CHAPTER 2

1632 Words
CHAPTER 2 WINDANG pa rin si Liberty sa sinabi ng kanyang head. Pakiramdam niya ay pinagtitripan lang siya nito. She knew very well the possible risks of her job but, what he said just blew her mind. Was he serious? Siya? Mang-aakit ng taong sa litrato lang niya nakilala? Bumuga siya ng hangin at pinakatitigan ang laman ng folder. "Captain, may nagawa ba akong mali para bigyan mo ako ng ganitong misyon?" aniya. She made sure her query sounded more like a sarcasm. Pero bored lang siyang tiningnan nito. "Ikaw lang ang nakikita kong magagawa ang misyon na 'yan." She huffed. "Ako? As in ako talaga? Sa dinami ng agents dito? Puwede rin naman si Jean o 'yong ibang boys. Why me?" "Jean is still on mission right now. And the other boys are not capable of catching that snake. Mas madaling mahalata." "Huwag mo nga akong pinagloloko, Captain. Alam ko namang pinababantayan mo kay Jean ang asawa mo. She applied as a secretary where your wife works---" "It's still a mission. Binabayaran ko siya," putol nito sa sasabihin niya. Nagsalubong na lang ang mga kilay niya. Hindi pa nga niya na-enjoy ang break niya mula sa katatapos lang na misyon tapos heto na naman ang panibagong adventure niya. Hindi ba niya deserve ang pahinga? Hindi madaling makipagpatintero kay kamatayan sa tuwing nasa field siya, ha. "Pero, Captain, kailangan ba talagang magpanggap akong may gusto sa kanya? That's just so cheap. I can just spy on him without getting close to him," she argued. Yucks! Hindi niya talaga ma-imagine ang sarili niyang lumandi ng isang lalaki. Mas pipiliin pa niyang makipagbarilan sa mga kriminal kaysa gano'n. "It's not possible, L. Malinis siya sa mata ng mundong ginagalawan niya. You need to get his trust to dig for reliable information. He maybe a monster in business world, but I know he still got a weakness. Babae, L. Mas madali siyang mahulog sa bitag ng babae." Napaisip siya. Sabagay, manyak naman talaga ang mga lalaki. "Are you telling me that I will whip him into submission?" Lumikot ang mga mata ng kanyang head. "Well, if it's possible. Just play it cool, L." "Seriously?" She gasped in surprise. Hindi siya makapaniwalang tama nga ang naisip niya. "I really can complete this mission without turning him into a s*x pawn. Ibang usapan na 'yan, Captain." Napahilamos ng mukha si Captain Red. "I bet, you can't, L. We need to know about his underground businesses. Malay natin hindi lang pala droga ang pinapatakbo niya. I believe he's running different dirty craps. And that's why you need to earn his trust para mas madali mong makuha ang mga impormasyong kailangan. At magagawa mo lang 'yon kung..." "Kung maaakit ko siya," pagtatapos niya ng sasabihin nito. "Minamaliit mo ang kakayahan ko, Captain." Bumuntong hininga si Captain Red. "Hindi kita minamaliit. May I remind you, L, you're still a 100% woman... and sometimes you need to unleash your inner vixen when circumstances ask for it. That is if you really love your job." "Of course, I love my job, Captain. Fine, I am accepting the mission," pagsuko niya. She realized she is not Agent L for nothing. Wala sa bokabularyo niya ang sumuko. "Good. I'm considering this mission, done. Basta ikaw, malaki ang tiwala kong magagawa mo. You have three months to complete your job. Are we clear now?" "Yes, Captain. Ako pa mismo ang mag-e-escort sa kanya papuntang kulungan," puno ng kumpiyansang tugon niya. "I'm counting on you, L." Saka sabay na silang tumayo at nag-fist bump. Liberty was more than confident that she will get this mission done, easily. "You may go then. May gagawin pa ako." Si Captain Red. Tumango naman siya. For sure, magmo-moment na naman iyon sa kakapanood sa video ng CCTV camera kung saan nagtatrabaho ang asawa niya. "Bye, Captain..." aniya at tinungo ang pinto. Ngunit bago pa iyon bumukas ay muli siya nitong tinawag. "L..." "Yes, captain?" "You can have fun during your mission but not too much. Remember, you're on the job," paalala nito sa kanya. Infairness, first time na nagpaalala ang head niya sa kanya. As if naman mahihirapan siya sa misyon. Sisiw lang ito sa kanya. Sanay na sanay na siyang binibigyan ng kumplikadong misyon. Isang tango lang ang itinugon niya bago tuluyang lumabas. Theo Montreal, let me see how good you are. She was determined to see this man and make him kneel in front of her. She'll make sure he'll beg just to bed her. Well, that's what she thought. Pagkalabas niya sa opisina ni Red ay sinalubong siya ni Salazar. Bahagya pa itong nakangiwi dahil sa tinamo niya mula sa kanilang duwelo. Kahit gano'n ay ito ang pinakamalapit niyang katrabaho. "Bagong misyon na naman?" anito sa kanya. Tumango naman siya. "Good luck. Mag-iingat ka. Don't forget to beep me if you need my assistance." "Mind your own mission, Salazar," she said. Kahit na lagi niyang natatalo sa pisikal na labanan ang lalaki ay magaling din naman ito at isa sa mga assets ng M&C. Salazar has background on speech and language pathology. Kaya nitong alamin ang pinag-uusapan ng dalawang tao kahit ilang metro ang layo. "Sabi ko nga hindi mo kailangan ng tulong ko." Napakamot ito ng ulo. Dati ay nagtangka rin itong ligawan siya pero hindi nito itinuloy. Dahil sa isang pangyayari noon sa M&C ay nagkaroon ng pagbabago sa kanilang standard protocol. Mahigpit na ipinagbabawal sa kanila na makipagrelasyon sa kapwa agent. "Still, mag-iingat ka," paalala nito. That's his mantra. Sa tuwing may bago siyang misyon ay paulit-ulit siya nitong pinapaalalahanan. Hindi naman siya tanga para hindi mag-ingat, 'di ba? ----- "SIGURADO ka ba na okay na sa iyo itong apartment? Pasensya na kung may kaliitan, ito na lang kasi ang bakante sa ngayon," mahinahong sabi ng kasera kay Liberty. She decided to start her job right away. Ang pinakauna niyang ginawa ay ang paghanap ng matitirhan. Hindi naman siya puwedeng umuwi sa kanila. Ayaw niyang may mapahamak habang isinasagawa niya ang kanyang misyon. "Okay na okay na po ito. Salamat po." Iginala niya ang paningin sa buong apartment. May isang kuwarto, maliit na sala at may divider lang na apador sa kusina. Kung tutuusin ay kaya naman niyang kumuha ng isang condomium unit pero hindi niya gagawin. She has to play like a plain girl for now. Iniwan niya rin sa barracks ang kanyang kotse. "Kung gano'n hahayaan na kitang mag-ayos ng mga gamit mo. Kaunti lang naman pala kaya 'di ka na mahihirapan." "Sige ho." She gave her the warmest smile she could give. Sanay siyang natatapos ang kanyang misyon sa pagala-gala lang. Pero iba talaga ngayon. She needs to act like a poor and damsel in distress woman. Malinis na ang apartment. Mukhang araw-araw itong nililinis. Una niyang pinasok ang kuwarto. Hindi kalakihan ang kama pero ayos lang sa kanya. She was used to sleep without comfort, lalo na 'pag nasa misyon siya. Inilipat niya sa cabinet ang lahat ng mga damit niya. She also brought her toiletries. Ayaw niyang lumabas para mamili pa. Siya ang tipo ng babae na hindi sinasayang ang oras para sa trabaho. She always wanted things done, fast. Nang matapos na siyang mag-ayos ay naisipan niyang pumasok sa banyo para maglinis ng katawan. Pero bago 'yon ay binalingan niya muna ang cellphone niyang tumunog. It was Leigh. Mr. Montreal daily routine starts at Celine's Coffee Shop. 7.00 sharp. Napangisi siya. Maasahan talaga si Leigh pagdating sa ganito. She wanders kung saang CCTV camera na naman ang pinakialaman nito para makakuha ng impormasyon. He's into computer kaya siya palagi ang naiiwan sa base para magbigay sa kanila ng ideya. She deleted the message before going to shower. KINAUMAGAHAN ay maaga siyang nagising. She did her daily rituals and just had a sandwich and egg for breakfast. Nasanay rin kasi siyang kaunti lang ang nakakain dahil sa trabaho niya. She just wore a simple black skirt paired with long-sleeved white blouse. She just applied powder instead of make up. She needs to look natural. A small amount of lip tint made her lips appear naturally kissable. She stared on the full-length mirror before she left the apartment and went straight to the coffee shop Leigh was referring to. Bitbit niya ang ilan sa mga dokumentong inihanda na ni Captain Red para sa pag-a-apply niya ng trabaho. Liberty Parreño was her second identity. Ayaw niyang gamitin ang totoong pangalan niya lalo na sa trabaho. Inilugay niya ang kanyang buhok. Bumagsak ito lagpas sa kanyang balikat. She made sure she looked like an ordinary applicant hunting for a job. 7.29. Malapit na siya sa tapat ng coffee shop. Marami itong katabing mga establishments. Sinulyapan niya ang matayog na Montreal building sa tapat nito. Kailangan niyang makakuha ng blueprint ng building na iyon. She shifted her gaze to the parking lot beside the coffee shop. Her eyes landed on the latest model of Maserati. I'm gonna ride that car myself. A smile formed her lips. How she loves cars. Nakita niyang bumukas ang glassdoor ng coffee shop. Marahan siyang naglakad at itinuon ang kanyang atensyon sa daan. She walked naturally. For five years, she has already mastered the different rhythms of walking. Bahagya siyang nakayuko habang naglalakad. Kailangan niya makakuha ng trabaho ora mismo. She occupied herself with different thoughts while walking until she unvoluntarily stopped when she bumped unto someone. Nabitawan niya ang hawak niyang folder at kumalat ang mga laman nito. As planned. "Sorry! Sorry po!" wika niya at yumuko para pulutin ang mga papeles. "Damn! Are you okay?" But when she heard that baritone voice, she lost her poise in an instant. Bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya iyon napaghandaan. Masyado siyang naging kampante sa kanyang kakayahan. Nang tumingala siya'y sumalubong sa kanya ang nakakakuryenteng tingin. ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD