CHAPTER 7
"YOU can always visit our warehouses personally, Mr. Montreal."
Matamang nakikinig si Liberty sa pinag-uusapan ng ka-meeting ng boss niya. It's Monday, at mukhang natambak ngayong araw ang scheduled meetings nito. Ito na ang pangatlong meeting na pinuntahan nila ngayong araw. At hindi rin biro ang pinagdaanan niya mula pa kanina. She has been memorizing the faces of Theo's business partners. She wasn't given a chance to take even a single photo. Mahahalata siya masyado dahil katabi niya ang kanyang boss.
"No. I'll just send our head engineer for possible visits, Mr. Chua."
Kung gaano kaseryoso si Theo sa loob ng opisina nito, mas seryoso itong kausap pagdating sa negosyo. Kanina pa niya napapansin na hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. Ni hindi nga siya nito ipinakilala sa ka-meeting nila na sekretarya siya. Nagmumukha tuloy siyang katulong na naghihintay kung kailan utusan. mabuti pa iyong sekretarya ng ka-meeting nila nakakausap nila. Nginitian niya ang babaeng medyo may edad na.
"I guess, that would be more convenient to you. Thank you, Mr. Montreal."
Sabay silang tumayo at nagkamayan. They already signed the contract earlier while talking about the partnership. Ang kompanya kasi ni Mr. Chua ang magiging main supplier sa ipapatayong condominiums ng Montreal Estates.
"It's nice doing business with you, Mr. Chua."
Tumayo na rin siya. Kinamayan din ni Theo ang sekretarya ni Mr. Chua pagkatapos niyang makipagkamay sa huli. Gagayahin na rin sana iyon ni Liberty kaya lang hinuli ni Theo ang palapulsihan niya at hinila paalis ng restaurant.
Nagtaka siya at wala sa sariling nilingon ang dalawang naiwan. Nakakunot na ang noo ni Mr. Chua.
"Sir?"
"Faster, Miss Parreño." Seryoso ang boses nito.
"Nagmamadali ba tayo, Sir?" Nasa parking lot na sila. Pinagbuksan siya ni Theo ng pinto. Agad naman siyang pumasok sa passenger seat.
"I'm starving, Miss Parreño," anito bago isinara ang pinto at umikot sa kabila.
Nagtaka naman siya. Pero nang maalalang wala nga itong matinong kain mula kanina ay naalala na niya. Hindi naman kasi nito kinakain ang mga pagkain sa restaurants. Nasa kausap kasi ang atensyon nito. Hindi tulad niya na puro kain lang nagawa niya at pag-take down ng napag-usapan. She was expecting something suspicious pero mukhang wala pa naman. Imposible naman kasing pag-usapan sa gano'ng lugar ang mga underground business. She found it boring though. Kailan pa kaya siya isasama ni Theo sa mga ibang meetings nito?
"Bakit kasi hindi kayo kumain, Sir? Sayang naman 'yong bayad," komento niya nang magsimulang nang maniubrahin ni Theo ang manibela.
"I wasn't there to eat."
Lumaki ang butas ng ilong niya sa isinagot nito. Normal na sa kanya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya. Kahit ilang araw pa lang silang nagkakasama ng boss niya ay parang kilala na niya ang ugali nito. Still, she's feeling something she can't fathom. May itinatago ito katulad ng sinabi ni Captain Red. And she will find it out herself.
Posible rin kayang inosente itong si Theo? Part of her doesn't want to believe the suspicions. Naramdaman niya nang gabing iyon na mabuti siyang tao. The way he sung the song, he was vulnerable. There were visible emotions from his eyes. Na parang may pinagdadaanan siya. Her heart was a little bit disturbed then. Pero hindi naman niya puwedeng bigyan ng kahulugan ang nararamdaman niya. Tama lang sigurong sabihing humanga siya sa boses nito. Wala nang iba.
Bumuntong hininga siya. There's three weeks left para mailabas ang baho ni Theo Montreal, at mukhang mabagal ang development ng mission niya. Kahapon ay naibigay na niya kay Captain Red ang mga pangalan ng ka-banda nito. Well, unfortunately, tanging mga first names lang ang naibigay nito. She failed 'to gather more information dahil tulad ni Theo ay may pagka-misteryoso rin ang tatlong mga lalaking iyon. Hindi kaya iyon ang totoong business partners niya at cover up lang ang Montreal Estates?
"What are you thinking?"
Agad siyang napatingin sa katabi nang magsalita ito.
"Nothing, Sir." She smiled at him genuinely. Siya lang ba o nakita niyang umigting ang panga nito?
She blinked twice. Sabagay, normal lang din iyon sa kanya.
When they arrived at building, nauna siyang bumaba kay Theo. Hindi na rin siya nito kinakausap. Hindi rin sila sabay na umakyat. Mukhang galit ang boss niya nang hindi niya nalalaman ang dahilan.
Unless, nabasa nito ang nasa isip niya kanina.
"Kamusta? Bakit mukhang pagod na pagod ang si Sir? Saan ba kayo nagpunta?" tanong ni Ruth pagkarating pa lang niya.
"Meeting," simpleng tugon niya at naupo sa harap ng desk niya.
"Bakit natalagan ang ang meeting n'yo? Iisang meeting lang naman ang pinuntahan n'yo, 'di ba?" Si Evelyn. Kinunutan niya ito ng noo.
"Anong isa, tatlo kaya."
"Ha?"
"Oo."
"Eh bakit iisa lang ang naka-schedule dito? 'Yong kay Mr. Levine." Ipinakita sa kanya ni Ruth ang logbook. At iisa nga lang ang naka-schedule ngayong araw. Pero bakit tatlo ang pinuntahan nila?
"Imposible namang magpa-meeting si Sir na wala sa schedule, unless..." Evelyn trailed off. Pero agad din itong tumahimik nang bumukas ang glassdoor at kusa ring nagsara. Wala ring lumabas.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Anyway, hayaan na nga. Magtrabaho na lang tayo."
Liberty nodded but suspicions flodded her mind. Anong meron kay Mr. Chua at kay Mr. Del Valle? Ang alam niya wala naman silang napag-usapang kakaiba. Wala ring kakaiba sa mga galaw nila. In fact, they were both suppliers of Montreal Estates, unlike Mr. Levine, he's one of the shareholders--- she gasped.
Agad niyang ginawan ng reports ang meetings kanina para maibigay kay Ruth. Bakit parang lalong gumugulo lalo ang sitwasyon niya? There's so many faces she needed to keep an eye. Pag-uwi niya mamaya ay sana may impormasyon nang maibibigay sa kanya si Captain Red tungkol kina Sid, Elliot at Levi.
Kinahapunan ay hindi na lumabas ang kanilang boss sa kanilang opisina. Nagpahatid lang din ito ng pagkain sa loob. Hanggang sa umuwi na siy ay hindi niya nakita ang pagmumukha nito.
She laid restlessly on her bed. Binuksan niya ang laptop at tiningnan ang e-mail mula kay Captain Red. She immediately deleted the thread after downloading. Alam niyang hindi naman malalaman ni Theo ang ginagawa niya pero gusto pa rin niyang magdoble ingat lalo na't hindi pa niya lubusang nalalaman ang kakayahan nito.
Binasa niya ang laman ng electronic file.
Levi Micaller
Cardiologist
Owner of El Micaller Medical Center
30 years old
In a relationship
Elliot Madrigal
Pilot
Owner of two airlines
CEO of Madrigal Corporation
31 years old
Single
Sid
No data found.
Napakamot siya ng ulo. Tiningnan pa niya ang mga pictures na kasama sa file. There were pictures na kasama ng dalawa si Theo sa mga parties maliban kay Sid. Bakit walang impormasyon tungkol kay Sid? Ngayon pa lang nagkaaberya ang kakayahan ni Captain Red.
She sent another e-mail containing the names of Mr. Chua, Mr. Levin, and Mr. Del Valle. Agad din siyang nag-dial sa kanyang telepono.
"Yes?" agad na sagot ni captain Red.
"Captain, bakit walang nakalagay kay Sid? Did you ask Leigh about this?" aniya.
"I already did it. I even asked dad and Uncle Silver, pero wala akong nakuhang impormasyon sa kanila. Baka mali ang pagkakarinig mo ng pangalan."
"No. Ilang beses pa ngang na-mention iyon no'ng Biyernes. Imposible naman. Tama rin naman ang pagkaka-describe ko ng mukha niya. How?" She sighed.
"Then it's for you to find out, L. If you could give us his complete name, baka makakuha kami ng impormasyon. I didn't find any guy named Sid associated to Montreal, Madrigal and Micaller."
"Kung gano'n, kailangan magkita kami ulit ng lalaking iyon. Baka isa siya sa mga kasabwat ni Theo sa negosyo. I e-mailed another names to you, Captain, baka naman may makukuha kang impormasyon tungkol sa kanila. I want to know if there are businesses na kapareho ng kay Montreal. They're keeping it really hard from me."
"Alright, I'll check on it. Just keep an eye to those three guys. Isang doktor pala si Levi, he might be connected to the laboratory na gumawa ng virus noon. At hindi na sila nahihirapan sa pag-transfer ng mga gamot sa buong bansa dahil kay Madrigal. There's the airline."
She nodded in agreement. May punto si Captain Red.
Nang matapos ang pag-uusap nila ng head niya ay saka rin nag-ring ang kanyang cellphone. Iyon ang ginagamit niya sa tuwing nasa Montreal building siya. She immediately picked up the phone when she recognized the caller.
"Yes, Sir?"
Umayos siya ng upo sa kama. She heard him grunt from the other line. Bakit siya nito tinatawagan nang ganitong oras? When she looked up the clocked, it's already half past eight in the evening.
"Can you come over?" hirap nitong sabi. His hoarse voice made her worried.
"Po?" She calmed her voice. Pero nagulat pa rin siya sa sinabi nito.
"I'm... I'm hungry."
"Eh 'di kumain kayo, Sir," aniya.
"I can't. Can you come over, please? Someone's outside your apartment, my driver's waiting for you."
Bumuntong hininga siya. Mukhang may sakit ang amo niya base sa boses nito. Kaya siguro ang tahimik nito kanina.
"Alright, Sir. Pupunta na po."
She heard him sighed in relief. But she was still confuse. Bakit siya pa ang nagawa ntong tawagan? Oh, well, mas mabuti nga iyon. Her target is easily submitting himself to her lair.
Nagpalit siya ng disenteng damit at bumaba. At tama nga ang sinabi ni Theo dahil nasa labas an magarang sasakyan na naghihitay sa kanya. Nang tuluyan siyang makalabas ay agad niyang tinungo ang sasakyan. Bumaba ang driver at pinagbukasan siya ng pinto sa likod.
"Good evening, Ma'am. Ako po ang susundo sa inyo."
Tumango siya at sumakay na sa itim na kotse. Hindi niya kinalimutang dalhin ang kanyang cellphone para kung sakali ay may gagamitin siya sa pagkuha ng ebidensya.
"Manong, bakit po ba ako pinapapunta ni Sir? Gabi na, ah." Hindi niya napigilang magtanong. Medyo may edad na rin ang driver, siguro ay kasing-edad lang ng daddy niya.
"May sakit po kasi siya, Ma'am. Hindi ko rin maintindihan si Sir. Ipinagluto na siya ng kusinera sa bahay pero hindi pa rin siya kumakain. Mukha rin siyang pagod na pagod. Kawawa nga siya, mag-isa na lang kasi."
Hindi nagtagal ay pumasok ang sasakyan sa isang exclusive subdivision. Bumungad sa kanya naglalakihang mga bahay. At some point, she was thankful. Mabuti naman at mapupuntahan na rin niya ang bahay nito.
After a few blocks, tumigil sa isang pulang gate ang kotse. Mataas ang pader kaya hindi kita sa loob. Bumukas din ang gate ngunit wala siyang napapansing may guwardiyang nagbabantay. Wala ring katulong na lumabas.
Pati ba naman ang gate ng bahay hi-tech!
Nang pumasok na sila ay isang napakalaking bahay ang nasa loob. Doble sa laki ito sa dating nilang bahay. It's a combination of modern and corinthian design.
"Pasok lang po kayo sa bahay, Ma'am, igagarahe ko lang itong sasakyan. Nasa second floor ang kuwarto ni Sir, pangalawa sa kanan," ani ng driver.
She nodded. Napansin niyang parang may kakaiba rin sa ngiti ng driver. Para bang tinutukso siya nito. But she erased that thought.
Pagkababa niya ay agad siyang nagtungo sa dambuhalang pinto. Pero hindi pa man niya nahahawakan ang door knob nang kusa rin itong bumukas. She huffed.
Gano'n ba talaga ka-sosyal ang isang Theo Montreal?
The floor was carpeted in the living room area kaya tahimik siyang naglakad papasok. Kusang nagsara rin ang pinto. Her mouth went wide open when she got a view of the interior design. The lights produced by crystals on the ceiling made the whole place elegant. She can even see her reflection on the floor. Mukhang kinolekta ni Theo ang lahat ng mamahaling chandeliers sa Pilipinas.
She roamed her eyes until it landed on the staircase. Mabilis niyang tinunton iyon at umakyat. Wala siyang nakikitang mga katulong na naglalakad, malamang ay nagpapahinga na dahil gabi na.
When she finally reached the peak of the staircase, she paused. May tatlong kwarto sa kaliwang bahagi. At may tatlong kuwarto rin sa kanan. May living room din na naghahati sa anim na kuwarto. At carpeted na ang buong floor.
She was tempted to check every room but she she never did. Tinunton niyang sinasabing kuwarto ng driver. She knocked twice. Pansin din niyang walang door knob ang pinto. Sira ba ito?
Her query got answered when the door automatically opened. Napanganga siya. Lahat ba ng pinto rito ay gano'n?
Pero ang mas nagpanganga sa kanya ay ang lalaking nagtatalukbong sa ibabaw ng kama.
Agad siyang pumasok. She restrained herself from checking the whole room. Na kay Theo na ngayon ang atensyon niya.
"Sir?"
Gumalaw ito nang bahagya at humarap s akanya. Pulang-pula ang mga mata nito.
"You... you came."
Hinawakan niya ito sa noo at leeg at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya.
"Ang taas ng lagnat mo!"
Agad niyang ibinaba ang dala niyang bag at inilibot ang paningin sa kuwarto. She found the bathroom. Pero bago niya tinungo iyon ay naghanap muna siya ng bimpo. She got one sa closet.
Agad niyang binasa iyon at bumalik sa kama. Nakapikit na si Theo.
"Eh kung magpa-admit kaya kayo, Sir?" aniya. Sinimulan niyang pinusan ito sa noo.
"No. I'm okay, it's just a fever."
"Pero--" she sighed. Hinawak niya ang braso nitong mabigat.
"Dapat ay kumain man lang kayo." Napansin niya kasi ang pagkaing natatakpan sa ibabaw ng lamesita. Nang tingnan niya iyon ay sopas at mainit pa. Siguro ay ipinagluto siya ng mga katulong.
"Feed me, please..." anito pero nakapikit pa rin.
Nagrigudon ang puso niya. Bakit parang iba ang dating ng boses nito? He was like begging her to take care of him.
"O..okay."
Tumigil siya sa pagpupunas at kinuha ang bowl. Umayos naman ito ng higa. Bahagya na itong nakaupo. His warm breath fanned her right hand. She tried to control her shaking hands. Normal lang sigurong alagaan ang boss niya, parte iyon ng trabaho. She was convincing herself the whole time. Iniiwas niya ang tingin sa mga mata nito sa tuwing sumusubo siya.
Nang matapos ay lihim siyang nagpasalamat. Pinainom niya ito ng tubig saka kinuha ang gamot na kasama ng pagkain kanina. Napaka-thoughtful naman ng mga katulong niya rito sa bahay. Kaya lang sayang ng efforts nila dahil hindi man lang ginalaw ng amo nila. Mabuti na lang at naisipan niya ring puntahan ito.
Nang mapansin niyang nakapikit na ulit si Theo ay dinala niya sa banyo ang bimpo para banlawan. Mabilis pa rin ang takbo ng puso niya. Sumandal siya sa pader at pumikit. Bakit gano'n na lang ang nararamdaman niya sa tuwing malapit siya sa lalaki?
Hindi maaari!
She has to finish her mission right away!
Pero bakit parang nakokonsensya siyang pinaglilihiman niya ang sariling boss.
She chastised herself. Sa inis ay sinuntok niya ang pader. Tumama ang kamao niya sa kung ano. But what bewildered her was when the wall suddenly opened.
Malakas siyang napasinghap nang bumungad sa kanya ang hindi niya inaasahan.
It was the room that answered her questions and trapped her at the same time...
©GREATFAIRY