"HUWAG ka ngang gumalaw," reklamo niya habang nilalapatan niya ng ointment ang pasa at sugat nj Zero sa mukha nito. Matapos nitong matamaan ng baston, saktong dumating na ang mga pulis na tinawagan ni Zero bago ito lumabas ng sasakyan. Medyo late ang mga ito pero ok na rin iyon. "Paano ko malalagyan ng gamot 'yang pasa ata sugat mo?" Hawak niya ang isang cotton bond at betadine.
Ngumiwi ulit ito at napapaatras tuwing nilalagyan niya ito ng gamot. "Ouch! Masakit," reklamo nito. Halos pumikit na rin ito dahil aa pagkangiwi.
"Akala ko ba matapang ka, huh? Nilabanan mo nga 'yong apat na iyon tapos betadine lang takot ka?" naiiling na sambit niya. Labis na pag-aalala ang naramdaman niya sa binata nang nagdaang gabi. Hindi niya alam ang gagawin kung sakali mang may mangyari rito. Kasalanan din niya kung bakit ito nasaktan.
Nakaupo silang dalawa sa sofa habang magkaharap. Dahil nilalagayan nita ito ng gamot, ilang inches lang ang layo ng kanilang mga mukha. Bigla siyang sumeryoso nang mapagtanto iyon, lalo na nang magtama ang kanilang mga tingin. Para bang na-magnet siya nito.
Kumurap siya at napalunok. Medyo lumayo rin siya sa binata. "S-sorry nga pala sa nangyari, Zero." Simula kasi kagabi, hindi pa siya nakakahingi rito ng sorry. "Salamat din sa pagligtas mo sa akin kahit hindi mo naman iyon obligasyon," patuloy niya.
Akmang aalisin na sana niya ang kamay niya sa mukha nito nang hawakan iyon ni Zero. "I want you to be safe, Angel lalo't kasama mo ako. I want to protect you." Umiling ito. "Hindi ko alam pero gusto kong protektahan ka, gusto kong maramdaman mong hindi ka nag-iisa, kasi...n-nandito ako." Saglit itong yumuko. "Ikaw ang nagbigay ng pag-asa sa akin, ng rason para huwag kong hayaan na matalo ako. Pinaramdam mo sa akin na nandiyan ka para samahan ako, para intindihin ako at kahit nasaktan ako, I won't regret saving you dahil gagawin ko ulit iyon kung kailangan," mahinang sabi nito pero sapat para marinig niya.
Natigilan siya. Napatitig siya sa binata at hindi niya mapigilan ang sarili. Naramdaman niya ang damdamin dumaloy sa sistema niya habang magkadikit ang kanilang mga balat. Para siyang nanghihina kasabay ng malakas na kabog ng dibdib niya. Aminin man niya o hindi, pakiramdam niya'y hinipo nito ang puso niya para magbigay ng ligaya at kiliti roon.
"Z-Zero," tanging nabanggit niya.
"Please, stay with me, Angel. Hayaan mong iparamdam ko ang kaya kong iparamdam base sa nararamdaman ko sa 'yo. You're not just woman for me, your special. May lugar ka sa puso ko dahil pinadama mo sa akin na sa kabila ng lahat, may dahilan pa rin para lumaban at magpatuloy. Salamat, Angel, you're my Angel." Ngumiti ito.
Wala siyang salitang mahagilap. Nagwawala na ang puso niya sa labis na galak sa mga narinig niya. Ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang mga katagang iyon sa isang lalaki at hindi niya maiwasang hindi kiligin. Apektado ang puso niya roon at hindi niya pwedeng itanggi iyon.
Wala na siyang nagawa. Hindi rin naman kasi siya makapagsalita dahil sa pagkagulat. Namalayan na lang niyang papalapit na ang mukha ni Zero sa kaniya. Wala siyang makapang pagtutol mula sa sarili niya dahil ang totoo nga'y excitement at saya ang bumabalot sa kaniya.
Kusang pumikit ang mga mata niya nang lumapat ang mga labi ni Zero sa kaniya. Para siyang nakuryente na nagpabuhay ng kakaibang pakiramdam sa loob niya. Hinayaan niya itong damhin ang labi niya. Nang una'y hindi siya gumaganti pero dahil sa bulong ng puso at isip niya, nagawa niyang gumanti na puno ng suyo. Napaka-passionate ng bawat hagod ng labi nila sa isa't isa.
—
"ANO BA 'tong nararamdaman mo, Angelica?" naguguluhang tanong niya sa sarili habang nakahiga sa kaniyang kama. Hindi kasi siya mapakali at makatulog dahil sa kakaisip niya kay Zero at sa dala nitong kakaibang pakiramdam sa kaniya. Naguguluhan siya dahil sa tuwing lumalapit ito sa kaniya, hindi niya mapigilan ang puso niya na tumibok ng mabilis. Hindi na rin niya magawang tumingin ng diretso dahil nahihiya siya. Palagi siyang aligaga kapag nasa tabi niya ito.
Lumipas ang mga araw na mas naging malapit sila sa isa't isa. Nararamdaman niya ang labis na pag-aalala at pagpaparamdam nito na special siya. Sa bawat araw na lang, para siyang may manliligaw na kumukuha nga atensyon niya.
Naguguluhan siya sa pinapakita at pinararamdam nito sa kaniya pero aminin man niya o hindi, gusto niya ang nangyayari sa pagitan nila. Masaya siya sa nararamdaman niya at sa pinaparamdam sa kaniya ni Zero. Sa pamamagitan kasi nito, naramdaman niyang hindi siya nag-iisa at may nagpaparamdam sa kaniya ng care na matagal na niyang hindi naramdaman sa mga lalaki sa buhay niya.
Nagpagulong-gulong siya sa kama habang nakasubsob ang mukha niya sa malambot na unan. Paimpit din siyang napapatili dahil sa ligayang kumikiliti sa puso niya.
Ano'ng oras na ba pero hindi pa rin siya inaantok? Dahil nga hindi pa siya inaantok, nagpasiya siyang bumaba sa kama para lumabas ng silid. Baka kailangan niyang uminom ng malamig na tubig para makatulog siya. Masyado na siyang distracted.
Sumalubong sa kaniya ang madilim na sala at hindi na siya nag-abalang buksan pa ang ilawm Diretso lang siya hanggang sa makarating sa kusina. Agad siyang kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator at agad iyong ininom. Nagulat naman siya af napahinto sa pag-inom nang bumukas ang ilaw roon.
Ibinaba niya ang baso. Tumambad sa kaniya si Zero na mukhang hindi rin makatulog dahil sa namumungay nitong mga mata. Umiwas agad siya ng tingin, maging ito. Nataranta siya dahil mukhang ang sistema niya ay nagkagulo-gulo dahil sa tila butterfly sa stomach niya. Mabilis siyang binaba ang baso sa lamesa at nagmadaling lumabas ng kusina.
Hindi pa man siya nakakalayo, napahinto siya ng magsalita si Zero.
"Are you okay, Angel? Parang kanina umaga mo pa akong iniiwasan?" tanong nito.
Dahan-dahan siyang humarap at alangang ngumiti. Yumuko siya ng bahagya. Pakiramdam niya'y nagbubuhol-buhol ang dila niya. Umiling siya. "H-hindi, a-ano kasi...nagmamadali lang talaga ako kanina pagpasok sa trabaho," dahilan niya sa pag-iwas niya rito kanina. Hindi kasi niya alam kung paano ito harapin sa kabila ng kakaibang nararamdaman niya. "S-sige, matutulog na ako," paalam niya. Pumihit na agad na siya pero hindi pa man siya nakakalayo, nang maramdaman niya ang pagyakap nito mula sa likod niya.
Nanigaw siya dahil sa ginawa nito. Hindi siya agad nakabawi sa pagkagulat. Mas nagwala ang puso niya dahil sa nararamdaman niyang mainit nitong yakap. Hindi niya alam ang gagawin dahil ang presensiya nito ay parang anay na nagpaparupok sa kaniya.
"Please, huwag mo akong iwasan. H-huwag mong pigilan ang nararamdaman mo para sa akin," masuyo nitong sabi na mas nagpawindang sa isip niya.
Hindi agad siya nakasagot. Hindi rin niya magawang kumawala sa yakap nito dahil sa loob niya, gusto niya iyong maramdaman. "Z-Zero," tanging lumabas sa bibig niya.
"I know why you acting strange lately, Angel dahil ang nararamdaman mo'y nararamdaman ko rin pero I choose not to avoid you dahil gusto ko ang nararamdaman ko para sa iyo."
Kung may boses lang ang puso niya, baka sumigaw na iyon sa sobrang saya at kilig dahil sa sinabu ni Zero. Tama ba siya ng narinig? Nakagat niya ang pang-ibabang labi at bahagyang tumingala. Ano'ng sasabihin niya, eh, hindi nga siya sigurado sa nararamdaman niya para sa binata. "H-hindi ko alam, Zero, hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko para sa iyo. Oo, masaya ako kapag kasama kita, gusto kong palagi kang makita, bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nandiyan ka, pero... p-pero hindi ko alam kung pag-ibig ba ito o baka simpatiya at awa lang," pag-amin niya sa binata. Hindi pa siya handang sagutin ang sinabi nito dahil hindi pa siya handa.
Humiwalay si Zero sa pagkakayakap at humarap sa kaniya. "That's what I feel about you, Angel. G-gusto ko palagi kitang kasama, gusto ko palagi kang nasa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan na akong i-survive ang isang araw na hindi kita makita. I know it sounds crazy pero iyon ang nararamdaman ko." Saglit itong yumuko. "At alam ko kung ano ito, kung ano'ng nararamdaman ko para sa iyo. M-mahal kita, Angel," pag-amin nito. Hinawakan ng binata ang mga kamay nita habang nangungusap ang mapupungay nitong mga mata.
Naguguluhan siyang tiningnan ang kaharap. Umiling siya. Hindi niya alam kung bakit hindi pa niya handang sagutin ang sinabi niya. Ayaw niya munang aminin sa sarili na baka mga mahal na rin niya ito. Natatakot siya dahil baka nararamdaman lang nito ang lahat ng iyon dahil siya ang kasama nito sa panahong nag-iisa ito. Natatakot siyang baka mahal pa nito si Rian.
"I'm sorry, Zero pero hindi pa ako handa." Bumakas ang lungkot sa mukha niya. Suminghap siya, saka binawi ang kamay niya sa binata. Humakbang siya palayo sa binata na mabigat ang loob dahil nakita niya ang pagkadismaya at sakit sa mukha ni Zero.
—
AKALA niya'y mas magiging madali kay Angelica ang lahat pero hindi pala dahil habang umiwas siya sa binata mas nananabik siya rito. Mas nararamdaman niyang kailangan niya ito.
"Pansin ko lang nitong mga nakaraang linggo, palagi kang tulala," puna sa kaniya ni Mhariel habang naglalakad sila pauwi.
Kumurap siya at humarap sa kaibigan. Hindi naman kasi nito alam ang nararamdaman niya para kay Zero dahil pinili niyang itago sa kaibigan.
Bumuntong-hininga siya. "Sa tingin mo bakit kaya hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita sa akin si Papa? Alam ko namang nandiyan lang siya sa paligi dahil ilang beses ko na siyang nakitang nagtatago," seryosong tanong niya sa kaibigan.
Ngumuso si Mhariel. Nag-isip ito. "I don't know the exact reason pero pakiramdam ko dahil hindi ka kayang harapin ni Tito dahil sa ginawa niya sa 'yo. Nahihiya siya," sagot nito.
Kumibit-balikat siya. "Siguro nga. Sino nga naman ang may lakas ng loob na magpakita sa kaniyang anak na iniwanan niya ng maraming utang," malungkot at puno ng hinanakit niyang sambit.
"Pero hindi rin makakatiis si Tito, for sure magpapakita rin iyon." Ngumiti si Mhariel. Huminto sila nang dumating sila sa intersection. "Sige, mauna na ako sa iyo," paalam nito.
Tumango siya at ngumiti sa kaibigan. Nagsimula na rin siyang maglakad. Bumuga siya ng hangin at tumingala sa kalangitan. Nasaan na kaya ang kaniyang ama? Sa kabila ng ginawa nito, iniisip pa rin niya ang kalagayan nito. Kung nakakakain pa ba ito o nakakatulog sa maayos na higaan. Marahan siyang saglit na pumikit at mas binalagan ang hakbang. Ang sarap kasi ng simoy ng hangin.
Mayamaya'y napahinto siya nang huminto ang pamilyar na sasakyan sa tapat niya. Hindi nga siya nagkamali dahil kay Zero iyon. Sumilip ito sa binatana.
Nagsimula na namang maging abnormal ang pagtibok ng puso niya kaya umiwas siya rito ng tingin. Seryoso lang ang binata. Hindi na rin kasi siya nito masyadong pinapansin simula no'ng gabing mag-usap sila.
"Sumakay ka na, Angel," malamig nitong sabi. "Masyado nang gabi."
Hindi agad siya umimik. Tatanggi pa sana siya pero nakaramdam siya ng hiya at guilty sa binata. Matagal na rin niyang iniisip ang sitwasyon nila. Sinubukan niya itong akitin para hindi nito tuluyang kunin ang bahay pero ngayong ito na mismo ang umamin sa kaniya, hindi naman niya iyong tinanggap.
Sumakay siya sa sasakyan nito. Tahimik lang sila habang umaandar iyon. Naalala niya ang kaniyang ama at ang sinabi nito sa kaniya nang gabing papunta sila sa party.
Seryosong binalingan niya ang binata. "Zero," malumanay na banggit niya sa pangalan nito. Lumingon ito sa kaniya suot ang walang expression nitong mukha na noong una'y palagi nitong pinakikita sa kaniya. "Naalala mo 'yong sinabi mo sa akin no'ng gabi nakita ko si Papa? S-sabi mo tutulungan mo akong hanapin siya, 'di ba?"
Kumunot ang noo ni Zero at agad umiwas sa kaniya ng tingin. Hindi agad ito nakasagot. "Hanggang ngayon hinahabap mo pa rin ang Papa mo sa kabila ng ginaww niya sa iyo," komento nito. "Hindi ba't kung gusto niyang magpakita sa 'yo, hindi mo na siya kailangang hanapin?"
Hindi niya inaasahan ang narinig mula rito. Kumunot ang noo niya. "Kaya nga hinahabap ko siya, 'di ba? Para makita ko siya kahit ayaw niya akong makita," giit niya. Bumuga siya ng hangin. "Hindi ba't sinabi mo tutulungan mo ako? Please, Zero tulungan mo akong hanapin siya," pagmamakaawa niya rito.
Saglit siya nitong tinapunan ng tingin. Bumuntong-hininga ito. "I'll do my best to find him, Angel. Babalitan kita kapag nakahanap ako ng impormasyon," sabi nito habang nakatingin sa kalsada.
Napangiti siya. "Salamat talaga, Zero," masayang aniya.
"Pero hindi ko maipapangakong mahahanap ko siya o makukumbinsi ko siyang harapin ka."