IKA-LIMANG KABANATA

2512 Words
"Kung kamalasan nga naman ang humahabol!" inis na sambit ni Khalid. Pauwi na siya galing sa trabaho nang biglang bumuhos ang ulan. Ang ganda-ganda ng panahon tapos bigla na lamang bumuhos ang ulan. Iyon ang ikinakainis niya eh! Lagi na lang bumubuhos ang ulan kahit summer. Para ring nananadya ang panahon. "Maari namang maghintay munang tumila kahit kunti ang ulan bago tayo tumuloy sa pag-uwi, pinsan. Mahirap na baka kako ay mapaano pa Tayo," ani RW sa pinsan. Kahit malapit nang mag-agaw dilim ay halata pa rin ang pangungulay kamatis ng pinsan niya dahil sa inis. Sabagay, hindi naman niya ito masisi dahil sa pagod na lamang nila sa maghapon sa trabaho, idagdag pa ang pesteng kliyente nila na nagpatagal sa pag-uwi nila, at inabutan pa sila ng malakas na buhos ng ulan. "Hindi natin alam insan kung kailan titigil ang ulan kaya mas mabuting magpatuloy na lang muna---" Pero ang pananalita ni Khalid ay pinutol ng pinsan niyang animo'y nakakita ng multo. Ah! Wala pa naman silang pinatay upang muktuhin sila. Kaso! "Cous! Mag menor ka! May patawid sa kalsada!" Sa gulat marahil nito ay akala mo kung nasa kanilang kanto ang kausap dahil sa lakas ng boses nito. Sa gulat din dahil sa sigaw ng pinsan ay biglang inapakan ni Khalid ang preno ng sasakyan kaya naman ang labas ay pareho silang nauntog. "Damn it! Ah, my head!" ani Khalid. "Kumukulog at lumilindol ay wala pang preno ang bunganga mo." Nakailing na hinarap ni RW ang pinsan. "Nauntog na nga tayo ay ang kalmado mo po. Wait! Ill go and check!" Hindi naman sila nag-aaway kaso nagsisigawan dahil sa lakas ng ulan. "Diyos ko, kung ito na po ang katapusan ko sana po Ama patawarin mo po ako sa mga kasalanang nagawa ko." Niyakap ni Antonette ang sarili dahil sa pag-aakalang nabundol siya ng sasakyan na parang lumilipad na ibon sa bilis nang pagtakbo. Pero... "Hoy, babaeng may balak magpakamatay! Huwag dito sa kalsada ang tunguhin mo dahil wala akong balak makasagasa ng tao!" Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay amino'y kulog din sa lakas ang boses nang sumigaw. Pero bago pa makasagot ang dalaga ay may isa pang nagsalita kasabay nang pagpapatayo sa kaniya. Sa boses pa lamang nito ay halatang mabait. Hindi naman siya mind reader at kahit basang-basa silang lahat ay nababanaag niya ang katapatan nito. "Miss, halika na tumayo ka na riyan. Ihahatid ka na namin sa uuwian mo bago pa bumuhos ang mas malakas na ulan," ani Reynold Wayne. Sumunod naman kasi siya nang bumaba ito upang tingnan kung natamaan ba ang babae. Subalit laking pasasalamat nila dahil wala itong damage iyon nga lang ay para itong basang sisiw. Kung si Khalid ay galit na galit sa kamuntikang masagasaan, siya ay hindi na hinintay na makasagot ang babaeng yakap-yakap ang sarili. Hinila niya ito papasok sa loob ng sasakyan total pare-pareho na silang parang basang sisiw. Kaya't wala ng nagawa ang pinsan niya kundi ang sumunod sa kanila. "Haist! Kung minamalas nga naman oo," bulong ni Khalid Mohammad bago muling sumakay sa sasakyan. Ah! Ang pinsan niyang naging good Samaritan na naman yata. Kamuntikan na nga nilang masagasaan ay ihahatid pa nila ito. Talagang aabutan na sila ng mas malakas pang buhos ng ulan. "Saan ka ba uuwi, Miss? Upang maihatid ka namin ni insan?" dinig niyang tanong ni RW sa babaeng halatang natatakot. "Tanungin mo muna ang pangalan niya insan bago mo itanong kung saan natin siya ihahatid. Kargo de-konsensiya pa natin iyan kung basta na lang natin siya iiwan," aniya ngunit ang mga mata ay nakatutok sa daan lalo at halos hindi na makita ang dinaraanan. Sa isipan niya ( Antonette) mabuti pa ang humablot sa kaniya papasok sa sasakyan dahil kahit hindi siya kilala ay maayos ang pananalita nito samantalang ang nasa manibela ay mukhang masungit. "Huwag kang matakot sa amin ni insan, Miss. Dahil hindi kami nangangain ng tao, unawain mo na lang ang galit ni insan sigurado naman akong nagulat lang iyan dahil sa biglaan mong pagtawid. Ako pala si Reynold Wayne Abrasado at siya naman ang pinsan kong arabo este si Khalid Mohammad Abubakar. Ikaw, Miss, anong pangalan mo?" muli ay tanong ni RW. "Antonette Dela Peña ang pangalan ko. Maraming salamat sa pagtulong n'yo sa akin at ipagpaumanhin n'yo na kung bigla akong tumawid. Malapit lang naman kasi ang bahay namin kaya naglakad lang ako pauwi pero maraming salamat pa rin. Diyan lang sa pangalawang kanto ang bahay namin." Tinanggap ang nakalahad na palad ng binatang nagpakilala kahit na pare-parehas silang basa. Subalit nang maalala ang mga papeles na hawak niya ay para siyang sinilihan sa puwet. "Diyos ko, paano na kung nabasa ang mga iyon. Napakaimportante pa naman ang mga iyon." Hindi matukoy kung bulong ba o hindi dahil dinig na dinig ng dalawa. Sa kaisipang nabasa ang nga papeles niyang mag-aabroad ay agad niyang hinalungkat ang laman ng bag. Pero nang nakita itong nalukot lamang at hindi nabasa ay labis-labis ang pasasalamat. "Oh, bakit ka tumigil, insan?" maang na tanong ni RW sa driver nila este kay Khalid Mohammad ng bigla itong tumigil. "Sabi niyang diyan lang sa kabilang kanto. So nandito na tayo. Don't tell me may balak kang iuwi iyan sa bahay? Kung gusto mo ay doon sa inyo para mabalatan ka ng buhay ni Mama (Nathalie Janelle). Tinulungan na natin para hindi tayo habulin ng konsensiya natin tapos may balak ka pang isama siya sa pag-uwi." Ayo at nanalaytay na naman ang pagkamainitin ng ulo. Kaya naman pumagitna na ang dalaga. Sa pag-aakalang nag-aaway ang magpinsan. Ang isinakay siya at idinaan sa tapat ng bahay nila ay sobra-sobra na. Kaya't kahit aminado siyang natatakot siya sa paraan nang pananalita ng nasa harap ng manibela ay mas pinili niyang pumagitna. "Ah huwag na kayong mag-away. Iyan na ang aming bahay, kaya lang naman hindi ko agad nasabi na iyan na ang bahay namin dahil sa pag-aakalang nabasa ang mga papeles na hawak ko. Pero total naabala ko na kayo maari bang lubos-lubusin ko na? Maari bang makahingi ng plastic o kahit anong pambalot ko dito sa bag ko para hindi tuluyang mabasa ang papeles na laman ng bag ko. Magrereport pa naman ako sa agency bukas, pero kung wala okay lang," lakas-loob niyang sabi. Para namang nakunsensiya ang arabo sa pagsusungit sa kapwa nilang basang-basa sa tubig ulan. Hindi na siya nagsalita. Hirap man dahil sa lakas ng ulan ay pinilit niyang inilapit sa harap ng bahay na itinuro ng dalaga ang kaniyang sasakyan saka bumaba total basa na rin naman. "Sino po sila?" tanong ng dalagitang nagbukas sa pintong kinatok niya. "Ah Miss maari bang makahiram ng payong para may magamit si Antonette Dela Peña? Don't worry Miss hindi ako masamang tao, nandiyan kasi sa loob ng sasakyan ko si Antonette at may dala-dala siyang papeles na pinapangambahang mabasa ng tuluyan. Wala naman akong dalang payong kaya ako na ang kumatok dito total basa na ako," deretsahang pahayag ni Khalid. Para ano pang magpakiyame siya eh pare-parehas silang basang-basa eh! "Ah sige po. Kapatid ko po si Ate 'Tonette. Saglit lang po at makuha ko ang payong," tugon ng dalagitang si Adel saka mabilisang kinuha ang payong kaya't hindi nagtagal ay muli siyang humarap sa hindi nakikilalang lalaki. "Kuya, ito na po ang payong." Iniabot niya ang payong sa nilalamig na ring si binata. Halatang-halata naman kasi nanginginig ito. "Salamat," tipid nitong sagot saka bumalik sa sasakyan. Saktong pagbalik niya sa sasakyan ay eksakto namang pag-abot ng pinsan sa halatang calling card. "Heto na ang payong mo. Wala akong dalang basurahan dito sa sasakyan ko kaya't ang payong ng kapatid mo ang gamitin mo." Agad niyang iniabot ang payong. "Harsh mo talaga insan." Pagitna naman ni RW. "Okay lang, Reynold. Sige mauna na ako sa inyong magpinsan. Salamat pala sa inyong dalawa lalo na sa pagdaan sa akin dito sa tapat ng bahay namin. Salamat din sa iyo, Khalid." Bumaba na siya mula sa sasakyan at nagsimulang lumakad papasok sa kanilang tahanan. Kitang-kita pa nilang magpinsan na lumingon ito sa kinaroroonan nilang dalawa. Kumaway pa ito kahit na hindi sigurado kung makikita pa nila. Bilang ganti ay pinindot na lamang ni Khalid ang busina ng sasakyan saka ito pinausad. After a while... "Kailan ka pa naging masungit, Khalid Mohammad Abubakar?" tanong ni RW sa pinsan na binanggit pa talaga ng buong-buo ang pangalan nito. "Kung nang-aasar ka lang huwag mo ng ituloy, Abrasado. Dahil baka hindi ka makapasok sa pamamahay namin ni Lola. Tsk! Tsk! Ikaw ba naman ang minalas sa trabaho, inabot pa ng malakas na ulan, kamuntikan ka pang makasagasa. Sino ang hindi magsusungit niyan?" kunot-noong sagot ni Khalid. Pero ang tagapagmana yata ng numero-unong sutil ay hindi tinantanan ang pinsan na nakakunot-noo. "May dalaw ka ba, pinsan? Bakit ba ang init ng ulo mo? Baka gusto mo munang magpalamig diyan sa madadaanan nating bar?" Pang-aasar pa niya. "Ikaw na lang, Abrasado. Nilalamig na nga ako sa tubig ulan. Kung gusto lumabas ka na riyan at magpaulan ka ulit para lalamigin ka rin." Paismid na tugon ng binata, alam naman niyang inaasar na naman siya nito. And besides ganoon naman silang magpinsan na mag-best friend. Parang wala ng bukas kapag mag-asaran. "Tsk! Tsk! Ayaw ko pang mawalan ng kaligayahan, Abubakar. Kaya't dumiretso na tayo nang uwi. Ikaw naman kasi ang init-init ng ulo mo kahit sa babae ay hindi pinalampas." Napailing tuloy siya dahil sa masungit niyang best friend na pinsan. "Ang sabihin mo hiwalay na naman kayo ng nobya mo kaya't nagpapahiwatig ka na naman ng bar. Hoy, Reynold Wayne De Luna Abrasado, magtino ka nga wala sa lahi natin ang babaero." Ayun at bumawi rin ang isa pang sutil. "Tsk! Tsk! Sino ang may sabing wala? Nakalimutan mo na yata ang pinsan nating may pinsan ding dragona? Susme, sa isang daan may isang naiiba at iyon ang babaero nating pinsan," nakatawa niyang saad. Paanong hindi siya matatawa eh idinamay pa nila ang talaga namang babaero nilang pinsan. And the result? Kahit nilalamig silang pareho dulot ng unexpected na pagkabasa dahil sa babaeng may balak magpakamatay ay kamuntikan pa silang lumampas sa tahanan ng kanilang abuelo. Dito sila nakatira lalong-lalo na si Khalid na mas ginusto ang manirahan sa piling ng mga ninuno samantalang si Reynold Wayne ay nasa kabilang kanto pa ang tahanan ng mga magulan kaso hindi na ito umuwi dahil sa lakas ng ulan ay mas ninais pang tumuloy sa mga ninuno may kuwarto naman kasi silang magpipinsan sa tahanan ng mga ito. Sa kabilang panig ng mundo, sa America kung saan nakatira ang mag-asawang Darwin Ortega at Lovely Fernandez. "Bakit ngayon ka lang?" taas-kilay na tanong ng huli sa asawa. "Saan pa ba sa pag-aakala mo? Sa trabaho natural," sagot ni Darwin saka nilampasan ang asawa. Sumalubong nga ito sa kaniya siya kaso sinalubong naman ng suspetsa. Pero hindi pa siya nakailang hakbang ay hinawakan nito ang kamay niya saka parang wala lang na ihinarap. "Huwag mo akong talikuran kung ayaw mong mag-away tayo! Tinatanong kita kaya't huwag mo akong subukan!" sigaw nito na hindi man lang alintana kung may makarinig. "Ano na naman iyan, Lovely? Bakit hindi pa ba sapat ang sagot ko? Tinanong mo ako at sinagot kita ng maayos tapos ngayon ano ang pinagpuputok ng butse mo?" Galit man siya dahil sa pagmamanipula nito sa kaniya ay mas pinili pa rin niyang maging kalmado. "Ikaw! Ikaw ang nagpapainit ng ulo ko! Akala mo ba'y hindi ko alam na kahit nasa trabaho ka ay ang lintik na iyon ang iniisip mo? Hindi pa ba ako sapat para kalimutan ang gagang iyon? Sige sabihin mo nga kung wala akong karapatang magtalak samantalang kahit tayo ang mag-asawa ay siya ang sinasambit mo?" sigaw nito. This time, tuluyan nang tumigil si Darwin. Tama naman ito. Minsan kahit nasa mainit silang tagpo ay nasamit niya ang pangalan ng dati niyang nobya. Ngunit minsan lang naman dahil sa nakainum siya ng oras na iyon. Yes they're living as husband and wife pero sa simula pa lang ay marami na silang hindi pagkakaunawaan, isa na rito ang laging pagpapaalala nito sa kaniya kay Antonette. "Natigilan ka dahil totoo hindi ba---" Pero hindi ito pinatapos ni Darwin. Halos isang taon na silang mag-asawa at ganoon pa rin ang pananalita nito laban sa taong mahal niya. Hindi siya pumapatol sa babae subait ng oras na iyon ay parang nandilim ang paningin niya. "Bawiin mo ang sinabi mo! Ngayon na!" mariing niyang wika. "At bakit ko babawiin? Talaga namang boba at gaga ang haliparot na---" Muli, ay pinutol ni Darwin ang pang-iinsulto nito sa babaeng mahal niya. Ngunit nagawa niya itong hiniwalayan dahil sa ayaw niyang mapahamak ang buong pamilya nito. Kilala niya ang mga magulang, kung ano ang sinabi ay tutuparin. Tuso ang pamilyang mayroon siya. "Sinunod ko na ang lahat, Lovely, para lang maiwasan ang pang-aapi ninyo sa kanila pero anong ginagawa mo? Imbes na ipakita mong karapat-dapat kang pag-aralang mahalin ay mas pinapalayo mo ang damdamin ko para sa iyo! Hindi ka ba napapagod sa kakaputak araw-araw? My God! Ikaw na yata ang nakilala kong tao na may pinakapangit ang ugali! Binabalaan kita, Lovely, kung hindi ka pa titigil sa kakahawak mo sa leeg ko ay hindi ako mangingiming iwanan ka at hindi na magpapakita kahit sino man sa inyong lahat! Nakakasakal ka na, Lovely!" Sa galit ay nasigawan na rin ni Darwin ang asawa bagay na hindi niya gawain. Sa unang pagkakataon din na nasakal niya ito at sa haba ng sinabi ay ganoon din katagal na hawak niya ang leeg nito. Pabagsak niya itong binitawan na siya namang pagdating ng biyanang lalaki na galing sa kuwarto marahil. Narinig siguro nito ang sigawan na naman nilang mag-asawa, pero punong-puno na siya kaya't imbes na magbigay-galang siya rito ay nilampasan na lamang niya. Pero... "Walang-hiya ka, Darwin! Ikaw pa lang ang nakakagawa niyan sa anak ko! Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa siya sinaktan ikaw pa lang tarantado ka!" galit nitong sabi at kagaya ng asawa ay hinablot nito ang braso niya saka pinadapo sa kaniyang pisngi ng dalawang beses ang kamao. In his mind, imbes na tulungan nito ang pabagsak niyang binitawan ay siya pa ang inuna. "D-daddy, help! Ah ang tiyan ko, Daddy," dinig niyang sabi ng asawa kaya naman ay napalingon siyang muli sa mag-ama. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makita ang fresh blood na umaagos sa binti nito. Kaya't imbes na tunguhin ang kuwarto nilang mag-asawa ay hindi, patakbo siyang bumalik sa kinaroroonan ng mag-ama. "Halika! Dadalhin na kita sa hospital," sabi niya. Hindi na niya ininda ang suntok ng biyanan. Hindi na rin niya hinintay na sumagot ito, binuhat na lamang niya ito kahit papalag pa sana. Iisa lang ang nasa isipan niya ng oras na iyon! Maaring makunan ang asawa niya ng dahil sa kaniya! Hindi man niya alam na buntis ito subalit hindi niya mapapatawad ang sarili kung makukunan ito. Kahit sabihin pang hindi niya mahal ito ay siya ang nakauna sa p********e nito kaya't sigurado siyang siya ang ama ng nasa sinapupunan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD