CHAPTER 5

2009 Words
CHAPTER 5 TARANTANG sinipat ni Liberty ang kanyang cellphone. She turned to her message box only to find it empty. Nasaan napunta ang message ni Theo? Sigurado siyang nabasa niya iyon. At sigurado siyang nag-vibrate nga ito kanina. How was it possible? Hindi niya maalalang may pinagbigyan siya ng kanyang numero. She did not even write it on her application letter. Even her co-detectives didn't know about her new number. Kahit si Captain Red ay walang alam. Balak pa nga lamang niyang magbigay sa kanya. And this Theo just texted her! Hindi naman siya nagkakamali sa nakita niya kanina, 'di ba? "Are you okay, Miss?" Someone asked from behind. Hindi niya napansing nasa harap pa pala siya ng office ng executive. She plastered a calmed face before turning to face the staff. "Yes. Salamat po pala. I need to go." Tinanguan siya nito ngunit sinusundan siya ng tingin. She can feel it. Nang tuluyan siyang makapasok sa elevator ay mariin niyang tiningnan ang glassdoor ng executive's office mula roon. You are hiding something, Theo Montreal. She was keen while inside the Montreal building. She already has a hunch. May itinatagong sekreto ang Theo na iyon. Soon, she'll find it out, she promised. Pagkarating niya sa apartment ay agad niyang kinausap si Leigh. Ayaw naman niyang ipaalam ang tungkol sa nangyayari sa misyon niya, wala naman siyang choice. Only Leigh can answer her questions. She wanted to gather information. She was puzzled by what just happened. She must start connecting dots from now on. "What are you trying to say? He texted you without knowing your number?" "Definitely. I was 100% sure." Natahimik sa kabilang linya si Leigh. She heard him taking a deep breath. Tiyak na nag-iisip ito. "Leigh?" "You just received a flash message. Is that what you mean?" "Yes." "Be careful, L." "What?" Napatayo siya nang tuwid. Nagpabalik-balik siya sa harap ng kanyang kama. "You should act normally like an ordinary girl. Turn off your gadgets when you're inside his premises." "But how can I--" "Find it out." Leigh cut her off. Bumuntong hininga siya. "Was that even possible, Leigh?" Curiosity devoured her thoughts. Sa ilang taon niyang pagsabak sa misyon ay ngayon lang siya nawawalan ng kontrol. She even failed to read Theo's eyes. Wala pa naman siyang napansing kahina-hinala sa lalaki maliban sa flash message na natanggap niya kanina. "I cannot give you an exact answer. Wala naman kasing ibang impormasyong nakuha sa Montreal na 'yon maliban sa negosyo niya at sa charities niya. Wala ka na bang ibang napansin sa kanya?" Napaisip siya. She tried to remember everything that happened earlier. Sa kakaisip niya ay aksidenteng nadaanan ng mga mata niya ang lamesita kung saan nakapatong ang kanyang cellphone. "Why don't you take a look at the viewfinder of your thermal camera?" Then she remembered what Theo said to her. She groaned in frustration. Bakit ngayon lang niya naalala? "He knew, Leigh. Alam niyang may dala akong tracking device!" "What?" Napasabunot siya ng buhok. Paano kaya nalaman ng lalaking iyon ang tungkol sa cellphone niya? Was he some sort of a spy? "Oo. Hindi kaya--" "L, you have to be extra careful. He might be two steps ahead of you. Just tell me anytime kung kailangan mo ng tulong ko. If I guessed it right, he's into the same track with me. He's an engineer, remember?" Natigilan si Liberty. Noon lang din rumihestro sa utak niya ang lahat. Kung gano'n pala ay kailangan niyang magpaka-damsel in distress para hindi siya masyadong mahalatang may ibang motibo. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. It was again new to her. She used to be a critical thinker when it comes to situation like this. Hindi rin siya natataranta. She used to be a calculated woman. Pero simula nang makaharap niya ang Theo na iyon ay nawawalan siya ng poise. It's as if he's her living destruction. She snorted in her own thoughts. There's no way she will let that Montreal manipulate her. He will be her bait. Liberty was determined to accomplish her mission without any trace of defeat. She trusts her guts... her abilities--and her instinct. She found herself sitting on the same chair the next morning. She was on her long sleeved polo dress. Lumilitaw ang kanyang kaputian sa kulay maroon. She was living alone ever since her parents both died---iyon ang nasa profile niyang ipinasa kay Theo kahapon. She didn't bother to know how Captain Red calibrated that story. Maaga siyang pumunta ng Montreal building at halos wala pang tao. She was also expecting Theo wasn't there pero nagkamali siya. When she entered the office, he was already there. As if waiting for her to arrive. "Good morning, Sir." Tinanguan lang naman siya nito. Hindi man lang bumati pabalik. She was silently scrutinizing his looks. Siya lang ba o may nag-iba sa awra nito? She avoided his piercing eyes. She didn't even give attention to his pointed nose, reddish lips, to his well-defined jaw, to his broad shoulders--- Napakurap siya nang ma-realise ang kanyang ginagawa. "Here's your job description." May inabot ito sa kanyang brown folder. Binuksan niya iyon at tiningnan. "I presumed you have knowledge in stenography," sabi nito sa kanya nang hindi nakatingin. "Yes, Sir." She made sure she answered with confidence. Bahagya niya itong tiningnan nang diretso sa mga mata. She has to appear like an ideal employee Theo could ever have. Mabuti na lang din at Office Administration ang nakalagay sa kanyang educational background. "Good. You will be accompanying me during my board meetings and business proposal meetings. You will be recording everything during the meetings, or if necessary, you need to jot down things." At iyon din ang pinakamahabang sinabi nito. He sounded too formal and calculated. Nakatutok na sa laptop ang mga mata nito habang nagsasalita. "Sir, hindi ba uso sa'yo ang gadgets? Puwede ko naman siguro i-record ang meeting using my phone." Hindi niya napigilang ibulalas ang nasa isip niya. And she saw how his face went stiff. Bakit kaya? "You will be recording only important matters. Hindi lahat ng pinag-uusapan ay importante, Miss Parreño." At first time niya rin itong narinig na nag-Tagalog. She couldn't argue, it was sexy. It's disturbing that he's mysteriously gorgeous in her eyes that she caught herself blinking twice again. "Okay, Sir." She scolded herself inside her mind. Kailangan niyang sanayin ang sarili na makaharap ang guwapong boss niya para hindi siya pumalpak. It's a blessing in disguised na magiging assistant siya nito sa meetings. That means more time to investigate him. Mas mababantayan niya ang bawat galaw nito. She grinned in her thoughts. She was lucky enough to be this close to her bait. "Is that all, Sir?" "Ruth will teach you everything. If you need anything, just ask her." She nodded. Nakita niya kanina na may pangalang Ruth sa isang desk. Iyon siguro ang isa sa mga assistants. Nakita niya rin na may sarili na siyang cubicle. Alam niya dahil nakita niyang may nakalagay na pangalan niya roon. They must have prepared it yesterday after she left the building. "One more thing..." he paused. Tiningnan siya nito sa mga mata. "You'll be accompanying me everytime I wanted to go out. Is that clear?" Tumango ulit siya. Eh 'di mas mabuti nga iyon. Mas mapapaaga ang pag-alam niya ng mga itinatago nitong sekreto. Sooner or later, she will find ways to get to his house. "Copy, Sir." "Good. Now, get out." Pinigilan niya ang sariling masapak ito. She really hates his guts. Para lang siyang nagtataboy ng aso kung makapagpalabas sa kanya. "Okay, Sir." Dala ang folder ay lumabas na siya. Sinunod niya ang sinabi ni Leigh. She turned off her gadgets before she entered the building. Hindi rin siya nagdala ng kung anu-anong ginagamit niya sa tuwing nasa misyon. She has to play an ordinary girl to Theo's eyes. She has to be harmless. Nang makalabas na siya ay dalawang pares ng mga mata ang sumalubong sa kanya. They greeted her in unison. "Good morning!" Bumati rin siya pabalik at naupo sa puwesto niya. "I'm Ruth." Nakipagkamay siya sa babae. Chubby ito pero maputi at maganda. Parang hindi man lang binisita ng pimple ang pisngi. "And I'm Evelyn," sabi ng isa na kulot ang buhok. Mahaba ang pilik-mata nito at maputi rin. Matangos din ang ilong at kabaliktaran siya ni Ruth--maliit. Nakipagkamay rin siya kay Evelyn bago niya ipinikilala ang sarili. "I'm Liberty." "We know." They both smiled at her. "Si Helena naman iyong kasama namin kahapon," sabi ni Ruth na hindi nakatingin sa kanya. Bahagya rin itong nakayuko na para bang itinatago ang mukha mula sa taas. Wala sa sariling napatingala siya, at doon niya nakita ang nagmumurang mga CCTV camera. Namilog ang kanyang mga mata. "Huwag kang titingala. Mahahalata ka," sabi pa nito. Agad niyang ibinaba ang tingin. "Gano'n ba talaga ang boss n'yo? Basta-basta na lang nangsisisante?" "Boss natin." Evelyn corrected her. She sighed. "E kamusta na iyong Helena?" Usisa niya at inabala ang sarili sa inabot ni Ruth sa kanyang log book. "Ayun, iyak siya nang iyak no'ng nakausap ko kagabi sa phone. Kawawa naman. Pero iwasan mong magtanong tungkol sa kanya habang nandito ka sa loob ng building, magagalit si Sir." "Ha?" "Ayaw ni Sir na pinag-uusapan ang mga nasisante niya." Mahina pa rin ang boses ni Ruth. Halos bulong na iyon. "Oh? O...kay." Pasimple na rin siyang tumango. She can also feel the pair of eyes that watches over them behind those lenses above. "Wala kang ibang gagawin kundi ang samahan siya sa mga meetings niya at i-record ang mga napag-usapan. Pagbalik dito i-encode mo iyon at ibibigay sa kanya." Nakinig na siya kay Ruth nang magsimula itong magbigay ng instructions. Si Evelyn naman ay parang may binabasang e-mail sa kanyang desktop. "Ako ang dating gumagawa nito. Pero dahil wala na si Helena, ipapasa ko sa'yo at ako naman ang gagawa ng mga naiwan niya. Iyon kasi ang bilin ni Sir kahapon." "Okay." "Huwag kang mag-alala, mabait naman 'yan si Sir. Ayaw lang niya ng madaldal. At huwag kang gagawa ng mga bagay na hindi niya magugustuhan, mawawalan ka ng trabaho in an instant." Tumango-tango siya. Ang sungit pala talaga ng Theo na 'yon. Siguro nang ipinanganak iyon ay naglipana ang mga inaaning ampalaya. "Mamaya itu-tour kita sa buong building para ma-familiarize ka sa mga heads ng every departnent. Dumadaan kasi lahat ng reports dito sa atin bago ipasok sa loob." Liberty felt at ease in an instant. Mabait naman pala ang magiging kasama niya. Iyon nga lang hindi na siya makakagalaw nang maayos gayong may nakabantay na mga mata sa kanila. "Maiba tayo, ang guwapo ni Sir, ano?" "Evelyn!" saway ni Ruth. Pero isang mahinang hagikhik lang ang itinugon sa kanya ni Evelyn. "Bakit? Totoo naman, ah. Kaya nga hindi pa ako nagre-resign kahit ang sungit niya. Maliban kasi sa mataas ang pasuweldo, nakaka-inspire magtrabaho 'pag nakikita ko siya," Evelyn exclaimed dreamily. Natawa siya. "Tumigil ka, Evelyn. Wala ka nang pag-asa kay Sir. Sa tingin mo mapapansin ka niya?" pang-aasar ni Ruth. "Habang may buhay, may pag-asa." "Mangarap ka, hindi mo naman kasing ganda si Liberty." Napailing siya habang nakikinig sa pagbabangayan ng dalawa. "Mas hindi hindi ka niya mapapansin kasi ang taba mo!" Si Evelyn. "Hoy! Chubby lang!" At nagbatuhan silang dalawa ng masamang tingin. Mayamaya'y bumaling sa kanya si Evelyn. "Ikaw, Liberty, hindi ka ba naa-attract kay Sir? 'Di ba ang guwapo niya? Alam mo bang single pa 'yon?" Muntik na siyang mapairap pero sumagot din naman. "Hindi. Bakit naman ako maa-attract do'n? Wala pa siya sa kalingkingan ng crush ko," aniya. "Ang guwapo kaya ni Sir, ang hot pa. Sobrang bango pa," Evelyn insisted. "Hindi rin. Ang kaguwapuhan niya ay mukhang bakla. Alam mo 'yon, may mga lalaki na nagiging feminine ang dating sa sobrang linis tingnan. Tapos ang pabango niya nakakasuka sa sobrang tapang," sagot niya. She then heard loud gasps. May sumipa rin sa kanyang paa. Then a pair of deep brown eyes welcomed her when she looked up. "Really, Miss Parreño?" Damn! It's Theo Montreal. ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD