CHAPTER 4
"S..sir."
Namutla ang babae.
"I said, let her in." Madiin ang kanyang boses at walang emosyon ang kanyang mga mata. His every word shouts authority. Maging si Liberty ay nagulat sa narinig niya.
"Alright, Sir. I'll just take her bag--"
"I'm impatient, Miss."
"Pero, Sir---"
Ngunit hindi pa man natatapos ang sasabihin ng babae nang dumagundong muli ang boses nito sa buong floor.
"You're fired!"
Gasps filled the air. Namilog ang mga mata ni Liberty.
"Sir--"
"Don't make me repeat myself. Pack your things and get out of my building. Now!"
"Sir, parang awa n'yo na po. May pinapa--"
"NOW!"
Napapiksi ang kawawang staff. Saganang dumaloy ang mga luha nito sa kanyang pisngi. Natiyempuhan yatang siya ang nasisante sa araw na ito. Hindi na bago ang ganoong senaryo sa loob ng opisina.
Theo was known to be cold and calculating. He immediately eliminates anyone who messes with him. He wouldn't keep any employee who doesn't know his arse from his elbow in business.
Tarantang nagligpit ng gamit ang staff. Ang mga kasamahan naman niya ay nagkunwaring walang nakikita. Tuloy pa rin ang pagkalikot ng kung ano sa harap ng kani-kanilang mga desktop.
"And you..." Malagom ang kanyang boses habang nakaharap sa kay Liberty.
Liberty tried hard not to flinch. Ang totoo'y hindi niya inaaasahan na ganitong Theo Montreal pala ang iimbestigahan niya. Mukhang mahihirapan nga siyang paamuin ito. She doesn't have any choice but to use her hidden feminine wiles if necessary.
"Yes, Sir?" She bit her lower lip. That earned an unknown reaction from Theo.
"Follow me." Saka ay tinalikuran siya nito. Kusang bumukas ang glass door nang ilang hakbang na lang ang layo nito sa pinto.
Noon lang pinakawalan ni Liberty ang hiningang kanina pa niya pinigil. Sumunod siya sa lalaki gaya ng sinabi nito. Pumasok siya sa glass door nang kusa itong bumukas. Humigpit ang hawak niya sa kanyang bag.
The air conditioner sent chills to her spine as soon as she entered the executive's office. Nagulat siya nang makitang napakalaki pala ng espasyo sa loob. The floor was carpeted. May malaking couch kaharap ng center table. The interior design suggests how modern the owner was. Tanging isang laptop lang ang nakapatong sa executive desk. Sa kintab ng dingding ay halos makita na niya ang sariling repleksyon.
Nanatili lang siyang nakatayo nang nasa loob na siya. Sinundan niya ng tingin ang pag-upo ng lalaki sa kanyang swivel. She secretly checked on the walls. Baka mamaya magkamali siya at siya naman ang mabulyawan. Sana lang ay makalabas siya rito nang buhay. Hindi pala madali ang misyon niya. Masyado siyang naging kampante. And now, she doesn't know where to start. Tila naglaho ang totoong katauhan ni Liberty sa kanya.
"The seat won't offer itself to you, Miss Parreño," malamig nitong sabi. Dali-dali naman siyang umupo sa isang upuan kaharap ng desk nito. Wala yatang alam ang lalaking ito kundi ang magsungit. Siguro bago siya pumunta rito kanina ay badtrip na ang lalaki.
Baka naman may nakaaway ito tungkol sa negosyo kaya napagbuntunan nito ng galit ang kawawang staff kanina. Nakaramdam siya ng inis. Bakit gano'n lang kadali sa kanyang magsisante ng tauhan? Hindi ba niya alam na maaaring nangangailang ng suporta ang pamilya ng babaeng iyon? Paano na siya makakakain gayong nawalan siya ng trabaho nang gano'n gano'n lang?
His manly scent filled her nostrils. Pilit niyang nilabanan ang kabang nararamdaman niya ngayong kaharap na niya ito. Iniwas niya rin ang tingin rito.
"Give me your folder."
Agad naman niyang ibinigay ang folder na nasa kandungan niya. Titiisin niya na lang muna ang kasungitan nito, ang mahalaga ay makapasok siya at makasama ang lalaki sa trabaho.
Panaka-naka niyang sinusuri ang buong opisina. Ni wala man lang ingay sa loob. Paano kaya nabubuhay ang lalaking ito rito? Natutukso siyang lapitan ang glass walls. For sure overseeing ang skyscrapers doon.
"Are you checking something?" bigla ay sabi nito. Napaupo siya ng tuwid.
"Nothing, Sir." Awkward siyang ngumiti. Nahuli pala siya nito kahit nasa folder ang kanyang mga mata. Pasekreto rin kaya siya nitong binabantayan?
"I didn't install infrared beams inside my office. You can check anything you want," anitong muli na siyang ikinakunot niya.
"Pardon, Sir?"
"Nothing. It looks like you're afraid. Don't worry you're safe here. Why don't you take a look at the viewfinder of your thermal camera." Tininingnan siya nito nang mariin.
Liberty gasped.
How did he know?
"W... What do you mean?"
Binalot siya ng kaba. Paano nito nalamang may dala siyang beam detector?
Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ng staff kanina. Posible kaya?
"Sir..."
"So, what do you want to do here?" bigla ay tanong nito. She cannot figure him out. Blangko ang kanyang mga mata. Para bang naka-program na sa mukha nito ang ganoong ekspresyon.
"I'm looking for a job, Sir..." she answered firmly.
"What job?"
"A... Anything, Sir?"
"The last time I checked, my company has no specified position for anything."
Napamura si Liberty sa kanyang isip. Pagka talaga ay hindi siya makapagpigil, lilipad ang kamao niya sa pagmumukha nito. Saglit siyang natahimik para mag-isip ng tamang sagot pero mas nauna pa itong magsalita.
"You should know what you want."
"Assistant, maybe?" mabilisan niyang sagot kahit hindi siya sigurado.
"I see." Tumango-tango ito. Nasa folder na rin ulit ang kanyang atensyon. Captain Red has never failed to fake her documents everytime she has to. Mukha namang napaniwala ang Theo na ito sa anumang nakalagay sa credentials niya.
"You may start tomorrow."
"Po?"
"I hate repeating myself, Miss Parreño." Napatiim siya.
"Hired na po ako? Wala nang interview?" gulat niyang tanong.
"I can just fire you anytime you mess with the rules. Now, get out of my office."
Liberty's mouth went wide open. Napakasungit naman ng lalaking ito. Kung hindi lang talaga siya nagpipigil ay nabangasan niya na ito kanina pa. Ayaw pa naman niya sa mga arogante at mukhang suplado.
"S..Salamat po."
Tumayo siya kahit na gulong-gulo pa siya. Gano'n lang ito kabilis magdesisyon na i-hire siya? Sabagay, kanina nga ay wala rin itong awa sa staff. Gusto niya sanang tanungin ang lalaki kung bakit niya nagawa iyon sa simpleng dahilan lang, kaya lang baka magbago ang isip niya at sisantehin din siya kahit na katatanggap pa lang sa kanya.
Pero wala pa rin siyang karapatang tanggalan ng trabaho ang staff nang walang sapat na dahilan. Kumontra naman ang isip niya.
Pero wala ka ring karapatang makialam, Liberty.
Halos magtagis ang kanyang mga ngipin sa gigil. Hindi talaga siya mapalagay gayong alam niyang hindi makatarungan ang ginawa ng lalaki sa staff na iyon.
She closed her eyes before speaking up.
"Bakit n'yo sinisante ang babae kanina? Wala naman siyang ginawang mali."
Sakto lang ang boses niya, hindi masyadong malakas, hindi rin masyadong mahina. At batid niyang narinig siya ng lalaki. She can feel his eyes darted on her kahit nakatalikod na siya mula rito.
"I don't keep useless people inside my company." Plain lang nitong sagot na parang natural lang sa kanya ang ganoong gawain.
"Pero simpleng--"
"If you can't understand simple rules, you can't understand the complicated ones. She deserved it."
Humarap siya lalaki.
"You mean may gano'n talagang rule dito?" Hindi niya naitago ang sarkasmo sa kanyang boses.
Was it just her illusion or he just saw him smiled?
"My words are the rules, Miss Parreño."
Liberty almost kicked his ass. Kung malapit lang sana siya sa lalaki, ang sarap niya talagang patikimin ng suntok. What he said was pointless. She wanted to argue pero ayaw na niyang humaba ang kanilang usapan.
"Okay. See you tomorrow--" Tinalikuran siya nito at humarap sa skyscrapers. Bumuntong hininga na lamang siya at tinungo ang pinto.
Ang importante ay nakapasok na siya nang walang kahirap-hirap. Magagawa rin niya ang kanyang mga plano. She will make sure Theo Montreal will pay for his criminal offense. Kahit guwapo ito ay wala siyang pakialam. Hindi naman siya attracted dito. Well, sort of convincing herself.
Ang iniisip niya ngayon ay kung paano nalaman ng lalaki na may thermal camera sa loob ng kanyang bag. She sighed.
Katulad kanina ay kusang bumukas ang glass door. Tinted pala kaya kitang-kita ang mga tao sa labas. Bukas na bukas din ay magsisimula na rin ang karera niya bilang simpleng trabahante.
"Miss Parreño."
Nakalabas na siya ng pinto nang marinig niya ang kanyang pangalan. She turned around just to see the door closing agan. Pero maliwanag na maliwanag sa pandinig niya ang sinabi nito sa kanya..
"Be careful."
Just the way he said those two words ay nanindig ang balahibo niya. Takot?
No. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Kinabahan siya lalo. Was he implying something?
Nasagot ang tanong niya nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone ng kanyang bag. Nagulat naman siya dahil wala pa namang may nakakaalam ng numero niya sa bagong cellphone na ibinigay sa kanya ni Captain Red.
She slid the lock of the phone. At lalo siyang nagulat sa kanyang nabasa.
And by the way, don't be late tomorrow.
-Theo
How on earth did he know her number?!
©GREATFAIRY