IKA - PITO NA KABANATA

2273 Words
"Please come home, Kuya. Daddy and Mommy was gone." Parang sirang plaka na paulit-ulit pumapailanlang sa kaniyang pandinig. Kaya pala hindi tumitigil ang caller sa pag-dial dahil napakaimportante nang tawag. Isang long distance call galing sa bunso niyang kapatid. Pinapauwi siya nito dahil pumanaw na raw ang kanilang mga magulang. Ang mga magulang nila na simula nagpakasal sila ni Lovely at nanirahan sa U.S ay hindi na niya nakitang muli. Subalit hindi naman niya inaasahang mangyari ang maaga nilang kamatayan. "Anong plano mo ngayon, Iho? Are you not going home to see them?" Sa unang pagkakataon ay naging malumanay ang boses ng biyanan niya simula nagkasagutan sila. "Uuwi po ako, Daddy. Gusto kong makita ang mga magulang ko kahit sa huling pagkakataon," sagot niya subalit hindi man lang niya ito nilingon. "Sasama kami ng asawa mo, Iho. Labas ang mga magulang mo sa hindi natin pagkakaunawaan kaya't patatawarin kita ngayon. Dahil alam kong kailangan at karapatan mo rin ang makita sila. And besides magkakaibigan naman kami bago pa kayo naging mag-asawa ni Lovely," wika ng Ginoo o ang biyanan niya. Tuloy ay hindi alam niya kung ano ang isasagot niya. Tama naman kasi ito, kung tutuusin nga ay kasalanan din niya kung bakit dumapo ang palad nito sa kaniya ilang buwan ang nakakaraan. Ganoon pa man mas pinili niya ang maging makatao. "Salamat, Daddy. Sige po maiwan po muna kita at pupunta ako sa ticketing booth para magpa-book ng ticket nating tatlo nila Lovely." Magalang niyang pamamaalam. "Go ahead, Iho. But it's better if you do it online. You can call them and book our flight as soon as possible," anitong muli. Agad din itong sinegundahan ni Lovely na bagong pasok galing din sa garden ng bahay nila. "Tama si Daddy, Honey. Just book our flight online. The soonest the best for us to go home immediately to see them," wika nito. Halata na rin ang tiyan nito pero hindi nagbabago ang ugali. Mapangmataas pa rin ito. Subalit kagaya ng ama na himala yatang naging malumay sa kaniya ng oras na iyon. Kaya hindi na siya sumagot bagkus ay tumango na lamang siya saka tumayo at tinungo ang lagayan ng sarili niyang laptop. Samantala, dahil kilalang tao ang mga pumanaw hindi nagtagal ay kumalat ang balita na pumanaw na ang mag-asawang Joaquin at Paula. "Sis hindi ba't magulang ng ex mo ang pasyente natin kanina sa emergency" Pukaw ng kasamahan ni Antonette. "Oo, Sis. Ayon sa mga nagdala sa kanila rito ay dead on arrival daw. And the cause of their death is car accident." Nakatutok naman kasi ang mata niya sa hawak-hawak na chart kaya't napatango-tango na rin siya. Kasalukuyan niyang inaayos ang report niya lalo at malapit na ang uwian. "I know that, bruha. Ngunit ang punto ko ay hindi mo ba sila pupuntahan? Huwag mong sabihing hanggang sa kanilang kamatayan ay galit ka sa kanila?" Hinampas pa talaga siya nito dahil kausap nga siya nito subalit ang mga mata niya ay nakatutok sa ginagawa. Tuloy sa tinuran nito ay kinapa niya ang kaniyang sarili kung nandoon pa rin ang galit niya. Dahil sa pakikialam sa relasyon nila dati ni Darwin. Ngunit wala siyang maramdamang galit kundi awa. Sigurado naman kasi siyang sa loob ng halos isang taon nilang paghihiwalay ng dating nobyo ay unti-unti na rin niyang napapatawad at natatanggap na hindi sila para sa isat-isa. "Hindi na ako galit sa kanila, Sis. Tungkol naman sa tanong mo kung hindi ko pupuntahan sila ay hindi ko alam ang sagot ko. Ngunit sigurado akong pupunta sina Inay at Itay. Why? Remember that we belong in one area. Kaya't hindi puweding walang pupunta sa amin upang makiramay." Dahan-dahan niyang ibinaba ang chart na hawak-hawak niya saka ito hinarap. But... "At bakit pa kayo pupunta, aber? Gusto mong makita ang ex mo ano? Hoy, Antonette Dela Peña, huwag ka nang umasa na magkakabalikan pa kayo ni Darwin dahil magkakaanak na sila ni Lovely. Huwag ka kasing ambisyosa upang hindi ka magmukhang gold digger," ismid at patuyang sabad ng isa na kapwa nila nurse. "Abah abah! Nagsali---" Susupalpalin sana ng malapit na kaibigan ng dalaga ang nagsalita pero pumagitna ito. "Hayaan mo na, Sis. Dibale wala namang katotohanan ang sinabi niya. Kung papatulan mo siya parang ginawa mo na rin ang ginagawa niya. Ignore her, Sis." Pagitna niya dahil ayaw niyang humaba pa ang usapan. Kahit sa kaloob-looban niya ay gusto niya itong sumbatan pero kagaya nang sinabi niya sa kaibigan niya ay huwag na lang nilang patulan. "Tsk! Paawa effect pa, pwe!" paismid pang sagot nito saka tumalikod palayo sa kanilang magkaibigan. Ang hindi napaghandaan ng dalaga ay ang sumunod na hakbang ng kaibigan. Marahil ay hindi ito nakapagtimpi. Hinablot nito ang kapwa nila nurse pabalik sa kinaroroonan nilang dalawa. "Una! Wala kang karapatang makialam sa usapan ng mga nag-uusap lalo at kumikilos naman ang mga palad namin kahit nagsasalita kami. Pangalawa, mas lalong wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan ko o kahit sino. Pangatlo! Bakit may proweba ka bang gold digger si Antonette? Ikaw ang gold digger dahil may sugar Daddy kang Lolo mo na kung tutuusin. Ngunit kung makapagsalita ka ay para kang sino na malinis samantalang kung kani-kanino ka pumapatol para lang makapasok ka rito sa hospital. Kung wala kang manners sa bahay ninyo huwag mong dalhin dito dahil nandito tayo upang magsilbi sa mga tao hindi upang manlait ng kapwa. Ngayon mag-sorry ka kay Antonette kung ayaw mong ako mismo ang kakausap sa derektor natin dito sa pagamutan upang bigyan ka ng leksyon!" Bagamat mahina ang pagkakabigkas nito sa mga binitawang salita ay hindi naging sagabal iyon upang hindi mapansin ang galit nito. Patunay na lamang ang pamumula ng mukha nito. Ipiniksi naman ng kapwa nila nurse ang brasong humablot sabay sabing "sorry" na halata namang labag sa kalooban, kasabay noon ay nag-walked out na bubulong-bulong. "Hinayaan mo na lang sana bruha mamaya ay ikaw ang balikan niya. Hindi na bale sa akin dahil paalis na rin naman ako ng bansa. Ilang araw na lang ang nalalabi," wika ni Antonette sa kaibigan nang nawala na sa kanilang paningin ang isa pang nurse. "No don't worry about that bruha. Alam mo namang kumukulo ang dugo ko sa mga kagaya niyang akala mo lang ay sino. Hala tapusin mo na iyang ginagawa mo ng makauwi na rin tayo kaysa naman makita ko pang muli ang gagang iyon," anito kasabay nang pag-ayos din sa sariling gamit. Saktong nailigpit ng magkaibigan ang dapat nilang ayusin ng tumunog ang telepono ni Antonette. Dahil wala namang kaalam-alam ang dalaga na tatawag sa kaniya ng oras na iyon ay hindi niya pinansin sa pag-aakalang hindi sa kaniya ang tumutunog. "Insan, sigurado ka bang nandito ang sinasabi mo? Aba'y kung hindi lang din naman uuwi na tayo at kay Lolo na ako magpasagawa ng follow up check up," inis na turan ni Khalid Mohammad sa pinsan niya. "Ikaw, Manager Abubakar, napakamainitin ang ulo mo. Kanino ka ba nagmana ha? Aba'y ang babait ng mga magulang mo pero para kang laging may dalaw." Nakailing na bumaling si Reynold Wayne sa pinsang mukhang hindi tinangay ng kombulsiyon ang init ng ulo. "Sus, ilnilihis ang sinasabi ko. Siguro may nobya kang itinatago ano?" Panghuhuli pa ni KM, pero paraan lang din naman niya iyon upang pagtakpan ang pamumula. Dahil sa pagkakasakit niya sa nakaraang linggo ay nag-file din siya ng leave for two weeks. Ayon sa mga nakapaligid sa kaniya kinumbulsiyon siya the day after nila naulanan. Kaya sa pangungbimsi ng ninuno ay nag-file siya ng sick leave para daw hindi siya mabinat at heto sila ng pinsan niya sa pagamutan para sa follow up check niya although napapalibutan naman siya ng doctor. Kaso sa kagustuhan na rin ng grandparents niya ay pumayag din siya na sa hospital magpa-check up kahit pa kumpleto sa equipment ang Lolo niya. "Kaya ito tinawag na follow up check up, Manager Abubakar, dahil dito sa pagamutan isasagawa malas mo lang dahil hapon ang nakuha mong schedule. About sa nobyang itinatago papauwiin na kita sa Saudi at huwag hayaang makabalik dito sa bansa kung may nobya akong nakatago. Halos magkadikit na nga ang bituka natin eh may itinatago pa ba ako? Pero kung papalarin magkakaroon na rin ng nobya pero ikaw ang unang makakaalam tungkol diyan," nakangiwing pahayag ni RW. "Ang haba noon, Manager Abrasado. Tsk! Kung alam ko lang naman eh kaya naman tayo dito nagpakunsulta para makita mo ang nobya mo." Pang-aasar pa ni KM lalo at panay ang pag-dial nito sa cellphone. "Correction, my dear cousin, magiging nobya pa lang---" Pero hindi pa nito natapos ang sinasabi ay tumigil din dahil may sumagot na sa mobile phone. "Hello, yes 'Nette nandito kami sa labas ng pinsan ko for his follow up check up. Ah okay hintayin ka na lang namin dito. Just make a call kapag out ka na," sagot nito sa kausap sabay patay at lapag sa cellphone. "Oh may bago kang kakilala insan aba'y ibang pangalan noong isang araw, iba rin ngayon. Aba'y wala naman sa lahi natin sa pagkakaalam ko ang babaero ah. Akala ko ba si Nancy, ah si insan Nada pa pala. Akala ko ba ay sila ang ang type mo." Muli ay panunukso ni KM na ang tinutukoy ay ang pinsan niya sa Saudi. "Tsk! Tsk! Huwag mo nga akong gawing babaero. May nakahawak sa titolo na iyan kaya't huwag mong ipasa sa akin. Pinsan din natin ang babaerong iyon. Iyan kasi ang napapala mo wala ka kasing katamis-tamis sa katawan. By the way, sasama ako sa sunod na dalaw mo roon para makausap ko ulit---" "What's so funny with you, Khalid Mohammad Abubakar?" Ayun at salubong ang kilay na tanong ni RW. "Ikaw, ikaw my dear cousin. Sabi mo huwag kitang gawing babaero pero ayan at gusto mo na namang sasama sa akin sa Saudi. Naku insan kung ako sa iyo timbangin mo ang sarili mo habang maaga pa," ani KM. Kaya naman nag lukot na mukha ng binatang si RW ay muling nagliwanag. Kahit saang anggulo naman kasing tingnan napakaganda ng pinsan nitong kahit laging nakasuot ng mahabang damit ay hindi maitatago ang maamo at maganda nitong pangangatawan. Maganda din naman ang bago nilang kakilalang si Antonette o 'Nette pero masisi ba niya ang sarili niya kung mas malapit siya sa huli? Mas o dahil sa personal niya ito nakikita at nakakausap samantalang ang una o si Nadah ay sa internet lang niya nakakausap. "Oh, insan namaligno na ka diyan. May papalapit na baka siya na ang---" Napatigil si Khalid sa pananalita dahil nakilala ang babaeng papalapit sa kanilang mag-pinsan. Walang iba kundi ang babaeng tinulungan nila mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan. Ito ang kausap ng pinsan niya na 'Nette. "Pambihira ka naman insan siya pala ang pinag-aaksayahan natin dito ng oras," wala sa loob niyang sabi. "Another correction, my dear cousin. Dahil pumarito tayo dahil sa check up mo at nagkataon lamang na dito siya nagtratrabaho kaya ko siya tinawagan para maisabay na natin." Abot hanggang-taenga ang ngiti ni RW saka lumabas sa sasakyan na ginamit o ang car ng kanilang abuelo. Naiwan sa loob ang binatang si Khalid. Nakanganga siya dahil kahit kailan man ay hindi sumagi sa isipan niya na ang babaeng tinutukoy ng pinsan niya ay ang babaeng ilang araw na rin niyang naiisip. Ngunit hindi niya magawa-gawang tanungin dito. Hindi pa man siya nakakagawa ng hakbang ay magkaribal na silang magpinsan. Bagay na ayaw na ayaw niyang mangyari. Ang maging karibal kahit sino sa mga pinsan niyang lalaki. Hindi naman kasi niya ito nakitang muli after the incident happens kaya wala siyang kaalam-alam na ito ang tinutukoy ng pinsan niya sa tuwing nagkikita sila. Dahil sa malalimang pag-iisip ay tipid na ngiti lamang ang naisagot niya sa dalaga nang nakasakay na ito. Marami silang napagkuwentuhan habang nasa daan pero tipid lang siyang sumabad sa dalawa dahil ang isipan ay lumilipad. "Baka sa mga susunod na araw. Wayne. Hindi n'yo na ako makikita rito sa bansa natin. Dumating na kasi ang visa ko papuntang Saudi Arabia upang doon magtrabaho. Plane ticket ko na lang ang hinihintay ko, at ayon sa agent ko ay ilang araw na lang din ito. By the way, maraming-maraming salamat sa inyong magpinsan. Lalo na sa iyo, dahil kahit bagong kakilala n'yo lang ako ay hindi n'yo na ako itinuring na iba." Ani Antonette kay RW saka binalingan ang tahimik na si KM. "Khalid, sorry kung hindi dahil sa akin ay hindi ka siguro nagkasakit. Pero sa maniwala ka man o hindi nang sinabi sa akin ni Wayne ang nangyari sa iyo ay hindi ka na nawala sa panalangin ko and thanks God dahil magaling ka na. Thank you sa inyo ng pinsan mo." Bumaling siya sa binatang tahimik na si Khalid. Panaka-naka lang naman kasi itong sumabad sa kanilang kuwentuhan. "Walang anuman, Miss Dela Peña. Ginawa ko lang naman ang nararapat saka kahit naman siguro sino walang may gustong maka-disgrasya," tipid na naman nitong tugon. "Tama naman ang pinsan ko, 'Nette. Masungit lang iyang tingnan dahil tahimik. Subalit kapag makilala mo ng lubusan ay malalaman mo kung sino at ano siya." Sang-ayon naman ni RW na ang mga mata ay nakatutok sa daan. Marami-rami pa silang napag-usap habang nasa biyahe. Hindi rin pumayag si RW na hindi sila dadaan sa restaurant para magmeryenda dahil maaga pa raw para maghapunan kaya't meryenda na lamang daw. Hanggang sa nakauwi silang tatlo ay bihira lang kung sumabad si KM sa usapan nila bagay na hindi nalingid sa pinsan pero sinarili na lang din. In his mind ( RW) sa bahay na lang nila niya ito kakausapin dahil ayaw din namang mapahiya sa harap ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD