Sasabihan ko nalang mamaya kung nasaan ako sakaling magtanong.
"Oh, sa'n ka punta?" nilingon ko si Shanen ng hawakan nito ang braso ko.
"Pinatawag ako ni Chairman, hintayin nyo na ako dito at sasama ako sa gala nyo." sabi ko kaya lumapad ang ngisi ng mga bruha.
Wala rin naman akong ideya kung ano ang kailangan sa akin ni Chairman. Dalawang bwan simula ng anniversary pero ngayon nya lang ako napatawag ulit dahil kakarating lang nito mula sa ibang bansa.
Binabati ko pabalik ang ilang empleyado na nadadaanan ko. Nahuli ko pa ang pag-irap ni Alexis. That b***h.
"Ms. Amara, hinihintay na po kayo ni Chairman sa loob." salubong sa akin ng secretary ni Chairman.
"Thank you"
Nag buzz muna sya sa loob ng opisina bago binuksan ang pinto para papasukin na ako. Nagpasalamat ulit ako na s'yang sinagot n'ya naman ng matamis na ngiti.
"Good afternoon, Mr. Chairman"
Lumawak ang ngiti ng matanda ng makita ako. Well, hindi pa naman talaga sobrang tanda pero lumalabas na ang wrinkles nito sa noo at pisngi. But the man is happy.
Kamukhang-kamukha nya talaga si Jahel kaso lang ang aura ni Jahel mukhang laging may kaaway. Laging seryoso pero baliw naman.
"Ms. Sabeniano, have a seat."
Ngumiti ako ng tipid at naupo. Napalunok ako ng nakangiti parin itong nakatingin sa akin.
"Bakit n'yo po ako pinatawag sir?"