HINDI mapakali si Angelica habang nasa loob siya ng silid nito. Nagi-guilty kasi siya sa mga sinabi niya kay Zero nitong mga nakaraang araw at iyon ata ang dahilan kung bakit hindi siya nito pinapansin. Para lang siyang hangin kapag nagkakasalubong siya. Ilang araw na niyang iniisip na kausapin ito pero inuunahan siya ng kaba at hindi rin niya alam kung paano sisimulan. Alam kasi niyang nasaktan niya ang binata sa kabila ng pagtulong nito sa kaniya. Ni hindi niya nagawang magpasalamat dito.
Lumingon siya sa orasan sa wall. Alas-otso na ng gabi pero wala pa rin si Zero. Nagluto pa naman siya para sa pag-uwi nito. Nagpasiya siyang lumabas ng silid para hintayin sa sala ang binata. Hindi na kasi niya kayang tiisin ang konsensiya at ang sarili niya na makausap ito. Hindi na siya sanay na hindi siya nito pinapansin o tinitingnan man lang. Nami-miss na agad niya ang mga bagay na ginagawa nito sa kaniya.
Hindi siya mapakali sa upuan niya. Mayamaya rin ang lingon niya sa pintuan at naghihintay na bumukas iyon at iluwa si Zero. Ilang sandali pa siyang naghintay pero wala pa rin ang binata. Kinakabahan na siya dahil baka sa galit nito sa kaniya ay hindi na ito umuwi ng bahay.
Naging alisto ang mga mata at pandinig niya nang marinig niya ang sasakyang huminto sa labas ng bahay. Umayos siya ng upo at kinakabahan habang excitement na nag-aabang sa iluluwa ng pinto.
Hindi nga siya nagkamali, si Zero iyon. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at nilapitan ang binata. Ngumiti siya rito pero saglit lang siya nitong tiningnan at naglakad palayo sa kaniya.
Hinabol niya ito. Hinawakan niya ito sa braso para huminto ito. "Z-Zero, I'm sorry," puno ng lakas na loob na sabi niya. Hindi siya rito makatingin kaya yumuko na lang siya. "I know I was wrong, nagkamali ako na pinag-isipan kita ng masama sa kabila ng pagtulong mo sa akin," patuloy niya. Binitawan na niya ang kamay nito.
Nag-angat siya sa binata kahit tila tinatambol ang puso niya sa kaba. Walang expression ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya at umiwas din ito. "If you don't want me, Angel tell me." Muling bumalik sa kaniya ang mga mata nito. Kung sa tingin mo kaya ako nandito because of my damn hidden intention, aalis ako para mapatunayan kong lahat ng ginawa ko sa 'yo, lahat iyon para tulungan ka kasi I care for you. K-kasi mahal kita." Puno ng senseridad ang boses at mukha nito na para bang mas lalong nagpa-guilty sa kaniya.
Yumuko siya dahil hindi niya kayang titigan ang binata dahil nasaktan siya. Umiling siya at binalingan ito. "Hindi iyon ganoon, Zero. I don't want you to leave me dahil ang totoo, gusto ko ngang kasama ka, eh. I want you to stay here. Isa pa, s-sa iyo naman ang bahay na ito at kung may dapat mang umalis ako iyon," malungkot na balik niya.
Bumuntong-hininga si Zero. Suminghap ito at saglit na kumiling. "I just want you to realize na lahat ng ginawa ko, lahat iyon para sa iyo at hindi dahil sa kung ano'ng plano ko," giit nito.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Seryoso at malamlam ang mga matang tiningnan niya ang binata. "I'm sorry, Zero kung nasaktan man kita dahil sa mga sinabi ko. I'm very sorry at hindi ko gustong umalis ka." Bahagya ulit siyang yumuko. Pinaglalaruan niya ang sariling mga daliri. "Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Thank you! At kung kailan kong bayaran—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang hapitin ng binata at angkinin ang mga labi niya. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata pero sa huli'y hinayaan niya ang binatang lasapin ang mga labi niya. Pumukit siya habang nakakapit sa braso nito. Namalayan na lang niya ang sarili na gumaganti sa mga halik nito sa kaniya.
Muli na naman niyang nararamdaman ang kakaibang pakiramdam sa tiyan niya na akala mo'y may mga butterfly doon. Mas bumilis din ang t***k ng puso niya na hindi na iyon bago sa kaniya sa tuwing malapit sa kaniya ang binata.
Halos habol nila ang kanilang mga hininga nang maghiwalay sila sa masuyo at puno ng pagmamahal na halik na iyon. Hindi siya nakatingin sa binata dahil nahihiya pa rin siya rito.
Naramdaman niyang hinawakan ni Zero ang baba niya at marahan iyong tinaas para tingnan niya ito. "Angel, I love you and I'm willing to do everything for you," masuyo nitong sabi. Ngumiti ito na bakas doon ang ligaya.
Hindi agad siya nakasagot. Napalunok siya dahil binabalot siya ng kaba at kakaibang excitement sa lalabas sa bibig niya. Hindi rin maikakaila ang sumusigaw niyang puso na sagutin ito ng ganoon din.
Masayang mga ngiti ang kumurba sa mga labi niya. "Thank you, Zero. I love you! Yes, you heard me right, Zero mahal din kita," pagtatapat niya habang nanatili ang maliwanag niyang ngiti. Nagulat naman ang binata sa narinig at hindi maipaliwanag ang sayang gumuhit sa mukha nito.
Bago pa man makapagsalita si Zero, agad niya itong hinalikan na puno ng pagtugon sa pagmamahal nito para sa kaniya. Walang mapagsidlan ang ligayang pinaparamdam sa kaniya nito at sana'y hindi na nga iyon matapos pa.
—
HANGGANG sa mga oras na iyon, hindi pa rin siya makapaniwala na mararamdaman niya kay Zero ang pagmamahal na hindi naman niya hinanap pero kusang dumating sa kaniya. Parang kahapon lang nang makilala niya ito pero ngayon, malaya na nilang naipaparamdam ang pagmamahal sa isa't isa sa araw-araw.
"WHAT?" gulat at hindi makapaniwalang reaction ni Mhariel ng aminin niya ang tungkol sa relasyon nila ni Zero. Matagal na rin naman niyang itinago iyon sa kaibigan kaya siguro panahon na para malaman nito. "P-paano at kailan pa?"
Nahihiya at kinikilig siyang ngumiti. "I'm sorry, Mhariel itinago ko sa 'yo. Nahihiya kasi akong aminin sa iyo kasi 'di ba nga, aakitin ko lang dapat siya pero ako 'yong naakit, eh." Alangan siyang ngumiti.
kumunot ang noo ng kaibigan niya at tinaasan siya ng kilay. "Naku! Ikaw, huh, kailan ka pa natutong maglihim sa akin? At talagang kilig na kilig ka riyan. Ano, proud na imbis na ikaw ang umakit, ikaw ang naakit?" anito na parang nagsesermon.
Natawa siya sa kaibigan dahil sa reaction nito. "Bakit parang hindi ka masaya na finally may boyfriend na ako?"
Tiningnan siya nito na para bang inaalam ang pinaka nararamdaman niya. Kapagkuwa'y ngumiti rin ito sa kaniya. "Of course, masaya ako for you dahil matagal ko ng pangarap na magka-boyfriend ka, 'no. Saka, you're lucky dahil si Zero iyon dahil solved na ang problema mo," masayang sabi nito.
Sumeryoso siya. Bumaling siya sa milk tea niya at saka ininom iyon. "Sa tingin mo ba kailangan kong tanggapin ang ganoong sitwasyon? I mean, I'm not his wife, girlfriend lang niya ako at malaking halaga ang utang ng Papa ko sa kaniya." Bumuntong-hininga siya. "Idagdag pa ang mga utang ni Papa sa mga bombay at mga sindikato na binayaran niya."
"What? Pati utang ni Tito sa ibang mga tao, binayaran niya?"
Tumango siya. "Ano na lang iisipin ng ibang tao, ng pamilya ni Zero? Isa pa hindi lang din naman ako ang may problema, maging siya." Kumurap siya at nawala ang saya sa mga labi. Malaki pa nga ang problema ni Zero dahil sa nawawalang two million sa kompanya ng Daddy nito at sa binata iyon sinisisi.
—
"KUMUSTA 'yong imbistigasyon sa nawawalang pera sa kompanya ng Daddy mo?" tanong ni Angelica kay Zero habang nasa sala siya. Nakasandal siya sa dibdib nito habang nakaupo ito sa sofa. Nakayap din ang mga braso niya.
Bumuntong-hininga si Zero. "Lahat ng Transaction ng pera lahat nakalagay sa bangko ko at hindi ko alam kung paano iyon nangyari, gayong wala naman akong nakuhang ganoon kalaki sa bangko ko," frustrated nitong paliwanag.
Mas siniksik niya ang sarili sa dibdib ng binata. "Maghintay pa tayo, Zero dahil naniniwala ako na lalabas ang totoo at kung may kinalaman man dito si Yuan, dapat niyang pagbayaran iyon."
Pinulupot ni Zero ang braso nito sa kaniya. "Don't worry about Me, My Angel dahil hindi ako papayag na hindi lumabas ang totoo. Napag-imbistiga na rin ako ng bukod na hindi nila nalalaman dahil alam kong may mali sa imbistigasyon nila," anito. Hinalikan pa siya nito sa ulo.
Ngumiti siya at tumingala sa nobyo. Mas lalo lamang siyang humahanga sa binata dahil sa kabila ng problema nito, nagagawa pa rin nitong ngumiti at pasayahin siya. "Naniniwala ako sa 'yo, Zero at alam kong inosente ka." Kinintalan niya ito ng halik na nagpangiti rito.
Bahagya itong kumiling. "You really know how to make me smile, My Angel." Pumikit ito saglit at tumingin sa kaniya. "You're too clingy at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. The first time you tried to seduce me, halos masunog ako sa init na nararamdaman ko noon. You look so sexy that night habang suot mo ang itim at manipis na damit na iyon," nangingiting pag-amin nito. "Simula nang gabing iyon, hindi ka mawala sa isip ko at ang maganda mong katawan."
Kumunot ang noo niya at ngumuso. "Kaya pala palagi kang nakatingin sa akin dahil pinagnanasaan mo ako? Well, ok lang naman sa akin basta ako lang ang titingnan mo."
Natawa ito pero agad ding sumeryoso. "Don't worry, My Angel dahil ikaw lang ang maganda at sexy para sa akin. You're special," masuyong sabi nito, saka siyang hinalikan sa mga labi.