"WHAT?" gulat na reaction ng kaibigan ni Angelica na si Mhariel nang sabihin niya rito ang paglipat ni Zero sa bahay niya. Malungkot itong tumingin sa kaniya. "So, ano'ng balak mo gawin ngayon?"
Malungkot siyang napanguso at bahagyang tumungo. Kasalukuyan silang naglalakad pauwi mula sa trabaho. "Hindi ko rin alam, Mhariel. Natatakot ako baka bukas makalawa, sa kangkungan na ako pupulutin. Paano kung paalisin niya ako? Saan ako titira?" nababahalang aniya. Halos hindi na nga siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip sa bagay na iyon.
"Wala na ba talagang ibang paraan, Angel? Baka may paraan pa para hindi ka paalisin ng lalaking iyon. Makiusap ka," suhestiyon nito na bakas ang simpatiya sa kaniya.
Seryoso niya itong tiningnan pero sa huli'y napasimangot dahil hindi niya alam kung may magagawa pa siya. Umiling siya. "Hindi ko alam, Mhariel. Hindi ko kilala ang Zero na 'yon at mukhang hindi siya papayag kahit ano'ng pakiusap ang gawin ko."
Bumuntong-hininga ang kaibigan niya. "Pero nakakapagtaka ang Zero na 'yon, bakit pilit niyang gustong tumira sa bahay mo, eh, luma na 'yon? For sure naman, mayaman ang lalaking 'yon, kaya niyang bumili ng mas maganda at mas malaking bahay pero ang bahay mo ang gusto niya?"
Bumakas ang pagtataka sa mukha niya habang seryosong nakatingin sa kaibigan. Pati siya ay napaisip sa dahilan ni Zero kung bakit pilit nitong kinukuha ang bahay niya, gayong mayaman ito.
"Hey! I'll give you ride."
Sabay silang napalingon ni Mhariel sa nagsalita at ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Zero na nakasakay sa itim na kotse. Seryoso lang ang mukha nito.
"Kilala mo ba siya, Angel?" Nagtatakang tanong ni Mhariel hahang nakatingin lang sa binata. Nang mapagtanto nito ang kaguwapuhan taglay nito, ngumiti ito na parang nagpapa-cute.
Umirap siya at bumaling sa kaibigan. "Hindi ko siya kilala, Mhariel. Let's go," aya niya sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito. Hindi niya kayang humarap at makisama sa binata, nahihiya siya rito dahil sa maraming nangyari sa kanila.
"Miss Soriano, I'm giving you a favor, huwag ka nang magpa-choosy."
Napahinto siya sa narinig mula kay Zero. Bumakas na naman ang inis niya para rito.
"For your information, hindi ako nagpapa-choosy, we're not close kaya bakit ako sasakay sa sasakyan mo? I don't know your intention at baka kung saan mo ako dalhin," masungit na sambit niya at saka muling inalis ang tingin dito. Nagtataka naman si Mhariel sa nangyayari na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Tipid na ngumiti si Zero. "Sa tingin mo gagawin ko 'yon sa 'yo, Angelica? Don't make me bad, I'm just being kind and besides, iisang bahay lang naman ang uuwian natin." Sumeryoso ang mukha nito.
"OMG! Ibig sabibin, siya si Zero, Angel?" gulat na reaction ni Mhariel. Nanlaki pa ang mga mata nito dahil sa nalaman. Hindi kasi nito in-expect na ganoon kagwapo ang binata. Para itong artista at napakaperpekto ng mukha.
Kapwa sila napalingon ni Zero sa kaibigan. Ngumiti si Zero. "Akala ko ba wala kang interest sa akin bakit ikikwento mo ako sa ibang tao? Did you tell her about what had happened in—"
"Zero, stop! Wala akong interer sa 'yo, ok? It's just like, she's my friend at alam niya ang buhay ko at ang utang ng Papa ko sa 'yo," putol niya sa sasabihin pa nito dahil baka kung ano pang malaman ni Mhariel.
Bahagya siyang nagulat nang hilahin siya ni Mhariel palayo ng bahagya kay Zero. Inilapat nito ang ulo sa kaniya. "Bakit hindi mo sinabing kasing gwapo pala ng anghel ang Zero na 'yan? Saka, anong sinasabi niyang nangyari sa inyo?" pabulong na tanong nito na hindi alintanag rinig iyon ni Zero. Napangiti na lang ito.
"Wala akong paki kung gwapo siya, Mhariel kung papaalisin naman niya ako sa bahay," nababahalang pakli niya at hindi sinagot ang isa pang tanong nito.
"Aba, kung ako sa 'yo, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon. Baka siya na ang lalaking para sa 'yo. I-grab mo na ang opportunity. Naalala mo 'yong sinabi ko sa iyo," mas inilipit pa nito ang bibig sa tainga niya, "tempt him until he'll fall in love with para hindi niya kunin ng tuluyan ang bahay sa iyo at malay mo, siya na pala ang the one," bulong nito sa mas mahinang boses na hindi na narinig ni Zero.
"Ano ka ba, Mhariel? Hindi ko naman—"
"Hindi ba't sabi mo ayaw mong mawala ang bahay mo at gagawin mo lahat? This is your chance para gumawa ng paraan," giit nito. Binitawan siya ni Mhariel at nakangiting humarap kay Zero. "Hi, Zero, I'm Mhariel, Angelica's best friend." Bumaling ito sa kaniya ng saglit, bago muling tumingin sa binata. "Sasakay na siya sa 'yo, dahil malapit na rin naman ang bahay ko." Hinawakan siya nito sa braso at bahagyang itininulak. "Ingatan mo ang kaibigan ko, single pa 'yan at naghahanap ng magiging boyfriend."
Binubugaw ba siya ng kaibigan sa Zero na iyon? Ano'ng pakialam ni Zero sa relationship status niya? Salubong ang kilay na binalingan niya ang kaibigan. "Ano'ng sinasabi mo? No, hindi—"
"Sige, ingat, Angel. Salamat, Zero sa pagsabay sa kaibigan ko, ingat kayo," magiliw na sambit nito bago tumalikod at naglakad na palayo sa kanila. Naiwan siyang gusumot ang mukha.
"Hey! Don't stand still there, sumakay ka na."
Hindi maipinta ang mukha niya na humarap sa binata. Hindi na lang siya umimik at naglakad patungo sa loob ng sasakyan ni Zero. Malalagot talaga sa kaniya si Mhariel.
Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan ni Zero, walang gustong bumasag niyon. Naiilang siya sa presensiya nito. Panaka-naka lang niya itong binabalingan ng tingin at iniirapan.
Pakiramdam niya'y nawala ang nakadagan sa dibdib niya nang huminto ang sasakyan nito sa tapat ng bahay niya. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Akmang hahakbang na siya papasok nang mahagip ng mga mata niya ang pamilyar an bulto sa 'di kalayuan, natigilan siya at pilit inaninag ang bulto.
"Papa?" mahinang bulong niya. Kumurap siya pero wala na roon ang bulto. Napakunot-noo siya at napakiling ng ulo. Baka namamalikmata lang siya.
"Hindi ka ba papasok o diyan ka na lang sa labas?"
Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Zero. Lumingon siya rito na may pagtataka pa rin sa mukha. Tumalikod na ang binata at naiwan siyang nag-iisip pa rin. Muli pa siyang bumaling sa gawing iyon bago nagpasiyang pumasok ng bahay.
Hindi niya binalingan si Zero nang tingin at dumeretso sa silid niya. Mabuti na lang at tatlong ang silid ng bahay nila at pinili nito ang silid na katapatan ng kaniyang tinutuluyan.
Kumunot ang noo niya at pilit iniisip ang nakita kanina. Namamalikmata nga lang ba siya o totoong nakita niya ang kaniyang ama?
"Masyado ka lang paranoid, Angelica," saway niya sa sarili dahil kung ano-ano ang iniisip niya. Pinilig niya ang ulo habang gusot ang mukha. Pumikit pa siya ng mariin.
Matapos niyang maligo at magbihis, lumabas siya ng silid para uminom ng tubig. Napahinto siya saglit ng makita si Zero na nasa sofa na tila malalim ang iniisip. Paano nga kaya kung sundin niya ang plano ni Mharil na akitin ito? Agad niya iyong inalis sa isip. Naglakad na siya patungo sa kusina na hindi ito nililingon.
"Angelica, can we talk?"
Napahinto siya ng akmang babalik na sa silid niya nang marinig ang sinabi ni Zero. Dahan-dahan niya itong nilingon.
"Para saan?"
"Tungkol sa bahay at sa utang ng Papa mo," kaswal na sagot nito.
Hindi agad siya nakasagot. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa katapat nitong sofa. Hindi niya magawang tumingin dito ng diretso.
"A-ano'ng tungkol sa bahay? Papaalisin mo na ba ako rito?" kinakabahan tanong ni Angelica. Napalunok siya. Parang tinakasan siya ng hiya at sungit. "Z-Zero, p-please! Wala akong ibang pupuntahan, ni wala akong sapat na pera para umupa ng sariling bahay. Please, give me another chance, magbabayad ako sa utang ng Papa ko pero huwag mo akong paalisin dito habang nagbabayad ako. Wala akong ibang pupuntahan. Napakahalag ng bahay na 'to sa akin," sunod-sunod na pagmamakaawa niya.
Seryoso lang siyang tiningnan ng binata. "That's not my problem, Angelica. May utang ang Papa mo na dapat ng bayaran at sinisingil ko lang iyon ayon sa collateral na inilagay niya sa kontrata. Wala rin akong pakialam kung wala kang pupuntahan, it's your problem not mine."
Mas lalo siyang kinabahan. Ito na ba ang huling pagkakataon na titira siya sa bahay na iyon? Hindi siya papayag. "A-alam ko...alam ko ang tungkol sa utang ng Papa ko at hindi ko naman 'yon tatakbuhan kahit wala akong kinalaman sa utang niya sa iyo, ang gusto ko lang, hayaan mo akong tumira rito habang nagbabayad ako ng utang. Gagawin ko lahat, maglilinis ng bahay, magluluto, maglalaba, lahat ng gawaing bahay gagawin ko sa 'yo huwag mo lang akong paalisin." Desperado na siyang gawin ang lahat, hindi lang siya mapaalis sa bahay.
Tiningnan siya nito na parang sinusuri ang sinabi niya. Umayos ito ng pagkakaupo sa sofa. "So, you're willing to do whatever I wants you to do?"
Tumango siya na hindi inisip ang pwedeng mangyari. "Oo, gagawin ko lahat, Zero." Nagkaroon siya ng kahit konting pag-asa.
"Well, if that's what you want, then I'll give you a chance. I'll let you live here for two months para bayaran ang utang mo at kapag hindi mo nabayaran sa loob ng dalawang buwan, aalis ka ng bahay ko." Tumayo ito sa pagkakaupo. Lalakad na sana ito palayo pero napahinto at lumingon sa kaniya. "At habang nandito ka, gagawin mo lahat ng gusto ko."
Kinabahan siya sa sinabi nito na para bang may iba itong gustong gawin na dapat niyang gawin. Naiwan siyang tulala at napagtanto ang mga sinabi niya. Napasimangot siya. Tama ba ang pagpapayag niya sa lahat ng gustong gawin ni Zero ay gagawin niya? Nakagat niya ang pang-ibabang labi.
"Bakit ba padalos-dalos ka, Angelica?"