magagalit ang mga ninuno pero laking pasasalamat nila dahil napahalakhak pa ang mga ito sa pahayag ni RW. "Kung kanina pa sana kayo nagsalita eh 'di hindi sana tayo umabot sa ganitong pagkakataon. Alam ninyo kaya kami pumagitna dahil ayaw na ayaw naming darating ang araw na magkakasamaan kayo ng loob dahil sa babae. Habang maaga pa mag-isip kayong dalawa, kayo din ang gumagawa ng sarili ninyong kapalaran." Kay lapad nang ngiting nakabalatay sa mukha ni Lola Queennie. "Ay sabi ko na nga ba, Lola. Iyan ang nais mong sabihin. Pero huwag po kayong mag-alala ni Lolo dahil kahit baliw ang pinsan kong iyan hindi ko siya maaatim na saktan." Nakangiwing si KM habang hawak ang batok. Paano ba naman kasi! Ayaw sumang-ayon ng puso niya sa sinasabi ng kaniyang isipan. Sa nakikita niya ay mahal ng pinsan niya ang babaeng halos lagi nilang kasabay sa pag-uwi. Kung hindi lang ibang daan ang daanan pauwi sa kanila ay baka tuwing hapon nila itong ihinahatid. "So Lolo na kasing pogi namin ni pinsan at Lola na kasing ganda ng mga apo, baka naman maari na kaming umalis? Baka magkatotoo na iyang sinasabi ninyong mawawalan kami ng love life kung hindi n'yo pa kami papayagang lalabas?" Naka-puppy eyes pang ani RW kaya naman binatukan ito ni Khalid. "Paano tayo makaka-alis niyan pinsan, look." Nakahawak din sa batok na wika nito. Kaya naman! Nag-isang linya ang kanilang paningin! Ang buong mag-anak ni Col Pierce Wesley Abrasado at Attorney Nathalie Janelle ay nasa bungad ng pintuan! But... Okay na sana dahil wala namang problema kahit nandoon ang buong pamilya ng bawat isa pero hindi lang sila ang dumating! Nandoon din ang mga magulang ni Khalid Mohammad at higit sa lahat ay nandoon ang abuelo nilang retired general ng Camp Villaflores ba bihira ring dumalaw sa tahanan ng kapatid na si Wayne. Kaya naman imbes na makalabas ang magpinsan ng gabing iyon ay hindi na dahil sa unexpected na panauhin ng mga ninuno nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD