"Don't worry ma, susunod naman kayo ni Papa doon."
"Ikaw ng bahala sa kapatid mo Audrey." Tumango ako sa bilin ni Papa. Face palm namang tumingin sa akin ang kapatid ko kaya kinindatan ko lang sya.
"Anong akala nyo sa'kin, minor? Di ko kailangan ng guardian, no!"
Humalakhak ako ng kurutin sya ni mama sa singit. Si Mama tumatanda na talaga at naging sobrang emosyonal na.
Paglapag ng eroplano ay nagkanya-kanya na kami ni Amber. She has her own condo kaya hindi na kami magkasama.
Hi, Manila. It's been a while.
Tumunog ang cellphone ko at napangisi ng makita kung sino ang tumatawag. I guess, alam na nya na nandito na ako sa bansang 'to. Ang bilis naman ng chismis.
"Hmm?"
"Anong hmm? Atty. Tolentino, bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka na ng Pilipinas at nasa Manila ka na ngayon!?" I can sense the frustration kaya tumawa ako.
"Hi, Atty." he groaned on my response.
"Kung di pa ako tumawag sa opisina mo sa US di ko pa malalaman na lumipad na kayong magkapatid!"
"Salamat kuya" pasalamat ko sa grab driver pagkatapos akong tulongan sa ibang luggage ko.
"Hoy! Saan ka titira dito sa Manila? Alam kong marami kang pera kaya paniguradong nasa high-end condominium ka. Sabihin mo pupuntahan kita."
Binigay ko sa kanya ang address ko.
________________________