"Hi, Sis. May nakaupo ba sa tabi mo?" magalang na tanong ni Antonette sa babaeng halatang kagaya niyang palabas ng bansa.
Pero wala siyang nakuhang sagot mula rito kaya naman sa may edad na lalaki siya nagtanong.
"Mawalang galang na po, Tata, may nakaupo po ba riyan sa pagitan ninyo ni Miss?" tanong niya.
Kaso bago pa man nakasagot ang may edad na lalaki ay padabog nang tumayo ang babae na bubulong-bulong.
"Ambisyosang babae, papansin pa! Hindi na lang maupo kung gusto niyang maupo," sabi nito na halata namang hindi bulong kundi pasaring na sa dalaga.
Kaya naman ay napataas ang kilay niya. Mukhang iba rin ang tupak nito. Aba'y hambalusin niya kaya! Tsk! Ang ganda-ganda nang pagtanong at page-approach niya dahil ayaw niyang may kaaway siya tapos iba pa ang pagkaunawa nito. Haharapin na sana niya ito subalit maagap ang may edad na lalaki.
"Hayaan mo na siya, Iha. Maupo ka na lang diyan kung kagaya ka naming pasakay sa Etihad Airways na papuntang Abu Dhabi," saad ng matanda na bahagyang ibinaba ang salamin.
"Maramimg salamat po," sagot niya ngunit tinanguan na lamang siya nito at ibinalik ang pansin sa binabasang article.
Sa isipan niya ay baka mayroong mataas na katungkulan ang babae sa ibang bansa kaya ganoon na lamang ang reaksyon nito nang siya ay nagtanong kung mayroon bang nakaupo sa pagitan nito at ang may edad na lalaki.
And yes!
Here she is at Ninoy International Airport bound for Saudi Arabia to work as a nurse in Al-Jazeera Hospital. Hindi na siya nagpahatid sa mga magulang dahil kahit pa sabihing nasa tamang gulang na siya at para sa pamilya niya kaya siya aalis pero masakit pa rin ang malayo sa mga ito. Buong buhay niya ay kasa-kasama na niya ang buong mag-anak. Kaya naman ay hindi na siya nagpahatid lalo at gabi na.
Hindi nga nagtagal, nagbukas ang gate kung saan sila naghihintay kaya't sumabay siya sa mga kapwa padarehos. Ngunit laking dismaya niya nang nagtulakan ang mga ito na halos maapakan ang paa ng may edad na nakatabi niya. Mga tao nga namang walang pakialam sa paligid. Lahat naman sila ay makakapasok sa eroplano subalit kung kumilos ang mga ito ay animo'y maiiwan na.
"Tata, okay ka lang po ba? Halika na po ako na po magdala niyang bag mo. Hindi na bale na mahuli po tayo." Inalalayan niya ito dahil kahit hindi niya ito kilala ay hindi naman maatim ng konsensiya niyang basta hayaan na lamang ito.
Hindi man niya ito kilala pero magaan ang pakiramdam niya rito. Saka sa uri ng trabaho niya ay hindi na bago sa kaniya ang elderly care. Lahat ng trabaho ng isang nurse ay nagawa na niya lalo noong nagsisimula pa lamang siya. Kaya't hindi niya masisisi ang sarili kung mabilis siyang maawa sa kapwa.
"Mga kabataan na ngayon wala na silang hiya sa mga matatadang tulad ko. Pero hayaan mo na siya anak kung iyan ang gusto niyang gawin sa buhay niya," sagot naman ng matanda.
Napag-alaman niyang bibisita ito sa anak na nasa Abu Dhabi kaya naman ito mag-isa. Ayon din dito ay ilang anak ang nasa ibang bansa ang ngtratrabaho at ilang taon na rin itong pabalik-balik. Ayon din dito sa kadahilanang nasa ibang bansa ang trabaho ng mga anak ay ito na rin ang bumibisita. Masuwerte raw ang mga anak na nakapagtrabaho sa ibang bansa. Nasa Gitnang Silangan daw ang mga anak kasama ang pamilya. At higit sa lahat ayon dito ay wala na raw ipinagbago ang mga nakakasabayan sa paliparan. Mga nagtutulakan pa raw kahit pa na kagaya nitong may edad ay hindi pinalampas.
Sa kabilang banda ng linya ng paliparan. Nahagip nang paningin ni Khalid Mohammad ang babaeng ilang buwan na ring hindi nawala sa isipan niya.
"Ano kaya ang ginagawa niya rito? Alam kaya ito ni pinsan?" animo'y wala sa sariling tanong ni Khalid Mohammad kaya naman nagulat siya nang bigla siyang tanungin ng abuela.
"Sino? Para kang nababaliw diyan apo. Sino ba ang hinahagilap ng mata mo riyan at para nang mababali ang leeg mo," ani Grandpa Wayne.
"Ah, iyong love of the life ni pinsan Reynold Wayne lolo. Ngunit hindi ako sigurado kung siya iyon." Napakamot tuloy siya sa kaniyang ulo. Nagiging careless whispers na yata siya kaya't hindi na naman nakaligtas sa abuelo niya.
"Aba'y lapitan mo apo para malaman mo kung siya nga ba." Panunulsol pa ng abuela.
"Pero nakapila na siya roon sa nakabukas na gate." Itinuro ng binata ang linyang kinaroroonan ng dalaga.
Kung siya lang sana ang masusunod ay kanina pa niya ito nilapitan upang itanong kung ano ang ginagawa sa paliparan. Sa hitsura pa lamang nito ay palabas ito ng bansa. Doon niya napagtanto na paalis na rin ito kagaya nang nasabi noon sa kanilang magpinsan.
"Susmaryusep kang tao ka apo kailan ka pa nawawal---"
Hindi na natuloy ang panenermon ng abuelo sa kaniya dahil umalingawngaw naman ang pagbukas ng gate kung saan sila papasok, hindi na rin nagawa ng binata na lapitan ang "nobya" ng pinsan niya na lihim niyang iniibig.
Aminado naman siyang mahal niya ito pero mas matimbang para sa kaniya ang pagiging magkadugo nila ng pinsan niya. Ay kabilin-bilinan ng mga ninuno nilang magpipinsan kahit saang henerasyon nanggaling ay iwasan nila ang magkakaribal sa pag-ibig upang maiwasan ang sakitan.
"Sayang mas nauna pa kayong nagka-igihan ni insan bago ako nakapagtapat. Pero masaya ako para sa inyong dalawa," bulong niya at sa buong akala niya ay siya lang nakarinig.
Ngunit lingid sa kaalaman ay dinig na dinig ito ng mga ninuno. Kaya naman ay nagkatinginan sila at hindi rin nalingid sa kaniya iyon. Subalit hindi na niya ito binigyan ng pansin dahil nasa harapan na sila ng check in area.
Sa tahanan ng mga Ortega, nang nagkaroon ng pagkakataon ang bunsong anak ng kamakailan lang ay nailibing na mag-asawang Joaquin at Paula ay hindi siya nagsayang. Agad niyang nilapitan ang kapatid.
"Ate, maari ba tayong mag-usap?" tanong niya sa kapatid na nakatanaw sa malayo at halatang nag-iisip ng malalim.
Hindi man ito lingunin ni Analyn ay kilalang-kilala na niya at isa pa wala namang ibang nakakapasok sa kuwarto niya ng walang paalam kundi ang mga kapatid niya.
"Go ahead, Jomar. Ano ang pag-uusapan natin?" balik-tanong niya rito.
"Huwag ka sanang magalit, Ate, pero baka naman maaring pakiharapan mo ng maayos ang hipag natin. Okay, sabihin na nating binastos niya ang lamay ng mga magulang natin pero alalahanin mo rin sana, Ate, na kahit bali-baliktarin man natin ang mundo ay hindi na natin maibabalik ang nakaraan o mas tamang sabihin nating wala na tayong magagawa dahil asawa na siya ni Kuya. Kaya naman, Ate, baka naman maaring pakisamahan mo na lang siya," pahayag ni Jomar.
Dahil dito, unti-unting lumingon ang dalaga sa bunsong kapatid. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mukha nito. Ngunit wala siyang balak ibaba ang sarili para sa nababaliw at obsessed nilang hipag. Kung sa ibang tao siguro ay maari niyang gawin ang pakiusap ng bunsong kapatid subalit kahit bali-baliktarin man ang mundo ay wala siyang pakialam sa hipag nilang sira-ulong mapangmataas.
"Ikaw ang makinig sa akin, bunso. Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Oo, alam ko dahil kahit hindi ako naging magandang ehemplo bilang isang anak sa mga magulang natin, hindi maganda ang pakikitungo ko sa Kuya natin noong sila pa ni Ate Antonette. Ngunit ito ang tandaan mo, bunso, alam ko ang ginagawa ko. Huwag kang mag-alala dahil matino pa ang isipan ko, bunso.
Dahil hindi lang ang bastos na iyon ang kailangang pakisamahan ko kung gagawin ko ang sinasabi mo. Dahil ang kapatid natin ay parang natutuluyan na yata. Nababaliw na yata dahil sa babaeng sinasbai mong pakisamahan ko."
Napatigil siya pansamantala dahil bukod sa masakit din sa kaniya ang ganoon ay naninikip ang dibdib niya. Ganoon pa man ay nagpatuloy siya.
"Sige sabihin mo nga, bunso. Sabihin mo kung tama ako o mali. Bakit, kung talagang mahal niya si Kuya, bakit nagawa niya itong ipahiya sa harap ng mga tao? Bakit sa mismong burol nila Mommy at Daddy ay nagawa pa niyang mamahiya? Sinugod niya ang pamilya Dela Peña? Kung may kakuntentuhan sana siya kay Kuya ay tahimik na siya dahil siya ang pinakasalan niya. Sige nga bunso sabihin mo kung ako ang mali."
Pagtatapos niya sa pananalita.
Kaya naman hindi agad nakasagot ang binatang si Jomar. Dahil totoo naman lahat ang sinabi ng kapatid. Ganoon pa man ay nais sana niyang maging formal ito sa kapatid at hipag nila. sa pananalita pa lamang nito ay malabong mangyari ang nais niya. Determinado itong panindigan ang ninanais at binitawang salita. At iyon na nga, bago pa siya makapagsalitang muli ay naunahan na naman siya nito.
"See? Hindi ka makapagsalita bunso dahil tama ang sinasabi ko hindi ba? Alam ko, bunso, kahit ikaw ay hindi sang-ayon sa gawain ng babaeng iyon. Kaya't sa bagay na iyan huwag na tayong magpakialaman. Upang hindi tayo mag-away. Hindi ko naman sinasabing pabayaan natin si Kuya pero hayaan lang muna natin siya sa ngayon. Subalit oras na lalagpas sa limitasyon ang hitad niyang asawa ay tandaan mo, bunso, ako mismo ang puputol sa sungay niya," muli ay pahayag ni Annalyn.
"Just be quiet, Ate, lalo kapag nandiyan siya. Dahil kagaya nang sinabi ko ay asawa na siya ni Kuya," ang Tanging nanulas sa labi ng binata.
Pero...
Ang hindi alam ng dalawa ay nasa labas ng kuwarto ni Analyn ang taong pinag-uusapan nila at halatang nakikinig sa kanilang usapan. Dahil simula't sapol ay mabigat na ang kalooban sa dalagang Ortega.
"Hmmm... Mukhang may pag-uusapan ang dalawang ito ah," bulong ni Lovely nang nahagip ng mata ang bunsong kapatid ng asawa niya. Kaya naman hindi siya nagsayang ng panahon. Sinundan niya ito at sa kuwarto ng hipag niya ito nakitang pumasok.
"Aba'y mukhang seryoso ang pag-uusapan nila. Well, well, malalaman ko rin iyang mga tanga!" Kuyom ang mga palad niya.
Nang makasigurado siyang naka-locked na ang pinasukan nitong silid ay saka naman siya lumapit ng husto at idinikit ang taenga sa dingding.
"Teka lang, mukhang ako ang pinag-uusapan ah." Napatayo siya palayo sa dingding nang narinig ang pangalan. Ngunit imbes na lisanin niya ang lugar na iyon ay mas idinikit pa ang taenga sa dingding upang mas maunawaan niya ang pinag-uusapan ng dalawa lalo at siya ang sangkot.
Sa madaling salita ay napakinggan niya ang usapan ng magkapatid mula simula hanggang sa magdesisyong tapusin ang pag-uusap. Pero bago man siya makita ay patihaya na siyang bumalik sa kuwarto nilang mag-asawa. But then, she cleverly smiled.
"Kahit ano ang gawin ninyong dalawa. Hindi n'yo ako mapipigilan sa anumang gagawin ko. Hindi nga ako mapigilan ng gunggong ninyong kapatid kayong dalawa pa kaya? Hintayin n'yo lang ang susunod kong hakbang at makikita ninyo kung saan kayo pupulutin lalo ka ng babae ka. Simula't sapol ay ikaw na ang numeru-unong kontra sa pagsasama namin ng Kuya mo."
Nagpalakad-lakad siya sa harapan ng salamin hanggang sa napagod at tuluyang tumigil sa harap nito. Hinaplos-haplos ang maumbok na tiyan, hanggang sa ipinaloob ang palad sa loob ng kasuutan.
"Mga kasing-tanga naman kayo ng kapatid ninyo eh. Kung hindi lang kayo mga sobrang bobo'y malalaman n'yo sana ang katotohanan kaso puro kayo utak talangka eh." Nakaismid siya saka tinaggal ang nagpapaumbok sa tiyan na pabilog na unang may kakapalan.
And yes!
She's just fooling them all!
No one knows about that except herself. Dahil kailan man ay hindi siya magkakaroon ng anak. Tama ang asawa niya ang nakauna sa kanya pero hindi lang ito ang naging lalaki sa buhay niya. Dahil ang doctor niya mismo ay ito rin ang kalaguyo niya. At sumang-ayon itong unan ang gawing panakip-butas sa tiyan niya upang mapagtakpan ang kanilang relasyon. Ito rin ang gumawa ng paraan upang mapaniwala ang lahat na buntis siya na kaya lang siya dinugo dahil sa maselang pagbubuntis.
Inaamin niyang obsessed siya sa kanyang asawa pero noong nasa ibang bansa na sila ay nag-iba ang lahat. Lalong-lalo na kapag nasa kainitan sila ng tagpo ay pangalan ng karibal niya ang tinatawag nito. Dahil doon ay unti-unti na rin niyang itinatatak sa isipan na hindi lang ito ang marunong gumawa ng bagay na iyon. Doon naman niya nakilala ang doctor niyang sa unang pagkikita pa lang nila ay halatang may gusto na sa kaniya. Hindi nga siya nagkamali dahil sa pang-apat niyang pagpa-check up dito kung bakit hindi normal ang buwanang dalaw niya ay hindi na ito nakapagpigil.
Nagtapat ito na buong puso din niyang sinagot kahit pa ipinagtapat niyang may asawa siya. Iyon nga lang ay may findings ito sa abnormal niyang buwanang dalaw. Walang nabubuhay na fetus sa kaniyang ovary dahil sa abnormalities ng monthly menstrual period niya. Pero lahat ng iyon ay nagawan ng paraan ng kalaguyo niya para maipagpatuloy nila ang kanilang relasyon. Kung nagpapakalunod sila ni Darwin sa rituals nila tuwing gabi ay ganoon din sila ng doctor sa day time. Mas nababaliw pa nga siya sa pagpapaligaya nito sa kaniya kaysa kay Darwin.
As the time goes on!
Simula nang pumanaw ang abuelo ay hindi na masyadong bumibiyahe si Khalid pauwing Saudi Arabia. Pinapalipas niya ang ilang buwan bago nagtra-travel at bisitahin ang mga magulang at kapatid na mas piniling maging Qur'an teacher.
"Masaya kami para sa iyo, apo. Dahil sa wakas ay hindi ka na masyadong napapagod sa biyahe. Ngunit mukhang nakalimutan mo naman yatang may mga magulang at kapatid ka roon na kailangan mong madalaw," wika ni Grandpa Wayne isang hapon na nag-iisa ang binata sa garden.
Yes, nag-iisa siya dahil ilang buwan na rin simula ng huli nilang pagkikita ng pinsan niyang bestfriend niya. Matagal-tagal na rin itong lumayo upang gamutin daw ang puso na hindi niya matukoy kung bakit lalayo pa ito samantalang may love of the life naman ito sa katauhan ng dalagang sinagip nila noong kasagsagan ulan.
"Si Lolo talaga oo. Nagsasawa ka na ba sa akin? Aba'y pinapauwi mo na ako ah." Pagbibiro ng binata saka hinarap and abuelo kaso binatukan naman siya nito.
"Ikaw na bata ka ay huwag kang magdrama dahil hindi mo bagay. Kahit naman wala na ang abuelo mo sa Papa mo ay dapat dalawin mo rin silang dalawin," pasinghal na wika nito.
Alam naman iyon ng binata kahit hindi siya sabihan ng abuelo ay gagawin niya iyon. Sa katunayan ay may isang linggo siyang bakasyon bigay ng kumpanya nila dahil sa ilang buwang hindi pagkuha ng bakasyon. Iyon nga lang ay naunahan siya ng butihing Lolo.
"Gusto mong sumama, lolo? I mean kayo ni Lola, baka naman gusto n'yo ring dalawin sila Mommy at Daddy. Huwag na si bunso dahil nasa Turkey iyon at balita ko ay pupunta sila ng Africa." Masaya niyang pagyaya sa abuelo.
"Apo, it's yours. Pahalagaan mo rin ang sarili mo. Huwag mo kaming alalahanin Lola mo dahil nandiyan naman sa kabilang kanto ang Papa Pierce mo, kung si Reynold Wayne ang iniisip mo, ikaw na rin nag nagsabi sa amin ng Lola mo na magpapahilom lang siya ng sugat sa puso niya. Kaya't go ahead apo alam kong matagal mo ng gustong uuwi sa Saudi." Salungat ng may edad na si Grandpa Wayne.
Hindi naman sila manghuhula para malaman ang tungkol sa one week vacation nito pero nakita nila envelope na naglalaman sa promotion nito at sa certificate of appreciation para sa dedikasyon nito sa trabaho at nakalakip dito ang isang linggong bakasyon.
Kaya naman!
Here he is again! Palabas ng paliparan ng King Khalid International Airport.
"Kung minamalas nga naman ang tao. Iniwan ang tag-ulan sa Pilipinas tapos hanggang dito ba naman sa Saudi? Paano ako nito makakauwi sa bahay kung binabaha na ang bansa sa kunting ulan?" Hindi mawari kung bulong ba o hindi dahil napangitngit siya.
Paano ba naman kasi!
Sa kagustuhang surpresahin ang mga magulang ay hindi na siya nagpasabing darating siya but the prize of planning the surprise was being trapped in the middle of rain!
Pero...
Sa inis na hindi mawari' idagdag pa ang maletang hila-hila na naglalaman ng mga pasalubong niya ay hindi na niya napansin ang babaeng nagmamadali upang makasilong sa hindi inaabot ng ulan. Huli na para iwasan ito, nagkabanggaan na sila ng babae. Hindi lamang iyon, parehas silang sumemplang!