HALOS HINDI siya nakatulog nang nagdaang gabi sa kakaisip kung paano niya mababayaran ang utang ng Papa niya kay Zero. Paano niya iyon mababayaran sa loob lang ng dalawang buwan? Hindi sapat ang sahod niya sa pinagtatrabahuhang kompanya kahit pa magtrabaho siya roon ng isang taon. Inisip na niya lahat ng pwedeng gawin pero wala siyang ibang maisip kung 'di ang suhestiyon ni Mhariel sa kaniya.
Hindi siya papayag na tuluyang mawala ang bahay sa kaniya kaya lahat gagawin niya para ibigay ni Zero ang bahay sa kaniya. Baka mag-work ang sinabi ng kaibigan niya kahita hindi niya alam kung kaya niyang gawin ang akitin ang isang Zero Cordalez na parang hindi man lang niya kayang pangitiin.
"OMG! Seryoso ka na riyan, Angel?" gulat na reaction ni Mhariel nang sabibin niyang gagawin na niya ang suhestiyon nito na akitin si Zero para lang hindi tuluyang mawala ang bahay sa kaniya.
Kasalukuyan silang nasa loob ng elevator.
Sumimangot siya at bahagyang yumuko. "I don't know, Mhariel. Hindi ko alam kung kaya ko, ni hindi ko nga alam kung paano pakisamahan si Zero. Hindi nga niya ako magawang tiningnan kaya paanong maaakit ko siya?"
Ngumiti si Mhariel. "Hindi mo naman kailangang ibigay ang sarili mo sa kaniya, eh, kailangan mo lang mapalambot ang puso niya hanggang sa ibigay niya ang bahay sa iyo, isa pa, mukhang may natitira pa namang bait ang Zero na 'yon dahil binigyan ka pa ng pagkakataong makabayad," pahayag nito.
Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan pero agad din siyang umiwas dahil sa sinabi nito. Nakaramdam siya ng pagkahiya dahil huli na ang paalala ni Mhariel, naibigay na niya ang sarili sa binata na hindi niya sinasadya.
Ngumuso siya at bumuntong-hininga. "Hindi ko alam kung magwo-work ito pero desperate na ako, hindi ko kayang bitawan ang bahay," malungkot pagtatapat niya. Wala na siyang pakialam sa kung saan hahantong ang gagawin niya, basta makuha lang niya ang bahay.
Napawi ang ngiti sa labi ni Mhariel. Seryoso siya nitong tiningnan na bakas doon ang simpatiya sa kaniya. "I'm sorry, Angel, kung kaya ko lang tumulong sa problema mo—"
"Don't say sorry, Mhariel, naiintindihan ko. Marami ka ng naitulong sa akin," putol niya sa sasabihin pa nito.
Ngumiti ito sa kaniya at niyakap siya para bigyan ng comfort.
Matapos ang trabaho nila, agad na umalis sila ng kompanya. Dahil sa nag-overtime sila kaya pasado alas-nuebe na nang gabi nang makauwi siya. Nagtaka siya nang madatnang naka-lock ang pinto ng bahay, indikasyon na wala roon si Zero. Inilabas ni Angelica ang duplicate ng susi. Nang akmang bubuksan na niya ang pinto, napalingon siya sa gawing kanan ng kalsada nang makita niya sa kaniyang peripheral vision ang pamilyar na bulto. Kumunot ang noo niya.
"P-Papa?" mahinang usal niya. Pumihit siya at dahan-dahang humakbang palapit sa bultong nakatalikod at nasa bahaging madilim. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kahit nakatalikod ito, kilala niya ang ama.
Binilisan niya ang paglakad para puntahan ang lalaking nakatayo pero mabilis itong naglakad at lumiko sa kanang iskinita. Tumakbo na siya para maabutan ito.
"Papa!" sigaw niya habang bakas sa mukha ang pag-asang makita ito at makausap. Hindi naman niya ito itatakuwil, kaya niyang patawarin ang ama kung babalik ito at tutulungan siyang bayaran ang utang at magbabago ito. "Papa!" muli niyang sigaw.
Huminto siya nang makitang malayo na ang hinahabol niya. Napahawak siya sa kaniyang tuhod habang habol ang hininga dahil sa pagod. Bumakas ang lungkot at pagkadismaya sa kaniyang mukha. Kahit sabihing masama ang loo niya sa sariling ama, gusto pa rin pala niya itong makasama.
"Papa!" Nakagat niya ang pang-ibabang labi kasunod ng pagtulo ng kaniyang luha. Bakit kailangan nitong tumakbo, magtago at iwan sa kaniya ang malaking problemang ginawa nito?
Hindi namalayan ni Angelica ang humintong sasakyan sa tabi niya habang umiiyak siya sa tabi ng kalsada.
"What are you doing here, Angelica?"
Mabilis siyang umayos ng pagkakatayo. Pinahid niya ng luha sa mga mata at bumaling sa nagsalita. Tumambad sa kaniya si Zero na nagtataka.
Tiningnan niya ito ng seryoso. "Wala ka ng pakialam, Zero," masungit na sagot niya. Pumihit siya at nagsimula maglakad palayo.
"Hey!" Hinabol siya ni Zero. "Sumakay ka na sa sasakyan," alok nito ng huminto siya.
Walang reaction na hinarap niya ito. Wala siyang makitang ibang emosyon sa mukha ng binata kung 'di ang tila pagtataka sa dahil sa malungkot niyang mukha. Parang sinusuri siya nito at hininahap ang ugat ng emsoyong nasa mga mata niya.
Hindi siya umimik. Umiwas siya ng tingin sa binata. Ayaw niyang makipagtalo rito dahil ayaw na niyang dagdagan ang bigat ng dibdib niya. Muli siyang sinulyapan ni Zero, bago ito naglakad papunta sa kotse nito. Pinahid niya ang natirang mga luha sa kaniyang pisngi at bahagyang tumingila. Para pigilan ang luhang nagbabadya na namang bumagsak, kinagat niya ang pang-ibabang mga labi.
Suminghot siya. Huminto ang sasakyan ni Zero sa tabi niya. Seryoso siyang tiningnan nito na inaanyanyahan siyang sumakay na. Hindi agad siya gumalaw pero kapagkuwa'y nagpasiya siyang sumakay na roon kahit malapit naman na sila sa bahay.
Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada habang panaka-naka namang sinusulyapan siya ng binata na tila ba nagpipigil lang na mag-usisa kung bakit siya nandoon at kung bakit parang hindi pinagbagsakan siya ng langit at lupa.
Ilang sandali pa at huminto ang sasakyan ni Zero. Ipinarada niya iyon sa gilid ng kalsada. Hindi agad siya bumaba dahil parang nanghihina pa siya dahil sa bigat na nararamdaman niya. Gusto niyang umiyak para mabawasan ang sakit at bigat na hindi niya nagawang ilabas simula ng iwan siya ng kaniyang ama.
Mayamaya'y bumukas ang pinto. "Hindi—Are you really ok, Angelica?" usisa nito nang makitang parang ilang segundo na lang ay tutulo na ang luha sa mga mata niya.
Binalingan niya ang binata. "B-bakit kailangang lahat mawala sa akin? Ang Mama ko, ang Papa ko, ang bahay na ito?" Bakas ang pagkagulo sa mukha niya. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. "Alam mo ba kung bakit hindi ko magawang bitawan ang bahay na ito? Dahil ito na lang ang natitira sa akin, ang mga alaalang naiwan dito."
Nanatili ang mga mata ni Zero sa kaniya, wala iyong reaction. Kapagkuwa'y bahagya itong yumuko. "I'm sorry, Angelica pero kailangan ko ang bahay na ito." Bumuntong-hininga ito. "Kaya nga I'm giving you a chance to pay your father's debt para makuha mo ang bahay na ito but for now, I need this house."
Inalis niya ang tingin sa binata. Suminghot siya at pinahid ang luha sa kaniyang mga pisngi. Inayos niya ang sarili bago bumaba ng sasakyan. Hinawi niya ni Zero na nakaharang sa daan at dire-diretsong siyang naglakad papasok ng bahay. Ano pa nga bang aasahan niya sa lalaking iyon? Kahit umiyak siya sa harap nito, hindi ito maaawa sa kaniya.
—
MAAGANG nagising si Angelica kinaumagahan. Naisipan kasi niyang simulan ang plano nila ng kaibigan. Kung hindi niya kayang kunin sa pakiusap, wala na siyang ibang magagawa kung 'di ang subukan ang ibang paraan kahit hindi niya alam kung kaya niyang panindigan iyon.
Dumeretso agad siya sa kusina para magluto ang almusal habang tulog pa si Zero. Malimit kasing kaniya-kaniya silang dalawa tuwing umaga at parang hindi magkasama sa iisang bahay.
Bumuntong-hininga muna siya. "Kaya mo 'yan, Angelica para sa bahay," pagpapalakas niya sa sarili. Kailangan niyang kunin ang atensyon ni Zero hanggang sa mapalambot niya ang puso nito.
Nagsimula siyang magluto ng agahan. Nag-fried rice siya na nilahulan ng carrots at hotdog, nagprito rin siya ng ilang ham at cheese dog na palagi niyang niluluto no'ng siya lang mag-isa ang nasa bahay.
Ilang sandali pa'y narinig niya ang mga yabag sa sala, saktong katatapos lang niyang maghanda ng almusal. Inayos niya ang sarili, saka ilang beses bumuga ng hangin para kumuha ng lakas ng loob na magpanggap na mabait siya sa binata.
Lumabas siya ng kusina at nakasalubong niya si Zero, nakahubad at tanging boxer short lang ang suot. Nakasabit sa balikat nito ang tuwalya na halatang maliligo. Hindi agad siya nakapagsalita at nasira ang pagbati sanang gagawin niya rito. Napalunok siya nang bumaba ang tingin niya sa nagwawala nitong abs na parang hinulma ng mga kamay. Bumaba pa ang tingin niya sa boxer short nito at muli siyang napalunok nang makita ang bakat nitong p*********i. Mukhang mali siya nang sabihing maliit iyon.
Kumunot ang noo ni Zero. "Tapos ka na bang pagsawaan ang katawan ko, huh?"
Para siyang kinurot at bumalik sa katinuan dahil sa sinabi ng binata. Agad siyang nagtaas ng tingin at umiwas sa binata. "A-ano'ng sinasabi mo riyan? H-hindi kita pinagnanasaan, 'no?" halos mautal niyang depensa.
Ngumisi ito at bahagyang kumiling. "Hindi pala, huh? Halos tumulo na nga laway ko sa pagtitig sa katawan ko," patuloy nito. "Huwag kang masyadong katitig baka hindi ka makatulog," pang-aasar pa nito.
"Baliw! H-hindi kita pinagnanasaan, 'no? N-agulat lang ako nang makita kita," dahilan niya. Umirap pa siya. Hindi na umimik si Zero. Nang akmang hahakbang na ito, nagsalita ulit siya. "Siya nga pala, Zero, naghanda ako ng almusal para sa atin." Hindi biro ang lakas ng loob na kailangan niya roon.
Pumihit paharap sa kaniya ang binata. Kumunot ang noo nito. "You prepared breakfast?"
Tumango siya. "Napansin ko kasing hindi ka kumakain sa umaga kapag umaalis ka, eh." Ngumiti pa siya pero sa loob niya'y napapangiwi siya sa mga sinasabi niya.
"Well, that's good at least alam mo ang dapat mong gawin sa loob ng bahay ko," anito, saka umiwas ng tingin. Tumalikod na ulit ito at tuluyan ng pumasok sa loob ng banyo.
Nginusuan niya ang binata at hinayaan pa ng suntok. Tumalikod siya. "Sungit! Akala mo naman kung sinong gwapo...well, gwapo nga siya pero mayabang naman," mahinang bulong niya.
"May sinasabi ka?"
Mabilis na napalingon siya at alangang ngumiti. Lumabas pala uli ng banyo ang binata. "W-wala! Bakit may narinig ka ba? Ang sabi ko, hintayin na lang kita sa kusina pagkatapos mong maligo," palusot niya. Pilit siyang ngumiti. Pumihit siya patalikod.
"Gwapo pala, huh."
Mariin siyang napapikit dahil sa inis sa sarili. Bakit ba basta-basta na lang siyang nagsasalita? Nakakahiya dahil narinig iyon ni Zero.