Kabanata 12

2120 Words
NANG lumabas siya ng silid, nadatnan niyang naghihintay sa sala si Zero. Nakatalikod ito at panay ang tingin sa suot nitong relo. Tila kanina pa itong naghihintay. Huminto siya at pinagmasdan ang tindig nito. Nakatalikod pa lang ito pero ang kisig ng katawan ng binata at ang maayos nito postura ay masasabi na niyang napakagwpo nito at bagay rito ang itim na suit na suot. Kumurap siya dahil tila nasisiyahan na siyang pagmasdan ang gwapong binata. Saglit siyang yumuko at tumikhim. "I'm sorry kung naghintay ka," sabi niya. Parang slow motion na humarap sa kaniya si Zero. Sa pagbungad ng mukha nito, parang biglang huminto ang paligid. Tila ba nagliwanag iyon. Napakaaaliwalas ng mukha ni Zero, nandoon ang taglay nitong kaguwapuhan na mas lumitaw sa suot nito. Kahit sino naman sigurong babae ay mapapatingin dito. Malayo pa lang din siya at amoy na agad niya ang gamit nitong perfume na matapang pero hindi masakit sa ilong. 'Yong tipong kapag dumaan sa harap mo ay mapapalingon ka talaga. Nakadagdah iyon sa s*x appeal ng binata. Kumurap lang siya nang marinig niyang tumikhim ang binata. Nakapamulsa ito at saglit na yumuko. "Shall we?" tanong nito. Alangan siyang ngumiti. Bigla siyang nahiya sa binata dahil napatitig siya rito. Hindi naman kasi niya masisisi ang sarili dahil hindi naman siya sanay makakita ng gwapo at kasama pa niya sa iisang bahay. Dahan-dahan siyang naglakad sa binata dahil sa suot niyang four inches heels na matagal na niyang hindi nasusuot. Akala niya'y magsusungit sa kaniya ang binata pero mukhang wala ito sa mood na magalit o magsungot sa kaniya. Inilahad nito ang mga palad sa harap niya. Nagtataka niyang tiningnan iyon. Nagdalawang isip pa siya kung tatanggapin iyon o hindi. Nag-angat siya ng tingin sa binata na nagtatanong. Kumurap ito at bahagyang kumiling ang ulo. Napakamot pa ito sa noo. "We're going to a party as couple, Angelica so we need to act like one," paliwanag nito. Ngumiti siya nang maalalang iyon nga pala ang gagawin niya. "Oo nga pala," nahihiyang sabi niya. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa paghawak lang kamay nila ng binata. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanang kamay niya para ibigay sa binata. Pakiramdam niya'y may malamig na kamay na humawak sa kaniya nang magdampu ang kanilang mga palad. Tila may kung ano'ng pakiramdam ang gumapang sa kaniya dahil lang doon. Napalunok siya dahil hindi siya sanay na may nakahawak sa kamay niya dahil hindi naman siya nagkaroon ng nobyo. Naiilang siyang tumingin kay Zero. Inilagay ni Zero ang kamay niya sa braso nito. "Act normal, Angelica and go with the flow when we're on the party, ok?" paalala nito. Tumango lang siya at simpleng ngumiti sa binata. Nararamdaman niya ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya dahil sa kaba kung ano'ng mangyayari sa party na iyon. Ni hindi niya kilala ang mga taomg naroon kaya paano niyang pakisamahan ang mga naroon? Marahan siyang iginiya ni Zero palabas ng bahay. Binalingan niya ang kamay nilang nakahawak sa braso nito. May nakapa siyang konting kiliti sa puso niya marahil dahil iyon ang unang pagkakataon naranasan niya iyon. Pakiramdam niya'y isa siyang prinsesa na napapanood niya noong bata siya na may prinsiping nasa tabi mo para protektahan at alalayan ka. Nang makalabas sila ng bahay, bumitaw siya sa binata para isara nito ang bahay. Naramdaman agad niya ang malamig na simoy ng hangin kaya niyakap niya ang sarili. Luminga siya sa paligi. Madilim na roon at tanging ilaw lamang sa mga street ang tanglaw. Kapagkuwa'y napakunot ang noo niya nang may mapansin siyang bulto 'di kalayuan sa kanila na nakatingin sa gawi niya. Mas inaninag niya iyon. Tila nakahalata iyon kaya mas itinago nito ang sarili sa posted ng kuryente. Hindi niya alam pero kinabahan siya. Dahan-dahan soyang humakbang para mas malapitang makita ang bultong iyon. Napalunok siya nang mapagtantong pamilyar sa kaniya ang tindig at laki ng taong nandoon. "P-Papa?" mahinang banggit niya. "Angelica, let's go," narinig niyang aya ni Zero pero hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa paghakbang, pabilis ng pabilis. "Papa," sigaw niya. Naramdaman niya ang labis na pangungulila para rito kasunod ng sakit at poot niya rito pero sa kabila niyon, gusto pa rin niya itong makita. "Angelica," sigaw ni Zero. Sinundan siya nito at nang maabutan siya ng binata, hinawakan siya nito sa braso para pigilan. "Angelica, ano ba? We're going to a party," sambit nito. Hinarap niya ito. "S-si, Papa, Zero nakita ko si Papa. A-alam kong si Papa iyon," pagtatapat niya sa binata na bakas ang pag-asa at lungkot sa mukha. Bumuntong-hininga ito. "Hanggang ngayon ba umaasa kang magpapakita sa 'yo ang Papa mo? Sa tingin mo kung gusto niyang magpakita sa 'yo, kailangan mo pa rin siyang hanapin? Look, Angelica mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Kung ang Papa mo man ang nakita mo at gusto niyang makita mo siya, matagal na sana siyang lumabas sa pinagtataguan niya," litanya nito. Hindi siya nakaimik dahil alam niyang may punto si Zero. Yumuko siya kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Masama ang loob niya sa kaniyang ama pero gusto pa rin niya itong makita at makausap. "I want to see him, Zero," umiiyak na pagtatapat niya. Hindi na niya alintana kung masira man ang make up niya. Narinig niya ang malalim na paghinga nito. Saglit pa itong lumingon sa lugar kung saan niya nakita ang kaniyang ama. "Gusto mo pa rin siyang makita sa kabila ng ginawa niya sa 'yo?" tanong nito. Tumango siya. "Gusto ko siyang makita at makausap. Oo, masama ang loob ko sa kaniya pero siya pa rin ang ama ko at kami na lang dalawa ang magdadamayan," malungkot na pagtatapat niya. "Gusto ko lang marinig ang paliwanag niya at handa akong tanggapin siya ulit. Magtutulungan kaming bayaran lahat ng utang niya." Panagdikit ni Zero ang mga labi nito at marahan siyang binitawan. "Ok, fine I'll help you to see your father, but for now stop crying masisira ang make up mo," saway nito sa kaniya. Kinuha nito sa bulsa ang panyo nitoa at ibinigay sa kaniya. "Kung iiyak ka nang iiyak, masisira ang gandang mayroon ka." Saglit na napatingin siya sa panyo at nag-angat ng tingin sa binata. Sandali lang itong tumingin sa kaniya at agad ding umiwas. Kinuha niya ang panyo at marahan at maingat na pinahid ang luha sa mga mata niya. "Totoo ba ang sinabi mo?" pagkaklaro niya. "If that's make you happy, Angel I'll help you pero ngayon, ako muna ang tulungan mo," sagot nito. Sa kabila ng lungkot na nararamdaman niya, napangiti siya ng binata dahil sa sinabi nito. "Salamat, Zero!" natutuwang sabi niya habang malawak ang ngiti. Tumango ito. "Let's go," aya nito sa kaniya. Binalingan siya nito na seryoso lang ang mukha pero tumalikod din ito at naglakad na patungo sa sasakyan nito. Sumunod naman agad siya rito. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan kaya mas naramdaman niyang isa siyang prinsesa nang gabing iyon. Matapos nilang sumakay, umandar na ang sasakyan ni Zero. Mabuti na lang at hindi masyadong nasira ang make-up niya. May dala rin naman siyang pang-retouch kaya ginawa na niya iyon sa loob ng sasakyan. Habang papalapit sila, mas kinakabahan siya dahil hindi naman siya nakakadalo sa mga party ng mayayaman. Paano rin siya aaktong nobya ni Zero gayong hindi naman talaga sila. Ilang sandali pa at huminto na ang sasakyan ni Zero, hudyat na nandoon na sila sa lugar kung saan gaganapin ang party. Bumaba ito para pagbuksan siya ng pinto. Hindi na siya nagulat nang ilahad nito ang palad sa harap niya. Tiningnan niya muna iyon bago kinuha. Marahan siyang bumaba ng sasakyan kasunod ng malakas na kabog ng dibdib niya. Kumapit siya ng mahigpit sa braso nito. "You don't need to talk with them, Angel ngumiti at tumango ka lang sa kanila," paalala nito bago siya iginiya papasok sa isang hotel kung saan halatang mayayaman lang ang makaka-afford. Sumalubong sa kanila ang maingay na silid kung saan agad napansin ng mga mata niya ang nagagandahan at nagagwapuhang mga naroon. Sa mga suot pa lang nilang damit, masasabi ng mayayaman sila. Parang nanliit siya dahil hindi naman siya bagay doon. Pagpasok pa lang nila roon, nakita na niya ang mga naroon na ngumingiti at tumatango may Zero na ginagantihan naman nito. Ni wala siyang ideya kung ano bang party ang dinaluhan niya. "Let's welcome our new CEO of Cordalez Group of Company, Yuan." Napahinto siya at nagtaka sa narinig kasunod ang malakas na palakpakan ng mga tao roon. Lahat ng naroon ay nakatutok sa entablado at sa lalaking umakyat doon. Kumunot ang noo niya. Cordalez? Nilingon niya si Zero at napayuko ito. Dama niya ang kakaibang lungkot ng binata. Sino ang naroon sa stage? Kapatid ba siya ni Zero? Hindi na niya naintindihan ang mahabang speech ng ng lalaking tinawag na Yuan. Nanatili ang mga mata niya kay Zero na parang hindi masaya sa nasa unahan. Ito ba ang sinasabi niyang pamilya niya na walang pakialam sa kaniya? Kung ganoon bakit um-attend pa rin siya sa party na ito? Marahan niyang pinisil ang braso ni Zero. Hindi niya alam pero gusto niyang iparamdam sa binata na nandoon siya sa tabi nito. Muling malakas na palakpak ang narinig nila sa apat na sulok ng silid. Nababahala siya at nag-aalala para kay Zero dahil mukhang hindi maganda ang relasyon nila ng at ng lalaking nagsalita kanina. "Z-Zero, are you ok?" lakas-loob na tanong niya sa binata dahil napansin niya ang pananahimik nito. Humarap ito sa kaniya na walang expression ang mukha. "I used to it, Angel." Umiwas din agad ito ng tingin sa kaniya. Muli itong nakipagngitian at tanguan sa mga naroon habang siya'y nasa tabi lang nito at hindi magawang tumingin sa mga naroon. Kapagkuwa'y huminto muli si Zero at nakipagkamayan sa isang lalaki. "I'm glad you're here, hijo, kumusta?" ani ng lalaki. Ngumiti si Zero. "I'm fine, Tito I'm here to witness my brothers success," sagot naman nito pero bakas doon ang sama ng loob. Maging ang lalaking tinawag nitong Tito at hindi naitago ang lungkot sa mukha. Tinapik nito ang balikat ni Zero. "I'm sorry, Zero wala akong nagawa sa desiyon ng Daddy mo. You supposed to be the CEO of your Dad's company, pero mukhang tuluyan nang napikot ng step monther no ang isip ng iyong Daddy para alisin ka niya sa posisyon at ipalit ang step brother mo na wala namang ambag sa paglago ng negosyo ng pamilya mo." Yumuko si Zero pero nag-angat din ng tingin sa matadang lalaki. "It's ok, Tito hindi rin naman ako papayag na manatiling CEO si Yuan, what's he know about managing ang big company? He's just a spoiled son with my father's money." Suminghap ito. Siya naman ay windang sa mga narinig niya mula sa usapan ng dalawa. Ganoon ba talaga kakumplikado ang buhay ni Zero? Ang sarili niyang ama ay inalis siya sa kompanya para ipalit ang hindi naman nito anak? Kaya ba pinilit ni Zero na manatili sa bahay nila? Mas lalo lang siyang naawa sa binata dahil sa mga nalaman niyang totoong kalagayan nito. Hindi pala ito swerte sa kabila ng karangyaang natatamasa nito. Bumuntong-hininga ang kausao nito. Naagaw naman niya ang atensyon ng kaharap nila. "Who's she?" usisa nito sa kaniya. Binalingan siya ni Zero at tumango. Tiningnan niya ang lalaking tinawag nitong Tito at magalang na ngumiti. "Hello po, nice meeting you po," agad na sabi niya. "She's my girlfriend, Tito, Angelica," pakilala nito sa kaniya. Halatang nagulat naman ang lalaki. "Ow! I'm happy to know that finally you have a girlfriend," tila proud na anito. Ngumiti ito sa kaniya. "Nice meeting you, hija I'm Zero's Uncle Tom," pakilala naman nito. Ngumiti at tumanggo siya sa Ginoo. Marami pang pianag-usaoan ang dalawa pero wala naman siyang maintindihan kaya nakikinig na lang siya. Ilang sandali pa'y nakita niyang lumapit sa kanila ang lalaking nagsalita sa unahan kanina. Kasama nito ang isang magandang babae na sa tantiya niya ay mas matanda lang sa kaniya ng ilang taon. "Ow! My brother you're here. Akala ko kasi'y hindi ka pupunta para saksihan ang moment ko as a new CEO," agad na salubong ng lalaki. Hindi niya maiwasang hindi mapataas ng kilay dahil sa pagsasalita pa nito ay hindi na niya ito gusto. May pagkamayabang kasi iyon. Hindi ngumiti si Zero. Seryoso lang nitong tiningnan ang step brother pala nito. Kahit siya'y uminit agad ang dugo rito dahil mukhang hindi nga ito gagawa ng mabuti. Ngumisi si Zero. "Hindi ko palalampasin ang makita kang masaya sa sinasabi mong success, Yuan para makita ko kung paano ka madurog oras na mawala sa iyo ang posisyon mo," madiing ani Zero. Ngumiti pa rin ito kahit peke iyon. "Anyways, congratulations." Saka tumalikod ito at iginiya siya palayo sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD