"Malungkot ka na naman, Ate," pukaw ni Adel sa kapatid na nakadungaw sa bintana.
"Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko, Adel. Parang kailan lang nangyari ang paghihiwalay namin ni Darwin. Sa tuwing bumubuhos ang ulan ay hindi ko maiwasang maalala ang kahapon naming nagdaan." Nakatutok ang paningin ni Antonette sa bawat patak ng ulan.
Totoo naman kasing parang kailan lamang nangyari ang lahat. Samantalang ilang panahon na ang nakalipas simula noong naghiwalay sila ng kasintahan niya. Dahil kailangan nitong pakasalan ang babaeng napipisil ng mga magulang nito. Malinaw at fresh na fresh pa sa ala-ala niya ang paghihiwalay nilang dalawa.
Samantalang hindi agad sumagot ang dalagitang si Adel dahil naupo siya sa tabi ng kapatid na nagbabalik-tanaw na naman. Sabagay hindi niya ito masisisi. Dahil naging saksi rin siya sa pagmamahalan ng dalawa. Iyon nga lang ay talagang hindi sila nagkatuluyan. Pumagitna at ininsulto ng mga magulang ni Darwin ang kapatid niya.
"Alam mo, Ate, hindi ko alam kung magugustuhan mo ang sasabihin ko ngayon dahil ikaw ang panganay. Minsan kasi may mga nangyayari sa buhay natin na daan pala sa mas magandang kinabukasan. Tama nagalit ako ng araw na iyon dahil sa harap-harapan nilang pangmamaliit sa iyo at sa pamilya natin pero hindi ibig sabihin na habang-buhay akong galit. Hindi ko man alam ang rason ni Kuya Darwin pero inunawa ko ang lahat. Kaya kayo pinaghiwalay ng langit dahil may nakalaan sa iyo na mas deserving sa pagmamahal mo." Umayos siya sa pag-upo at hinarap ang kapatid bago nagpatuloy.
"Mahal n'yo ang isat-isa subalit hindi kayo ang nakatadhana kaya't pinaghiwalay kayo ng tadhana. Alam ko, Ate, maaga pa upang sabihin ito ngunit sigurado akong panahon na upang simulan mo ang sarili mo na mag-move on. Hindi ko sinasabing kalimutan mo na ang nakakaraan mo dahil hindi iyan mawawala, gamitin ko iyan Ate para makausad ang nakaraan mo para sa kasalukuyan na magdadala sa iyo sa kinabukasan," mahaba-haba niyang pahayag.
Kaso sa hinaba-haba yata ng pahayag niya ay hindi na niya namalayang nakalapit na pala ang mga magulang nila. Umuulan naman kasi at saka hapon na kaya't nasa kabahayan na silang lahat. Subalit talagang hindi nila napansin ang paglapit ng mga magulang.
"Mabuti kung nakahinga ka pa sa haba ng sinabi mo, anak?" patanong na pangangantiyaw ng padre de-pamilya.
Subalit para sa ama o si Mang Francis ay paraan lamang niya iyon upang mapatawa ang magkapatid. Dahil hindi lingid sa kanila ang pag-iiba ng buhay ni Antonette simula noong nagkahiwalay ang magkasintahan. Ilang buwan na ang nakakaraan. Noong una, araw-araw pa rin nilang nakikita sa paligid ang sasskyan ni Darwin kahit na hindi nagpapakita sa kanila hanggang sa paminsan-minsan na lang, hanggang sa tuluyan ng hindi dumalaw. Nabalitaan na lamang nilang ikinasal na ito sa Lovely Fernandez at ang huli nilang balita rito ay ang pag-alis ng mag-asawa upang manirahan sa America.
"Si Itay talaga oo." Napakamot tuloy si Adel. Paanong hindi siya mapapakamot sa ulo samantalang sa ganda nang pahayag niya ay nakuha pa siyang biruin ng ama.
"Okay lang iyon, anak. Parang hindi mo naman kilala ang Tatay ninyo. Pero saan mo nakuha ang mga iyon? Aba'y talaga namang tagos sa balun-balunan ng Ate mo," ani Aling Edad na kay lapad din ng ngiting nakabalatay sa mukha.
"Diyan lang sa tabi-tabi, Inay. Oh, siya kayo naman ang kumausap kay Ate at mag-iimagine muna ako sa kuwarto ko. Sarap matulog kapag ganitong umuulan eh." Nakangising tumayo ang dalagita saka nagbigay-galang sa mga magulang. Kaso bago pa siya makahakbang ay ang kapatid naman niya ang nangantiyaw. Ah! Backfire! Mukhang bumalik sa kaniya ang pangangantiyaw niya.
"Huwag mong sobrahan ang paglakbayin ang diwa mo, Adel. Mamaya ay kung ano-ano na naman nakikita ko sa f*******: wall mo." Ganting biro ni Antonette.
Sa simpleng biro ng dalaga sa kapatid ay lihim din silang napapangiti dahil alam nila na kahit papaano ay unti-unti na rin itong nakakausad mula sa pagkabigo sa pag-ibig. Wala silang nakuhang sagot kay Adel dahil tinawanan lang sila kasunod ng pagsara ng kuwarto nito.
"Tama nga naman ang kapatid mo, anak. Kumusta ka na?" segunda at pangungumusta ng Ginang sa anak saka naupo rin sa tabi nito kung saan naupo si Adel kamakailan.
"Okay lang ako, Inay. Kahit papaano ay unti-unti ko na ring naiwawaglit ang sakit at pait," senserong sagot ni Antonette.
Mabait pa rin sa kaniya ang langit. Dahil kahit nawala ang kasintahan niya kahit pa sabihing buhay na buhay ito pero nasa piling ng iba. Hindi siya pinabayaan ng pamilya niya, mga kaibigan niya. Kung may mga negatibo man siyang naririnig ay ito ay nagmumula sa against sa relasyon nila dati ng ex-boyfriend niya. Pero kagaya nga nang laging sinasabi ng kapatid niya sa kaniya, huwag niyang pansinin ang mga naninira sa kanya. Dahil hindi nila alam ang tunay niyang nararamdaman. Ayon pa rito ituloy lang ang buhay basta alam mong tama ang ginagawa mo.
"Sa tingin ko may bago nang nagpapangiti sa dalaga ko ah," tinig ng padre de-pamilya na nagpabalik sa kamalayan ng dalaga.
Hindi niya namalayang napalalim na pala ang pag-iisip niya. Kaya't hindi rin niya namalayang napangiti na pala siya kaya ayon nanukso ang kanilang ama.
"Ay, wala pa po, Itay. Dahil masyado pa pong maaga para sa bagay na iyan. Hindi ko naman sinasabi na hindi na ako iibig pero panahon na siguro ang makapagsasabi kung kailan," namumula niyang tugon.
Sa nakitang reaksyon ng panganay na anak ay hindi na nagdalawang-isip si Mang Francis. Inakbayan niya ito bago nagpatuloy sa kaniyang pananalita. Bilang ama nito ay masakit para sa kaniya ang nakikita itong malungkot. Edukada naman ito subalit look down pa sa mga magulang ng dati nitong kasintahan.
"Tama ka, anak. Hindi man natin hawak sng buhay dito sa mundo ay tayo naman ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Huwag kang magmadali sa pakikipagrelasyon anak. Ang tunay na pag-ibig ay kusang dumarating hindi mo na iyan kailangang hanapin. At ang mga pasakit sa buhay pag-ibig ay bahagi lamang iyan ng buhay. Basta manalig ka lang kay Ama at siguradong hindi ka niya pababayaan," pahayag niya at agad sinundan ng asawa niyang si Aling Edad.
"Step by step anak makakausad ka rin. Basta lagi mong tandaan nandito lang kami para sa iyo," anito.
Kaya naman tuluyan nang lumawak ang ngiting ikinukubli ng dalaga. Napakasuwerte niya sa kaniyang pamilya. Wala man silang yamang materyal pero mayaman sila sa pagmamahal. At iyon ang sandata nila para sa kanilang pag-usad.
"Maraming salamat po sa inyo, Inay, Itay. Tama rin po kayo, balang-araw din po ay makakalimot din ako. Pero sa ngayon magpahinga na tayo upang may lakas din kayong pupunta sa bukid bukas." Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa mga magulang.
Nakaupo pa naman sila side to side sa kaniya. Saka niya niyakap ang bawat isa sa mga ito at hinagkan sa noo bago tuluyang iniwan din para makapasok na sa sariling silid.
Sinundan lamang ng mag-asawa ng tingin ang dalaga at ng tuluyan na itong nawala sa paningin nila ay saka rin sila sabay na pumasok sa silid-tulugan upang makapagpahinga na rin.
Samantala, dahil sa kalagayan ng may edad ng abuelo sa Riyadh Saudi Arabia ay naging tahanan ni Khalid Mohammad ang himpapawid. Minsan sumasama ang pinsan niyang si Reynold Wayne, minsan ang third cousin niya na si Janina Khate na mas astig pa kaysa sa kanilang mga lalaki sa kanilang angkan sa side ng abuela niya.
"Paano iyan insan mukhang may buntot tayo," minsan nga ay sabi ni RW sa kaniya.
"Manahimik ka insan marinig ka niya," pananawata ng binata pero ang anak naman ng Tito JC nila ang biglang sumulpot.
Artemeo Aguillar II. Dos the second kung tawagin nila.
"Talagang may buntot kayo mga insan dahil ako ang magsusumbong mismo sa kaniya kung hindi ninyo ako isasama," anito kasabay nang paglapit.
"Tsk! Tsk! Sasama ka lang pala eh ang dami mo pang sinasabi. Magpaalam ka muna baka kami pa ang pagalitan ni Great Grandma!" Singhal nila rito.
Well, as same as the other family. May bangayan, may tuksuhan, may biruan. Pero lahat ng iyon ay napag-uusapan nila. Kagaya ng magpipinsan, kung sa iba ay akalain nilang nag-aaway sila. Subalit para sa angkang nila ay hindi dahil ang rason nila ay boring ang buhay kung puro kaseryusuhan.
"Paano iyan apo wala kang kasama sa biyahe ngayon?" tanong ni Grandma Princess Queennie sa apo na nakadungaw sa balkonahe.
"Opo, lola. Walang bakante sa mga loko-loko kong pinsan. Pati si Janina wala baka sa Spain kay pinsan Enrico iyon kasi wala naman daw sa Baguio," tugon ng binata.
Muli na naman siyang bibiyahe dahil sa pakiusap ng abuelo. Minsan naiinis na rin siya sa kapaparoo't parito sa bansang Saudi Arabia pero dahil na rin sa mga pinsan at pamilya sa ina ay naitatago niya ang pagka-asar. Mabuhuhay man siya kahit wala siyang trabaho pero hindi siya ganoong tao eh. Mas gusto pa niya ang perang pinaghihirapan niya. Sa loob ng anim na buwan ay ganoon din karami ang biyahe niya at iyon ang kinakausok ng bumbunan niya.
"Alam ko ang iniisip mo, apo ko. Ngunit pukawin mo na iyan dahil wala ka sa mundong ibabaw kung wala ang abuelo mo sa Riyadh. Kung ang pagpunta mo doon kada buwan ang magpapahaba sa kaniyang buhay ay gawin mo Khalid apo." Idinantay ng Ginang ang palad sa balikat ng apo.
"Iyon na nga po, Lola. Parang Manila to Baguio na lang ang himpapawid. Mabuti sana kung laging maganda ang panahon pero hindi eh kagaya ngayon may bagyo paano ako makakabiyahe ngayon? I'm sure suspendedo ang mga flights ngayon dahil sa masungit na panahon." Nagpakawala ng malalim na hininga ang binata dahil sa malakas na buhos ng ulan.
"Malay natin apo bukas o mamayang gabi ay titila na ang ulan at magpapakita na si inang araw bukas," muli ay saad ng Ginang.
"Sana nga po, Lola. Upang makatawag na ako sa ticketing booth at maayos ang ticket ko. Sigurado akong nag-aalala na sila sa bahay," tugon ng binata.
Kaso!
Pero sa tinuran niyang iyon ay mahinang batok ang natanggap mula sa abuelo na hindi niya alam kung saan galing at bigla na lamang sumulpot.
"Ikaw, Wyane, bakit ka nambabatok? Paano kung nahulog diyan ang apo natin? Umayos-ayos kang matanda ka kung ayaw mong ikaw ihuhulog ko riyan!" Napakunot-noo tuloy si Langgam na humarap sa asawa.
"Para iyon lang, Lola. Hayaan mo na iyon 'La. Naglalambing lamang po si Lolo." Malambing na pagitna ng binata dahil halatang nagulat din ang abuela dahil sa biglaang pagsulpot ng abuelo niya.
Kaso pinagtatawanan lang sila ng Ginoo.
"Ikaw, ikaw Khalid Mohammad, ang may dahilan kung sakali mang ihuhulog ako ng Lola mo. Pinoproblema mo kasi ang hindi problema samantalang hindi naman. Ano ang silbi ng internet kung hindi mo gamitin? Anong silbi ng cellphone mo kung hindi ka tatawag sa kanila? Aba'y huwag mong hintaying ihulog ako riyan ng Lola mo dahil sa pamumuroblema mo sa bagay na hindi dapat problemahin." Nakatawa itong naupo sa kanilang mag-Lola.
Kaya naman ang kaninang lukot ang mukha ay pinagkukurot ang asawa.
"Masasabi mo naman iyan ikaw na tao ka nang hindi nambabatok. Naku! Naku! Ikaw ang gulatin ko tingnan ko lang! Hala, iwanan na natin ang ating apo nang makapahinga siya. Ikaw naku!" Pinagkukurot pa rin ng Ginang ang asawa kahit palabas na sila sa balkonahe ng kuwarto ni Khalid.
Nang nawala na ang mga ito sa kaniyang paningin ay pinakawalan na ni Khalid ang ngiting ikinukubli. Sa kaniyang isipan, napakasuwerte ng mga ninuno niya dahil kahit ilang taon na silang mag-asawa ay naroon pa rin amg spark ng pag-iibigan.
"Ako kaya, kailan kaya ko kaya makikilala ang taong makakasama ko sa habang buhay?" naitanong tuloy niya na buong akala mo ay siya lang nakarinig.
"Wala nang pag-asang makahanap ka pa ng mapapangasawa mo, Kuya. Dahil napakailap ng puso mo. Tatanda ka ng binata at maiiwan ka na sa biyahe," wika ng isa pang sulputera na iwan niya kung saan ito galing. Hindi nga niya narinig ang pagpasok ng sasakyan o kahit ang gate lang sana.
"Ikaw, Rene Grace De Luna Abrasado, kailan ka pa naging sulputera at manghuhula?" taas-kilay niyang tanong. Ah! Ang mga tao sa gabing iyon ay naging sulputero at sulputera!
"Ngayon lang, Kuya. Dahil nandito ako upang ipaalam sa iyo na huwag ka nang tumuloy sa paghahanap ng mapapangasawa mo. Ayon sa aking hula ay darating ito sa tamang panahon. At dahil tag-ulan ngayon ay ganitong panahon din darating sa iyo ang makakasama mo sa iyong pagtanda," pahayag nito na animo'y tunay na manghuhula.
Kaya naman imbes na magalit ang binata rito ay napahalakhak na lamang siya. The way his cousin delivered her words, it appears that it's so real.
"Alam kong may bangayan na naman kayo ni RW kaya ikaw ang nandito kaya't huwag mo ng ilihis ang purpose mo. Pero kung ako sa iyo dumiretso ka na lang sa room mo at ako ay mamahinga na rin." Abot hanggang taenga ang ngiting nakabalatay sa mukha ni Khalid Mohammad saka humarap ng maayos sa pinsan.
Hindi nga siya nagkamali dahil ang maliwanag nitong mukha ay biglang nandilim este sumimangot. Pero ang hindi niya napaghandaan ay ang naging hakbang nito. Lumapit ito sa kaniya at kinuwelyo!
"Isa ka pa, Kuya! Kung hindi si Kuya Reynold Wayne ikaw naman! Diyan ka na nga!" nanggigigil nitong sabi saka walang babalang binitawan at nag-walked out na kung walang railings ang veranda ng kuwarto niya ay dumiretso siya sa baba!
"Aba'h talagang galit ang babaeng iyon ah. Ano kaya ang problema niya?" pabulong na tanong ng binata pero sino nga ba ang sasagot eh wala ng tao kundi siya lamang.
Hindi na rin siya nagtagal sa panonood sa walang katapusang pagbuhos ng ulan. Tinungo na rin niya ang kaniyang higaan at nagtago sa ilalim ng comforter hanggang sa hilain ng antok.
As the days goes on!
Isang opportunity ang dumating sa buhay ni Antonette, bagay na hindi na nito pinakawalan pa. She grabbed it! Lingid sa kaalaman ng lahat including her parents, tinanggap niya ang trabaho na in-offer ng kaibigan niyang nagtratrabaho din sa Al-Jazeerah Hospital( optional name of hospital) sa Riyadh Saudi Arabia.
"Pagkakataon ko na ito upang timbangin ang sarili ko. Alam kong malaya na ulit ako sa pag-iibigan namin dati ni Darwin. Kaya't nais ko ring subukan ang kapalaran ko sa ibang bansa," bulong niya.
Sa mga panahong late siya umuuwi ay iyon ang inaasikaso niya. Ngunit hindi niya iyon ipinagtapat sa mga magulang at kapatid. Hinintay niya ang resulta bago siya nagdesisyon na ipagtapat na sa mga ito ang tungkol sa nalalapit niyang pag-alis.
"Diyos ko, sana maunawaan nila ako. Kailangan ko rin itong gawin, Ama," muli niyang bulong saka tinahak ang daan pauwi sa kanilang tahanan ng may pagmamadali. Dahil sa nagbabadyang pagbuhos ng ulan.
Pero hindi na nangyaring nakarating siya ng maayos sa bahay nila dahil tuluyan ng bumuhos ang ulan. Kaya't wala na siyang nagawa kundi ang tumakbo patawid ng kalsada upang sa waiting shed muna siya maghintay sa pagtila ng ulan. Kaso sa hindi inaaaahang pagkakataon ay may sasakyang amino'y lumilipad sa bilis ng pagpapatakbo. Kaya't imbes na ituloy ang pagtawid ay isinangga na lamang niya ang kaniyang mga braso sa sarili.