Ang paglalagalag sana ng magpinsan ng gabing iyon ay hindi na natuloy. Dahil dumating ang buong angkan nila para surpresahin ang mag-asawang Langgam at Kangaroo para sa kanilang golden anniversary. Walang nagsabi o nagpaalala sa napakahalagang okasyon kaya naman halos walang nakaalam o mas tamang sabihing walang kaalam-alam ang magpinsan. Kaya naman buong akala nila ay kung ano na ang mayroon at nandoon lahat ang buong angkan.
Unexpectedly dumating din ang mga magulang ng wild princess na sila Madam Lampa at Sir Sablay, at ang mag-asawang Grace at Sherwin. They surprised them at all! The mastermind of the surprise party? Walang iba kundi ang mga olds na kinakutsaba pa ang mga apo para isagawa ito.
As the days goes on...
"Ano ngayon ang plano mo anak? Kasi kung ako lang sana ang masusunod ay huwag ka na sanang aalis total may permanenteng trabaho ka naman dito sa lugar natin," ani Mang Francis sa anak.
"Okay lang po iyon, Itay. Para mas makakaipon ako para sa pag-aaral ni bunso. Kung dito lang po kasi ay napakamahal pa ng mga bilihin tapos para sa atin pa po kulang na ang sahod ko kahit pa sabihin nating hindi naman tayo lumiliban sa pagkain. Kung papalarin dalawang taon lang naman po, Itay. Saka pagiging nurse rin naman po ang naghihintay na trabaho sa akin kaya't huwag ka na pong malungkot, Itay."
Yumakap si Antonette sa amang nagsesentemyento. Sa unang pagkakataon naman kasi ay lalayo siya sa bayang sinilangan.
Kaso ang kapatid niyang nasa kursong Engineering ay naging investigator na yata at naging counselor pa yata. Siya ang unang star witness.
"Iyan ba ang rason mo, Ate? O baka naman hindi mo pa rin makalimutan si Darwin? Kung ako sa iyo ay mas pabor akong aalis ka muna rito sa lugar natin lalo at nandito silang mag-asawa. Laking pasasalamat ko, Ate, dahil lagi mo kaming iniisip nila tatay at nanay pero isipin mo din sana ang sarili mo. Gawin mo ang dapat mong gawin na naaayun sa kagustuhan mo hindi dahil para sa ibang tao kahit pa sabihing pamilya mo kami." Salungat naman ni Adel.
"Ano ang ibig mong sabihin, Adel anak? May kababalaghan na naman bang ginawa ang buntis na iyon? Naku! Huwag na huwag siyang magkakamaling lalapit dito dahil kahit manugang siya ng mga Ortega hindi ko siya patatawarin. Tama na ang panlalait nila sa atin!"
Napangitngit na rin si Aling Edad dahil sa pagkarinig sa pangalan ng manugang ng mga Ortega.
"Kung walang sinabi sa inyo si Ate, ako ang magsasabi. Bakit hindi n'yo po ba alam na umaaligid-ligid ang lalaking iyon kay Ate? Bagay na hindi rin nalingid kay impaktang buntis? Sinugod pa talaga si Ate sa pagamutang pinaninilbihan at ipinahiya siya roon. Kung hindi kami dumaan doon ng isa sa mga kaklase ko ay hinayaan na lamang niyang lait-laitin siya ng gagang iyon. Mabuti nga at nandoon din si Kuya Reynold Wayne. Susunduin sana kaya't umalis din ang mag-asawa na sumugod kay Ate."
Walang preno ang bibig sa pagkukuwento si Adel.
Kaya naman kumalas si Antonette sa ama saka hinila palapit sa kaniya ang kapatid. Subalit bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ng kanilang ina.
"Anak, wala naman kaming balak pigilan ka sa pakikipagrelasyon. Dahil karapatan mo iyan bilang dalaga pero kung babalik ka kay Darwin kahit alam mo ng may mawawasak na pamilya ay diyan kami tututol. Anak, kung sasalungat ang Tatay mo sa pangingibang-bansa mo, ako ay baliktad kahit masakit malayo sa iyo. Mas mabuti pang ikaw na ang gagawa ng hakbang kaysa naman mapahamak ka pa dahil sa pagbabalik nila---"
Pero hindi ito natapos ni Aling Edad dahil sa kaguluhan sa mismong harapan ng bahay nila.
"Hoy babaeng malandi! Lumabas ka riyan! Wala kang dignidad adelantada ka!" Boses pa lang ay kahit hindi nila makita ay kilala na nila kung sino ito.
"Kita mo na, Antonette? Hindi ako nagkakamali dahil sinasabi ko pa lang ay---" Kaso muling naputol ang pananalita ng Ginang dahil muling sumigaw ang taong nanugod sa harapan ng bahay nila na walang iba kundi si Lovely.
"Mga kapitbahay! Makinig kayo! Ang babaeng si Antonette Dela Peña ay mang-aagaw ng asawa! Inaakit niya ang asawa ko! Kung hindi siya makating tao't may delikadesa'y hindi niya iyan gagawin pero ano ang ugali mayroon siya? Pakatandaan ninyo ang pangalan at pagmumukha ng gagang kabit na iyan dahil baka sa susunod ay ang asawa n'yo naman ang ang tuhugin niya!" sigaw nito.
Kaya naman kahit walang katotohanan ang mga sinasabi nito at wala siyang balak maging kabit ng dati niyang boyfriend ay lumabas siya upang harapin ito.
"Bitawan mo ako, Darwin! Huwag ka nang magkaila! Dahil kitang-kita ko kayong naglalandian ng kabit mong iyan sa hospital na pinagtratrabahuan niya!" dinig niyang tungayaw nito nang buksan niya ang pintuan.
Kaso...
Halos hindi pa niya naisara ito ay dumapo na ang palad nito sa pisngi niya saka hinablot ang nakalugay niyang buhok.
"Ikaw na babae ka wala ka ng kadala-dala! Iniwan ka na nga ng asawa ko dati ngayon naman gusto mo pa yatang sirain ang pagsasama namin! Ito ang para sa iyo!" mariin nitong wika at akmang padadapuing muli ang palad sa pisngi niya pero hindi na niya iyon hinayaan.
Hindi siya pala-away na tao, mahaba ang pasensiya niya lalo sa mga taong tulad nitong buntis. Sinampal at sinabunutan na siya, idagdag pa ang pamimintang nito ay sobra-sobra na tapos gusto pa nitong ulit-ulitin? Hindi na siya makakapayag!
"Ikaw babae ka! Kung wala kang magawa sa buhay mo ay lubayan mo ako! Huwag ako ang guluhin mo o kahit sino sa pamilya ko dahil lang sa lintik mong asawa! Siya ang kausapin mo huwag ako!" galit na rin niyang sagot habang hawak-hawak ang palad nito na hindi na hinayaang dumapong muli sa pisngi niya.
"Bitawan mo ak---"
"Talagang bibitawan kitang hayop kang eskandalosa kang letse ka!! Hayan! Isaksak mo sa baga mo ang asawa mo! At ito ang tandaan mo huwag mo akong paratangan ng kung ano-ano dahil wala kang karapatang gawin iyan sa akin.
Noong inagaw mo ang kaligayahan naming dalawa ay tinanggap ko ng hindi kami ang para sa isat-isa kaya't ngayon inuulit ko sa iyo! Itigil mo na ang kabaliwan mong iyan dahil ikaw mismo ang nagtutulak sa akin para pumatol sa buntis na tulad mo!"
Kasabay ng malakas niyang boses ay pabagsak din niyang pagbitaw sa palad ng buntis. Mabuti na lang at nasa likuran nito ang halatang kadarating na asawa upang pigilan ito.
"At ikaw naman lalaki ka! Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo! Pinili mo ang makasal sa hayop na nagkatawang tao na iyan ibig sabihin ay wala ka ng babalikan pa! Tahimik akong tao pero sinagad ninyo ang kabaitan ko kaya't bago ko pa kayo ipagtulakan palayo sa pamamahay namin ay kayo na ang kusang lalayo! Layas! Layas! Mga matapobreng tulad ninyo ay walang puwang dito sa mundo kaya't lumayas kayong lahat!" muli ay sigaw ni Antonette na kung hindi nakapagitna ang dating kasintahan ay marahil naitulak pa nito ang buntis.
Wala ni isa sa nakapaligid ang nakahuma. Maski ang mga magulang nito ay wala kahit isang salita ang namutawi sa mga bibig nila.
"Halika na uwi na---"
"Tandaan mo Darwin akin ka lang! Akin ka lang tandaan mo iyan at kahit sino pa ang hahadlang ay papatayin ko!"
Mapangmataas pa nitong pamumutol sa pananalita ng asawa saka mabilis ding inayos at tinungo ang sariling sasakyan kaya wala na ring nagawa si Darwin kundi ang tunguhin ang kotseng nakabalandra na lang basta sa kalsada sa kagustuhang pigilan ang asawa sa anumang binabalak.
Kaso nahuli na siya, nakagawa na ito ng hindi kaaya-aya. Napahiya na silang lahat lalong-lalo na sa kaniya dahil tinangka niyang kausapin muli ang dating kasintahan.
Samantala, nawala na ang nanood ng shooting este ang mga nakiusyuso ng makahuma ang mag-anak. Unang lumapit ang bunso sa dalagang halatang nanginginig pa rin dahil sa galit kaya naman bago nagsalita si Adel ay kumuha muna ng tubig saka lumapit sa kapatid.
"Ate, inum ka muna ng tubig," alanganin niyang wika.
"Salamat," tipid na tugon ng dalaga saka inisang lagok ang laman ng baso saka muling nagsalita
"Ngayong alam n'yo na ang buong katotohanan, maari n'yo na sigurong unawain na hindi lahat ng nakikita ng mata ay pawang katutuhanan. Minsan niloloko at dinadaya lang tayo kaya naman unawain n'yo sanang aalis ako para makatulong ako sa inyong lahat. Sige na po mauna ako, maari pa akong isasaayos sa gamit ko alam n'yo naman pong hindi pa ako naisaayos lalo at mamayang gabi na ang punta ko sa airport," magalang na pahayag ni Antonette.
"Sorry po, Ate, kung nag-jumped into conclusion po ako. Kaya lang naman kami nagsasalita ng ganoon dahil mahalaga ka sa amin. Ayaw ka naming laging nasasaktan," ani Adel na sinegundahan ni Aling Edad.
"Tama ang kapatid mo, anak. Ipagpaumanhin mo na kung masyado kaming advance na mag-isip. Mahal ka namin anak kaya't huwag ka ng magalit sa mga nasabi namin. Ang Panginoon Diyos ang gagabay sa iyo sa iyong pupuntahan," anito.
"Sige na, anak. Ayusin mo na lahat ang kakailanganin mong gamit sa iyong pag-alis. Isipin mo na lang na kaya namin ginagawa ang lahat ng ito dahil mahalaga ka sa amin. Mahal na mahal ka namin anak."
Hindi na rin nakatiis si Mang Francis at lumapit sa panganay na anak.
Hindi na sumagot si Antonette bagkus ay niyakap niya ang mga magulang at bunsong kapatid or in other words nagkaroon sila ng group hug.
Riyadh, Saudi Arabia
"Anong sabi ng anak mo, Honey?" malungkot na tanong ni Gwendolyn sa asawa.
"Babalik na lang daw siya ulit kahit halos kalalapag mg eroplano sa Manila. I don't know if someone will come with him," tugon ni Mohammad na sa boses pa lang ay halata ng may pinagdadaanan.
Niyakap ni Gwendolyn ang asawa bilang pagsimpatya. Pumanaw na ang kanilang ama. Ilang taon din ang nakalipas simula ng pumanaw ang ina ni Mohammad na Pilipina. Pero hindi pumayag ang kanilang ama na sa bansang sinilangan ito mailibing. At bilang mga Muslim ay kailangang ilibing ito sa loob ng biyente kuwatro oras.
"Tahan na, Honey. Kahit iniwan na tayo ni Baba ang mahalaga ay magkasama na sila ni Mama. God has a purpose alam mo iyan. Let's pray for his eternal journey para maging magaan ang kanyang paglalakbay." Pang-aalo niya sa asawa.
Hindi na sumagot si Mohammad dahil tahimik siyang lumuluha habang nakayakap sa asawa na siya namang pagdating ni Fatima.
"What happen, Mommy? Daddy?" agad nitong tanong.
Isa kasi itong international Qur'an teacher na hindi lang sa Gitnang Silangan nakabase kaya't bihira rin itong umuuwi sa kanilang tahanan. Ito ang sumunod sa kultura ng mga muslim na nagsusuot ng abaya at hijab.
"Your Grandpa was gone, Iha," tipid na sagot ng Ginang. Dahil ayaw ding palawigin ang tungkol pumanaw lalo at naghihinagpis ang asawa.
Ito ang babae pero ito ang hindi kakikitaan ng lungkot kaya't imbes na umiyak ay hindi bagkus ay agad na kinuha ang maliit na carpet o sijada. Ginagamit nilang nagdadasal. Agad itong nanalangin para sa yumao niyang abuelo.
Samantala, labis ang pagtataka ng mag-asawang Queennie at Wayne dahil halos hindi pa umiinit ang puwet ng apo pero nakabihis na naman ito na handa na namang aalis.
"Hey, young man, where are you going again? Kadarating mo pang pero mukhang may balak ka namang lalayas?" nakakunot-noo na tanong una.
"Oo nga naman, apo ko, umuwi ka lang yata upang magbihis ah. Huwag mong sabihing namimiss mo agad ang pinsan mo?" saad naman ng abuelo.
In his (Khalid Mohammad) mabuti kung ang pinsan niya ang dahilan o nami-miss niya. According to them, para mangapit-bahay lang sana siya dahil ilang block lang naman ang pagitan. Kaso hindi eh, nasa daan pa lamang siya pauwi sa bahay ng mga ninuno niya nang tumawag ang kaniyang ama. Wala na raw ang kaniyang abuelo. Sumuko na raw ang katawan nito.
"Oh baka naman napipi ka na rin, insan? Nami-miss mo ako ano?" tinig na nagpabalik sa kamalayan niya.
Kaya naman nagpakawala siya ng malalim na paghinga bago sumagot sa mga ito.
"Sorry po, Lolo, Lola, at insan kung napag-aalala ko kayo. Oo, kailangan ko na namang aalis dahil babalik ako ng Riyadh. Wala na po si Grandpa, nasa daan na ako kanina nang tumawag si Daddy at ibinalita ang pagpanaw ni Lolo," sa wakas ay wika ng binata.
"Oh my God!" sabayang sambit ng mag-asawa na napaantada pa talaga.
"Sorry, insan, Pero alam ko na iyan. Noong huli kong pagsama sa iyo ay naramdaman ko ng hindi siya magtatagal. Ngunit hindi ko lang sinabi sa iyo dahil hindi naman ako Diyos na nakakaalam kung hanggang kailan ang buhay natin. Magpakatatag ka insan mas mabuti na ang gano'n para magwakas na ang paghihirap niya."
Lumapit at tinapik-tapik ni Reynold Wayne ang pinsan.
"Okay lang insan at tama ka naman eh. Sa hospital na lang siya lagi. Bihira na kung nakakasama namin sa bahay sa tuwing dumadalaw ako. Kaya't muli akong aalis para maabutan ko ang libing niya bukas bago pa man sumilip si inang araw alam mo naman ang tradisyon nila," sagot ni Khalid Mohammad sa pinsan.
"Pero, insan, sorry kung hindi kita masasamahan sa ngayon dahil . Ako ang pinadala ng kumpanya sa U.S para sa meeting, actually tayong dalawa sana pero naka-leaved ka naman kaya ako ang kinausap ng boss natin. Dumaan ako dito para magpaalam sa inyo at maka-bonding ka sana pero aalis ka rin pala. I'm sorry for the loss insan," malungkot na wika ni RW.
"Congratulations insan you deseve it. Hayaan mo may ibang araw pa naman ang bonding natin. Sige na mauna na ako sa inyo nila Lola' at Lolo. Babawi na lang ako sa ibang ara." Pinaglipat-lipat ni Khalid Mohammad sa pinsan.
Bumaling ang binata sa mga ninuno upang formal na magpaalam pero siya namang pagsalita ng abuela.
"Hintayin mo kami ng Lolo mo apo ko, kami na lang ang sasama sa iyo. Saglit lang at bibilinan ko ang mga kasamabahay," sabi nito.
"Ikaw, Reynold Wayne, apo umuwi ka na at ikaw na ang bahalang magsabi sa mga magulang mo ha." Binalingan nito ang apo saka mabilisang binilinan ang mga ito.
In other words, hindi nagtagal ay nagkanya-kaniya sila ng landas. Si Reynold Wayne ay umuwi sa tahanan ng mga magulang at ito ang nagsabi sa mga magulang tungkol sa nakakalungkot na balita samantalang ang mag-asawang Princess at Wayne, at Khalid Mohammad ay nagtungo sa airport para doon na bibili at magpa-book ng ticket pauwing Riyadh Saudi Arabia.