Kabanata 11

1732 Words
HALOS iuntog ni Angelica ang ulo niya nang magising siyang walang saplot habang yakap siya ni Zero sa isang sofa na hindi naman kalakihan pero nagkasya sila. Nawindang siya nang mapagtanto ang nangyari nang nagdaang gabi. Hinayaan niyang lamunin ng tukso at buong pusong isuko ang sarili sa binata. Ano na naman itong ginawa niya? Bakit hindi man lang siya tumanggi para hindi iyon nangyari? Halos hindi na magkaayos ang mukha niya dahil sa pagkagusot niyon at sa inis niya sa sarili. Dama pa niya sa kaniyang balat ang init ng katawan ni Zero. Nakaunan siya sa mga bisig nito habang pati ito'y walang saplot at mahimbing pa ang pagkakatulog. Dahan-dahan ibinaba niya ang paningin niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakalantad nitong p*********i. Agad siyang umiwas. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at napapikit ng mariin. Sa isip niya'y pinagagalitan na niya ang sarili dahil sa katangan at kurupukan niya. Paanong nagawa niyang ipaubaya ang katawan niya sa lalaking hindi naman niya boyfriend? Natampal niya ang noo. Bumuntong-hininga siya, saka dahan-dahang gumalaw para umalis sa tabi ni Zero. Marahan ang bawat galaw niya para hindi magising ang binata. Maingat na ibinaba niya ang isang binti sa sahig at nang isusunod na niya ang isa pa, narinig niya ang pagkatok sa pinto. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata niya. Sino'ng nasa labas at kumakatok? Mas nawindang siya nang mapansin malinawag na pala sa labas. Nakagat na naman niya ang labi at mariing pumikit. Halos malaglag ang puso niya nang maramdaman niyang gumalaw si Zeron. Napasandal siya sa sofa at naramdaman niya ang pagdampi ng p*********i nito sa hita bahaging likod ng hita niya. Dahan-dahan siyang gumalaw para umayos ng at umalis sana sa ibabaw nito pero... "Angel! Angel, nandiyan ka ba sa loob?" narinig niyang sigaw ni Mhariel mula sa labas. Para siyang nahulog sa pagkakaupo niya sa gulat. Si Mhariel nasa labas? Ano'ng gagawin niya? Binalingan niya si Zero at saktong nagmulat ito ng mga mata. Bakas ang pagtataka sa mukha nito nang titigan siya sa ganoong posisyon. Bumaba ang tingin nito sa katawan niya kaya tinapik niya ang mga braso niya. Nanlaki ang mga mata ng binata at napaawang ang bibig nang marahil napagtanto nito ang nangyari. Mabilis itong bumangon kaya halos matumba siya dahil nakapatong siya sa ibabaw nito. "Sh*t! A-ano 'tong ginawa ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Zero. Kinuha nito ang short sa lapag at tumalikod sa kaniya, saka sinuot ang short. Humarap ito sa kaniya habang yakap niya ang sarili habang nakaharang ang tuhod niya sa katawan niya. Hindi niya magawang tumingin sa binata. Lumapit ito sa pajamang suot niya at binigay iyon sa kaniya. Kukunin din sana nito ang suot niyang sando pero sira na iyon kaya ang ginawa nito, kinuha nito ang damit na supt nito kagabi at ibinigay sa kaniya. Kita niya ang pagkagulo sa mukha ng binata. Naisuklay nito ang sariling mga daliri at naihilamos ang palad sa mukha. "A-Angelica, I-I'm sorry," paghingi nito ng paumanhin. Malungkot niyang tiningnan ang binata. Hindi naman nito kasalanan ang nangyari dahil sa naaalala niya, kusa niyang ibinigay ang sarili niya sa binata. "Angel! Angel, si Mhariel ito." Kumunot ang noo ni Zero pero agad napalitan ng pagkagulat ang mukha nito. "I-Is she your friend?" nababahalang tanong nito. Dahan-dahan siyang tumango. Hindi niya magawang kumilos dahil nasa harap niya ang binata. "Damn! Bilisan mo na riyan, magpalit ka na damit mo," tarantang sabi nito. Tumalikod ito sa kaniya para magawa niya iyon. Bilis-bilis na sinuot niya ang pajama at ang itim na t-shirt na suot ni Zero kagabi. Nang matapos siya, tumayo na siya at mabilis na inalis ang mga boteng nasa lamesa at ang damit niyang nasira. Nang maligpit niya ang lahat, inayos naman niya ang sarili at kinalma bago harapin ang kaibigan. Hindi sana ito makahalata sa nangyari. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at kinakabahan iyong binuksan. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mata ng kaibigan dahil baka mapansin nitong kinakabahang siya. Agad ngumiti si Mhariel. "Oh? Kanina pa akong kumakatok, eh, bakit ngayon ka lang lumabas!" agad na tanong nito at walang pasabing pumasok sa loob ng bahay. Pipigilan sana niya ito pero huli niya. Napahinto ito at nagulat nang makita si Zero na naka-short lang habang nakalantad ang nagwawalang abs nito. "H-hi," alangan at nahihiyang bungad ni Mhariel. Ngumiti naman si Zero pero hindi rin nito magawnag tumingin sa kaibigan niya. Tumalikod si Zero at naglakad na patungo sa silid niya. Binalingan siya ng kaibigan kaya yumuko siya. Kumunot ang noo ni Mhariel at muling tumingin kung saan nandoon si Zero. Pilit niyang tiningnan ang kaibigan. Naglakad siya patungo sa sofa. "Bakit ka nga pala nandito? It's too early," tanong niya. Mas nangunot ang noo ni Mhariel nang mapansin nito ang damit niya na halatang panglalaki iyon dahil mas malaki iyon sa damit niya. "Teka nga, Angel pang-lalaki ba 'yang suot mong damit?" usisa nito. Natigilan siya nang uupo na sana siya sa sofa. Hindi niya maigalaw ang katawan niya. Napalunok siya. Kapagkuwa'y lumapit sa kaniya ang kaibigan at hinarap siya. Umiwas siya ng tingin. "O-oo, D-Damit ito ni Papa, wala kasi akong makitang damit kagabi," dahilan niya na umaasa siyang paniniwalaan ng kaibigan. Mas lalong nagtaka si Mhariel. Nag-isip ito. "Teka, as I remember hindi naman ganiyan kalaki si Tito para magkaroon siya ng damit na ganiyan?" Pilya itong ngumiti nang may maalala. "Teka nga, Angel tell me, kay Zero ba ang damit na suot mo? I saw her kanina, wala siyang saplot. Hmm! Ano'ng hindi ko alam, huh?" usisa nito sa kaniya na para bang isa itong detective sa husay nitong manghula. "H-huh?" kunyaring gulat na reaction niya. Pilit siyang tumawa. "N-nababaliw ka na ba, Mhariel? Bakit ko naman susuotin ang damit ng babaeng iyon, huh? 'Di ba nga hindi naman kami close noon kaya bakit ko susuotin ang damit niya at ano'ng dahilan?" mabilis na paliwanag niya na halata doon amg tensyon. Mas nangunot lamang ang noo ni Mhariel. "Sigurado ka?" Nabahala siya nang tila suminghot ang kaibigan niya at nakaamoy ito ng amoy alak. Mas makahulugan at mapanuring tingin ang binato nito sa kaniya. "Teka nga, tama ba ako ng naamoy, alak iyon?" gulat na tanong nito. Hindi mapakali ang mga mata niya at maging ang isip niyang hindi makagawa ng salitang ibabato sa kaibigan para itago ang totoo. "Sorry, Mhariel kung may amoy alak, I was drunk last day. Uminom ako mag-isa." Kapwa sila napatingin kay Zero na kalalabas lang sa silid nito. Nakasando lang ito at tila ata papunta ito ng banyo. Nakahinga siya ng maluwang nang magsalita ito dahil tila naman na-convince niyon ang kaibigan. Tumango pa nga ito. Alangang ngumiti si Mhariel. "Ah, ganoon ba? Sorry," sabi nito. Binalingan siya nito na tila nakonsensiya af nahiya dahul narinig ni Zero ang mga sinabi nito. Palihim siyang napangiti dahil sa pagsagip sa kaniya ni Zymon. Kahit pa paano'y nabawasan ang kaba at pangamba niya na baka kung ano'ng isipin ni Mhariel sa kaniya at kay Zero. Ayaw niyang magkaroon mg kahit ano'ng issue sa kanila. "Bakit ka nga ba nandito ng ganito kaaga?" muling tanong niya. "Eh, kasi naman hindi kita ma-contact, magpapasama sana ako sa 'yo mag-shopping," anito. Kumunot ang noo niya. "Huh? Shopping?" Umirap siya. "Hindi mo ba kayang mag-shopping mag-isa?" Kumapit sa braso niya ang kaibigan at bahagya iyong niyogyog. "Sige na, please," pagmamakawa nito. Bumuntong-hininga siya at seryoso itong tinitigan. Napa-cute pa ito sa harap niya. "Sige na," pagpayag niya. Tumaas ang kilay niya. "Maliligo lang ako," paalam niya. Binitaww siya nito at naglakad na siya papasok saa silid niya. Nakahinga siya ng maluwang dahil nalusutan nila ang kaibigan niya. Natampal niya ang noo nang sumandal siya sa likod ng pinto. Hindi pa siya nakuntento. Humarap siya sa pinto at inuntog ang sarili roon. "Ano na naman bang ginawa mo, Angelica?" sermon niya sa sarili. — MATAPOS nilang mag-shopping ng kaibigan niya, umuwi na rin agad siya dahil naalala niya ang party na sinabi ni Zero sa kaniya. Hindi naman siya pwedeng tumanggi sa binata dahil slave nga siya nito at lahat ng gusto nitong gawin niya ay kailangan niyang gawin. Handa niyang sundin ito para lang hindi sa mawala ng tuluyan ang bahay sa kaniya. Nadatnan niyang wala si Zero sa bahay at hindi naman niya alam kung saan ito nagtungo. Halos mabaliw siya sa kakaisip sa nangyari sa kanila. Paano niya ito haharapin? Wala na siyang mukhang maihaharap sa binata matapos nang nangyari kagabi. Pasado alas-singko na ng gabi nang dumating si Zero sa bahay. Suot pa rin nito ang seryosong mukha. Pakiramdam niya'y muling bumalik ang dating Zero na nakilala niya at agad nawala ang Zero na nakilala lang niya kagabi. "Prepare yourself, Angelica aalis tayo ng alas-sais." Hindi man lang siya nito nilingon at dinaanan lang siya sa sala patungo sa silid nito. Mabuti na rin siguro iyon para hindi siya mahirapan kung paano ito haharapin. Sumimangot siya. Ni hindi niya alam ang gagawin niya sa partu na iyon o kung dapat bang nandoon siya para magpanggap na nobya nito. Bakit kailangan niyang gawin iyon? Kahit ano namang isipi niya hindi niya iyon masasagot. Laylay ang balikat na tumayo siya at naglakad patungo sa silid niya. Naligo muna siya at inayos ang sarili. Naglagay siya ng konting make-up, pinusod niya ang buhok na lumagpas sa balikat niya. Hindi naman sa kaniya bago ang maglagay ng kolorete sa mukha dahil ginagawa naman niya iyon kapag papasok sa trabaho. Marunong din siyang mag-make up na babagay sa event na pupuntahan. Marahil dapat alam naman talaga iyon ng mga babae. Napangiti siya ng makita ang sarili sa harap ng salamin ma malayo sa kaninang hitsura niya. Pinalitaw niya ang kaniyang pilik-mata, nilagyan ng hugis ang kaniyang mga kilay, mas pinalabs din niya ang hugis mg kaniyang ilong at mga labi. Binagay din niya ang hindi matingkad na pink lipstick sa white dress na suot niya. Mas lalo siya kinabahan nang suotin niya long dress na binili ni Zero para sa kaniya. Nang humarap siya sa harap ng salamin, namangha siya sa sarili dahil parang ibang Angelica ang nakikita niya sa refection ng salamin. Napakaganda niya at hindi mapagkakamalang isang mahirap lamang. Bumagay naman kasi sa kaniya ang dress na iyon. Mas lumabas ang hugis ng katawan niya. Lumabas ang mapuputi niyang hita. Kahit siya ay napuri ang sarili. "Napakaganda mo, Angelica," masayang sabi niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD