CHAPTER 6
Liberty froze on her seat. Naramdaman niya ang pang-iinit ng kanyang pisngi sa sobrang kahihiyan. Sinubukan niyang ngumiti ngunit nauwi sa isang ngiwi.
"S...ir," she stuttered. Tumatagos sa kalamanan niya ang titig nito.
"In my office. Now."
Tinalikuran siya nito. Hindi naman agad siya nakagalaw sa kanyang puwesto. Ano na namang kagagahan ang nagawa niya? For God's sake, nakailang puntos na siya sa katangahan!
"Girl! Gora ka na ro'n," bulong ni Ruth sa kanya.
"Lagot na. Bakit mo ba kasi nasabi 'yon? Baka sisantehin ka na no'n." Si Evelyn.
Bumuntong hininga si Liberty. Iniisip niyang kung mangyayari nga iyon, dapat ay may plan B siya. She closed her eyes and nodded on her own thoughts. Ang taong gipit, sa talim kumakapit. She had no choice but to seduce the mighty CEO kung sakaling mapapalayas nga siya sa unang araw niya sa kompanya.
"Huwag kang mag-alala, girl, tutulungan kitang makahanap ng bagong trabaho kung sakali ngang..." Ruth trailed off. May bahid ng lungkot sa mga mata nito.
"Okay lang." Ngumiti siya--iyong matapang. Actually, hindi naman niya iniisip iyon. Ang iniisip niya ngayon ay kung paano niya maaakit si Theo para hindi siya mapalayas! Hindi puwedeng lalagpas sa mga kamay niya ang pagkakataong ito. She's almost in the middle of her mission.
"Sige, ha?"
Tumayo na siya at mariing tiningnan ang glass door na kakasara pa lamang. Bago pa man siya tuluyang humakbang papunta roon ay pinigil siya ni Evelyn.
"Bakit?" mahinahong tanong niya. Namilog siya nang may inabot ito sa kanya.
"Pasensya ka na, ha? 'Yan lang kasi ang meron ako. Alam ko kasing kailangan mo 'yan. Lakasan mo lang, baka sakaling maawa si Sir at magbago ang isip niya," aniya.
Magiliw namang ngumiti si Liberty at inabot ang tissue.
"Salamat."
"Kaya mo 'yan, girl..." sabay na sabi ng dalawa bago siya naglakad papuntang pinto.
She blew a heavy breath. She imagined a scene inside her mind. Sana kakayanin niyang gawin iyon. She was left with no choice but to lure her new boss.
Diretso siyang pumasok nang bumukas ang glass door. Sinigurado niyang nagmumukha siyang natatakot para kaawaan nga siya ni Theo. Kahit na diring-diri na siya sa kanyang ginagawa ay tinititiis niya.
"Sir?" she called out softly.
Nag-angat ng tingin sa kanya ang boss. His impassive expression welcomed her.
She was hesitant to approach him. Of course, it was just a part of her drama.
"Have a seat, Miss Parreño." His voice was stern. Enough for her to shiver.
Namayani nang ilang segundo ang katahimikan. She was counting inside her head. If her plan works out, wala nang magiging problema. Saka na lang niya iisipin ang maaaring kahihinatnan ng naisip niya.
Yumuko siya dahil ayaw niyang salubungin ang mga mata nito. But she can feel him darting her with firm stares. Ilang beses siyang lumunok dahil matutuyo na yata ang kanyang lalamunan.
"Magtititigan na lang ba tayo, Sir?" Hindi na niya natiis na magsalita. She saw how his lips twitched.
"Am I fired?" mahina niyang tanong.
Umayos ng upo si Theo.
"What else do you think I should do, hmm?"
Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. She can sense that he's up to something.
"Sir, I'm sorry..." panimula niya.
"I don't accept apologies, Miss Parreño. And I hate gossips... Really hate." Madiin ang bawat salita nito.
Agad na bumagsak ang balikat niya. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay para makabuwelo ng lakas ng loob. She deliberately bit her lower lip in a sexy manner. Sa ngalan ng katotohanan at katarungan, handa siyang isuko ang Bataan---
"Unless you go on a dinner with me."
Napakurap siya.
"Po?"
"Dine with me then you'll stay in my company," he said plainly.
She pretended to be surprised. She smirked inside her mind.
"Talaga po?"
"You heard it right. Don't worry, it's just a dinner. I just want to know you more..."
His last sentence echoed in her head. Ngumiti siya nang makahulugan. Iyon lang 'yon? Hindi man lang siya pinagpawisan.
"Iyon lang po ba? Wala pong problema sa'kin, Sir. Salamat po!"
Pinagkiskis niya ang kanyang mga palad.
"Now, go. See you on Friday night."
She nodded. That was the day after tomorrow. She smiled triumphantly when she walked out of his office.
Nang tuluyan na siyang makalabas ay sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mga mukha ng kanyang mga kasama.
"Anong nangyari?"
"Bakit ka nakangiti?"
Isang kindat lang ang itinugon niya sa mga ito bago siya umupo.
"Uy, girl, kuwento ka naman," bulong ni Evelyn.
"Hindi ako nasisante, kumalma kayo," aniya.
"What?!" gulat na sagot ng dalawa. Nanlaki pa ang mga mata nila.
"Hindi nga?" Si Ruth ang unang naka-recover.
"Hindi ka pinagalitan?" Ngumiti lang siya bilang tugon. Suminghap ang dalawa.
"Bago 'yon, ah! Hindi kaya nasaniban ng mabuting espiritu si Sir? Eh, 'di ba nga 'pag may nakikita siyang konting pagkakamali sisante kaagad? Tapos si Liberty, hindi man lang pinagalitan!"
Pinandilatan ni Ruth si Evelyn. "Hinaan mo nga ang boses mo, at huwag kang magpahalatang nag-uusap tayo, mamaya ikaw pa ang masisante."
"Pero seryoso, hindi ka talaga pinagalitan? Ano bang ginawa mo?" usisa ni Ruth.
Nagkibit lang ng balikat si Liberty. Hindi kaya may gusto sa kanya si Theo? If that's the case, it would be a big favor to her.
"Ay, iba ka! Ikaw pa lang ang na-special treatment dito!" wika ni Evelyn.
Liberty can't help but to grin. Theo's just making things easier for her. Who wouldn't want that?
Pagkatapos ng usapan iyon ay tumutok na siya sa trabaho. She also noted things mentally.
Inilibot din siya ni Ruth sa buong building at ipinakilala sa mga section heads. Pero hindi pa rin makapaniwala ang dalawa sa kinahinatnan ng ginawa niya kaninang umaga.
Nang umuwi siya ay ipinadala niya sa e-mail ni Captain Red ang iba't ibang affiliates ng Montreal Estates. Nakuha niya ang listahan kanina nang itinuro sa kanya ni Ruth. Agad siyang kumuha ng sariling soft copy.
--------
SHE stared on her reflection. She jus wore a simple coral red dress. It was perfectly hugging her body. Kaya naman kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan. Hindi naman kasi maitatanggi na maganda ang hubog nito. It's Friday, at ito na ang gabing pinakahihintay niya. She'll make sure na may makukuha na naman siyang bagong impormasyon ngayong gabi.
She just applied light make up and nude lipstick. Siguro magta-taxi na lang siya papunta ng Montreal building.
Nang tuluyan na siyang makababa ay nagulat siyang may nakaabang na Mustang sa harap. Nagkandahaba pa tuloy ang mga leeg ng ibang mga tenants.
"Sino 'yan? Date niya?"
"Ang yaman!"
She just shrugged and continued walking. Bumukas ang bintana ng sasakyan. Bumungad sa kanya ang napakagwapong mukha ng kanyang boss. Lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto sa kabila.
Agad niya namang ikinabit ang seatbelt.
"Paano n'yo po nalaman ang tirahan ko?" aniya.
"Resumè," tipid nitong sagot.
Napatango naman siya. Her boss really never failed to surprise her.
The ride was fast and silent. Naging awkward bigla ang atmosphere. Theo has turned into a magazine, nababasa niya ang gustong ipahiwatig ng galaw nito.
Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang Italian restaurant. She admits, first time niyang pumunta sa ganitong lugar, though she can afford this kind of restau. Hindi lang talaga siya mahilig lumabas para lang kumain, unless her job calls for her to do so.
Katulad kanina ay pinagbuksan siya nito ng pinto. Parang biglang nag-evolve ang kanyang boss. May pagka-gentleman din pala ito.
The moment she stepped her foot inside, she realized how cozy the restaurant was. Mula sa mga disenyo ay halatang mga elites lang ang kumakain dito. At hindi siya kasama.
Agad ding may sumalubong sa kanila.
"Good evening, Sir, Ma'am... This way po."
Bumati rin siya pabalik. The way he addressed Theo, halatang kilala na nga niya ito. Pero ang nakapagpagulat sa kanya ay nang dinala sila nito sa isang lamesa na parang para sa mag-asawa.
Are they having a date?
The set up from the candles was all romantic. Parang handaan talaga. Ipinaghila rin siya ni Theo ng upuan. Mayamaya ay dumating din agad ang mga pagkain.
Hindi talaga halatang pinaghandaan.
"So, tell me, how did you cope with your situation? I mean, you're living alone, right?" pagbubukas ni Theo ng usapan.
Kumakain na sila. Napansin niya na panay ang tingin nito sa kanyang dibdib na parang hindi naman. Sa leeg ba? Hindi siya sigurado.
"Ayos lang po. Nasanay naman na ako. Isa pa, alam kong masaya na sila ngayon kung nasaan man sila," aniya. Totoo namang nag-e-enjoy ang parents niya sa pagha-honeymoon araw-araw sa ibang bansa.
"I see. What about your relatives? Don't you want to be with them?"
Umiling siya.
"Why?"
"I'm not really that close to them. Isa pa, malayo sa katotohanan na magkasundo kami. I'd lie to myself kung hindi ko sasabihin na wala akong hinanakit ako sa kanila. After what they did to me."
She didn't know where that came from. Pero nang tumango si Theo ay nakahinga siya nang maluwag. She really has to take note everything that she brought to him tonight.
"I see. I'm sorry about that, but I like you being honest with your feelings. You're true to yourself, Miss Parreño." Muntik na siyang mabilaukan sa sinabi nito.
"T...Thank you, Sir."
"But don't you know that piled up lies can turn into truth?" She was stunned for a moment.
"What do you mean, Sir?" kaswal niyang tugon.
"In other words, the truth value of two lies is truth, Liberty."
Her heart skipped a beat. It was the first time he called her by her first name. At hindi siya mapalagay sa sinabi nito. Ano'ng ibig niyang sabihin?
That statement turned her puzzled again. She was then silent all the way. After their sumptuous meal, Theo brought her to another place.
"Anong lugar 'to, Sir?"
Nangunot siya pagkababa pa lang niya ng sasakyan. Tahimik lang din ang kanilang naging biyahe.
"Let's go?"
Hinawakan siya nito sa palapulsuhan. She swear to earth, libu-libong boltahe ng kuryente ang dumaan sa kanyang ugat.
She tried to pull her arm but Theo seemed to be oblivious. Hindi siya nito pinansin.
Binasa niya ang pangalan sa taas.
ZERO DEGREE.
They're in the bar! Maybe may kikitain dito si Theo, at kailangan niyang magmatyag. Nang pumasok sila sa loob ay agad siyang napayakap sa sarili. Ang lamig. Manipis pa naman ang dress niya.
Napansin ni Theo na natigilan siya. Hinubad nito ang suot na jacket at pinasuot sa kanya. Napanganga siya sa ginawa nito. Walang malisyang hinila siya ulit nito at dinala sa table.
An acoustic song was playing. Napaka-cozy ng loob. May mga nag-iinuman, mapababae man o lalaki, pero halatang mga anak-mayaman.
"Bro!"
Tumayo ang isang lalaki na nasa pabilog na lamesa. Sinalubong nito ng fist bump si Theo. May dalawa pang hindi man lang natinag. Nakaupo ang mga ito at nasa hawak na kopita ang atensyon. Ang akala niya, napakaguwapo na ng boss niya, may mas guwapo pa pala. Her jaw almost dropped by the sight of these three men.
"Buti naisipan mong sumipot. And who's this beautiful lady?"
"This is Liberty, my secretary," sagot niya. Nakahawak pa rin ito sa palapulsuhan niya.
"Liberty, these are my friends, Elliot," tukoy nito sa sumalubong sa kanila.
"Sid," turo nito sa lalaking tahimik lang. Tumango naman ito sa kanya. Parang walang pakialam.
"And Levi," turo nito sa lalaking parang anak ni Zeus. Seriously? Sinalo ba nila ang lahat ng kaguwapuhan sa mundo?
Nakipagkamay siya sa kanila maliban kay Sid na doble yata ang kasungitan kay Theo.
Pinaghila siya nito ng upuan. Inilibot niya ang kanyang paningin. Ngayon niya lang napansin na parang pamilyar sa kanya ang lugar na ito. Nakapunta na ba siya rito? Hindi niya maalala.
Elliot offered Theo a drink. Ladies drink naman ang para sa kanya. Mayamaya ay may nagsalita sa harap.
"Good evening, everyone!"
Tumahimik ang lahat at bumati pabalik sa emcee.
"We know you've been waiting for this night, again. Who'd love to hear the Zero Degree?"
The audience yelled in glee. Ang mga babae ay parang binudburan ng asin. Nagsitilian na.
"Yes for Zero Degree!"
Liberty tsked. She wondered if Theo has been doing an underground business here.
"Alright, here they are again. I hope you'll enjoy the night. Let's give applause to the Zero Degree!"
Nagsipalakpakan ang audience. Kasunod ay ang pagtayo ng apat na lalaking kasama niya sa table.
"Sa'n kayo pupunta?"
Ngunit pinisil lang siya ni Theo sa pisngi. Natulala siya at hindi agad nakareak. Napahawak siya sa kanyang pisngi.
Natauhan lang siya nang magsitilian na naman ang mga babae. The next thing she knew, nasa stage na ang apat na lalaki, habang nagsisigaw ang audience ng Zero Degree.
Elliot settled on the drums while Levi was holding an electric guitar. Si Sid naman ay nasa keyboard. Pero mas natuon ang pansin niya sa lalaking nakatingin sa kanya, it was Theo. May nakasabit na bass guitar sa pahalang sa katawan nito at nasa harap siya ng mismong mikropono.
"I love you, Theo!"
"Sid!"
"Elliot!"
"Levi! Oh my gosh!"
Lalong lumakas ang tilian nang magsimula ang tugtog. Liberty literaly gasped in surprise. Nasa harapan siya kaya kitang-kita niya bawat galaw ng apat.
"You're the light, you're the night. You're the colour of my blood. You're the cure, you're the pain. You're the only thing I wanna touch. Never knew that it could mean so much, so much..."
It was Sid who started the song. Nagulat siya sa ganda ng boses nito. Sandali niyang nakalimutan ang tungkol sa trabaho niya.
At para siyang naitulos sa upuan nang si Theo na ang kumanta ng sumunod na stanza.
"You're the fear, I don't care. 'Cause I've never been so high. Follow me to the dark. Let me take you past our satellites. You can see the world you brought to life, to life."
His cold and raspy voice made her heart went wild. Nasa kanya pa rin ito nakatingin. For the first time, he showed an emotion. Longing? She wasn't sure. Ang alam lang niya sobrang lakas ng kalabog ng puso niya.
"So love me like you do, la-la-love me like you do. Love me like you do, la-la-love me like you do. Touch me like you do, ta-ta-touch me like you do. What are you waiting for?"
Sa bawat pagdaan ng daliri nito sa strings ng gitara ay namamangha siya.
Fading in, fading out
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a holy grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
'Cause I'm not thinking straight
My head's spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?
Love me like you do, la-la-love me like you do (like you do)
Love me like you do, la-la-love me like you do
Touch me like you do, ta-ta-touch me like you do
What are you waiting for?
I'll let you set the pace
'Cause I'm not thinking straight
My head's spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?
Love me like you do, la-la-love me like you do (like you do)
Love me like you do, la-la-love me like you do (yeah)
Touch me like you do, ta-ta-touch me like you do
What are you waiting for?
Hanggang sa natapos ang kanta ay hindi nagbabago ang t***k ng puso niya. She heard some girls talking about Zero Degree. Banda pala sila na nagtayo ng sarili nilang bar. She was surprised to know this side of Theo.
Right then and there, Liberty realized that Theo will be her sweetest downfall.
©GREATFAIRY