CHAPTER 3

1743 Words
CHAPTER 3 "P...pasensya na po talaga." Tumayo siya pagkatapos niyang mapulot ang lahat ng papeles. Liberty cursed inside her mind. Muntik na niyang makalimutan ang sarili niya. What was she doing? She cleared her throat and composed herself. But her eyes seem to have their own minds. She unconsciously checked on the guy she just bumped unto. She then realized na 'di-hamak na mas guwapo pala ito sa personal. For several years of being an undercover, Liberty has mastered the art of baiting a hook in just a few stares. Pero kakaiba itong nararamdaman niya sa lalaki. There's something with this guy that she can't figure out. From his well-defined jaw, pointed nose, dark eye-brows, and his piercing eyes--- everything about his looks shouts sexiness. And to add an icing to the cake, his boasting chest under his Armani suit almost chiseled to perfection. She wondered how toned his biceps could be--when flexed. Pero ang mas nakapagpabagabag sa kanyang sistema ay ang nalanghap niyang amoy nito. His strong, manly scent was driving her heart wild! "Mag-iingat ka sa susunod." Malumanay ngunit ramdam niya ang lamig sa boses nito. And for the first time in history of her bones, his voice sent her shivers. Awtomatikong tumango ang ulo niya sa sinabi nito. She was almost gawking at him that she even forgot about her tough chick skills. Ilang segundo siyang natulala bago niya napansing naglalakad na ito palayo sa kanya. Natauhan lang siya nang mapansing pinatunog nito ang sasakyan gamit ang susi. Ipinilig niya ang kanyang ulo. "Damn it!" What the hell just happened to her? Malutong siyang napamura at mabilis na tumakbo patungo sa lalaki. "Sir, wait!" Kung nakikita lang siya ng isa sa mga kasamahan niya sa M&C Detectives ay tiyak na pagtatawanan siya. She wasn't used to this kind of mission. She wondered how those actresses act like a damsel in distress without any hint of flaw. "Sir!" She raised her right hand and paced her movements. Nang tuluyan na siyang makalapit sa lalaki ay bigla itong humarap sa kanya. Pero katulad kanina ay tumahip bigla ang kanyang dibdib. He's now wearing an aviator. She was frozen in an instant. Why is this guy looks so hot? "Yes?" Napakurap siya at napamaang sa lalaki. For a second she lost herself in the middle of nowhere. Not to mention that she has a fair share of training in preparing herself to circumstances of all sorts. "Kailangan ko po ng trabaho," mahinahong sabi niya. This was again the first time she heard herself spoke like that. Kinikilabutan siya sa sariling pananalita. She saw his lips twitched. Namulsa ito. "A job?" "Ay hindi po, kailangan ko ng tagalinis ng kuko," sarkastiko niyang tugon. Namilog siya nang ma-realize ang kanyang isinagot. "Pardon?" "I mean-- oho, kailangan ko ng trabaho. Bigyan n'yo ako ng trabaho." Naghintay siya ng ilang segundo para sagutin siya nito ngunit tiningnan lang siya nito mula ulo hanggang paa bago pumasok sa kanyang sasakyan. "Teka, Sir!" Nagsimula itong umandar. Kinatok niya ang bintana ng sasakyan ngunit bigla itong humarurot paalis--- at iniwanan siya ng sangkaterbang alikabok. "s**t!" Napapadyak sa sobrang inis sa kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit naging gano'n ang inakto niya kanina. She was out of her sanity. How in the hell that guy could oppose her feminine wiles by just his firm stares? She is Liberty, and she can outwit any type of bad guys. For the record, wala pang lalaki na tumalikod sa kanya. She's always been an expert in attracting men. Ngayon pa lang nangyari na pinaramdam sa kanyang hindi siya kainte-interesado. Dahil ba sa suot niya? She checked on herself. Normal lang naman ang suot niya. Hindi masyadong sexy, pero hindi rin masyadong badoy. But she's aware that she has the s*x appeal any man could die for. Nagkamali ba siya ng technique this time? Nasa gitna siya ng pangsesermon sa sarili nang biglang may sumampal sa kanyang mukha. Napapikit siya at kinuha ang kung anumang sumampal sa kanya. It's a calling card! She automatically smiled when she read what was written on the card. ENGR. THEO S. MONTREAL Owner & CEO Montreal Estates Naglakad siya't pinara ang ang dyip na dumaan. Hindi siya sanay mag-commute pero pagdating sa trabaho ay wala siyang pake kung ano ang kailangan niyang gawin. She doesn't even care if she needs to walk for several kilometers. Humilata siya sa kama pagkarating niya sa kanyang apartment. Pinakatitigan niya ang card. That Montreal guy is something. Kailangan niyang mag-ingat. She needs to guard herself against his charisma. Sa dinami ng lalaking nakasalamuha niya, ngayon palang siya nakaramdam ng pagbilis ng t***k ng puso. The funny thing is, she's not even afraid of that man! Kaya bakit siya kinakabahan? "Sino ka ba talaga, Montreal?" she uttered. Agad din siyang natigilan nang may marinig siyang boses. "What was that, L?" It was Leigh. Napapikit siya. Nakalimutan niyang tanggalin sa tainga niya kanina ang device. And that's another thing she missed because of that guy, Montreal. "Problema mo?" aniya. They were communicating through a bluetooth earpiece. "Seems like you're having a hard time with Montreal." "I'm not. Babalikan ko pa siya. Gusto ko lang talaga siyang makita," pagprotesta niya. Pero alam niya sa sarili niyang naging tanga nga siya kanina. "At puwede ba? Huwag kang nangingialam ng misyon ko? Hindi ko kailangan ng tulong mo." She heard Leigh laughed from the other line. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi niya talaga matanggap na basta lang siyang tinalikuran kanina ng Montreal na 'yon. Hindi man lang ba siya na-attract sa kanyang s*x appeal? Hindi kaya bakla ang isang 'yon? She shook that idea away. Bakit ba niya naiisip 'yon? "I'm just trying to help, L. You know, you can't do that mission without the aid of anyone from the team." "Kaya ko ang misyon ko, puwede ba? Tigilan mo na ako. Kung wala ka lang magawa sa base, mangbabae ka kaya nang tumino ka naman." But Leigh just laughed at her. "Defensive? Don't tell me na totoo ang hinala ko. Attracted ka sa lalaking 'yon kahit unang beses pa lang kayong nagkita. I saw your face earlier." Tuluyan na siyang napabangon at tinanggal ang earpiece sa kanyang tainga. Naninindig ang balahibo niya. Attraction? Never. Hinding-hindi siya maa-attract sa kahit na sinong lalaki. Wala sa bokabularyo niya ang mga gano'ng bagay. She has programmed herself to stay away from any guy. Isa lang ang alam niya--- iyon ay ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang kakambal. Yes. She has a twin brother, but unfortunately ay namatay ito sa gitna ng misyon. Ares was betrayed by his girlfriend, na isa ring agent. Kaya simula noon ay ipinagbabawal na sa M&C ang pakikipagrelasyon sa kapwa agent. I will find that girl, Kuya. Pagbabayarin ko siya sa kasalanang nagawa niya. Drop of tears escaped from her eyes. Ares wasn't just her brother, they were best of friends back then. Lahat ng kabaliwan niya ay sinasabayan nito. They were partners in crime. Kaya nang mawala ito ay gumuho ang kanyang mundo. Noon lang din umuwi ang kanilang mga magulang mula sa abroad nang mawala ang kakambal niya. Walang alam ang mga magulang niya tungkol sa kanyang trabaho. At wala rin siyang balak na ipaalam sa kanila. She might compromise their safety. She's now Agent Liberty, wala na si Arriane, ang totoong pangalan niya. Inayos niya ang kanyang sarili saka nagpasyang kumain na lang muna. Pagkatapos ng lahat ay naisipan niyang pumunta sa Montreal building. Hindi maaaring matapos ang araw na wala siyang nagagawa. Mahalaga sa kanya ang bawat pag-ikot ng orasan. Pagkababa palang niya ng dyip ay bumalandra sa kanyang harapan ang matayog na building. Minsan ay nate-tempt na siyang gumalaw sa paraan komportable siya, pero ayaw niyang pumalpak ang trabaho niya. "Ma'am, may ID ba kayong dala? Kailangan n'yo pong mag-iwan ng ID." Tumigil siya sa harap ng guard. Kinuha niya ang ID sa loob ng kanyang bag saka ibinigay rito. "Sige, Ma'am." Tumango siya at pumasok na. Awtomatikong bumukas din ang sliding door, she got it, may sensor ito. "Yes, Ma'am?" A receptionist welcomed her. Carpeted ang sahig. Sa likod ng receptionist ay may malalaking bold letters na nakasulat. MONTREAL She wonders how rich that guy could be. Seems like every corner of the building shouts power and wealth. Hindi na siya magtataka kung bakit nagagawa nitong magpatakbo ng maruming negosyo. "I'm here to apply, Ma'am," aniya. The receptionist nodded. "I see. Can I have your complete name, Ma'am?" tugon nito habang nagsisimulang magtipa sa computer. "Liberty Parreño." She made sure she sounded natural. Gano'n na lang ang pagkagulat niya nang mamilog ang mga mata nito. "Kayo po si Miss Liberty?" Nangunot siya. Kilala siya? "Oho. Kilala n'yo ho ako?" She acted cool. She had a hunch that Theo Montreal has to do something with this. Imposibleng nalaman agad ang pangalan niya. How did that guy knew her name? Napaisip siya saglit. Sinadya niya palang mabunggo si Theo kanina kaya naglaglagan ang laman ng folder niya. Posible kayang nabasa niya sa papeles ang pangalan niya? "Yes, Ma'am. Diretso na lang po kayo sa elevator. Nasa 18th floor ang opisina ni Sir." Tumango siya at nagpasalamat. Dumiretso nga siya sa elevator. She remained calm. She's pretty sure na may surveillance ang bawat sulok ng building, and probably, Theo Montreal already had an idea about her arrival. Well, she might have achieved in catching his attention. Nang marating niya ang 18th floor ay halos malula siya sa lawak. Kasinglaki na iyon ng kalahati ng barracks nila. "Good afternoon! I'm here for Mr. Montreal," aniya sa mga babaeng nakita niya sa receiving area. "Complete name, Ma'am?" ani ng isa. Natigilan siya. Bakit palaging hinihingi ang pangalan? "Liberty Parreño po." She realized it's not that easy to trap that Montreal. Tama nga si Captain Red, she needs to gain his trust. Nakita niyang nagtipa sa computer ang babae. She was sure na pangalan niya iyon. "Dumiretso lang po kayo. Hinihintay kayo ni Sir. Paki-iwan na lang din po ang bag ninyo rito. Bawal po ang anything electronic sa loob." "Po?" "Yes, Ma'am. May sensor ang pinto ng office ni Sir. At hindi po ito magbubukas hangga't may electronic devices na nakakabit sa katawan ninyo." Napanganga siya. What about her voice recorder? Nakatago pa naman iyon sa loob ng kanyang bra. "But---" Magpoprotesta pa sana siya nang may nagsalita mula sa likod. "Helena, just let her in." She gasped. That voice.... It's Theo Montreal! ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD