Kabanata 15

1511 Words
ABALA si Angelica sa paglilinis sa sala ng bahay nang makarinig siya ng katok mula sa labas. Kumunot ang noo niya dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Naglakad siya patungo roon at binuksan ang pinto. Kumunot ang noo niya at nagulat nang makilala ang nasa harap niya. Napaawang ang bibig niya. "Ow! You're Angelica, right? My step brother's girlfriend," bungad sa kaniya ni Yuan. Umiwas siya rito ng tingin. "M-magandang umaga po," nahihiyang bati niya rito dahil hindi naman talaga siya nobyo ng binata. Tila nang-iinsultong ngiti ang binato nito sa kaniya. Nanliliit siya sa harap nito dahil sa paraan ng pagtitig nito. "So, tama nga ang narinig ko na nagsasama kayo sa maliit na bahay na ito." Binalingan nito ang paligid. "Hindi ko nga alam na ganiyan na pala kababa ang taste ng step brother ko sa babae. Ni hindi namin alam ni Dad kung saang lupalop ka niya napulot." Ngumisi ito. "I don't know what he saw about you para mabaliw siya sa iyo at bayaran ang lahat ng utang ng pamilya mo," sabi nito at bahagyang humina ang huling mga salita pero narinig pa rin niya. Gulat na nag-angat siya rito ng tingin. Nawindang ang isip niya at pilit pinuproseso ang mga narinig. Ano'ng ibig nitong sabihin? "A-ano'ng sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Never mind." Kumamot ito sa noo. "Nandiyan ba si Zero? I need to talk to him," pagbabago nito sa usapan. Hindi niya ito sinagot. Kumurap siya at seryoso itong tiningnan. "Alam kong wala akong pakialam sa pag-uusapan ninyo ni Zero pero a-ano'ng ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?" giit niya Ngumiti ito. "Huwag ako ang tanungin mo, Angelica tanungin mo ang boyfriend mo," balik nito. "So, nandiyan ba siya?" "Why are you here? Ano'ng kailangan mo?" Napalingon siya kay Zero na nasa tabi na niya. Hindi bakas ang pagkagulat sa mukha nito. Ngumiti si Yuan na para bang close silang dalawa, na parang wala silang alitan na hindi niya paniniwalaan. Una kitang pa alang niya sa Yuan na iyon hindi na niya gusto ang pagkatao niyo. Halatang spoiled at ambitious na tao kahit pa may masagasaan ang iba ay ayos lang rito. "I'm here to talk some matter, Zero. Pwede ba akong pumasok sa munting tahanan ninyo," nakangiti tanong nito na hindi niya alam kung nang-iinsulto ba ito o ano, basta alam niyang hindi ito mapagkakatiwalaan. "Come in," walang ganang ani Zero. Tumalikod ito at naglakad patungo sa sala. Sumunod naman si Yuan. Naiwan siyang tulala at walang imik. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Yuan tungkol sa pagbabayad ni Zero sa lahat ng utang ng pamilya niya. Hindi niya alam ang ibig nitong sabihin pero alam niyang hindi ito nagsisinungalin dahil alam nito ang tungkol sa utang ng kaniyang pamilya. Dahil hindi nanman siya kaabot usap sa dalawnag magakapatid, nagpaisya siyang pumunta ng kusina at timplahan na lang ng maiinom ang bisita nioa kahit hindi naman taos pusi ang pagtanggap nila. Matapos niyang magtimpla, dinala niya ang juice sa sala para hindi naman sila magmukhang hindi marunong tumanggap ng bisita. "What? A-ano'ng nawawala? Two Million pesos? Paanong mangyayari iyon?" Natigilan si Angelica nang paalis na siya sa harap ng mga ito nang marinig ang ang sinabi ni Zero. Ano'ng two Million? Ang laking halaga niyon. "You heard me right, Zero and the money was lost when you were the CEO of the Company," ani Yuan. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig iyon. Paanong nawala ang ganoong kalaking halaga at sa tono ni Yuan, mukhang si Zero pa ang may kagagawan niyon. Gusto pa man niyang makinig sa usapan ng mga ito dahil nag-aalala siya para kay Zero pero hindi naman siya kasali roon kaya umalis na lang siya at bumalik sa kusina. Hindi siya mapakali habang naghihintay na makaalis si Yuan para matanong niya ang totoong nangyari kay Zero dahil malakas ang kutob niya na may balak ang Yuan na iyon kaya nito sinabi ang mga bagay na iyon. Lumipas ang ilang minuto, narinig niyang nagpaalam na si Yuan kay Zero. Mabilis siyang sumilip sa sala at nakita niyang palabas na ang lalaking iyon. Nang tuluyan itong makalabas, agad niyang nilapitan si Zero, bakas ang labis na pag-aalala nito. "Z-Zero, are you ok?" nababahalang tanong niya. "A-anong sinabi ni Yuan? Ano'ng tungkol sa two million na nawawala?" usisa niya na hindid na napigilan ang sarili. Bumuntong-hininga si Zero at laylay ang balikat na umupo sa sofa. Umiling ito at halatang naguguluhan. Ni hindi ito makatingin sa kaniya. Nakita niyang napakuyom ang mga palad niya. Umupo sita sa tabi nito. "Damn!" gigil nitong sabi. "I'm innocent, Angel hindi ko kayang pagnakawan ang sarili kompanya ng pamilya ko. I know, there's someone behind this. Alam kong idinidiin nila ako sa pagkawala ng pera sa kompanya at isa lang ang alam kong gagawa nito." Bakas ang galit sa boses nito. Hindi rin iyon naitago ng gwapo nitong mukha. Hinawakan niya ang braso nito. "Alam ko, Zero. Naniniwala akong wala kang ginawang masama. Naniniwala akong inosente ka at lalabas din ang totoo," pagpapapagaan niya sa loob nito dahil habang nakikita niyang nalulungkot ang binata, nalulungkot din siya. Hindi niya kayang makita ito sa ganoong sitwasyon. Masuyong humarap sa kaniya si Zero. Napalitan ng paghanga anng galit sa mukha nito. Napalunok siya nang magtama ang kanilang mga mata. "S-salamat, Angel for being there behind me," seryosong sabi nito pero ngumiti rin kahit may lungkot doon. Nagulat na lang siya at hindi nakagalaw nang yakapin siya nito ng mahigpit. Ramdam niya ang pananabik roon na mayakap siya nito. Umaasa siyang sa pamamagitan niyon ay mapagaan niya ang nararamdaman nito. — HINDI mapakali si Angelica habang palakad-lakad siya sa sala. Hinintay kasi niya si Zero para tanungin ito tungkol sa sinabi ni Yuan tungkol sa utang mg pamilya niya. Hindi na kasi niya iyon nagawang tanungin ng araw na iyon dahil alam niya malungkot ito at mabigat ang pinagdaanan. Naalala lang niya iyon kaya hindi siya mapakali. Ilang sandali pa'y bumukas na ang pinto ng sala. Kinakabahan siya ng makita niya si Zero na kapapasok lang sa loob ng bahay. Pasado alas-nuebe na ng gabi. "Oh? Bakit gising ka pa?" nagtatakang tanong ni Zero. Hinubad nito ang coat na suot at inilapag sa sofa. Umupo ito roon. Alangan siyang ngumiti. "Gusto mo na ng coffee o water?" alok niya rito. Umiling ang binata. "No, huwag na, Angel, I'm fine." Umayos ito ng pagkakaupo at tiningnan siya. "From now on, you're no longer my slave, ok? You're more than special for me, Angel at ako dapat ang magsilbi sa iyo," malumanay nitong sabi, saka ngumiti. Nailang siya sa binata kaya umiwas siya rito. Gusto na niya itong tanungin at kinakabahan siya sa malalaman mula rito. Hindi siya mapakali. Umupo siya sa katapat na sofa ni Zero. "Thank you, Zero pero...p-pero may kailangan akong malaman," simula niya. Humugot siya ng lakas ng loob. "T-totoo ba? Na binayaran mo lahat ng utang ng Papa ko?" Sa wakas ay naisatinig niya iyon. Kumunot ang noo ni Zero habang nakatingin sa kaniya. Halata ang gulat sa mukha nito. "Huh? S-sinong nagsabi sa iyo?" halos mautal nitong sabi. Umiwas din ito ng tingin sa kaniya. "No'ng araw na pumunta rito si Yuan, binanggit niya sa akin ang tungkol sa utang ng pamilya ko," pagtatapat niya. Hindi niya alam ang mararamdaman niya. Hindi agad nakaimik si Zero. Hindi rin ito makatingin sa kaniya ng diretso. "Angel, h-hindi ko gustong panghimasukan ang buhay mo pero gusto kong tulungan ka. Gusto kong pagaanin ang loob mo, bawasan ang problemang meron ka dahil ginagawa mo rin sa akin ang bagay na iyon," paliwanag nito. Napakurap siya. Naguguluhan siya sa dapat niyang maramdaman sa ginaww nito. Dapat ba siyang matuwa o dapat siyang mainis dahil sa ginawa nito? Pero ang puso noya, nagsusumigaw ng galak at saya dahil doon. "Bakit mo 'yon ginawa, Zero? Para mas mabaon ako sa utang sa iyo at nang sa ganoon, makuha mo nang tuluyan itong bahay?" sambit niya. Hindi niya alam pero naiinis siya sa isipin niyang iyon. Kumunot ang noo nito at bahagyang kumiling. "Huh? Nagkakamali ka, Angel hindi iyon ang intensyon ko. Intensyon kong tulungan ka dahil...dahil mahal kita. Gusto kong pagaanin ang balikat mo," nangungusap ang mga mata sagot ni Zero. Hindi agad siya nakasagot. Nahahati ang damdamin niya sa dapat niyang isipin. Dapat ba siyang maniwala roon o dapat niyang paniwalaan ang isip niya na bumubulong na baka may motibo ito. Marahas siyang tumayo. "Paano kung may dahilan ka kaya mo 'yon ginawa?" lakas loob niyang sabi. Bumuntong-hininga si Zero. "Angel, please hindi iyon ganoon." Yumuko ito kasabay nang pagguhit ng sakit sa mukha nito. "Pati naman ikaw, hindi mo na rin ako paniniwalaan? Ganoon na rin ba ang tingin mo sa akin, Angel? Masamang tao?" Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Tiningnan siya nito gamit ang malamlam nitong mga mata. "Ginawa ko 'yon dahil gusto kitang tulungan and that was my hidden intention." Natulala siya nang iwan siya ni Zero. Biglang lumitaw ang konsensiya sa puso niya. Parang sumobra siya sa panghuhusga niya sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD