"BILISAN MO riyan, may pupuntahan tayo."
Huminto si Angelica sa ginagawa niyang paglilinis sa silid ni Zero dahil sa sinabi nito. Nagtataka niya itong nilingon. "May pupuntahan? Saan?" usisa niya. Nakaharap ang binata sa malaking salamit habang inaayos niya ang suot na long sleeves na white. Sinisipat-sipat nito ang sarili kahit alam naman nitong gwapo ito sa kahit ano'ng kasoutang suotin nito.
"Just do what I say, Angelica. Bilisan mo riyan at pagkatapos mo sa ginagawa mo, magbihis ka," hindi lumilingon na sambit nito. Matapos nitong ayusina ng sarili, humakbang ito palapit sa kama at kinuha roon ang wrists watch at sinuot. Lumingon ito sa kaniya. "I'll wait you outside. Bilisan mo lang," utos nito.
Hindi pa man siya nakakaimik, nawala na ito sa harap niyam Kumunot ang noo niya at kapagkuwa'y nginusuan niya ito. "Just do what I say, Angelica! Bwesit! Nakakainis talaga ang lalaking 'yon," mahinang ngitngit niya. Akala mo kasi'y kung sino makapagsalita. Kaninang umaga pa siyang sumusunod sa gusto nito, maging sa pagkain nito at sa paglalaba ng mga damit nito. Lahat na lang ata ng bagay ay ipagagawa nito sa kaniya.
Dahil sa natakot din siya sa pwedeng gawin ni Zero, binilisan niya ang kaniyang ginagawa. Matapos niyang linisin ang silid nito, dumeretso na agad siya sa sarili silid para maligo at magpalit ng damit kahit wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng binata. Kinakabahan siya pero wala siyang ibang pagpipilian.
Magdamag siyang hindi nakatulog at nagluksa para sa sarili niya. Sa mga mata kasi ni Zero, isa siyang babaeng walang dangal pero hindi niya hahayaang hamakin nito ang pagbabae niya. Oo, pumayag siya na maging slave ng binata pero hindi niyon ibig sabihin na gagawin niya lahat ng gusto nito. Makikipaglaro siya sa binata. Ibibigay niya rito ang hinahanap nito. Dahil magiging malapit na siya sa binata, itutuloy niya ang pang-aakit dito.
Matapos niyang magbihis at mag-ayos ng sarili, lumabas na siya ng silid. Nadatnan niya si Zero na naghihintay sa tabi ng sasakyan nito habang nakasandal ito roon.
Nangunot naman agad ang noo nito nang makita siya. Tiningnan nito ang orasan sa braso nito. "Hindi ba't sinabi kong bilisan mo? I've waited you for almost twenty five minutes," sermon nito.
Suminghap siya ng palihim at umingos. Gusto niyang sumagot dito pabalik pero pinili niyang huwag na lang. "S-sorry, Zero," paghingi na lang niya ng paumanhin.
Bumuntong-hininga si Zero. "Let's go," sambit nito. Pumihit ito paharap sa sasakyan at binuksan ang pinto niyon, saka binalingan siya. Nagtataka niya itong tiningnan dahil hindi niya inakalang gagawin nito ang bagay na ginagawa ng nga gentleman. Hindi naman kasi ito gentleman sa kaniya, eh. "Titingin ka na lang?" masungit na tanong nito.
Alangan siyang ngumiti, saka pumasok sa sasakyan. Pumihit naman ito sa kabila at sumakay sa driver's seat. Hindi na siya nito nilingon hanggang sa umandar na ang sasakyan. Katahimikan ang namayanin sa kanila. Ayaw din sana niyang magsalita pero hindi niya napigilang magtanong.
"Saan mo ba ako dadalhin, huh?" nagtatakang usisa niya para basagin ang katahimikan.
Nilingon siya nito pero saglit lang iyon. "Can you please stop asking, Angelica? Sumama ka na lang sa akin at wala ka namang magagawa kung saan kita dalhin, 'di ba? Remember, you're my slave at ang slave, sinusunod ang sinasabi ng kanilang master," paalala nito na parang hindi niya iyon alam. Nagtanong lang naman siya.
Umirap siya at sumimangot. Kahit nakadama siya ng kaba sa kung saan siya dadalhin ng binata, hindi niya iyon pinahalata. Paano kung dalhin pala siya nito sa hotel para ipagawa sa kaniya ang bagay na kapangahasan?
"Napakayabang talaga," mahinang bulong niya.
"May sinasabi ka?"
"Wala."
Ngumuso siya at inirapan ulit ang binata. Mabuti na lang din at hindi na umimik pa ito. Humalukipkip siya at binaling na lang ang atensyon sa mga tanawing dinadaanan nila.
Nagtaka siya nang ilang sandali ay huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mall. Ano'ng gagawin nila roon? Hindi naman kasi iyon ang inaasahan niya. Akala niya'y sa hotel o kung saang bar man kung saan gagawin nito ang lahat ng gusto sa kaniya.
"Ano'ng gagawin natin rito?" manghang tanong niya. Napawi ang kabang kanina'y nararamdaman niya dahil sa sinabi ni Zero.
"Magbe-beach," seryosong sagot ni Zymon. Bumaba na ito ng sasakyan kaya sumunod na siya.
"Beach?" nagtatakang tanong niya.
Nanliit ang mga mata nito at napailing. Hindi na lang ito umimik. Tumalikod ito sa kaniya at naglakad na papasok sa loob ng mall. Sumunod na lang siya sa binata.
Alangan siyang sumimangot. "Oo nga pala, slave nga pala niya ako kaya kahit saan siya pumunta kasama ako, kadala ng nga gamit niya," bulong niya sa sarili. Umirap siya.
Dumeretso sila sa second floor ng mall at mas nagtaka siya nang dalhin siya ng binata sa isang boutique roon. Ano'ng gagawin nila roon? Ngumiti sa kanila ang mga sales lady na naroon. Mukhang kilala na nila ang binata.
"Zero, b-bakit tayo nandito?" usisa ulit niya.
Lumapit sa kanila ang isang babaeng maganda at sexy. "What can I help you, Sir?" tanong nito.
Lumingon sa kaniya ang binata na walang kaemo-emosyon ang mukha. "Can you give her a gown? A white gown with classic style," utos nito Zero.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Gown para sa kaniya? Bakit? Hindi naman siya pupunta sa party o debut o kasal man. Nababaliw na ba siya?
"P-para sa akin?" Tinuro pa niya ang sarili. "H-hindi ko naman kailangan ng gown kasi wala naman akong party na pupuntahan," protesta niya.
Suminghap ito at bahagyang yumuko. "Just do what I say, Angel," seryoso sabi nito. Iniwan siya nito at umupo sa sofa na naroon.
Natulala siya at nawindang hindi lang dahil sa naguguluhan siya sa pinagagawa ni Zero, kung 'di dahil sa pagtawag nito sa kaniya ng Angel. Hindi iyon galit o inis, normal na boses niya iyon. Bakit ang sarap niyon sa pandinig o baka dahil ngayon lang niya iyon narinig mula rito.
"Ma'am, this way po."
Doon siya napakurap at tila bumalik sa kasalukuyan. Masyado na siyang naguguluhan sa pinapakita ni Zero sa kaniya. Ano bang intensyon nito?
Iginiya siya ng babaeng sales lady sa fitting area ng boutique. Napakgaganda ng gown sa store na iyon at halatang mamahalin lahat ng nandoon at hindi na siya magtataka na afford ni Zero ang bumili roon. Mayaman naman kasi ito.
Habang nasa fitting room, hindi pa rin niya maiwasang hindi isipin ang binata. Nagtataka kasi siya sa kinikilos nito. Nahihiwagahan siya sa totoo nitong pagkatao dahil nararamdaman niyang marami pa siyang hindi alam kay Zero at ngayo'y nagkaroon siya ng interes na kilalanin pa ang binata. Nararamdaman niyang may malalim itong pagkatao na hindi kiya nalalaman.
Matapos niyang suotin ang isang fitted white gown na sleeveless, pinalabas siya ng babae sa fitting room. Pumunta siya sa harap ng salamin. Napansin naman niya si Zero na tahimik na nakaupo sa sofa ay may hawak na magazine habang naka-de kwatro.
Napa-wow siya nang makita ang hitsura niya sa harap ng salamin. Napakaganda ng white gown na may mag pearl sa parteng dibdib niyon. Napaka-classic nga ng design niyon. Simple lang pero napaka-elegante. Napangiti siya dahil ngayon lang siya nakasuot ng ganoong mamahaling kasuotan.
Pumihit siya paharap kay Zero at saktong nakatingin ito sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga tingin pero agad na umiwas ang binata. Umayos din ito ng pagkakaupo at tila na-distract sa hitsura niya. Yumuko siya at inaabangan ang sasabihin nito. Ito pa rin naman kasi ang magdedesisyon ng susuotin niya.
"It's too simple for you, hanapan niyo pa siya ng iba," utos nito, saka muling bumaling sa magazine na hawak.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nakasimangot na tiningnan ang binata. "Simple nga maganda naman, ano'ng ayaw mo roon?" inis na bulong niya sa sarili.
Nakasimangot na bumalik siya sa fitting room para magsukat ng bago. Bawat sukat niya, lumalabas siya roon para tingnan ang sarili sa salamin at ipakita kay Zero kung gusto nito iyon o hindi. Lahat ng sinukat niya, wala siyang masabi dahil lahat magaganda at bumagay sa kaniya. Si Zero lang ata ang walang taste o trip lang nitong asarin siya. Nakailang sukat na kasi siya pero wala pa rin itong napipili. Kung hindi masyadong simple, masyado naman daw daring. Hindi niya alam kung ano ba talagang gusto nito.
Hanggang sa huling sinukat niya ang isang long dress na Fishtail Airfield Queen Skirt Autumn ang disenyo. Napaka-classic niyon. Hindi simple at hindi rin over design. Lumabas ang hugis ng kaniyang balikat at ang hita niyang mapuputi dahil sa hiwa niyon sa baba. Maging siya'y namangha sa sariling reflection sa salamin.
Nang humarap naman siya kay Zero, hindi nito naitago ang paghanga sa kaniya dahil kahit ang mga sales lady roon, inulan siya ng papuri. Ngumiti siya kay Zero, na siya namang pag-iwas ng binata sa kaniya.
"The dress looks good," puri niya. "I think that's fit for you," dagdag pa nito.
Napangiti siya ng malawak at nakahinga ng maluwang dahil sa wakas nagustuhan na rin nito ang damit na sinukat niya. Kanina pa kasi siyang sukat nang sukat at napagod din siya.
Matapos niyang hubarin iyon, si Zero naman ang nagsukat ng suit na para sa kaniya. Mas nagtaka siya dahil bakit pati ito ay kailangan ng formal attire? Ano'ng gagawin nila?
Habang nagsusukat ang binata, hindi niya maiwasang hindi mamangha sa taglay nito kaguwapuhan at kakisigan. Lahat nang sinukat niyang suit at bagay na bagay sa kaniya. Pinalalabas lang niyon ang higit nitong kaguwapuhan na hindi nakakasawang tingnan. Iniiwasan nga lang niyang magbigay ng compliment para sa binata dahil baka naman mag-isip ito na type niya ito.
Ilang sandali pa at nakapili na rin si Zero. Lumabas na ito ng fitting room at dumeretso sa cashier. Sumunod naman siya rito. Binigay sa kanila ng sale's lady ang paper bag na agad tinanggap ni Zero.
"Ako na magdadala, Zero," alok ko. Hindi nito iyon binigay na parang wala siyang narinig.
"I need you to prepare tomorrow, Angelica dahil sasamahan mo ako sa isang party bilang girlfriend ko."