"Invited tayo, pupunta ka?" Nakangising sabi ni Shanen
Why not? Dean and I doesn't have a grudges for each other. He understood everything before plus we were just young before. He will surely thank me later.
"Sure!"
"Sama kami!" Nagtaas kamay si Elise kaya tumawa kami sa invitation naman stated that you can bring 3 colleagues so sure!
Dala ni Louie ang sasakyan nya kaya naman ay sabay-sabay na kaming umuwi sa bahay ko. Sa nadaanang convenient store ay sila na ang bumili ng inumin, mga uhaw!
"So curious lang ako Ara, bakit di mo sinagot yung Dean?" heto na naman si Elise, di natatahimik hanggat di nasasagot ang mga tanong sa isip nya.
"Di pa nakaka move on sa ex nya" si Shanen ang sumagot habang tumatawa kaya hinampas ko ang mukha nya ng dala kong bag. "Ano ba! Masakit yun ah" inikotan ko sya ng mata pero was epek. Hayop!
"Mamaya na ako mag kukwento!"
Lahat sila napasigaw sa excitement parang nahihinuha ko nang magiging mahaba ang gabi namin mabuti nalang ay sabado bukas at walang pasok. "Wag nyo kong gawing subject, baka Louie matahimik ka pag nagsimula na akong magtanong sayo!" I smirked ng nanlaki ang mga mata nya at biglang namutla.
Ang dalawa naming kasama ay halatang nagugulohan, niyuyugyog nila ako para ishare ko daw sa kanila anong sinasabi ko, nag kibit balikat lang ako at tumawa.