Kabanata 9: Sino ang bumalik?

1635 Words
Jasmine Nanlamig ako sa sinabi niya. Pero hindi pa rin nagbabago ang isip ko na takasan siya. Ikulong man niya ako at lagyan ng tanikala sa leeg, mangyayari lang iyon kung magpapahuli ako sa kanya. "P-Pangako po, hindi ko po kayo tatakasan," labas sa ilong na pangako ko. I want him to think na wala talaga ako balak na takasan siya para maisagawa ko ang mga plano ko. "Good. Kayo, pagsilbihan ninyong mabuti ang babaeng ito. Huwag kayo magkakamali na patakasin siya dahil papatayin ko kayo isa-isa kapag nakatakas siya," bilin naman niya sa mga katulong na nakikinig lang sa usapan namin. "Opo, Sir," nag-chorus sila sa pagsagot na may kasama pang pagtango. Halatang takot na takot sila sa kanya at sumusunod sa ano man na sabihin niya. Napakagat ako muli sa labi ko nang maisip na hindi ko sila pwedeng kaibiganin dahil mananagot sila kapag pinatakas nila ako. Iyon pa naman sana ang isa sa option ko para mas mapabilis ang pagtakas ko kapag may isa o dalawang tutulong sa akin para malansi ko ang mga guard. Nagbanta naman si Mr. Cojuangco sa kanila, walang tutulong sa akin kahit gaano pa sila naaawa sa akin. Buhay nila ang kapalit kapag tinulungan nila ako. Ang tanong kaya ba niyang pumatay? May napatay na kaya siya? Sa tingin ko naman ay hindi malabong hindi niya magawa iyon. Wala nga siyang konsensiya nang saktan niya ako kanina. "Stop biting your lips!" Napapitlag ako sa pagkakaupo nang marinig ko siyang sumigaw. Ang hawak kong tinidor ay nahulog sa aking pinggan. Maang ako na napatingin sa kanya, awang ang aking mga labi, at nagtataka kung bakit siya sumigaw. Ano na naman ba ang problema niya? Pati ba pagkagat ko sa labi ko ay pinagbabawal na rin niya? Ang lakas naman nang topak ng lalaking ito. "B-Bakit po, Sir? Ano na naman pong kasalanan ko? kinakabahan na tanong ko. Unconsciously ay nakagat ko na naman ang labi ko ng hindi sinasadya. Nasanay lang kasi ako at nagiging habit ko na kapag kinakabahan. "Damn!" Halos mapatalon ako nang marinig ko siyang magmura. Pero mas nagulat ako nang walang babala na hinila niya ako at sinibasib ng halik sa labi. Dala ng pagkabigla ko ay wala sa sariling napaawang ang bibig ko. Mukhang ikinatuwa naman niya iyon dahil kaagad niyang ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at sinisipsip ito. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya kahit gustung-gusto ko na siyang itulak. Ayoko lang umangal dahil baka makatikim na naman ako ng pananakit Halos mapugto ang hininga ko nang tigilan niya ang paghalik sa akin. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Nakatingin siya sa akin habang ako naman ay bahagyang nakayuko dahil sa sobrang kahihiyan. Narinig ko kasi ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga katulong. Ikaw ba naman makakita ng libreng live show. "Damn your lips! I just can't resists to kiss you.." anas niya habang hinahabol pa rin ang hininga. Ako naman ay walang imik habang ramdam pa rin ang pag-iinit ng aking pisngi. Lumapit pa siya sa akin at bumulong sa tainga ko. "Be ready tonight," paos ang boses niya. Pagkatapos ay tumayo na siya at iniwan ako sa hapag-kainan na nakanganga. Patay na! Lagot ako nito mamayang gabi! Natagpuan ko ang sarili ko na naglilibot sa ikalawang palapag ng palasyo ni Mr. Cojuangco. Hapon na, medyo okey na ang pakiramdam ko nang magising ako. Kaya naisipan ko na mamasyal dito sa second floor. Nais ko sana makipagkwentuhan sa mga katulong para mawala ang kahungkagan na nadarama ko. Panay naman ang iwas nila at ayaw nila ako makausap nang matagal. Sumasagot sila kapag may itatanong ako at muli ring mananahimik pagkatapos. Halatang ilag sila sa akin at naintindihan ko naman kung bakit. Nilulugar nila ang kanilang sarili sa dapat nilang kalagyan. Sa isang teresa ako humantong nang maglakad pa ako nang maglakad sa dulo. Napahinga ako nang malalim nang masamyo ko ang bango ng mga rosas at rosal na nakatanim sa malalaking paso dito sa teresa. Napangiti ako nang makita ang iba't ibang kulay ng mga rosas. I am not fond of flowers but this roses caught my attention. They are so beautiful in my eyes and I can't resists to like them. May pink, peach, red, at white. Sa pula ako nagtagal ng titig dahil ito ang paborito kong kulay. Nang magsawa ako sa mga rosas ay iginala ko ang paningin sa view sa ibaba kung saan ay kitang-kita ko ang view ng napakagandang hardin. Doon ay mas maraming nakatanim na rosas, rosal, gumamela, at iba pang mga bulaklak na hindi ko na matandaan ang pangalan. Dito ko siguro nasamyo iyong mga naamoy ko na mabango kagabi. Bigla kong naalala na rito rin kinuha ni Mr. Cojuangco ang virginity ko. Nakadama na naman ako ng lungkot sa pagsariwa ko sa mga nangyari. Gusto ko na naman umiyak ngunit masakit na ang mga mata ko dahil kagabi pa ako umiiyak. Iyong panty ko pala hindi ko na alam kung saang lupalop itinapon ni Mr. Cojuangco. Baka may nakapulot na roon at tinapon na sa basurahan. Nakakahiya kapag nalaman ng kung sino man na nakadampot na akin iyon. Pero wala naman sigurong nakakaalam nang nangyari sa hardin na 'to kagabi. Nagpasya ako na talikuran ang nakikita ko dahil pinipiga na naman ang puso ko. Naglakad ako patungo sa isang pasilyo na hindi ko alam kung saan patungo. Napakalaki at napakalawak talaga ng bahay na 'to. Siya lang naman ang nakatira rito, sabi kasi ng isa sa kasambahay ay patay na raw ang mga magulang ni Mr. Cojuangco. Tapos nag-iisa lang itong anak, bihira rin daw may maligaw na kamag-anak niya rito dahil takot ang mga ito na umapak sa pamamahay niya. Sayang naman ang bawat kwartong nadaraanan ko dahil walang gumagamit. Napakaganda ng bawat kwarto na binubuksan ko dahil kumpleto ang mga ito sa gamit, tapos alaga pa sa linis. Pinapagamit niya marahil ito sa mga bumibisita sa kanya dahil name-maintain ang linis at ayos ng bawat kwarto. Nagdesisyon ako na bumalik sa kwarto ni Mr. Cojuangco nang makaramdam ako ng pagod. Ayoko naman mabinat dahil baka mas lalong tumagal ang pananatili ko sa poder niya. Naghihikab ako habang paakyat ako ng ikatlong palapag. Inantok ako bigla dahil konti lang ang itinulog ko kanina. Alas-singko pa lang naman at saka wala pa akong maisip na gawin dahil hindi ako pwedeng tumulong sa mga katulong. Iyon ang sinabi ng mayordoma dahil ang bilin sa kanila ay pagsilbihan ako. Napapailing na lang ako habang humahakbang na ako pataas. Masakit pa rin ang gitna ko. Ngumingiwi ako kapag nadarama ko iyong sakit. Saka ko lang naalala na nakalimutan ko pa lang uminom ng pain killers. Nalalapit na ang gabi, kinakabahan na naman ako sa ibinulong niya kanina. Paano kaya ako makakaiwas sa kanya kung sabik siya na makasiping ako mamaya. Malapit na ako sa tapat ng master's bedroom nang bumukas ang katabi nitong kuwarto. Iniluwa ng pinto ang mayordoma na may hawak na mga kumot. Ngumiti sa akin si Aling Marta, na siyang natatandaan ko na pangalan niya. "Nagmeryenda ka na ba, hija?" masuyo niyang tanong sa akin. Mula sa loob ay may lumabas din na dalagita na sa hula ko ay katulong din sa bahay na 'to. Mukhang napakabata pa niya dahil sa hula ko ay trese anyos lang ito. "Busog pa po ako," sagot ko habang nagtataka na nakatingin ako sa dalagita. Pagkasindak kasi ang nakikita ko sa mukha niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang awang ang mga labi. Napataas ako ng isang kilay. May mali kaya sa mukha ko kaya ganoon siya makatingin. Baka may muta ako sa mata o kaya naman ay kulangot sa ilong. Agad ko naman na kinapa ang aking mukha. Mabuti na lang at wala kahit isang muta o kulangot. Tulirong tumingin ako sa dalagita subalit wala na sa akin ang kaniyang mga mata. Hindi ko na inalis ang tingin sa dalagita dahil nagtataka pa rin ako sa kanya. "Sino po siya?" hindi ko napigilang mag-usisa. Itinuro ko ang dalagita na muling ibinalik ang atensiyon sa akin. "Ah, heto si Maria. Anak ko, umiekstra siya rito kapag walang pasok sa eskwelahan. Pandagdag niya sa allowance at pambili ng proyekto sa school." Napangiti ako sa sinabi ni Aling Marta. Hindi naman pala talaga siya nagtatrabaho rito kaya nakaramdam ako ng kasiyahan. Ligtas siya sa kalupitan ng demonyong amo nila rito. "Akala ko po kasi katulong din siya rito. Napakabata pa po niya para po kasi magtrabaho." Nakita kong kumunot ang noo ng anak ni Aling Marta. Tinitigan niya ako saka bumaling sa ina. "Nay, nakabalik na po pala siya. Bakit po yata biglang bumait siya sa atin?" sabi ng dalagita na nagtataka. Kumunot naman ang noo ko. Sino ba ang tinutukoy niya na nakabalik at bumait? Lumingon ako sa likuran ko baka iba ang kausap niya ngunit wala naman akong nakita dahil kami lang ang tao rito sa taas. "Nagkakamali ka anak, hindi siya ang asawa ni---" "Ano pong sinasabi ninyo, Nay? 'Di ba po siya si Mam Je--" "Anak dalhin mo na ito sa ibaba kailangan na itong labhan. Bumaba ka na bilisan mo dahil darating na si Sky." Iniabot nito ang mga kumot saka pinandilatan ang anak na tila may nais siyang ipahiwatig. Mas lalong lumalim ang gatla ko sa noo. Halatang natataranta si Aling Marta lalo na at kita ko kung paano nito nais umalis ang anak sa harapan namin. "Opo!" Kaagad na tumalilis ang dalagita ngunit nag-iwan pa ito ng huling sulyap na tila may sinisugurado sa aking mukha. Ang weird lang. Sino ba ang tinutukoy ng mga ito? "M-Maiwan na kita, hija. Ipapatawag na lang kita kapag dumating na si Sky," anang matanda saka ito mabilis na tumalikod. Pakiramdam ko iniiwasan niya na mag-usisa ako sa kanya kaya nagmadali siya na iwan ako. Ano kayang meron? Sino ba iyong bumalik?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD