"Yes, ikaw ang may kasalanan Louie and I also knew Ivan would understand kung iiwan mo sya. Ang possibleng hindi nya maintindihan ay kung paano mo sya nagawang lokohin. We never expected you being capable of doing this. Ako pa siguro kaya ko pero ikaw nagulat ako Louie."
Tumawa sya sa sinabi ko at umiling.
"Hindi mo kayang magloko Ara, manakit sa pang-iiwan seguro pero hindi magloko."
"Too much expectation on me."
"Tulog pa sila?"
Tumango ako. Nagpaalam syang hindi na hihintaying magising ang dalawa, kakausapin nya daw si Ivan ngayon at pagkatapos ay kakausapin nya ulit kami.
Sana lang ay maging maayos ang lahat. Nagmahal si Louie at si Jahel ang mahal nya, minahal nya naman si Ivan alam ng lahat yun. Kaya lang, hindi kasing tibay ng pagmamahal nya ngayon kay Jahel knowing na si Ivan ang bibitawan nya.
Naawa ako kay Ivan, naalala ko ang sarili ko kahit magkaiba ang paraan ng kasakitan naming dalawa but still pareho kaming nasaktan. Though, bata pa ako nun pero yun ang nagpatatag sa puso at isip ko.
Tama si Louie, kaya kong manakit at mang-iwan, kaya ko ring manggamit ng tao for my own benefit and that's worst than cheating. Kaya ang sinabi nyang di ko kaya ang magloko, maybe, dahil mas malala dun ang kaya kung gawin.
Kaya ayokong pumasok sa relasyon ngayon, hindi ako handa dahil marami pa akong gustong gawin na panigurado ay itatapon ko lang na parang basura ang relasyon ko kung sakaling magiging sagabal. Na siguro akong maging sagabal.