HINDI mapakali si Angelica habang nasa sala siya at naghihintay sa pagdating ni Zero. Ano'ng oras na kasi pero hindi pa ito dumarating. Nitong mga nakaraan naman ay maaga itong umuuwi. Paano niya ito maaakit kung uuwi itong tulog siya? Pinaghandaan pa naman niya ang gabing iyon kahit sobrang kinakabahan siya sa plano nila ni Mhariel. Suportado kasi siya ng kaibigan sa kalokuhan niya. Binilhan pa nga siya nito ng itim na pangtulog, sandi iyon na manipis at may butas-butas pa. Naiilang siya sa suot pero kailangan niyang i-level up ang pang-aakit sa binata.
"Nasaan na ba 'yong lalaking iyon?" mahinang bulong niya habang pasilip-silip sa bintana. Tumingin siya sa wrist watch na suot at nakita niyang pasado alas-diyes na ng gabi. Ano naman kayang dahilan nito kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin ito?
Sumimangot siya at laylay ang balikat na umupo sa sofa. Mukhang palpak ang plano nilang akitin ito, ah. Paano kasi'y hindi man lang niya maramdamang interesado sa kaniya ang binata. Sinusubukan niyang daanin sa pagluluto pero mukhang hindi tumatalab. Pinipilit din niyang maging mabait kahit masunit ito, hindi pa rin iyon gumagana at sa pagkakataong ito, mukhang palpak pa.
Sumandal siya sa sofa at pumikit habang nakatingala. Madilim ang sala dahil pinatay talaga niya ang ilaw dahil gusto niyang si Zero mismo ang magbubukas niyon at tatambad sa kaniya ang isang Angel na nakaupo suot ang manipis na pangtulog. Inensayo pa naman niya kung paano niya iyon gagawin at kung paano niya ito titingnan.
Kinabahan man siya sa gagawin pero desperado na siya na hindi tuluyang mawala ang bahay sa kaniya. Pero hinanda rin niya ang sarili sa mangyayari at kung humantong iyon sa mainit na tagpo, inihanda niya ang sarili na limitahan ang pang-aakit niya. Oo, desperada siya pero hindi niya ibibigay ang sarili sa binata sa ikalawang pagkakataon. Hindi naman niya ito mahal o boyfriend. Hanggang pang-aakit lang ang kaya niya.
Mayamaya'y napapitlag siya nang makarinig siya ng sasakyang huminto sa harap ng bahay. Nanlaki ang mga mata niya at hindi agad nakalagaw. Kapagkuwa'y mabilis siyang umayos ng pagkakaupo at tarantang inayos ang sarili. Alam na niya ang sasabihin sakaling magtanong man si Zero sa kaniya.
Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa gagawin niya. Natatakot siya at nababahala dahil alam niyang mag-iiba ang tingin ng binata sa kaniya dahil sa ginagawa niya dahil maging siya, naaawa sa sarili.
Mas kinabahan siya nang marinig ang pagpihit ng doorknob. Gusto niyang tumakbo patungo sa silid at ihinto na lang ang plano pero mas pinili niyang manatili at subukang akitin ang binata. Napalunok siya ng ilang beses at mahigpit na napakapit sa sofa.
Umupo na siya ng maayos. Nararamdaman niya ang malamig na ihip ng hangin sa katawan niya dahil sa manipis nga ang suot niya at may butas-butas pa iyon. Alam din niyang masisilayan nito ang suot niyang black na bra at black na panty.
Sumandal siya sa sofa. Tumingala siya at pumikit habang magka-cross ang mga binti. Dama niya ang pagkalantad ng kaniyang katawan pero buo na ang desisyon niya. Hindi biro ang lakas ng loob na inipon niya para lang gawin iyon.
Mayamaya'y pa'y napansin niyang bumukas na ang ilaw sa sala. Kahit nakapikit siya'y alam niya iyon. Hindi siya gumalaw o nagmulat ng mga mata kahit dama niya ang labis na kaba at ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Ramdam din niya ang tingin ng binata. Hindi siya sanay na may nakatingin sa kaniya sa ganoong kasuotan na kulang na lang ay maghubad siya.
"A-ano'ng ginagawa mo?" narinig niyang tanong ni Zero. May kakaiba rin sa boses nito na parang nakainom pero hindi naman lasing.
Kunyaring hindi tulog siya at hindi ito pinansin. Tumitindig ang mga balahibo niya habang pinagmamasdan siya ng binata. Hindi naman kasi niya maikakaila ang makinis at maputi niyang mga hita. Kahit sino naman sigurong lalaki ang makakita niyon at mapapatingin lalo't nakasuot siya ng manipis na pangtulog kung saan sinag ang katawan niya.
"Stop pretending, Angelica. I know you're awake," anito. Narinig niya ang pag-upo nito sa sofa.
Kunyaring gumalaw siya at kumiling. Kapagkuwa'y dahan-dahan siyang nagmulat. Umayos siya ng mukha at kinusot pa ang mga mataa. "Oh! Zero, i-ikaw pala? Kanina ka pa?" tanong niya na puno ng pagpapanggap na kagigising lang. Tila mapungay ang mga mata nito. Nakainom ba ang binata?
Seryoso siyang tiningnan nito, mula ulo hanggang paa at muling binalingan siya. "What's with that dress?" nagtatakang tanong nito. Umiling ito at sumandal sa sofa. Sinapo rin nito ang sentido.
Ganoon lang 'yon? Hindi man lang ba maapektuhan sa suot niya? Ang sexy kaya niya roon.
Umiwas siya ng tingin at alangang ngumiti. "Bakit? It's my usual pangtulog outfit. Ang sexy ko nga rito, eh," sabi niya na puno ng kaba. Nandidiri siyang patagong ngumiw. "Siya nga pala, bakit ngayon ka lang? Nakainom ka ba?" tanong niya na para bang asawang nagtatanong sa asawa.
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at kumunot ang noo. "Why you're asking? You don't care where I have been o kung ano'ng oras ako uuwi. As if you're Concern." Bahagya itong kumiling.
Ngumiwi siya. Manhid ba talaga si Zero? Nandito na nga siya sa harap nito suot ang mapangahas at mapang-akit na kasuotan pero nagawa pa rin nitong sungitan siya? Bakla ba ito kaya walang epekto rito ang pang-aakit niya?
Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil napahiya siya roon. "K-kasi 'di ba, we're living in a same house kaya dapat alam ko rin kung kailan ka uuwi," alangang sambit niya.
Sinuri na naman siya nito. "Ginagawa mo ba 'to para hindi kita paalisin sa bahay ko? Ok, fine if that's what you want, hindi kita paalisin sa bahay sa isang kondisyon," anito na binitin pa.
Kumunot ang noo niya. "Huh, kondisyon? A-ano'ng kondisyon naman?"
Ngumisi ito. "You're desperate to get back your house, right? Sige, I'll give you a chance to pay for your dad debt, you'll gonna be my slave." Saglit itong yumuko at seryoso siyang tiningnan.
Binalot siya ng kaba sa sinabi nito. Slave? Ano'ng ibig sabihin nito? "S-slave?" tulalang banggit niya sa salitang iyon.
Tumango ito. Kumurap pa ito ng ilang beses. "Yeah, you're right, slave. Ibig sabihin lang na lahat ng gusto ko ay gagawin mo at sa bawat bagay na ipagagawa ko sa iyo, babayaran kita hanggang sa mapunan mo ang utang ng iyong ama," paliwanag nito sa gusto nitong mangyari.
Natigagal siya. Nabahala siya sa gusto nitong mangyari. Paanong paglilingkod ang gagawin niya sa binata? Kasama ba roon ang katawan niya?
Alangan siyang ngumiti. Bakas ang pagkabahala at kaba sa mukha niya. "K-kasama ba ang katawan ko?" lakas loob niyang tanong.
Nanliit ang mga mata nito habang sinusuri siya. Kapagkuwa'y ngumisi ito. "Hindi ba't iyon naman ang gusto mo? Look what you're doing now? You're exposing your body to me." Mas mapangahas na tingin ang pinukol nito sa kaniya.
Para siyang nanliit sa mga narinig mula sa binata. Ang baba ng tingin nito sa kaniya at hindi niya ito masisisi dahil siya mismo ang gumawa ng dahilan para iyon ang maging tingin nito sa kaniya. Yumuko siya. Pinigilan niya ang luhang gustong pumatak sa mga mata niya. Nilagay niya ang sarili sa kahihiyan.
"But you still have a choice, Angelica kung gusto mong manatili at makuha ulit ang bahay, magiging slave kita pero kung hindi mo kayang gawin lahat ng gusto ko, aalis ka ng bahay ko ngayon din," kondisyon nito na halata ang pagkseryoso roon na talagang gagawin nito iyon.
Hindi na nga niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. May mukha pa ba siyang maihaharap kay Zero? Napakababa na ng tingin nito sa kaniya at kahit respeto hindi niya makukuha sa binata.
Pinahid niya ang luha sa mga mata niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, saka nag-angat ng tingin sa binata. "Sige, I'll be your slave, Zero. Payag ako sa gusto mo kapalit ang bahay na ito. Gagawin ko lahat ng gusto mong gawin ko," puno ng lakas ng loob na pahayag niya. Wala na siyang ibang magagawa kung 'di ibenta ang sarili para lang hindi mawala sa kaniya ang bahay na iyon na sobrang mahalaga sa kaniya.
Hindi agad nakasagot si Zero. Nakatingin lang ito sa kaniya at tila ba lumamlam ang mga mat nito. Bahagya itong kumiling para hindi direktang makatingin sa kaya. "T-that's good," pakli nito. Yumuko ito at muling sumandal sa sofa. Pumukit ito. "Since you're now my slave, I need coffee. Ipagtimpla mo ako," maawtoridad nitong utos sa kaniya.
Matalim na tiningnan niya ang binata. Dahil sa inis at gigil niya, kinagat niya ang mga labi niya. Muling tumulo ang luha sa mga mata niya at pinahid niya iyon. Bahagya siyang tumingala. Pakiramdam niya'y napakababa na niyang babae na hindi dapat irespeto at igalang dahil sa ginawa. Alam niyang kasalanan niya pero naiinis at nagagalit siya kay Zero dahil tinake advantage nito iyon. Kung may respeto siya sa babae, hindi nito iyon gagawin.
Tumayo siya sa pagkakaupo at pumunta sa kusina. Samantalang, nang makaalis siya, nagmulat si Zero at umayos ng upo. Binalingan siya nito at bakas doon ang tila simpatiya at awa para sa kaniya.