Chismosa nalang nakatingin sa akin ang dalawa ko pang kaibigan at naghihintay ng sagot.
"Nothing" laglag ang panga nilang tatlo sa narinig. They expected something pero ano bang isasagot ko eh sa wala namang kami.
"Showbiz!" Napa-aray pa ako ng hampasin ako ni Louie sa braso.
Biglang nanigas ang katawan ko sa pagkakaupo ng may pumulupot na braso sa bewang ko. "Are you done?"
Tango lang ang tanging naisagot ko. Bigla atang umurong ang dila ko sa ginawa nya. Ayaw na ayaw ko ng gantong eksena sa harap ng ibang tao. This is too much.
Tumikhim ako at kinalas ang braso nya, nanliit ang mga nito't nagtatakang tiningnan ako. Umiling ako sa kanya kaya, ngumiti ito ng hilaw saka nagbaba ng tingin.
"So! Engr, ikaw nalang ang tatanungin namin, girlfriend mo na ba ang bestfriend ko?"
Nakalimutan kong nandito pa nga pala ang mga kasama ko. Si Shanen ang nagtanong kaya sa kanya ngayon nakatingin si Raver.
Bago pa may lumabas na kung anong salita sa bibig ni Raver ay inunahan ko na sya. "I am not his girlfriend" saka ko sya hinila palayo sa tatlong mangkukulam na yun.
Wala syang sinabi hanggang sa makapasok kami sa opisina ko. Tumingin ako sa kanya at walang kahit na anong mababasang expression sa mga mata nito. His jaw clenched.
"Pasensya ka na sa kanila, paulit-ulit ko namang sinabi na hindi----"
"I want you to be my girlfriend, be my girlfriend.... Please"