NANATILI lang na nakatingin si Angelica kay Zero habang nakikipag-usap ito sa mga naroon. Nagpasiya siyang hindi na lang sumama sa binata at manatili na lang sa table. Hindi rin naman niya alam kung paano haharapin ang mga taong iyon. Isa pa, hindi naman niya kailangang makilala ang lahat ng iyon dahil hindi naman talaga siya nobya ng binata.
Bumuntong-hininga siya at binalingan ang alak na nasa lamesa. Uminom siya. Bakit masyado siyang apektado sa nararanasan ni Zero? Nararamdaman niya ang lungkot at hinanakit nito sa mga taong dapat kakampi niya. Hindi niya maiwasang hindi maawa at makisimpatiya rito.
"Are you ok?"
Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita. Nakita niya si Zero na seryosong nakatingin sa kaniya. Saglit siyang napatitig sa gwapo nitong mukha pero agad din siyang kumurap. Umiwas siya ng tingin. "I-I'm fine, Zero," sambit niya.
"Well, if you feel uncomfortable, uuwi na tayo. I'm done with this party," anito.
Kumunot ang noo niya. Wala pa silang dalawang oras doon. "Aalis na tayo?"
Tumango ito habang nakapamulsa. Inilahad nito ang palad. Tiningnan niya muna ito bago iyon tinanggap. Tumayo siya sa pagkakaupo. Hindi pa rin siya sanay na hawak nito ang kamay niya. Para bang may hatid iyong kakaibang pagkailang. Ni hindi niya magawang tingnan ang binata sa hindi niya malamahg dahilan.
Akmang lalakad na sila nang napahinto si Zero nang huminto ang isang lalaking may edad na sa harap nila. Nagtaka siya dahil nakita niya ang labis na gulat sa mukha nito.
"Z-Zero," ani ng lalaki. Nagtaka siya at salinsinang tiningnan ang dalawa. Sino ang lalaking iyon at bakit bakas ang tila pananabik sa mukha nito para sa binata. Hindi nito maikakailang may lungkot sa mga mata nito.
Kumurap ang binata at yumuko. Kita niya ang poot sa mukha ni Zero. "Let's go, Angel," anito, saka marahan siyang iginiya palabas ng lugar na iyon.
Mas lalo lamang siyang nagtaka sa kakaibang kinilos ni Zero sa harap ng lalaking iyon. Hindi kaya ito ang ama ng binata kaya ganito na lang ang pag-iwas at galit nito?
Walang imik na pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ni Zero. Sumakay siya roon. Nanatili ang mga tingin niya sa binata. Gusto niya itong tanungin pero hindi niya alam kung paano.
—
KINAUMAGAHAN, nagising si Angelica nang makarinig siya ng katok mula sa pinto ng silid niya. Uminat siya at hindi agad iyon pinansin. Inis na napakamot siya sa ulo dahil antok pa siya. Nakasimangot na kinuha niya ang unan at niyakap iyon.
"Angel." Muling kumatok ang nasa labas.
Kumunot ang noo niya. Nagmulat siya ng mga mata at mabilis na napalikwas ng bangon. Si Zero ba ang narinig niya? Nagulat siya nang muli itong nagsalita. Hindi naman kasi ito kumakatok sa pinto niya. Isa pa, ang paraan nito ng pagtawag sa kaniya ay tila ba ganoon na sila kalapit sa isa't isa.
Hindi niya alam pero kinabahan siya nang marinig ang boses ng binata. Na-conscious siya sa hitsura niya kaya naman mabilis siyang bumaba sa kama at inayos niya ang sarili para hindi naman siya mukhang bruha. Hindi na rin niya nabura ang make up niya sa mukha nang nagdaang gabi dahil napagod siya.
Humarap siya sa salamin at inalis ang mga make up na nagkalat sa mukha niya. Inayos niya rin ang buhok na tila ba nawala na sa mga sarili nito.
Nang sa tingin niya ay ok na ang hitsura niya, dahan-dahan siyang lumapit sa pinto ng silid at kinakabahan iyong binuksan. Bumungad nga sa kaniya si Zero. Hindi niya mawari pero parang biglang ang hirap nitong tingnan sa mga mata. Hindi niya alam kung saan titingin. Naiilang siya sa binata lalo't napakagwapo nito sa suot na white t-shirt at simpleng short.
"B-bakit? A-ano'ng kailangan mo" nauutal niyang tanong.
Pakiramdam niya'y may nagwala sa loob niya ng ngumiti ito, hindi iyon sarkastiko o nang-aasar, totoong ngiti iyon na para bang humipo sa puso niya para iyon at tumibok. Napatitig siya sa binata dahil ngayon lang niya nakita ang ngiting iyon sa labi nito.
"I prepared breakfast for us, Angel." Pinagdikit nito ang mga labi at bahagyang kumiling. Tumingin ito sa relong suot. "It's already 9 in the morning so I decided to wake you up para mag-breakfast," malumanay na paliwanag nito.
Nakapa niya ang saya sa puso dahil sa kakaibang trato sa kaniya ng binata. Hindi siya na mabait ito, naiilang siya pero masaya siya at gusto niya ang ginagawa nito.
"B-breakfast?" Saglit niyang yumuko. "I mean, seryoso ka you cooked breakfast for us?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Ngumiti ulit ito at tumango. Sumeryoso rin agad ito. "I just want to say thank you sa lahat ng ginawa mo sa akin kagabi, sa pagsama mo sa party. Salamat." Bumuga ito ng hangin. "Kaya nagluto ako ng breakfast, to thank you." Pinagdikit nito ang mga labi. "Sige, I'll wait you in the dining area, ok?" Tumalikod na agad ito sa kaniya.
Naiwan siyang hindi makapaniwala sa mga narinig at sa ikinikilos ng binata sa kaniya. Totoo ba ang lahat ng iyon o nananaginip lang siya? Gusto niyang kurutin ang sarili pero dahil gising ang diwa niya, alam niyang totoo ang lahat ng iyon.
Sa maikling panahon, pakiramdam niya'y biglang nagbago ang tingin niya kay Zero. Nagkamali siya sa pagkakakilala rito dahil sa pagsusungit nito sa kaniya pero ang totoo nitong katauhan ay nakatago pala sa likod ng masungit nitong pagkatao.
Sa loob lamang ng isang araw, mas nakilala niya si Zero Cordalez. Mas nakita niya ang malalim nitong pagkatao, ang tunay nitong buhay at hindi niya maiwasang hindi ibigay ang simpatiya sa binata. Napalitan pag-aalala, concern at awa ang inis at galit niya rito. Gusto na niyang iparamdam sa binata na nandoon siya sa tabi nito lalo't nalaman niya ang hirap na pinagdaanan nito. Nakikita niya ang sarili niya rito dahil sa halos magkapareho nilang pinagdaanan.
Nalaman niya na ang lalaking iyon na humarang sa kanila ay ang ama ni Zero. Nalaman niyang namatay ang ina nito dahil sa cancer, labing limang taon na ang nakakaraan at dahil sa pagkawala ng ina nito, muling nag-asawa ang ama nito at may anak rin iyon, si Yuan. Sa paglipas ng panahon, tila nawala si Zero sa litrato ng masayang pamilya. Inalis siya sa posisyon bilang CEO at ipinalit si Yuan doon. Nagpasiyang umalis si Zero sa poder ng ama nito kaya naisipi nitong tumira sa bahay niya. Nalaman din niya na nabuntis ng kaibigan nito ang ex-girlfriend nito na si Rian.
—
"WHAT?" gulat na reaction ni Mhariel ng magkwento si Angelica sa kaibigan tungkol sa mga nangyari sa pagitan nila ni Zero. Naikwento niya ang tila pagbabago ni Zero ng pakikitungo sa kaniya matapos ang gabing iyon sa party.
Amimin man niya o hindi, masaya siya sa pagbabago nito sa kaniya. Hindi na ito nagagalit o nagsusungit sa kaniya. Palagi na itong ngumingiti at mas ipinapakita nito ang tunay nitong pagkatao sa kaniya. Inihatid na nga rin siya nito papasok sa trabaho. Mas lumalim na mga ang pagkakakilala niya rito at utay-utay na siyang nasasanay.
Tumango siya. "I don't know, Mhariel pero mukhang 'yong plano natin na akitin siya, nag-work kahit wala naman akong masyadong ginawa. I mean, hindi ko sinasabi na mahal na ako ni Zero pero mukhang napalambot ko naman ang puso niya," masayang pagtatapat niya rito. "Feeling ko close na kaming dalawa."
Makahulugan siyang tiningnan ng kaibigan niya. "So, ano? You're in love with him? Gusto mo na ba ang Zero na iyon? Wait, baka naman hindi siya ang naakit, baka ikaw?" pang-iintriga nito sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. Hindi agad siya nakasagot dahil hindi niya kayang sagutin agad ang tanong na iyon. Kapagkuwa'y umiwas siya ng tingin sa kaharap. Nasa isang restaurant sila dahil lunchtime nila sa trabaho. "H-hindi, Mhariel I'm just happy kasi mukhang nag-work ang plano pero sana tuluyan na siyang maging mabait. Kapag siguro natapos na ang problema niya sa pamilya niya, baka hindi na niya sa akin kunin ang bahay."
Mukhang hindi naman kumbinsido ang kaibigan niya sa naging sagot niya. Mabuti na lang at hindi na ito umimik. Mukhang gutom kasi kaya nilantakan na lang ang pagkain sa harap nito. Nagpatuloy na lang din siya sa pagkain.
Matapos ang trabaho nila, sabay na rin silang umuwi ni Mhariel pero dahil magkaiba sila ng bahay, naghiwalay na rin sila ng daan. Tahimik ang paligid dahil pasado alas-nuebe na rin ng gabi. Tanging mga batok nga aso ang naririnig niya sa paligid.
Nang malapit na siya sa bahay niya, nagtaka siya nang mapansing tila may mga lalaking nakatayo sa harap niyon, apat ang mga ito. May mga hawak silang baston. Kinabahan siya dahil bakit nandoon ang mga ito?
Napahinto siya. Inaninag niya ang mga lalaking nandoon at napansin niyang tila may hinihintay nga ang mga ito. Sino sila?
Humugot siya ng malalim na hininga at lakas ng loob para lapitan ang mga ito. Baka nagkakamali lang siya ng iniisip, baka naghihintay lang ito sa mga kasama at doon lang tumambay sa tapat ng bahay niya.
Kinabahan man pero pilit niyang inihahakbang ang mga paa niya palapit sa mga ito. Halos pigil ang hininga niya habang papalapit siya. Napahigpit pa ang pagkakahawak niya sa lace ng shoulder bag na suot niya.
Mas kinakabahan siya nang mapansin siya ng mga lalaki. Kumunot ang noo ng mga iyon na sinusuri siya.
"E-excuse me po mga, Sir," kinakabahan niyang sabi nang makarating siya sa mga ito. Lalapit na sana siya sa pinto ng bahay nang hawakan siya sa braso ng isang lalaki na may katabaan. Nagsimulang manginig ang katawan niya sa kaba.
"Ikaw ba ang anak ni Fernando?" matapang na tanong ni lalaki.
Nagtaka siya at nangunot ang noo nang marinig ang pangalan ng ama. "P-paano niyo nakilala ang Papa mo?" Nagpumiglas siya para bitawan nito ang braso niya. Binitawan naman nito iyon.
Nakita niyang tila isang maling sagot lang ay sasaktan siya ng mga ito. Nakakatakot ang mga tingin ng mga ito at mukhang hindi sila gagawa ng mabuti.
Ngumiti ang matabang lalaki sa kaniya. "Paano ko makakalimutan ang Papa mo? Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ni Fernando at ang utang niya sa akin." Bumakas ang galit nito sa mukha. "Gusto mo bang malaman kung magkano ang utang ng Papa mo sa akin? Two hindered thousand, hindi pa kasama ang interes doon."
Bumakas ang pagkagulat sa mukha niya. Utang na naman? Two hundred thousand? Saan siya kukuha ng ganoon kalaking halaga? Hindi na nga niya mabayaran ang utang niya kay Zero.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Kaya ba nandito kayo para singilin ang Papa ko? I'm sorry pero wala rito si Papa. Matagal na siyang wala rito, kahit nga ako hindi ko alam kung nasaan siya. Wala kayong makukuha sa akin, dahil wala rin akong pera na ibabayad sa iyo," matapang na sagot niya kahit mukhang magagalit ang lalaki.
Nanliit ang mga mata nito. Marahas siya nitong hinawakan sa braso. Naramdaman niya ang higpit at sakit niyon. Nagpumiglas siya pero hindi nito binitawan iyon.
"Sa tingin mo may paki ako kung nasaan ang Papa mo? Wala akong pakialam kung nasaan man siyang lupalop, naiintindihan mo?" Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa. "Hmm! Dahil ikaw naman ang anak ni Fernando, sa tingin ko sapat ka na bilang kabayaran sa utang niya," makahulugan nitong sabi. Nagsingitian naman ang mga kasama nito.
"Sa tingin ko, Boss kikita ka pa ng doble dahil sa kaniya," sabat naman ng isang lalaki.
Sinalakay siya ng labis na kaba. Ano'ng ibig nilang sabihin? Ano'ng balak nilang gawin sa kaniya? Gumuhit ang pagkabahala sa mukha niya. Sinubukan niyang magpumiglas. "A-ano'ng gagawin ninyo sa akin, huh?"
"Dahil sabi mo wala ka namang pangbayad sa utang ng ama mo, ikaw na lang ang magiging kabayaran." Sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi nito.
Mas nanginig ang katawan niya sa takot. Apat na lalaki sila at kung kaladkarin man siya ng mga ito, wala siyang magagagawa.
"P-please! Huwag po...g-gagawa po ako ng paraan para makabayad sa utang ng Papa ko. Please, bigyan niyo pa po ako ng pagkakataon para makabayad," pagmamakaawa niya.
Ngumiti ang lalaki. "Sa tingin mo papayag ako?" Tumawa ito kasunod ng ilan pang mga naroon.
Napayuko siya nang sindakin siya ng lalaki. 'Zero, please help me,' bulong ng isip niya. Wala siyang alam na makakatulong sa kaniya kung 'di ang binata.
Napasigaw siya nang hilahin siya ng matabang lalaki. Sinubukan niyang magpumiglas pero hindi niya magawang makawala sa lalaki. "Bitawan mo ako!" sigaw niya.
Ilang sandali pa'y may sasakyan huminto sa tapat nila. Nagkaroon siya ng pag-asa nang makilala ang sasakyan. Napangiti siya nang lumabas si Zero sa sasakyan. Pakiramdam niya'y safe na siya dahil nandito na ang binata.
"Bitawan niyo siya," madiin at matapang utos ni Zero sa mga lalaki. Ni hindi niya nakita ang pagkatinag sa mukha nito.
Ngumisi ang lalaki at lumapit ng bahagya kay Zero. Ipinakita pa nito ang baston na dala. "At sino ka namang lalaki ka para makialam dito?"
"I said, let her go bago pa ninyo pagsisihan na nabuhay kayo sa mundong ito," balik nito.
Nagtawanan naman ang mga lalaki may hawak sa kaniya. Nagpumiglas siya. Hindi rin niya maiwasang hindi mag-alala para sa kaligtasan nila ni Zero. Kung lalaban man si Zero, baka hindi nito kayanin ang apat na lalaki na may hawak na baston.
"Bakit ka namin susundin?" hindi natinag na tanong ng matabang lalaki.
"I'm her boyfriend and don't you dare to hurt her o kahit saktan man ang ano mang bahagi ng katawan niya dahil kapalit niyon ang pagkabasag ng mukha ninyo," banta ni Zero na wala man lang katakot-takot.
Nagtawanan lang ulit ang mga lalaki. Kumamot sa noo ang matabang lalaki at mas lumapit pa kay Zero. Kinabahan siya sa gagawin nito. Napasigaw siya nang makita niyang iniangat ng lalaki ang baston nito. Napapikit siya dahil ayaw niyang makitang masaktan si Zero.
Ngumit nagtaka siya nang marinig ang pagdaing ng matabang lalaki. Napaawang ang bibig niya nang makitang nakahandusay ang lalaki at hawak na ni Zero ang baston.
Naramdaman niyang binitawan siya ng mga lalaki. Lumapit ang tatlo kay Zero. Nabahala siya at hindi mapakali. Masyadong silang marami. Iisa lang si Zero, baka hindi nito kayanin.
"Zero," banggit niya sa pangalan nito. Naiiyak na siya dahil siya ang dahilan kung bakit nasa ganoong sitwasyon ang binata. "Mag-iingat ka," tanging nasabi niya.
Tila naman sinusuri ni Zero ang mga kalaban nito. Inihanda nito ang hawak na baston. Bahagya itong umatras. Hindi man lang niya nakita ang pagkabahala sa mukha nito.
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kaniyang damit dahil sa kaba. Pakiramdam niya'y huminto ang pagtibok ng puso niya. Hindi niya kaya kung masasaktan si Zero.
Napasigaw siya at napapikit nang sabay-sabay sumugod ang tatlo. Tanging narinig niya ang tunog ng mga bastong nagtatamaan. Sinubukan niyang magmulat, nakita niya ang pag-ilag ni Zero sa baston na muntik ng tumama sa kaniya. Kapagkuwa'y, mabilis ang naging kilos nito para hampasin sa balakang ang isang lalaki kaya natumba ito. Nasalag ng baston nito ang isa pa, at doon naman niya sinipa ang isa pang lalaki kaya natumba rin ito. Isa na lang ang nakatayo. Humanda ang lalaki. Sumugod ito. Ngumisi lang si Zero. Sinalubong niya ang atake nito at nang magkaroon siya ng pagkakataon, sinipa niya ito sa sikmura.
"Zero!" sigaw niya nang makita ang matabang lalaki sa likod nito. Huli na para makailag pa si Zero, tumama ang baston nito sa mukha niya kaya napahandusay siya.