IKA-ANIM NA KABANATA

2111 Words
"Asawa ko, katukin mo nga ang apo mo. Aba'y himala naman yatang tanghali na subalit hindi pa siya bumababa ah," kunot-noong wika ni Princess Queennie sa asawa. "Hindi pa ba dumaan si Reynold Wayne? Baka naman magkasama sila asawa ko." Hinarap ni Wayne ang asawa na halatang aburido sa apo nila. Ang panganay na anak ng bunso nilang anak. Sa pangalan pa lamang nito ay malalaman na kung sino at saang bansa ito. Kaya nga Arabo ang tawag ng isa pa nilang apo rito. Subalit ang BFF nito ang nagpauso sa Arabo. "Wala pa naman asawa ko. Parang hindi mo kilala ang mga apo mo eh. Animo'y may mga serena ang boses kapag sila ang dumarating. Hala---" Hindi pa man natapos ng Ginang ang sinasabi ay dumating ang taong tinutukoy nilang mag-asawa. Nasa main door pa lamang ito pero dinig na nila ang boses nito. "Hello here! Magandang umaga sa inyong lahat. I'm here!" Parang nasa kabilang bahay sa lakas ng boses. Kaya naman nagkatinginan ang mag-asawa na para bang "speaking of him". At bago pa man sila makapagsalita ay nasa tabi na nila ito, kagaya ng nakagawian at paggalang ay nagmamano at nakikipagbeso-beso ito. Kaya naman ang sutil na Ginang ay nakaisip ding manukso. "Parang inlove ang apo ko ah. I can see those sparks in your eyes. Want to share with us?" Panghuhuli ng Ginang. "Si Lola talaga oo. Hindi ka na ba nasanay sa aming mga apo mo na masayahin." Kakamot-kamot sa ulo na nagbigay-galang si Reynold Wayne sa mga ninuno sa ama. "Papunta ka pa lang apo pabalik na kami ng Lola mo. Sa hitsura mong iyan ay nakikita naming may bumihag na naman sa puso mo." Segunda pa ng Ginoo. "Grabe naman si Lolo na naman? Eh wala pa nga akong naligawan." Sa tinuran ng abuelo niya ay napangiwi ang binata. Kaso ang abuela naman niya ang nanukso. Ah! Ano ba ang nangyayari sa mundo? Aba'y pinagkakaisahan yata siya eh! "Sa inyong magpipinsan din naman namin narinig ng Lolo ninyo na may mga pinagtataguan kayo kaya hindi n'yo kami masisisi ng Lolo n'yo." Ngiting-ngiti itong pangangantiyaw. Sa isipan niya( RW) ay wala na talaga siyang lusot sa mga ninuno. Kaya imbes na ipagpatuloy ang magpalusot ay mas minabuti niyang segundahan na lang ito upang hindi hahaba ang usapan. "Oo na po pero saka ko na lang sasabihin kung kanino kapag okay na. By the way, nasaan na ang arabong masungit?" tanong niya patukoy sa pinsan niyang mukhang nanaginip na at hindi maalalang gising. "Who?" sabayang tanong ng dalawang matanda. "Ay, kailangan pa talagang sabay kayo, Lola, Lolo? Eh sino pa ba kundi si Khalid Mohammad Abubakar, nasaan na iyon? Mahuhuli kami niyan for the first time kapag nagkataon." Nakangiwing napatingin si RW sa mga ninuno dahil sa sabayan nilang pagtanong. Sa pagkakarinig sa pangalan ng apong half Filipino and half Arab ay muling naalala ng dalawa ang hindi pa nila nakikita o wala pang palatandaan na gising na ito. "Go up, baby. Go and check your cousin in his room. We haven't seen him yet." Utos ni Lola Princess Queennie. "Talagang susunduin ko na po siya. Kahit hindi na siya mag-aalmusal aba'y anong oras na po. Aba'y mukhang mahimbing pa ang tulog niya," tugon ni RW saka mabilisan ang kumilos upang upang makarating agad sa silid ang pinsan. Pero... Paano nga ba babangon ang taong tinutukoy nila samantalang nasa ilalim ito ng makapal na comforter? Sa init ng panahon sa labas tapos naulanan pa, idagdag pa na ilang araw na pala itong may dinaramdam pero hindi ipinaalam sa mga taong nakapaligid. "Hmmmm...hmmmmm...hhmmm." Ang bumungad sa binatang si Reynold Wayne. "Oh sh*t! What's happening with you, Abubakar?" napamura niyang sambit nang narinig ang dumadaing na pinsan. Hindi siya nagsayang ng oras, agad siyang lumapit dito at ganoon na lamang ang gulat niya nang mapagtantong inaapoy ito ng lagnat. Nanginginig sa lamig pero mainit naman ito idagdag pa na nakabukas ang aircon sa loob ng silid nito. "Lola! Lolo! Come over here please! We need to take him to the hospital now!" hindi niya napigilang sigaw samantalang kung tutuusin ay ilang hakbang lang ang sementadong hagdan. Sa sigaw niya ay walang pakialam ang nagdedeliryong si Khalid. Subalit ang mga tinawag ay parang nagkaroon ng pakpak na umakyat upang alamin kung bakit sumisigaw siya. "Oh my, God! Reynold Wayne Abrasado, what's on that---" Hindi na natapos ni Lola Queennie ang panenermon sana sa panganay na apo sa sa panagay na anak dahil sa nakitang kalagayan ng apong si Khalid. Nanginginig ito sa ilalim ng comforter. "Take my medicine bag in our room, no need to take him to the hospital. Sa kalagayan niyang iyan hindi kakayanin ng katawan niya ang bumiyahe." Pagitna naman ng reteradong surgeon na abuelo ng pasyenteng si Khalid. "Ako na lamang po, Lolo. Saan po ba naroon ang bag?" agad na pagitna ni Reynold Wayne dahil alam niyang matatagalan lang ang abuela. Kahit pa sabihing malakas pa ito pero iba sng liksi niya kumpara dito. "Sa kabinet, apo. Makikita mo agad iyon dahil nasa iisang kabinet lang naman ang mga medical equipment natin," tugon ng matanda. Hindi na sumagot ang binata bagkus ay may pagmamadali niyang tinungo ang silid-tulugan ng mga ninuno. Kinuha ang aparatos na kailangan ng abuelo saka may pagmamadali ring bumalik sa kuwarto ng pinsan. Kung si retired Surgeon Wayne Abrasado ang kumunsulta sa kinukumbulsiyon na si Khalid, naging assistant naman nito ang mag-Lola na sina Queennie at Reynold Wayne. "Ano bang nangyari asawa ko bakit bigla siyang kinumbulsiyon?" tanong ng Ginang sa asawa nang sa wakas ay tumayo na ito matapos alamin kung ano ang nangyari sa apo. Pero hindi ito sinagot ng Ginoo bagkus ay hinarap ang apo sa panganay na anak. "Magtapat ka nga, Reynold Wayne apo ko. Saan ba kayo nanggaling ng pinsan mo kahapon? Look at him now kaya kinukumbulsiyon dahil sa naulanan kayo marahil. Mataas ang body temperature niya pero nilalamig siya kaya siya nagkakaganyan," anito sa apo. Saka pa lang naalala ng binata ang pagkakabasa nila sa nakaraang araw. Subalit hindi naman niya akalaing mahina ang resistensiya ng katawan nito. Samantalang mula pagkabata y kasa-kasama na niya ito at naglalaro pa sa harap ng bahay nila sa tuwing sumasapit ang tag-ulan. "Hey, young man, your Grandpa is asking you. Siguro may kababalaghan kayong ginawa ni Khalid ano? Bakit ka natatameme riyan?" kunot-noong tanong ni Lola Queennie dahil sa pinaghalong kaba para sa apo at inis sa asawa dahil imbes na sagutin siya ay nagtanong ito sa isa pa nilang apo na biglang natahimik. "Eh, sorry naman po, Lola. Natahimik lang naman ako dahil naalala ko na naulanan pala kami kahapon. But I never thought na mahina pala ang resistansiya niya samantalang dati naman pong nagtatampisaw sa ulan," hindi na rin mapakaling sagot ng binata lalo ng maalala ang babaeng hindi mawaglit-waglit sa isipan. "Okay, ngayon sasagutin ko ang tanong ninyo kung bakit kinukumbulsiyon ang pinsan mo apo ko at apo natin asawa ko. Sa sobrang init ng panahon sa labas, biglang umulan at nagpakabasa pa pala kayo kahapon kaya iyan na ang nangyari kay Khalid. Pero bukod doon ay wala na, any moment from now magiging conscious na rin siya after the medicine I injected to him. If ever huwag naman sana, kung hindi huhupa ang lagnat niya mas mabuting dalhin na lang natin siya sa pagamutan for further check up," pahayag ni Grandpa Wayne. Nakahinga naman ng maluwag ang mag-Lola dahil sa narinig. Out of the blue... "Lolo, ano kaya kung paliguan natin si Khalid? Sa mga naririnig ko, kung may nilalagnat daw at sobrang taas ang temperature ay maari raw na paliguan para malamigan ang katawan," wika ni RW kaso pinandidilatan lamang ito ng abuela. "Hindi iyan bata, Reynold Wayne Abrasado. Hala lumakad ka na at hindi ka magaya sa pinsan mong absent. Ikaw na ang bahalang magsabi sa Boss ninyo." Napamaywang na pinandidilatan ni Lola Queennie ang apo kaya't muli itong mapakamot sa ulo. "Huwag mong sabihing pati ikaw ay walang balak papasok kung hindi mo kasama ang pinsan mo?" pang-aarok naman ng Ginoo dahil na rin sa reaksyon nito. "Eh, iyon na nga po, Lolo. Animo'y wala na rin akong ganang papasok sa trabaho dahil kasama ko namang naulanan kahapon si insan. Ako na lang ang mag-aalaga sa kaniya." Ayon at lumabas din ang totoo. "Pero ikaw din ang bahalang magpaliwanag sa Mama mo, Iho. Alam mo namang tumatawag ang Boss ninyo sa Mommy mo kapag hindi ka pumapasok," ani ng tinig na naging dahilan upang mag-isang isang linya ang kanilang paningin. "Oh, Daddy, nandito ka rin?" agad na tanong ng binata nang nakita ang ama. Hindi ito agad nakasagot sa binata dahil nagmano at yumakap pa ito sa mga magulang. "Na-miss daw ng Mommy mo sina Mommy sa Baguio. Kaya't sumaglit ako rito upang magpaalam kina Mama at Papa. Hindi na sumama ang Mommy mo dahil iniaayos niya ang iba pang gamit." Baling ni Pierce sa anak. Sasagot pa sana ang binata subalit naisip niya na moment iyon ng pinsan niya. Kaya't hindi na siya sumalungat, nagkataon pang nakalimutan niyang nasabi na pala ng Mommy niya ang tungkol sa pag-alis nila papuntang Baguio para dalawin ang mga ninuno roon. Kaso sa pananahimik niya ay nakaisip na naman ang abuelo niya nang pang-aasar sa kaniya. "Hala, kung ayaw mong pumasok na hindi mo kasama ang pinsan mo ay diyan ka na muna. Ikaw ang magbantay at diyan kami sa sala baka maingayan pa siya at imbes na makapagpahinga ay hindi na. Hindi na bale dahil para namang kumalma na ang pinsan mo. When he will wake up, ask him if he want something want to eat para mabigyan natin siya ng iba pang gamot para sa agaran niyang paggaling," pabirong anito. Tumango na lamang si RW bilang sagot. Hinintay niyang nawala sa paningin niya ang mga ito bago dumungaw sa bintana ng silid ni Khalid. Sa kabilang banda, masama man ang pakiramdam dahil sa pagkaulan sa nakaraang gabi ay pinilit pa rin ni Antonette ang bumangon upang makapaghanda para sa trabaho. "Salamat, Panginoon, sa araw na ito," bulong niya saka lumabas sa kuwarto niya at sakto ring paglabas ng kapatid sa silid nito. "Maganda ka pa sa umaga, Ate." Mapanukso nitong bungad. "Pero mas maganda ka pa, Adel, lalo na kung aasta kang tunay na babae. Huwag kang maging siga," tugon niya subalit tinawanan lang siya nito. "Alam mo, Ate, mas maganda ka dahil naka-wheels ang naghatid sa iyo dito kahapon. Wow! Mukhang may nakabihag na ulit sa puso mo." Mas kinikilig pa ito sa paghatid ng naka-wheels kung tawagin nito. Sa pagkakaalala sa dalawa ay natigilan ang dalaga, sa isipan niya ay sana makita niyang muli ang mga ito para makapagpasalamat muli sa tulong nila. "Sayang guwapo pa naman kaso masungit. Mabuti pa iyong isa palaging nakangiti parang hindi marunong magalit," aniya sa kaniyang isipan na sa buong pag-aakala ay siya lang nakarinig ngunit hindi pala ito nakaligtas sa pandinig ng kapatid. "Ikaw talaga, Ate, ikaw na nga ang ihinatid sa gitna ng ulan pinipintasan mo pa ang tao. Aba'y maawa ka naman sa tao." Pangungunsensiya tuloy nito sa kaniya. "Kung nakita mo lang sana ang pagkakaiba nila, Adel, baka gaya rin nang sinasabi ko ang sasabihin mo," aniya Ibubuka pa lamang ni Adel ang labi para ipagtanggol ang naghatid sa kapatid ngunit eksakto namang tinawag sila ng kanilang ina. "Adel! Antonette! Ano ba ang pinagkakaabalahan ninyo diyang dalawa? Kung wala kayong balak bumaba rito at maghanda ng baon ninyo ay bumalik na kayo sa kuwarto ninyo at aalis na kami ng Tatay ninyo," may kalakasan nitongg sigaw sa kanila. Kaya naman ay para silang nasukol sa isang krimen na nagkatinginan subalit sa bandang huli ay naghagikhigakan pa bago tuluyang pumanaog. Sa kabilang panig ng mundo, mula ng nalamang buntis ang asawa ay sinikap ni Darwin na pakisamahan ang ugali ng asawa. Kahit gaano man kasama sa pakiramdam niya ang maging bahagi ng buhay nito ay tiniis niya dahil ang rason niya ay anak din naman niya ito. Isang araw habang siya ay naka-subsob sa trabaho. Biglang tumunog ang cellphone niya pero dahil busy siya ay hindi niya ito sinagot. "Mr Ortega your phone is ringing continuously, can you answer it first before you continue your work?" Tinig na nagpa-angat sa paningin ni Darwin upang malamang ang manager at may-ari pala nang pinapasukan niyang kumpanya. Hindi siya napilit ng mag-amang Fernandez na sa negosyo nila siya mamasukan. "Thank you, Sir," magalang na tugon niya subalit ngiti na lang din ang isinagot nito saka umalis. But... Parang nais niyang pagsisisihan ang pagsagot niya sa kaniyang cellphone dahil ibinalita ng nasa kabilang linya! A news that makes his world up side down!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD