"Mag bihis ka na ate tapos bumaba kana nagugutom na ako mauna na ako magbibihis pa ako ang lagkit ko na"
Hindi na ako sumagot at ng marinig kong sumara ang pinto ay saka lang ako bumangon mula sa pagkasubsob ko sa kama at sumandal sa headboard. Napahawak ako sa dibdib ko na anytime ay gustong sumabog sa bigat at sikip. Huminga ako ng malalim at pumasok sa cr para ayusin ang sarili ko.
Mga 30 minutes siguro ay nakarinig ako ng katok at boses ni Amber mula sa labas ng kwarto ko. "Ate bilisan mo na"
Hindi na ako sumagot at nagmadaling bumaba bitbit ang cellphone ko. Ng makababa kami sa 1St floor ay saktong pagpasok nila mama sa main door. Malaki ang ngiti nitong tumakbo palapit sa akin at yumakap dinig ko pa ang hagikhik ni Amber na nasa likuran ko. Ng tignan ko naman si Papa ay may malaking ngiti ito sa labi.
"Naku anak sobrang namiss ka namin, bakit hindi ka nagpasabi? Sana napasundo ka namin sa airport, tinawagan ako ni manang diding kaya naman ay nagmadali kami ng papa mong umuwi."
"Namiss ko din kayo ma"
"Welcome home anak"
Napatingin ako kay papa. Kahit nakangiti sya ay bakas sa mukha nya ang alinlangan na lapitan ako kaya naman ay nginitian ko sya ng matamis at ako na mismo ang yumakap sa kanya.
"Salamat Pa"
Naramadaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin kaya napapikit ako. Ng maghiwalay kami ay nakita ko si mama na maiiyak habang nakatingin sa amin nakatakip ang dalawang kamay bibig at si Amber na may malawak na ngiting aso.
"GROUP HUG" malakas na sigaw nito at hinatak si mama para yumakap sa amin.
"Mabuti naman at umuwi ka anak. Sobrang namiss ka na kasi namin. Si Amber nagbabalak nga yang lumuwas ng Manila para puntahan ka."
"Kailangan ko ng yakap nyo, ma."