Chapter 21

372 Words
Alam ko kung saan sya nakatira kaya nadala ko sya sa condo unit nya. Alam ko rin naman and bahay nila pero nakakahiya baka tanungin nila ako ng kung anu-ano. Halos mapamura ako ng passcode ang lock ng pinto nya pero dahil minsan ko na ring inalam ang buhay ni Aldous dahil sa curiousity ay ginamit ang mga dates na pwede oh possible nyang maging passcode at tama nga ako. Yung 1St date's date nila ni Shirca ang passcode nya. Mabuti nalang ay active sa social media si Shirca at halos lahat ng activities nito ay naka upload sa f*******: at nakita ko yun. Sa sobrang kalasingan ay nakatulog na sya at naibagsak ko pa sya sa higaan nya. Itong unit nya medyo magulo na din. Nahiga ako sa sofa nya gigising nalang ako ng maaga medyo pagod na rin talaga ako dahil ang bigat nya. Sino kaya ang naghahatid sa kanya nung dalawang gabing naglasing sya. Ang sabi ni kuyang waiter ay pangatlong gabi na ito, baka naman hinahayaan syang makatulog doon at nagising nalang ng sya ng kusa. Isinandal ko ang ulo hanggang sa lamunin ako ng antok. Nagising ako ng marinig ko ang ingay tubig kaya ay napatakbo ako sa cr at doon ko lang napagtanto na wala ako sa bahay ko. Akmang tatalikod ako ng may marinig ako iyak kaya naman ay inilapit ko ang tenga ko sa pinto. At lalo akong nasaktan ng marinig ang basag na boses ni Aldous at ang binabanggit lang nya ay 'bakit?' Wala akong maintindihan kung bakit and kung ang nangyayari pero mukha syang nasasaktan. Napalingon ako sa higaan nya kung saan ko sya naibagsak kanina at napabuntong hininga. Nagmadali akong lumabas ng unit nya bago pa nya ako makita. Habang binabaybay ko ang kahabaan ng highway ay hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit sya naglalasing, bakit sya umiiyak at bakit parang pasan nya lahat ng sakit. Naninikip ang dibdib kong isipin yun. Kung ano ang dahilan wala akong alam pero ang sakit, ang sakit na makita syang nasa ganoong sitwasyon. Sana lang ay pwede kong hatiin ang sakit na nararamdaman nya kaya lang hindi pwede dahil ako mismo sa sarili ko alam kong nadudurog pa ako at dahil yun sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD